EsP5-Q1-W5 - Kawilihan at Positibong Saloobin Sa Pag-Aaral - Robert Sanchez

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Kawilihan at Positibong

Saloobin sa Pag-aaral
Modyul sa Edukasyong Pagpapakatao 5
First Quarter, Week 5

SUSAN JOVY T BELIZAR


Developer

Department of Education • Cordillera Administrative Region

i
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra
Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this
material for commercial purposes and profit.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division partikular


ang Learning Resource Management and Development Unit, Department of
Education, Schools Division of Abra, bilang tugon para sa pagsasakatuparan ng K12
Curriculum.

Ang kagamitang panturong ito ay pag-aari ng Department of Education,


Schools Division of Abra, Curriculum Implementation Division, Learning Resource
Management Section. Layunin nito na maiangat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
asignaturang Edukasyong Pagpapakatao.

Date of Development : May 21, 2020

Resource Location : Schools Division of Abra

Learning Area : Edukasyong Pagpapakatao

Grade Level :5

Learning Resource Type : Modyul

Language : Filipino

Quarter/Week : Q1/ W5

Learning Competency/Code : Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong


saloobin sa pag-aaral

EsP5PKP – Ic-d - 29

iii
Alamin
Kumusta ka na? Gusto mo bang mapaunlad at mapayaman pa ang iyong
kasanayan kaugalian? Ang modyul na ito ay tiyak na makatutulong sa iyo.
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyong pagkatuto. Gamitin mo
ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto
ang iyong paggamit, kailangang maging malinaw sa iyo ang mga nararapat gawin.
Huwag kang mag-alala, sundin mo lamang ang mga sumusunod:
1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit, ang bahaging “Subukin”. Gabay ito
upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.
2. Iwasto mo ang iyong sagot. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali,
huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda para sa iyo.
3. Pag-aralan mong mabuti ang paksang aralin. Unawain ang bawat panuto.
Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain.
4. Tingnan mo kung nadagdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang
pangwakas na pagsusulit, o ang bahaging “Tayahin”. Pagkatapos, iwasto
ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto.
5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Sagutan mo nang mabuti.

Ang layunin ng araling ito ay:


Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

Matututunan mo sa modyul na ito ang tungkol sa positibong saloobin sa pag-


aaral ng isang batang katulad mo.

Handa ka na? Pahalagahan mo ang modyul na ito. Ito’y iyong kaibigang tunay
na makakatulong sa iyo.

1
Subukin
Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang
dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa. Kung ang iyong iskor ay 10, huwag nang
ipagpatuloy ang paggamit ng modyul at dumako sa ibang aralin, kung 9 pababa
naman, kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral at matutulungan ka ng iba pang
gawaing nakahanda.

Magsimula ka na!

A. Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba? Sagutin ng Palagi,


Madalas o Hindi kailanman

1. Tinitingnan ko ang sagot ng aking kaklase kapag may pagsusulit.

2. Sinasabi ko ang wastong halaga ng ipinabibili nila sa akin.

3. Nagsasabi ako ng katotohanan.

4. Ibinabalik ko sa tindera ang sobrang sukli.

5. Hinahati ko ng tama ang naipong pagkain.

B. Tukuyin kong ang pahayag ay nagpapakita ng matapat na paggawa sa


proyektong pampaaralan. Isulat ang salitang Matapat o Di-matapat sa iyong
sagutang papel.

1. Sumasali ako sa pagsagot ng aming gawain sa pangkat.


2. Hinahayaan kong gawin ng aming lider ang pagsagot sa mga gawain.
3. Dumadalo ako sa pagpupulong ng aming pangkat sa tamang oras.
4. Nakikipagtulungan ako sa paggawa ng aming output.
5. Nililigpit namin ang pinaggawaan pagkatapos ng paggawa.

Binabati kita! Natapos mo ang unang pagsusulit. Tingnan mo kung tama ang
iyong mga naging tugon. Magaling ka kung tama lahat ang iyong sagot. Kung may
isa o higit na maling sagot, isagawa mo ang sumusunod na gawain.

2
Balikan
Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang pagiging matapat sa lahat ng oras
ito ay magagamit mo sa iyong buhay upang maging matagumpay.

Ngayon naman, kailangan mong ipakita ang kawilihan at positibong saloobin


sa pag-aaral.
1. Pakikinig/Pagbabasa
: Naranasan mo na bang magbakasyon ng matagal? Ano ang iyong
pinagkaabalahan?

