Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN BAITANG 6

S S

Paglalarawan sa Sabjek:

Ang wika ay isang


masistemang balangkas
dahil ito ay binubuo ng
mga
makabuluhang tunog
(fonema) na kapag
pinagsama-sama sa
makabyluhang siwens ay
makakalikha ng mga
salita(morfema) na
bumabagay sa iba pang mga
salita (semantiks)
upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang
pangungusap ay isang
istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa
paggamit ng wika.
Ang pag-aaral ng istruktura
ng wikang Filipino ay
nagsisimula sa pag-aaral ng
ponolohiya, ito ay ang pag-
aaral ng fonema o
makabuluhang yunit ng
binibigkas na tunog
sa isang wika
Ang layunin nito ay linangin ang kasanayan at kaalaman ng mag-aaral sa mga
mahahalagang konsepto at paraan sa mabisang pagtuturo sa wikang Filipino. Nasasanay ang
mga mag-aaral na maging mapanuri tungkol sa iba’t-ibang usapin sa kapaligiran, sa sarili,
pamilya, lipunan at kultura.

Paglalarawan sa Paksa

Ang Pinatnubayang pakikinig ay isang istratehiya na ginagamit ng guro upang linangin


ang kakayahan tungo sa mas mahusay na pakikinig ng mga mag-aaral na nasa antas ng
elementarya at sekondarya. Ito ay maiuugnay sa kasanayan sa pagsasalita at pakikinig na
kinakailangan ng bawat mag-aaral upang matuto at mapalawak ang kaisipan sa pag-uunawa
hindi lang sa wika na napakinggan kundi na rin sa panitikan at kulturang nakasanayan.

Mga Layunin

1. Nabibigyang kahulugan ng maayos ang konsepto ng pakikinig.


2. Nabibigyang halaga ang kahalgahan ng pakikinig sa panitikan.
3. Nakapagsusuri ng mga mahahalagang ideya at impormasyon sa napakinggang patalastas.

Palawakin natin

Ang Pakikinig

Ang pakikinig ay ang pagtanggap ng mga mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng


pandmang pandinig. Ginagamit ang kakayahang ito upang matuto ang mga mag-aaral ng mga
aralin sa paggamit ng tainga sa pagkuha ng impormasyong pasalita at mga tunog galing sa
kapaligiran. Halimbawa ay ang pakikinig sa musika, dahil sa dito ay mapapahusay ang mga
kakayahang kumanta ng isang tao.

Mga Hakbang sa pagsasagawa ng pakikinig

Bago makinig – Paghahanda ng mga mag-aaral bago tumaggap ng impormasyon at


paghihikayat sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral.

Mga halimbawa:
1. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong pakikinggan
2. Pagtukoy sa ilang dating kaalaman na makatutulong sa pag- uawa ng tekstong
pakikinggan
3. Paglinaw ng ilang talasalitaan na maaring makasagabal sa pag- unaawa.
4. pagtalakay sa layunin ng isasagawang pakikinig

Habang nakikinig – Pag-uunawa sa mga impormasyong napakinggan upang makabuo ideya


gamit ang malawak na kaisipan.

Mga halimbawa:

a. Pagsagot ng mga tanong na maraming pagpipiliang sagot

b. Pagsagot sa mga tanong na tama/mali

c. Pagtukoy sa mga maling impormasyon

Pagkatapos makinig – Nagagamit ang mga napakinggang kaalaman maging sa totong buhay.

Halimbawa:

 Bigyan ang mga mag-aaral na mga gawaing bunga ng ginawang pakikinig

Mapanuring Pakikinig

Elementarya Sekondarya
• Pakikinig sa komersyal upang suriin • Pakikinig sa mga tekstong propaganda
ang: ng mga simulain upang:
 Uri ng material na ginamit
 Epekto ng napakinggan  Masuri ang mga salitang may laman
 Pagkiling sa impormasyon  Makilala ang mapanlinlang na mga
 Layunin ng Patalastas salita
 Pamamayani o opinyon

Mapagpahalagang Pakikinig sa Panitikan


Elementarya Sekondarya
 Pagsasadula  Pagsasadula
 Pagsasakatao  Pagsulat ng ibang katapusan ng
 Pakikilahok sa pagkukuwento kuwento
 Pagsulat ng Buod  Pagsulat ng reaksyong papel
 Pagguhit  Sabayang pagbigkas
 Debate
 Paglapat ng musika at interpretasyon
sa sayaw.

Ang Pagsasalita

 Ito ay pagbibigay at pagbabahagi ng kaisipan o ideya sa pamamagitan ng pagsasalitang


verbal gamit ang wika.

 Ito ay maiuugnay sa konsepto ng komunikasyon tungo sa pagsasalita.

Tungkulin ng Wika

Interaksyunal – Ginagamit ang wika upang magkaroon ng magandang ugnayan sa isa’t – isa. Ito
ay tuutukoy sa pangkumunikasyong kagamitan na ibig sabihin ay pagtugon sa mensahing
napakinggan.

Transaksyunal – Makapaghatid impormasyon ng walang pagtugon na nagaganap.

Mga Halimbawa:

Interaksyunal Transaksyunal
1. Nakakagawa at nakakatanggap ng 1. Nakapaghahatid ng mensahe
tawag sa telepono 2. Nakakasunod at nakapagbibigay ng
2. Naisasagawa ang maayos na pakikipag mga panuto at direksyon
- usap sa iba’t ibang kontekstong sosyal 3. Nakapagtatanong at nang may iba’t
3. Naipahayag ang damdamin o niloloob ibang layunin
at nakapagbibigay ng saloobin o 4. Nakapagbibigay ng
opinyon mapanghahawakang impormasyon
bilang tugon sa isang pagtatanong.
Pagsusuri sa Panitikan

Ang Gamo-gamo

Ni Jose Rizal

Mayroong dalawang gamo-gamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro
sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamo-gamo ay lumipad nang lubhang malapit
sa ningas ng kandila. “Mag-ingat ka!” ang tawag ng matandang gamo-gamo. “Baka masunog
ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad.”

“Hindi ako natatakot,” ang mayabang na sagot ng batang gamo-gamo. At nagpatuloy


siya ng palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa
ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa.

“Sinabi ko na nga ba sa iyo,” ang sabi ng matandang gamo-gamo. “Ngayon ay hindi ka na


makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit
na gamo-gamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na
kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang
pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamo-gamo.

Pamprosesong tanong

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Ano ang nangyari sa batang gamo-gamo? Magbigay ng dahilan?

3. Kung ikaw ang matandang gamo-gamo, ano kaya ang maaari gawin upang maiwasan
ang trahedya?

4. Gaano ba kahalaga ang pakikinig sa ating buhay?


Subukin pa natin

Unang Gawain

Panuto : Paghambingin at tukuyin ang pagkakaugnay ng mga salitang “pakikinig” at


“pagsasalita” sa pamamagitan ng venn diagram.

Madali Lang Yan

Pangawalang Gawain

Panuto: Panoorin ang patalastas ng Nescafe. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anong uri ng produkto ang nasa patalastas?

2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong mapanuod ang video?

3. Nang napanuod mo ang patalastas ay ano ba ang naging epekto nito sa inyong
pananaw?

4. Matapos mong mapanood ang patalastas, ano ang iyong naging repleksyon?

Rubriks
Nilalaman 30%
Gramatika 30%
Organisasyon 20%
Kaakmaan 20%
Kabuuhan 100%

You might also like