Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang mga paksang pelikula ay madalas na nagpapakita ng mga isyu sa lipunan na hindi na natin

namamalayan dahil sa kanya-kanya nating pinagkakaabalahan. Ang mga paksang pampelikula ay hindi
lamang naglalaman ng limitadong ideya kung hindi ito ay nagsisilbing representayon ng reyalidad.
May mga pelikula na inaabot ng dalawang oras subalit sa isang iglap ay nagising nito ang natutulog
nating kaluluwa. Nagiging dungaw sa katotohanan ng mundo ay mga ito. Sa pamamagitan nito ay
naaabut ng ating kamalayan ang mga kuwento na malayo sa tinatamasa natin ngayon.Minsan ay
nasasanay tayo sa marangyang buhay at nakakalimutan na nakasentro lamang tayo sa pagtamasa ng
pansarili nating interes.Dagdag pa rito ,ang pelikula ay nagpapakita ng praktikal ,progresibo at
pampolitikong layunin patungo sa mas maunlad na lipunan.Sana ay hindi lamang natin panoorin at
tanggapin kaagad ang mga napapanood natin. Bagkus subukan nating gamitin ang ating kritikal na
pag-unawa dito. Sa kabilang banda ng buhay maraming matututunan ang lipunan kung hihimayin
natin ang mga detalye nito. Naniniwala ako na ang komparatibong pagsusuri ng mga manoonod ang
magbubukas para makabuluhang konstekto ng mayroon ang ating sariling bansa kong saan tayo
isinilang.Sa huli ay ang paksang pampelikula ay hindi lamang nakatuon sa pagbibigay ng aliw kung
hindi aral sa ating buhay.

Dulog/Teorya Halimbawa
Marxismo Bayan ko :Kapit sa Patalim ,1984

Pormalismo The Seventh Seal, 1957


Finding Nemo
Realismo On the President’s Order,2019
Feminismo Caregiver
Inang Yaya

You might also like