Mahabang Bakasyon

Isang araw sa buwan ng Marso 2020 ay inaasahan kong


matatapos na ang pasok sa paaralan. Ako’y napangiti dahil masasabitan
na naman ako ng medalya dahil sa pagiging isa sa mahuhusay na mag-
aaral sa aming klase. Sa dami ba naman ng sinalihan kong mga iba’t-
ibang patimpalak. Wow! Sa wakas aanihin ko rin ang bunga ng aking
pagsasakripisyo sa pag-aaral.
Nang biglang narinig ko ang pagkansela ng aming pasok sa
paaralan mula Marso 16 hanggang Abril.
Magkahalong tuwa at panghihinayang ang aking naramdaman
dahil ngayon lang nakansela ng matagal ang aming klase. Wala namang
bagyo o anumang kalamidad.
Naliwanagan ako ng ipaliwanag ng aming guro na dahil ito sa
isang pandemiko na tinawag na COVID 19. Isa raw sa paraan ng
pagsugpo sa nakamamatay at nakakahawang virus na ito ay ang
pagkakaroon ng “social distancing” o pagkakaroon ng layo o distansya
upang hindi mahawa.
Nagtuloy tuloy ang mahabang bakasyon pero hindi naman kami
makakalabas kaya naman sinulit ko ang mahabang bakasyon sa
pagtulong sa aking mga magulang sa paghuhugas ng pinggan, pag-iigib,
paglilinis ng bahay at iba pang gawaing bahay. Paminsan minsan naman
ay naglilibang din akong manood ng TV at magselpon. Pero ang hindi ko
makalimutang gawin ay magbasa ng mga aklat at turuang magbasa at
magsulat ang nakababata kong kapatid.
Masaya si Nanay dahil masunurin kaming magkakapatid. Sa
mahabang bakasyon na ito ay pinagbuklod kaming mag-anak na
magsama, magtulungan at magmahalan sa gitna ng pagharap sa hirap
ng buhay.

3
Ngayong nabasa mo na ang kuwento ay pagsikapan mong sagutin ang mga
sumusunod.
Mga Tanong:
1. Ano ang inaasahan ng batang mag-aaral na maranasan niya sa
buwan ng Marso?
2. Ano ang basehan niya na makatatanggap siya ng karangalan?
3. Bakit naudlot ang kanyang pinapangarap?
4. Sa palagay mo ano ang dahilan ng pagkansela ng klase sa
mahabang panahon?
5. Paano sinulit ng mag-aaral ang kanyang mahabang bakasyon?
Pakikilahok sa Pangkatang Gawain

Pumili ka ng pangkat na gusto mong salihan. Basahin at isagawa ang


nakatakdang gawain.

Unang Pangkat: Sa iyong mahabang bakasyon ay natuto kang magluto o


magsaing ng kanin. Ibigay ang 5 hakbang o paraan na iyong gagawin
upang makaluto ka ng kanin.

Ikalawang Pangkat: Natuto ka rin bang maghugas ng mga kagamitan sa


kusina kagaya ng mga sumusunod mangkok, plato, baso, kubyertos,
kaldero. Ngayon isulat mo ang mga kagamitan sa dapat na pagka sunod-
sunod ng paghugas.

1.
2.
3.
4.
5.

Ikatlong Pangkat: Sa limang pangungusap ikuwento mo ang iyong mga


karanasan noong bakasyon.

Ika-apat na Pangkat: Mahilig ka bang kumanta? Gumawa ka ng isang RAP


tungkol sa paghuhugas ng pinggan.

Nagawa mo ba ng mahusay ang iyong napiling gawain ng pangkat? Kung


oo, binabati kita.

4
Tuklasin
Basahin ang bawat kuwento at tukuyin kong ang mag-aaral na nabanggit ay
nagpapakita ng magandang saloobin sa pag-aaral.Iguhit ang nakangiting mukha
kong Oo at kung Hindi iguhit ang naka simangot. Isulat sa sagutang papel.

