Module 02 Sa Fil 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ST.

CLARE COLLEGE OF CALOOCAN

I. ARALIN 2: MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA: Pagbuo


ng Tala-Basa o Reader Response Journal

A. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng bawat mag-aaral ang mga

sumusunod:

1. naipapaliwanag ang kahulugan, katangian, at proseso ng mapanuring pagbasa sa

akademiya;

2. naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong, at mga paggrupo at pang-indibidwal

na gawain kaugnay ng mapanuring pagbasa; at

3. nakabubuo ng reader-response journal (tala-basa) o ukol sa binasa.

B. DEPENISYON

Pagkatapos ng araling ito , inaasahang maibibigay ang kahulugan ng mga

sumusunod:

1. Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa)

2. Skimming

3. Brainstorming

4. Tradisyunal na pananaw

5. Pananaw na kognitibo
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
6. Metakognitibong pananaw

C. PAGGANYAK (MOTIBASYON)

1. Lagyan ng tsek batay sa iyong karanasan, obserbasyon o pag-aaral, at


ibigay ang iyong dahilan kung ito ba ay minsanan mo lang tinitingnan o ito
ay iyong binabalikan. Ipaliwanag ang iyong dahilan.

Binabasa Minsanan Binabalikan Dahilan

1. Komersiyal sa Youtube

2. Menu sa restawran

3. Librong pambata

4. Polyeto o leaflet ng
protesta ng isang grupo

5. Balitang nakita sa FB.

D. PAGTATALAKAY
Basahin ang sumusunod na bahagi ng mga artikulo. Sagutin ang kasunod
na mga tanong ukol dito.
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
Pilipino ka ba? Makikilala mo ba ang kapuwa mo Pilipino? Paano?
Ayon kay Neni Sta. Romana-Cruz (You Know You’re Filipino If… 1997) may
mga palatandaan para kilalanin ang isang Pilipino. Narito ang ilan…
 Nagmamano sa nakatatanda, kamag-anak man ito o hindi.
 Inuulit ang mga palayaw at ginagamit ito maging ng pulitiko. Hal. Junnjun,
Tingting, Noynoy, Jojo, Dondon, Bonbong
 Gumagamit ng panghilod na bato kapag naliligo.
 Naghahanap ng tabo kapag maliligo.
 Kahit mangutang, maasama lang sa selebrasyon ng piyesta.
 Mahilig sumutsot o tawaging “hoy” ang kakilala o di-kakilala.
 Mahilig sa matamis na spaghetti, may sahog pa na matamis ding hotdog.
 Magaling maglaro sa salita lalo sa pagbibigay-ngalan sa establisimyento (hal.
Felix D’Cut; Miss Sagu; Elizabeth Tayloring).

Napakarami pang pruweba. Ngunit iisa nga bang mag-isip, kumilos,


magkagusto, magsakita ang mga Pilipino? Bilang kapitbahay, paano mo
kikilalanin ang iyong kababayan? Bilang kamag-aral? Kaibigan? Katrabaho?
Kapuwa?

Hindi homogenous ang Pilipino, hindi iisang anyo, takbo ng pag-iisip? Gamit
ng wika. Ngunit dahil na rin s pangkasaysayan, panlipunan, pampolitika, pang-
ekonomiya, pangheograpiya, at pangkulturang salik, parang napag-iisa ang mga
Pilipino sa pagpapahayag at damdamin, gayundin sa isip, salita, at gawa.

“Pinoy Nga” ni Piya Constantino Rodriguez


ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
1. Masasabi bang mapanuri ang akda? Bakit?
2. Mapaniniwala ba ang mga binigay na halimbawa? Ipaliwanag ang sagot.
3. a. Kung oo ang sagot sa naunang tanong, magbigay ng iba pang halimbawang
magpapatunay ng pagkakakilanlan sa isang Pilipino batay sa karanasan o
obserbasyon.
b. Kung hindi naman ang sagot, patunayan ito sa pamamagitan ng kongkretong
halimbawa.

Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Mambabasa


Maraming tekstong binabasa pagdating sa kolehiyo. Ang uri, anyo, estruktura, layunin,
at pinal na output nito, gayunman ay nakabatay sa kurso. Narito ang ilang halimbawa:

Panitikan
- Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay, maikling kuwento, telenobela,
pelikula, at iba pa)
- Artikulo ng panunuring pampanitikan

Pisika
-Resulta ng eksperimento
-Siyentipikong Report

Sikolohiya
-Eksperimento sa laboratory
-Case Study at siyentipikong report

Lingguwistika
-Analisis ng grammar ng isang wika
-Pag-aaral ng diksyunaryo at bokabularyo ng isang wika
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN

Estruktura ng Tekstong Akademiko

1. Deskripsyon ng Paksa

Kasama rito ang depenisyon, paglilinaw, at pagpapaliwanag. Karaniwan itong makikita sa


simula ng teksto.

2. Problema at Solusyon

Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang pinakatema ng teksto at ang


punto at layunin ng paksa, ang gusting patunayan, ipaggiitan, isangguni, ilahad, at paano ito
mauunawaan. Dito umiikot ang pagtalakay sa buong teksto, at iba pa.

3. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya

Maaari itong kronolohikal (panahon) o hierarkikal (ideya).

4. Sanhi at bunga

Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensya at katuwiran sa teksto.

5. Pagkokompara

Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang patibayan ang
katuwiran.

6. Aplikasyon

Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.


ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
Partikular na estruktura ng tekstong akademiko, depende sa layunin nito:

1.Estruktura ng tesis
Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan. Narito ang
dayagram:

Introduksiyon
Paksang Pangungusap

Katawan
Paksang Talata
Mga Detalye
Argumento
Katuwiran
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng Pangungusap

Kongklusyon
Argumentong Kongklusyon
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN

2. Estrukturang Problema-Solusyon
Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon

Introduksiyon
Paksang Problema at/o Solusyon

Katawan
Mga Detalye
Mga ebidensya
Mga Katuwiran
Mga Posibleng Solusyon

Kongklusyon
Resolusyon/Mungkahing Solusyon o Kawalan ng Solusyon
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
3. Estrukturang Factual Report

Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.

Introduksiyon
Pangunahing Paksa

Katawan
Mga Detalye
Mga Paliwanag

Kongklusyon
Pangkalahatang Buod
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN

Mapanuring Pagbasa: Mga Estratehiya


Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo, at
mapamaraang pagbasa upang higit na maunawaan ang binabasang akda.

1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensya, at suriin kung gaano
kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang
mababasa upang maging malinaw ang ipinahahayag ng teksto.
3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga
kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang stratehiya upang maunawaang mabuti
ang teksto. Ilan sa mga ito ang pre-viewing o pre-reading, skimming, at brainstorming.
Pre-viewing o Pre-reading (Bago bumasa)
Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo. Halimbawa ay ang
may-akda at kilalang personalidad na kaugnay dito.
Skimming
Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto ngunit titingnan ang pangunahing
bahagi nito upang malaman ang pangkalahatang kaalaman.
Brainstorming
Upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman ay maaaring magkaroon ng
talakayan ng isa o higit pang grupo.

Metakognitibong Pagbasa tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa


Tatlong teorya, pananaw, o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto
kaugnay ng pagbasa.
1. Tradisyunal na pananaw –Matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya,
impormasyon at kahulugan para sa mambabasa.
2. Pananaw na kognitibo – Ito ay kung saan may interaksiyon ang mambabasa sa
teksto.Bumubuo ng hipotesis o haka-haka, tinatanggap ang mga ideya o pahayag sa
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
teksto, nagbibigay-interpretasyon sa mga datos, kumukuha ng impormasyong kaugnay
g datos sa teksto, nagbibigay-interpretasyon sa mga datos, kumukuha ng
impormasyong kaugnay ng datos sa teksto mula sa dating kaalaman, nabasa, nakita,
napanood, at narinig. Ang pananaw na ito ay kaugnay ng top-down na paraan
(Goodman 1990), Sikolingguwistikong Modelo ng teoryang Iskema (Brumelhart 2004),
at Konstruktibong Pag-unawa (Dole 2004).
3. Metakognitibong pananaw.(Klein et al. 2004). Pangunahing katangian nito ang pag-
iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa. Kaalaan, estratehiya, at teksto ang
gabay ng pananaw na ito. Kumbaga, nakukumpleto ditto ang kulang na katangian ng
tradisyonal (teksto lamang) at kognitibo (kaalaman at estratehiya lamang).

Proseso ng Metakognitibong Pagbasa


Bago basahin ang teksto:
1. Estratehiya – Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o gusting
basahin ang teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap –Ito ay sa loob ng teksto na
kadalasa’y nasa unahan ng talata o introduksyon, at kung minsan ay nasa kung paano
masasabi ng mambabasa ang paraakabuuang mensahe ng teksto.
3. Linawin, bigyang tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa
ang teksto –malinaw ba nitong naipapaliwanag ang layunin o naliligaw ang argumento?
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensya – Ito ba ay ang
angkop, kapani-paniwala, mapagkakatiwalaaan, o sinaliksik ba ang mga ito?
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat – Kung ito ba ay organisado at ano ang estilo ng
pagsulat ng may-akda, at kung saang perspektibo ito nakabatay.
6. Alamin ang gamit ng wika – Kung ito ba ay angkop sa uro ng teksto, layunin, sa
iniisip ng mambabasa at tono batay sa gamit nitong wika.
7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksyon kung ano ang susunod na mangyayari
batay sa integrasyon ng mga datos, teksto, salitang alam mo bilang mambabasa, mga
impormasyong galling sa media, at iba pa.
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto – Maaaring ibatay ito sa alinman
sa sumusunond:
a. Mga paksang pangungusap sa bawat talata
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN
b. Pagkakasunod-sunod ng mga ideya mula sa iyong pagtatala
c. Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
d. Pagkokompara ng mga pangyayari o ideya at datos sa loob ng teksto.
e. Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang
pangkalahatang mensahe ng teksto.
9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga tinukoy sa teksto, sariling
opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa labas ng teksto (halimbawa: media ,
pamilya, komunidad, bansa, libro at iba pa).Dapat na malaman kung natamo ban g
may-akda ang kanyang layunin at kung maaari ba itong magkaroon ng kontribusyon sa
mundo ng kaalaman.

Mga Responsibilidan at Gawain ng Mapanuring Mambabasa

1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksiyon sa teksto, masusi itong binabasa at hindi


pahapyaw lamang.
2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.
3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya.
4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba.
5. Maalam, nagsasaliksik, at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang teksto.
6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anoman ang palagay sa binasang akda.
Halimbawa: Politically correct na mga salita na may respeto sa kasarian, lahi, pisikal na
kalagayan, estado, relihiyon, grupo at iba pa.)
7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa pagpapaunlad ng kaalaman.
8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula sa
teksto.
9. Sinusuri ang teksto mula sa iba’t ibang lente at hindi mula sa iisang pananaw
lamang.
10. Nabibigyang-pagpapahalga at pagtatasa ang mga ideya sa teksto.
ST. CLARE COLLEGE OF CALOOCAN

You might also like