Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNANG KABANATA

PANIMULA

-Ang bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang layunin at gampanin sa mundo. Sa takbo ng pang-araw-
araw na pakikipag-ugnayan, ang ilan sa mga pananaw at desisyon ng mga indibidwal na tao ay apektado
o naiimpluwensyahan.

(Woo, 2019) Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangian din na siyang nagpapakatangi sa pagiging
tao nito na minsan ay nakatutulong upang gawing makabuluhan ang buhay o minsan naman ay
komplikado

(Knafo-Noam et.al, 2015) Ang pagiging bata ng mga bata ay may natatangi rin na impluwensiyang hatid
sa mga taong nakakasama o nakakasalamuha nito. Inaasahan na ang mga bata sa murang edad ay
masasabing muwang pa sa buhay ng reyalidad, may kahinaan, nakadepende pa sa mga magulang o mga
mas nakakatanda rito, at nasa proseso pa lang ng pagkatuto ngunit may impluwensiya itong hatid sa
mga taong nakapalibot dito dahil sa kakayahan nitong maiparamdam sa kanilang kapwa ang mga
mensahe at pananaw nan ais ipabatid nito

-sa pag aaral nila Salanga at Yabut(2017) ) sa kanilang pag-aaral sa ‘Ang Pangkaraniwang
Pagpapakahulugan at Behavioral Na Manipestasyon Ng Pakikisama’, sa pamamagitan ng partisipasyon,
ang mga indibidwal ay maaaring makakuha ng access sa mga kursong makakatugon sa kanilang mga
pangangailangan. Sa mga pakikipag-ugnayan sa lipunan, ang pagsasama ay isang aspeto na naglalayong
ibahagi ang mga kagustuhan at pagsunod sa mga gawain. Ang isang tao ay nakikipag-usap sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at pag-aaral tungkol sa kanilang mga katangian, at pag-
uugali. Ang layunin ng pakikisalamuha ay hindi lamang upang makihalubilo sa mga taong kapareho niya
ang mga katangian, kundi pati na rin ang makihalubilo sa mga taong taliwas sa kanyang mga kagustuhan
at personalidad. Sa pagsasamahan, nabubuo ang pag-unawa sa mga bagay upang subukan ang mga
desisyon at aksyon sa buhay. Kaya naman sa mga palabas sa telebisyon o pelikula, kadalasan ay nasa
proseso ng pagpaparating kung paano makilala ang mga karakter.

KALIGIRAN SA PAG AARAL

-Sa papel na ito, sisipatin ng mga mananaliksik ang mga katangiang tinataglay ng mga batang bida sa
pelikula partikular na ang ‘Pan de Salawal’ kung saan ang batang bida ay pinangalanang ‘Aguy’, at ang
maikling pelikula naman na ‘Ugbos ka Bayabas’ kung saan ang pangalan ng karakter ng batang bida ay
‘Kadoy’ na sasailalim sa semiotikang pag-aaral.

TEORETICAL NA BALANGKAS

*insert figure 1 from documents*


KONSEPTWAL NA BALANGKAS

*Insert figure 2*

PAGLAHAD NG SURILANIN

-Ang representasyon naman ng midya sa mga batang bidang karakter ng mga pelikula ay minsa’y may
negatibong imahe kung saan masyadong ‘niroromanticize’ ang paraan ng pagsasalita nito at paglalahad
ng mga ideya na masyado nang nailalayo sa reyalidad. Ang pagkaka-eksekyut ng kilos ay maikokonsidera
naman angkop sa karakter ng mga batang bida ngunit ang ilan sa mga gawi nito ay maaaring magpakita
ng ibang pagpapakahulugan na kung saan ang ilang mga gawi na hindi maganda ay ginagawa sa paraan
ng katatawanan.