1. Araw ng Sabado ay nakitang gumagawa ng gawaing bahay si Lorena


sinimulan niya ito sa pagligpit ng mga higaan, pagwawalis sa loob ng
bahay at sa buong bakuran . Nais niyang malinis at maaliwalas ang
kapaligiran upang kasiya siya ang gagawin niyang pag-aaral sa hapon.
Sagot:_____
2. Noong nakaraang Linggo ay inanyayahan ng mga kaibigan ni Lisa na
pumunta sa ilog upang magpaligsahan silang lumangoy at pagkatapos
pupunta sila sa kabilang dako upang manguha ng mga prutas . Ngunit
nagdalawang isip si Lisa dahil marami pa siyang proyektong tatapusin at
kung mapapabayaan ito ay maaring bababa ang kanyang marka. Kaya
tinanggihan niya ang alok ng kanyang mga kaibigan.
Sagot:______
3. Si Ruben ay batang masipag. Tuwing bakasyon ay sinasamahan niya ang
kanyang nanay na mamili ng mga bote at diyaryo upang may
pagkakakitaan ng pera. Nagtiis siyang hindi makapaglaro dahil kailangan
niyang tulungan ang Ina upang may idagdag sa mga gastusin nila at
maipambibili ng mga gamit niya sa nalalapit na pasukan.
Sagot:____
4. Si Andres ay mahilig sa musika. Pangarap niyang matutong maggitara
ngunit di siya kayang ibili ng kanyang magulang. Kaya tinitipid niya ang
kanyang baon at itinatabi ang iba. Tuwing hapon ay naglalakad na lamang
siya upang makaipon ng pambili ng gitara.
Sagot:_____
5. Ang batang si Jessa ay pumupunta sa kaibigan upang makapanghiram ng
aklat at diksiyonaryo dahil wala kasing kakayahan ang kanyang mga
magulang na ibili siya ng mga ito para sa paggawa niya ng mga takdang
aralin.
Sagot:______
6. Ang magkapatid na Antonio at Leo naglaan ng oras upang matapos ang
kanilang pangkatang proyekto sa kanilang paaralan. Pinagbutihan nilang
tinapos upang mataas ang kanilang marka.
Sagot:_____
7. Tuwing may mahirap na takdang aralin si Arnold ay ipinapagawa niya ito
sa matalino niyang kaklase at binabayaran niya ito.
Sagot:_____
8. Mahusay sa paaralan si Arto kaya lang madalas siyang tamaring magsulat
at gumawa ng proyekto. Lagi niyang idinadahilan na sa bahay na lang niya
gawin. Sagot: ____

5
9. Kevin ang pangalan ng batang nasa ikalawang baitang. Siya ay natutuwa
dahil isa siya sa makatatanggap ng karangalan dahil sa kasipagang mag-
aaral.
Sagot:_____
10. Si Balong ay hindi gaanong mahusay magbasa pero nagsusumikap siyang
magsanay sa pagbasa sa tulong ng kanyang ina.
Sagot:____

Suriin
Tulungan nating matuto ang mga bata ng wastong asal sa pag-aaral. Ibigay
ang hinihiling ng bawat sitwasyon.
1. Naatasang gumawa ng pagsasanay sa Matematika ang grupo ni Marco
upang turuan ang kanyang grupo sa Multiplication. Ano ang dapat nilang
gawin?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Maraming kaibigan si Faye na nahihirapan na makasunod sa mga aralin
sa Science. Kung ikaw si Faye ano ang dapat mong gawin?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Mahusay naman si Irish sa pakikipagtalasan sa English. Napili siyang
sumali sa Essay Writing ano ang dapat niyang gawin upang
magtagumpay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Sumali sina Arlesh ,Wayne at Jade sa Science Investigatory Project. Kaya
lang hindi sila pinalad na manalo ngayong taon .Upang maparangalan sa
susunod na patimpalak sa susunod na taon. Ano ang dapat nilang
isagawa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
5. Si Ariane ay mahusay tumula at umawit marami ang napahanga sa
kanyang angking talino at talento. Upang siya ay magsilbing magandang
halimbawa sa iba ano ay dapat niyang ipakita sa mga kaklase?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________

6
6. Ang grupo ni Nicole ay naatasang bumuo ng isang awitin habang ang
grupo naman ni Lei ay bubuo ng isang sayaw. Ano ang kailangan nilang
gawin upang magtagumpay sa kanilang mga gawain?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
7. Ang grupong makasining ay nabigyan ng pagkakataon na magdisenyo para
sa kanilang palatuntunan. Ano ang dapat nilang gawin upang hindi gaanong
magastos ang kanilang output?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
8.Mahilig maglaro ng mga computer games ang mga bata ngayon . Madalas
Hindi nila nagagawa ang kanilang mga gawain.kung ikaw ay ganoon din paano
mo susulusyonan ang problemang ito?
______________________________________________________________

______________________________________________________________
9. Ano ba ang dapat gawin ng isang batang araw -araw ay nahuhuli sa
pagpasok sa klase?
____________________________________________________________
10. Si Virgie ay nahihirapang bumasa kaya hirap siya sa paggawa ng mga
takdang aralin? kanino siya dapat magpatulong?
____________________________________________________________

Naibigay mo ba nang mahusay ang iyong mga paliwanag sa mga


nailahad? Subukin mong

sagutin ang iba pang gawain upang higit na mapaunlad ang iyong

kaalaman.

