Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

MULANG ONLINE PABALIK SA F2F: PAGBIBIGAY-FIDBAK TUNGO SA

MABISANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO

JAN HENRY M. CHOA, JR.


Ateneo de Manila Senior High School
Ang 5M ni Sir Jan sa Seminar

• Makinig nang mabuti sa tagapagsalita.

• Maging bukas ang isip sa paksang tinatalakay.

• Magtanong. Mahalaga ang nagtatanong.

• Magtala. Isinusulat ang mahahalaga at natatamong impormasyon.

• Magbigay-galang sa kapuwa. Walang paghuhusga.


Layunin ng Panayam:
• Maunawaan ang kalikasan at kahalagahan ng fidbak bilang salik

sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto;

• Makabuo ng sariling estilo sa pagbibigay-fidbak na magagamit ng

guro sa mga gawain at pagganap ng estudyante/klase;

• Mapahalagahan na ang fidbak ay nakalilikha ng mahusay na

klasrum sa pagtuturo ng guro at pagkatuto ng estudyante.


.
Bilang papuri sa mahusay na
awtput o pagganap
Pangganyak sa klase

Bakit tayo nagbibigay ng fidbak sa klase?

Panghihikayat na mapaunlad
ang sariling kakayahan Isang anyo ng pagwawasto
Ano ang fidbak?

“Ito ay pahayag o komento ng isang guro mula sa sinuring


awtput o pagganap (performance) ng estudyante sa klase
na karaniwang kinapapalooban ng pagpuri, pagwawasto,
paggiya o pagbibigay-payo upang malinang ang isang
tiyak na kasanayan tungo sa pagtatamo ang higit na antas
ng pagkatuto.”
Tatlong Dapat Isaalang-alang sa
Pagbibigay-Fidbak (Ayon kina Hattie at Temperley, 2007)

• Ano-ano ang layunin (gawain/klase) ?

• Paano makakamit ang mga layunin?

• Ano-anong paraan pa ang magagawa sa pagpapabuti ng awtput?


Mga Uri ng Fidbak
Ayon sa Paraan ng Pagbibigay Ayon sa Oras ng Pagbibigay

• Pasulat • Kagyat na Fidbak (Immediate)

• Pasalita
• Antalang Fidbak (Delayed Feedback)
• Palarawan

• Pabidyo
Lebel ng Pagbibigay-Fidbak

• Fidbak sa Gawain

“Maingat ang paggamit ng mga salita. Tiniyak na magkakaroon ito ng


dalawang kahulugan batay sa layunin ng manunulat na papag-isipin ang
kaniyang mambabasa. Naging matimpi ang mga pahayag na siyang
nagpatindi ng emosyon o tono ng sanaysay kaya naman litaw na litaw
ang pagiging totoo ng narrator o tagapagsalaysay. Pagbati!”
2. Pamprosesong Fidbak

“Malinaw ang paggamit ng mga talinghaga sa


personal na sanaysay. Lumilikha ito ng kongkretong
imahen sa isip ng nagbabasa. Maaari pang ilarawan
ang situwasyon batay sa iyong personal na danas.”
3. Regulatori na Fidbak
“Mainam ang pagkakasulat ng sanaysay at kung
ipagpapatuloy ang hilig sa pagsusulat, higit na
magpagbubuti ang iyong kasanayan bilang
nagsisimulang manunulat.”
4. Personal na Fidbak
• Mahusay!

• Magaling!

• Ipagpatuloy ang magandang nasimulan!


Mga Gabay sa Pagbibigay-Fidbak (Choa 2020)
• Isaalang-alang ang iba-ibang kakayahan ng bawat estudyante.

• Maging konstruktibo o mapagbuo sa pagbibigay ng fidbak.

• Gumamit ng rubik sa pagtataya bilang pantulong sa pagbibigay-fidbak.

• Maging espesipiko sa pagbibigay ng fidbak, nakatuon sa gawain at kasanayan.

• Gamitin ang “sandwich method” sa pagbibigay-fidbak.


Mga Gabay sa Pagbibigay-Fidbak (Choa 2020)
• Iwasan ang paulit-ulit na pagbibigay ng parehong fidbak.

• Iwasan ang mga salitang “dapat, sana, subalit” sa pagbibigay-fidbak.

• Maglaan ng pulong para sa pagbibigay ng fidbak.

• Itala ang iyong obhetibong fidbak para sa kagyat na pagbibigay fidbak.

• Magtanong upang igiya ang estudyante para sa ganap na pagkaunawa.


Mga Gabay sa Pagbibigay-Fidbak (Choa 2020)

• Hingin at makinig sa pananaw ng estudyante.

• Gumamit ng “Post-it” at biswal sa pagbibigay ng fidbak.

• Isama ang kaklase o klase sa pagbibigay ng fidbak ng gawain o pagganap.

• Magbigay ng mahuhusay na huwaran ng gawain bilang batayan ng klase.

• Subaybayan ang pag-unlad ng estudyante mula sa ibinigay na fidbak.


Tanong-Sagot at
Malayang Talakayan
Para sa iba pang katanungan, maaari akong makontak sa:
jchoa@ateneo.edu

Jan Henry Choa Jr.

jeanlauren10

@janhenry10

Dios mabalos sa tanan!


Padayon!

You might also like