LAYUNIN NG PAG AARAL

1. Ano-anong mga katangian ang ibinibida ng mga batang tampok upang matukoy itong
maimpluwensiya?

2. Paano nahuhubog ng mga batang may ganap ang pananaw ng iba pang tauhan sa teleserye sa
pamamagitan ng:

• Kilos • Salita • Pag-uugali

3. Paano naging epektibo ang karakter ng isang bata sa mga teleserye upang ito’y kapulutan ng aral ng
mga taong nakapalibot dito?

MGA PAGPAPALAGAY

Unang hipotesis: Inaasahan na mas magiging malalim pa ang pag-unawa sa mga karakter ng batang bida
sa mga pelikula upang ito’y ituring na makapangyarihan na tauhan sa paghubog ng pananaw at
kalinangan ng mga taong nakapaligid dito. Ikalawang hipotesis: Mahalagang aspeto ang mga kilos, salita,
at disposisyon ng mga batang bida sa mga pelikula upang matukoy ang mga natatanging kakayahan at
ideyolohiyang taglay nito para makapanghimok ng damdamin ng mga nakapaligid na tauhan dito.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Sa madlang taga-subaybay, upang mawangis nila nang maayos at mabigyang buhay ang pagpapahalaga
sa karakter na ginaganapan ng mga batang tampok sa mga pinoy films.

Sa mga magulang, upang magsilbi itong gabay at reyalisasyon na may mga natatanging katangian na
tinataglay ang bawat bat ana kinakailangan ng masusing pag-unawa at pag-iintindi upang lubusan pa
itong makilala at maihubog nang tama ang karakter.
Sa mga mambabasa, upang maipabatid na ang pagsusuring ito sa paraang semiotika ay hindi mababaw
kundi mahalagang uri ng pananaliksik na binibigyang-pansin ang mga detalye na makapagpapalabas ng
mga nakatago pang kahulugan nito.

Sa mga susunod pang mananaliksik, upang magkaroon ng karagdagang-batayan para sa mga susunod
pang pag-aaral na maaaring magamit bilang pang-alalay sa argumentong ilalahad.

SAKLAW NG LIMITASYON NG PAG AARAL

• Dalawang pelikula lamang ang susuriin kung saan isang batang bidang babae at isang batang bidang
lalake ang tampok dito upang makita rin at maipagkumpara ang mga aspetong ipapakita ng mga
karakter nito bilang maimpluwensyang mga tauhan.

• Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa impluwensiya ng mga batang bida sa mga pelikula sapagkat taglay
nito ang kwalipikasyon na makatutugon sa mga pangangailangan ng nasabing pag-aaral. Gayunpaman,
naniniwala ang mga naatasang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ang magbubukas ng pinto tungo sa
kalinawan at kalinangan ng pagbibigay halaga ng mga sumusubaybay sa sa mga ganitong uri ng pelikula
na sa bawat yugto ng pagsasagawa ng mga eksena habang tinatampok ang mga batang bida ay mas
maunawaan ang karakter nito

DEPINISYON NG TERMINO

• Batang bida - tinutukoy ang karakter na sina Aguy mula sa pelikulang Pan de Salawal at si Kadoy na
gumanap na bida sa pelikulang Ugbos ka Bayabas

• Pelikula – tinutukoy ang pinoy films na Pan de Salawal at Ugbos ka Bayabas

• Impluwensiya – tinutukoy ang kalakasan na tinataglay ng mga karakter ng batang bida sa mga
nabanggit na pelikula

• Pananaw – tinutukoy ang paniniwala ng mga karakter at batang bida sa pelikula

• Simbolismo – tinutukoy ang mga nakakubling mensahe na mahihinuha sa pgsusuri sa papel na ito

• Kilos – tinutukoy ang mga natatanging asal o gawi ng mga karakter na sinusuri

• Salita – tinutukoy ang mga diyalogo na nasambit sa sinusuring pelikula na gagawing kasangkapan
upang maintindihan ang tekstong pinapahiwatig nito

You might also like