7
Pagyamanin
Gawain 1: Anong samahan sa inyong paaralan ang inyong kinabibilangan? Itala
ang mga natapos nang mga proyekto para sa ika-uunlad ng bawat miyembro.

Pangalan ng samahan

-----------------------------------------
Layunin

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Proyekto

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tungkulin ng miyembro

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tandaan:
Mahalaga sa ikatatagumpay ng bawat gawain ang pagkakaisa ng mga miyembro
ng Samahan

Gawain 2
Isaayos ang mga ginulong mga letra upang mabuo ang mga kasabihan tungkol sa
saloobin sa pag-aaral:

Ang ______ ay pag-asa ng bayan.(nataabka).


1. Ang ______ ay kayamanan. ( ngankaruun)
2. Ang ______ ay kayamanang hindi mananakaw nino man.(syodeukan)
3. Kung may _______ may nilaga.( yagait)
4. Aanhin pa ang _____ kung patay na ang kabayo.(omad)
5. Ang taong nagsusunog ng kilay kinabukasan ay_______.(gumatyap)
6. Mag-aral kang mabuti habang ikaw ay bata pa upang paglaki ay _______
ka.( lamaam)
7. Ang batang ____ ay walang kaginhawaang hinaharap.(matad)
8. Gumawa ka ng tama at ______ ka. (pamaaputib)
9. Bata, bata ,tandaan, mag-aral at makinig ka sa iyong_____.( gulamang)

Tayahin 2

Gumawa ng isang proyekto gamit ang kamera ng inyong selpon .Kumuha ng mga
larawan na nagpapakita ng magandang samahan ng mga pangkat gawin itong
makulay. I print at idikit sa isang illustration board.

8
Isaisip
Ang isang mag-aaral ay dapat taglayin ang kawili-wili at positibong saloobin
sa pag-aaral. Ibig sabihin, pagbutihin ang gagawing pag-aaral kahit na ito ay
mahirap. Dapat magpursiging mag-aaral .Kung nahihirapan dahil hindi ito
maintindihan,magtanong at magpatulong sa inyong mga guro , magulang o sa
kaklase. Walang problemang hindi masusulusyonan. Tandaan, ang pagsubok ay
kailangan mapagdaanan upang maging mas matatag ang kinabukasan.

Narito ang Semantic Web na nagpapakita ng dapat na taglayin o katangian


ng batang may positibong saloobin sa pag-aaral.

matiisidlhjgdhg
masipag
dkjhlkjkslvhdso

wrdd
matulungin
hvskafdlfnkdsn matiyaga

ddddddddddd
bvdksbvkx
a
d

KATANGIAN
NG BATANG MAY
BB
malikhain KAWILIHAN AT
masunurin
POSITIBONG
SALOOBIN SA PAG-
AARAL

maagap
magalang

9
Isagawa
Pag- aralan ang bawat sitwasyon. Isulat sa kuwaderno ang titik ng iyong sagot.

1. Nangangalap ng mga bagong miyembro ang drum and lyre corps ng inyong
paaralan. Anong katangian ang dapat mayroon ka upang maging miyembro
ng samahang ito?
a.) Tamad
b.) Magaganda
c.) May talento
d.) Pabaya
2. Maraming nahihirapang pamilya dahil sa paglaganap ng isang pandemiko na
tinawag na COVID 19. Anong mga katangian ang dapat mayroon ka upang
maging isang boluntaryong tumulong?
a.) Mayabang
b.) Mapang- api
c.) Mapagmalasakit
d.) Matiyaga
3. May programa ang inyong samahan sa isang pamayanan ano ang ituturo
ninyo sa mga bata roon?
a.) Paglalaro ng mobile legend
b.) Pagsasayaw
c.) Pagbabasa
d.) Paglilinis
4. Mahusay kang magbasa paano mo matutulungan ang iyong kaklaseng mahina
bumasa.
a.) Sagutan ang kanyang takdang aralin
b.) Pakopyahin ng sagot
c.) Tulungan mo siyang magbasa
d.) Gawin mo siyang alalay
5. Ang karamihan sa inyong mga kaklase sa grade 5 ay sumasali sa Division
Schools Press Conference, gusto mo ring sumama sa kanila. Ano ang dapat
mong gawin?
a.) Magsanay sa pagsulat ng mga balita
b.) Magbasa ng mga diyaryo
c.) Maging positibo sa pagsali dito
d.) Lahat ng nabanggit
6. Sinabihan ka ng inyong guro na ikaw ang bahala sa paglilinis ng silid ngayong
hapon kasama ang iyong ka grupo. Ano ang dapat mong gawin bilang lider sa
inyong grupo?
a.) Panoorin ang iyong mga kaklase
b.) Idikta ang gagawin habang ikaw ay naka upo
c.) Gumawa ng takdang aralin
d.) Sabihan ang mga gagawin ng mga kagrupo at tumulong sa paglilinis sa silid

