Aralin 3-4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 3.

Katuturan ng Panukalang Proyekto

Sagutin mo nang buong katapatan ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel (Gawain 7).
1. Magkano ang kabuuang halaga ng iyong baon sa loob ng isang buwan?
2. Paano mo ginagastos ang iyong baon sa loob ng isang buwan buwa? Idetalye nang
maayos ang iyong sagot.
3. May naitatabi ka ba mula sa iyong baon?
4. Pinaplano mo ba na dapat ay may natitira sa iyong baon upang makaipon? Bakit?
5. Nagtitipid ka ba dahil sa mayroon kang pansariling panukala na nais mong paggamitan
ng naipon mong pera?

PANUKALANG PROYEKTO
Ito ay dokumento na disenyo upang ipakita ang isang plano ng pagkilos, binabalangkas
ang mga dahilan kung bakit ang mga aksyon ay kinakailangan, at kumbinsihin ang mga
mambabasa na sumang-ayon at aprubahan ang pagpapatupad ng mga aksyon na
inirerekomenda sa katawan ng dokumento.
Bago magsulat ng panukalang proyekto, kailangan munang masagot ang mga sumusunod
na tanong:
1. Ano ang naisip mong proyekto?
2. Ano-ano ang layunin nito?
3. Bakit kailangang isagawa ito?
4. Kailan at saan mangyayari ang proyekto?
5. Gaano ito ito katagal?
6. Sino-sino ang makikinabang sa proyekto?
7. Magkano ang halaga ng pagsasagawa at kung sino-sino ang sangkot sa
pagsasakatuparan ng proyekto.

MGA LAYUNIN KATANGIAN

1. Gabay sa pagpapatupad ng proyekto 1. Nakakukumbinsi


2. Upang makakuha ng pondo para sa 2. Makabuluhan at makatotohanan
proyekto 3. Malinaw, kumpleto at magkakaugnay
3. Kumbinsihin ang mga tao na makilahok 4. De-kalidad (quality proposal)
sa proyekto
4. Batayan sa ebalwasyon ng proyekto

Aralin 4. Bahagi ng Panukalang Proyekto

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kahulugan ng Panukalang Proyekto, ngayon bago


ipagpatuloy ang kadugtong na aralin ay pag-isipan ang maaaring sagot sa mga sumusunod
at tignan kung ito ba ay magiging akma sa pag-aaralan mo ngayon.
1. Sa iyong palagay, mahirap ba o madali ang gumawa ng panukalang proyekto? Bakit?
2. Ano-ano ang dapat tandaan kapag gumagawa ng isang panukalang proyekto?

Ngayon simulan natin. Iugnay ang naging kasagutan sa nailahad sa ibaba.

PANUKALANG PROYEKTO

PANIMULA KATAWAN KONGKLUSYON O


-dito nakasaad ang -binubuo ng plano ng dapat KATAPUSAN
suliranin o dahilan ng gawin at ang panukalang -bahagi ito ng pagsusuri o
isang panukalang badyet. ng bahaging naglalahad ng
proyekto. 1.Deskripsiyon ng kapakinabangang dulot ng
1. Pamagat Proyekto proyekto.
Tiyaking malinaw at Nagbibigay ito ng 1. Pakinabang
maikli ang pamagat. kompletong detalye tungkol Ano ang pakinabang ng
2. Proponent ng sa mismong proyekto. Ano proyekto sa direktang
Proyekto ang inaasahang awtput o maapektuhan nito- sa
Tumutukoy ito sa tao o serbisyo? Ano-ano ang mga ahensya o
organisasyong katangian nito gaya ng indibidwal na tumutulong
nagmumungkahi ng hitsura, upang maisagawa ang
proyekto. Isinusulat nilalaman, paraan ng proyekto.
dito ang address, e-mail, pagsasagawa o proseso,
contact number, at lagda paraan ng operasyon, at
ng tao o organisasyon. iba pa? Ano-ano ang mga
3. Kategorya ng materyales o lakas-
Proyekto paggawang kailangan nito?
Ang proyekto ba ay 2. Badyet
seminar o kumperensiya, Itatala rito ang detalye ng
palihan, pananaliksik, lahat ng inaasahang
patimpalak, konsiyerto, o gastusin sa pagkompleto
outreach program. ng proyekto.
4. Petsa
Gaano katagal ang
inaasahang pagpapatupad
ng proyekto? Mula anong
petsa hanggang anong
petsa ito isasakatuparan?
5. Rasyonal
Ipaliwanag ang konstekto
ng proyekto.
Anong pangyayari ang
nagbunsod nito? Paano ito
naisip ng nagpapanukala
ng proyekto? Bakit ito
lubhang kailangan?

HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO


Pamagat
Talentadong Guro (Mini Concert)

Proponent ng Proyekto
John Andrei C. Arollado
2200 Admi site Saint Benedict Street Tala Caloocan City
09359631086
Maria Eunice V. Dacumos
B91L85 Domingo De Ramos St. Lagro Nov.Q.C
092122327021

Kategorya ng Proyekto
Ang gawain ay isang mini concert pagbibidahan ng mga piling guro ng Largo High School
kung saan ipapakita ng mga guro ang kanilang mga tinatagong talento.

Petsa
Gaganapin ang gawain sa Oktubre 5, 2022 bilang pagdiriwang na rin sa araw ng mga guro.

Rasyonal ng Proyekto
Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga at mailabas ang
talento at para na rin magkaroon ng ibang paraan sa pagdiriwang ng araw ng mga guro,
ang gawaing ito ay iminungkahing maimplimenta at mabigyan katuparan. Kinakailangang
gamitin ang intablado ng Largo High School pati na rin ang bakanteng ground para sa mga
manonood o awdens. Kakailanganin din ng mga sound system, lightings at iba’t ibang
instrument na nais gamitin ng mga guro upang maipakita ang kanilang talento.
Makatutulong ito sa mga gurong makapagpahinga sa akademikong usapin at mag-aliw sa
pagpapakita ng talento at pagnood sa mga talento ng kapwa guro.

Deskripsiyon ng Proyekto
Ang proyektong ito ay maituturing na mini concert ng mga piling guro ng Largo High school
kung saan sila ay magpapakitang gilas ng kanilang mga talento. Ito ay gaganapin sa Largo
High School Quadrangle sa Oktubre 5, 2018 araw ng Biyernes mula 3:00 pm-8:00 pm. Ang
mga estudyante ay aanyayahing bumili ng tiket upang makadalo sa gawain at magsilbing
madla ng mga guro.

Badyet
AYTEM at HALAGA
Lightings 3,000
Sound System 3,000
Tarpaulin 700
Iba pang printed na materyal 300
Pagkain ng mga guro 2500
Props 500
KABUUAN: 10,000

Pakinabang

Unang makikinabang nito ay ang mga guro, bukod sa makapagpapahinga sa gawaing


pampaaralan, mailalabas din nila ang talentong nais ipakita sa madla. Isa rin sa mga
makikinabang sa proyektong ito ay ang mga mag-aaral ng Lagro High School. Itong mini
concert na ito ay magsisilbing pahinga nila mula sa mga aktibidad nila sa paaralan.
Samakatuwid, ang concert na ito ay magkakaroon ng entrance fee o bayad sa tiket ang
mga nais dumalo na mga estudyante. Ang malilikom na pera ay gagamiting pondo ng
paaralan para sa mga susunod pang mga proyekto.

Pormat:
Long Coppon Bond
Encoded Form
Font Style: Tahoma
Font Size: 12
Spacing: No Spacing except each Part
Always Justify each Paragraph
Tab
Bold each Part

You might also like