Module 4 Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KOLEHIYO NG MAASIN

Nisi Dominus Frustra


Maasin City

MODULE IN GEO 5 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Module 4- Week 4 – Fonim: Istruktura at Kalikasan ng Wikang Filipino

A. Mga Layunin:
Sa katapusan ng leksiyon, ang mga mag-aaral ay
1. magiging sanay sa tamang pagbigkas ng iba’t ibang tunog ng mga salita;
2. makapagbuo ng mga salita gamit ang iba’t ibang paraan

B. Mga Nilalaman
1. Digrap /ng/
Ang digrap ay dalawang magkasunod na katinig – ng- ngunit iisa lamang ang
bigkas. Maaring nasa unahan, nasa gitna o nasa hulihan ng salita.

Unahan Gitna Hulihan


ngitngit panganib gunting
nguso pangalan sumbong
ngalan langoy bubong
ngiwi sangay sabong

2. Mga Fonimang Malayang Nagpapalitan


Ito ang mga fonimang e-i, o, u at r-d na maaring magkapalit ng gamit
ngunit walang pagbabago ang kahulugan.

Hal: babae – babai totoo – tutuo nuon - noon


lalake – lalaki salu – salo butuhan - botohan
karumata – karomata bibi – bibe pares – paris
diretso - derecho

3. Mga Pares Minimal


Ito ay pares ng mga salitang magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa
isang fonim na siyang nakapg-iiba sa kanilang kahulugan.

Mga hal:

Benta – binta pulo – polo butas – botas kulay - gulay


Oso – uso opo – upo tela - tila pala - bala
Mesa – misa iwan – ewan iba – ipa bos – bus
belo – bilo likaw – ligaw lapat – lapad pasa – basa

4. Mga Diptonggo
Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, aw, oy at uy. Alinmang patinig na
sinusundan ng malapatinig na w at y sa loob ng isang patinig ay itinuturing na
isang diptonggo. Ngukapag ang y at w ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig kaya hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa:
May Diptonggo Walang Diptonggo
Ma-ba-baw ali-wan
Sa-liw lu-ya
Ka-suy tu-yo
rey – na sa-ya-wan
sa-lay-say la-wa
ka-hoy
C. Pagsasanay

C1. Pares Minimal – Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pares ng salitang
maituturing na may pares minimal:

_____1. Kape:kafe ______6. pagibig – pag-ibig


_____2. diles: riles ______7. silya:Selya
_____3. pantay:panday ______8. ilog: irog
_____4. bubo:bobo ______9. marumi: madumi
____ _5. pera:pira _____10. sanay:sangay

C2- Diptonggo
Lagyan ng tsek ang bilang ng mga salitang may diptonggo.

______1. baliw _____8. apoy


______2. liwayway _____9. Yoyong
______3. niyog _____10. mababaw
______4. biyahe _____11. lawa
______5. daluyong _____12. tihaya
______6. aruy _____13. kamay
______7. daloy _____14. beywang

D.Ebalwasyon
Pasubok

E. Gawain
Pag-aralan ang buod ng sanaysay na pinamagatang Tungkong Kalan at sagutin
ang mga tanong na makikita pagkatapos ng sanaysay.:

Tungkong Kalan
Feliciana Banzon

Tungkong kalan ang tahanan, paaralan at simbahan sa paghubog ng ating kabataan


ng magagandang gawi at asal Ngunit nakalulungkot sabihin na sa kasalukuyan, ang tatlong ito
ay may kanya-kanyang pagkukulang, kaya ang karamihan sa ating mga kabataan ay
nangaligaw sa mabuting landas

Saksi ang panahong nakalipas kung paanong ang pagmamahal at kalinga ng


tahanan, ang mga turo ng mga guro, at ang mga pangaral ng mga pari ay nagkatulung-tulong
upang ang kabataan ay mahubog sa kabutihan. Kung sa bagay, may mga bata ring lumalabas
na “tupang itim sa pamilya” ngunit kung paghahambingin ang bilang ay masasabing higit na
nakararami ang sa ngayon. Ano kaya ang dahilan?

Karamihan sa mga bata noon ay hubog sa magagandang pagmamahal at disiplina ng


mga magulang. Ang mga magulang ay laging may panahon para sa mga anak. Ang mga bata
noon ay mga magalang at magpasintabi muna bago magsidaan sa harap ng mga matatanda.
Sa ngayon, may mga batang walang pakundangan at walang pansin kahit na may matandang
madagil o matisod sa kanilang pagtakbo.

Noong araw, ang mga bata ay hindi basta nakasasabad sa usapan ng matatanda;
kung hindi tatanungin ay hindi sasagot. Hindi katulad ngayon na may mga batang kahit hindi
tinatanong ay nagpapauna nang nagsasalita at nagbibigay ng impormasyon.
Sa ngayon ay itinuturing ng mga magulang na matalino ang isang batang matabil at
nakikipagtalo sa matatanda. Para sa kanila madudungo raw ang bata kapag sinawata sa
katabilan. Ngunit ano ang nangyari? Lumabis at umabot sa kasukdulang umaangil at
sumasagot sa matatanda.

May mga magulang na ipinatamasa sa mga anak ang labis na kalayawan na lampas
sa tunay na kahulugan ng kalayaan. Sa pagkabulid sa anak sa kasamaan, ang mga magulang
ay may bahagi. May mga magulang na halos wala nang panahon para sa mga anak dahil
sobrang abala sa mga gawaing sosyal. Lahat ng bagay ay iniasa na lamang sa mga katulong.
Ang bata ay lumalaki sa kandungan ng yaya sa halip na sa masintahing dibdib at bisig ng
ina .Ang ama naman ay lubhang abala sa mga gawain at hindi na maipadama ang init ng
pagmamahal sa anak. Kahit araw ng Linggo na dapat ipagsama-sama ang mga anak ay iniukol
din sa mga gawaing panlipunan.

Ang paaralan ay may mahalaga ring papel sa buhay ng kabataan Ang guro ay dapat
maging halimbawa ng mga mag-aaral. May mga gurong kulang ng pagmalasakit at pag-unawa
sa damdamin ng mga bata at binali wala ang kapakanan ng mga ito. Marahil isa sa mga
dahilan kung bakit nagpabaya ang mga guro sa kanilang tungkulin ay ang pangungunsinti ng
mga magulang sa mga anak. Kapag nalaman ng magulang na nakagalitan o napagsabihan ng
guro ang anak ay susugod-sugod sa eskuwelahan at kakara-karang papanigan ang anak nang
hindi muna inialam ang dahilan. Isa pang sanhi sa kakulangan ng kasipagan ng mga guro sa
pagtuturo ay ang maliit na sahod kung ihahambing sa ibang propesyon.

Maging ano pa man ang suliranin ng guro, katungkulan niyang hubugin sa matuwid
na landas ang mga batang kanyang tinuturuan. Sa kanyang mga kamay nakasalalay ang
ikauunlad ng isipian ng kabataang pag-asa ng bayan. Totoong mahirap ang mga gawain ng
isang guro ngunit dapat niyang gampanan ito nang buong katapatan at isantabi ang personal na
mga problema.

Ang simbahan ay may tungkulin sa kabataan. May mga kabataan na inihahalintulad


ang pagsisimba na pangkaraniwang gawain at paraan upang makita ang mga kaibigan. Dapat
pagsumikapan ng mga alagad ng simbahan na maitanim sa puso ng mga kabataan ang tunay
na kahulugan ng kabanalan at pag-ibig ng Diyos.

Mga tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng pamagat?


2. Punahin ang tinatalakay ng sanaysay kung may katotohanan ba o wala..

You might also like