10
7. Si Alan ay magaling maglaro ng basketball at mayroong paparating na liga sa
kanilang munisipyo. Gustong matuto ng mga kabataan sa isports sa kanilang
barangay, upang mas marami ang makakasali para manalo ang kanilang
barangay. Ano ang gagawin ni Alan?
a.) Pabayaan na lang sila
b.) Makilahok sa ibang barangay
c.) Pagtawanan sila
d.) Turuan ang mga kabataan.
8. Nanonood ang iyong nakababatang kapatid ng Math Tinik. Ito ay isang
panoorin na nagbibigay kaalaman sa Matematika pero gusto mong manood
ng pelikula. Ano ang gagawin mo bilang isang batang may positibong saloobin
sa pag-aaral?
a.) ilipat ang channel sa pelikula
b.) manood na lang sa pinanonood ng iyong kapatid
c.) asarin ang iyong kapatid
d.) pagalitan ang iyong kapatid
9. Pinuntahan ka ng inyong ka grupo para magtanong kung ano ang itutulong
niya upang matapos ninyo ang inyong output. Ngunit nagkaroon kayo ng di
pagkakaunawaan ng nakaraang araw. Ano ang dapat mong gawin upang
ipakita ang positibong saloobin sa pag-aaral?
a) Huwag siyang pansinin
b) Kausapin siya ng maayos at pagtulungan ang output.
c) Bigyan siya ng maraming gawain upang makaganti.
d) Sabihang umalis na lang siya dahil magkagalit kayo.

10.Kailangan ng inyong grupo ng mga kagamitan sa paggawa ng output, kaya

lang kaunti lang ang baon mong pera gayon din ang iyong mga ka grupo

paano nyo magagawa ang inyong output?

a) Huwag na lang gawin ang output


b) Ituloy ang nakaatang na gawain. Gumamit na lang ng mga resiklong
kagamitan.
c) Manghingi na lang sa ibang grupo.
d) Manghingi ng kagamitan sa mga guro.

11
Tayahin 2
Marami ka ng natutunan sa araling ito. Binabati kita, ngayon buuin mo ang
tulang ito. Pumili ng mga sagot sa kahon.

Ang Positibong Bata

Kawili-wiling kasama ang batang _______ mag-aral.


Marami kang matututunan sa kanyang ________.
Pagpasok niya sa paarala’y laging _______.
Tumutulong sa paglilinis, pagliligpit at paghahanda.

O kay gandang mag-aral sa maaliwalas na _______.


Kasama ang mga mahal namin sa ________.
Na sa araw-araw kami ay _______ at tinuturuan.

Ngunit sa kabila ng maraming ________.


Ipakita ang malakas at _______ na loob.
Ganyan ang may positibo at ________loob.
Ikaw at ako ay dapat laging _______.

Positibo kawili-wiling matatag masipag

Pagsubok dinidisiplina paaralan

Kapaligiran maaga pagpapagal

12
Karagdagang Gawain

Basahin ang ipinapahayag ng bawat bilang. Lagyan ng tsek(√) ang nararapat


isagawa ng isang miyembro sa pangkat. Ekis(x) naman kung hindi nararapat.
____1.Alamin ang paksa at gawain ng pangkat.
____2.Nakikibahagi sa nakaatang na gawain ng pangkat.
____3. Iginagalang ang bawat saloobin ng mga miyembro ng pangkat.
____4. Nagiging mahinahon kapag may di pagkakaunawaan ng grupo.
____5. Nakikiambag sa mga gastusin o kailangang bilhing kagamitan para sa
paggawa ng output.
____6. Sinusunod ang pasya ng nakararami .
____7. Nagiging positibo at may kawilihan sa pag-aaral ng pangkat.

____8. Ipinapakita ang galing kapag naatasang magreport sa harap.


____9. Nagtatago upang hindi mapiling magreport.
____10. Inaasa lahat ng gawain sa lider ng pangkat.

13
Susi sa Pagwawasto
Subukin B.

1. Hindi kailanman 1. matapat

2. palagi 2. Di-matapat

3. palagi 3. matapat

4. palagi 4.matapat

5. palagi 5.matapat

Balikan: Mga Sagot

1. Inaasahan ng bata na makatanggap ng medalya.

2. Basehan niya ay ang maraming napanalunang patimpalak.

3. Naudlot ang kanyang pinapangarap kasi nakansela ang klase.

4. Nakansela ang klase ng matagal na panahon dahil sa COVID 19.

5. Tumulong siya sa gawaing bahay at tinuruan ang kapatid

Gawaing Pangkat

Unang Pangkat

1. Ihanda ang mga kagamitan.

2. Sukatin ang bigas.

3. Hugasan ng dalawang beses.

4. Sukatin ang tamang dami ng tubig.

5. Isalang sa kalan.

Ikalawang Pangkat

1. baso

2. kubyertos

3. plato

4. mangkok

5. kaldero

14
Ikatlong Pangkat

Ang Aking Bakasyon

Napakatagal ng aking bakasyon. Inabot pa ng tatlong buwan. kasama ko ang aking

pamilya. Araw-araw ay nagtutulong- tulong kami sa mga gawaing bahay. Sabay-sabay

kaming kumain at nagdarasal. Ipinanalangin namin na sana ay mailigtas kami sa

kapahamakan gayon din ang mga Pilipino. Masaya ang aking bakasyon.

Ikaapat na Pangkat

RAP

Oh yeah,Oh yeah,Oh yeah,

Pagkatapos kumain ng agahan,

Hapunan at tanghalian

Maghugas, hugas ng pinagkainan

Break It down. Yo!

Mga kaibigan mga bata o matatanda

Ugaliing maglinis ng kapaligiran

Upang sakit ay sadyang maiiwasan

Oh yeah Oh yeah

Break it down Yo!

Kayo bang mga bata ay naghuhugas ng pinggan?

O, iniiwanan ninyong nakatiwang-wang

Naku! Lagot, tiyak na uurin ang pinagkainan

Siguradong magkakasakit ka niyan.

Oh yeah, Oh yeah

Break it down! Yo!

15
Tuklasin

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Suriin

1. Matiyang tulungan ang mga kagrupo ` 6. Pagbutihin nila ang kanilang gawain

2. Gabayan ang mga kaibigan 7. Gumamit ng resiklong kagamitan

3.Magsanay sa pagsusulat ng mga sanaysay 8. Disiplinahin ang sarili

4. Magsanay at pagbutihin ang gawain 9. Sikaping laging maaga sa pagpasok

5. Ipakita ang angking talino at talento sa kaklase 10. Magpatulong sa kanyang magulang o

guro

Pagyamanin

Pangalan ng samahan = hal. Samahan ng mga Makasining

Layunin = Nakakatapos ng mga magagandang gawa ng sining.

Proyekto = Pagdisenyo ng bulletin board

Tungkulin ng miyembro = Makibahagi sa paglikha ng isang kaaya- ayang output

Gawain

1. Kabataan 6. tagumpay

2. Karunungan 7. maalam

3. Edukasyon 8. tamad

4. Tiyaga 9. mapabuti

5. damo 10. magulang

Tayahin 1

= Paggawa ng proyekto

16
Isagawa Tayahin 2

1. c 1. masipag

2. c or a 2. pagpapagal

3. c 3. maaga

4. c 4. kapaligiran

5. d 5. kapaligiran

6. d 6. paaralan

7. d 7. pagsubok

8. b 8. matatag

9. b 9. Kawili-wiling

10. b 10. Positibo

Karagdagang Gawain

1. √

2. √

3. √

4. √

5. √

6. √

7. √

8. √

9. X

10. X

17
Sanggunian
Zenaida R. Naide, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, (Vibal Group
Inc.2016

Grade 5 K to 12 Edukasyong Pagpapakatao, Gabay Pangkurikulum, Disyembre


2013, Pahina 26 - 79

18
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Abra
Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra
Telephone No.: (074)614-6918
e-mail: abra@deped.gov.ph
Website: http://www.depedabra.com
LRMS Website: https://lrmsabra.blogspot.com

19

You might also like