Ang Tekstong Persuweysib

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Ang Tekstong

Persuweysib
EFREN B. MANACOB, JR.
GURO NG/SA FILIPINO
Tekstong Persuweysib
 Layunin
ng tekstong ito ang manghikayat o
mangumbinsi sa babasa ng teskto.
 Isisnusulat
ang tekstong ito upang mabago ang
takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang
punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang
tama.
 Hinihikayat
din ang mambabasa na tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o ineendoso ng teksto.
Tekstong Persuweysib

Ang tekstong persuweysib ay may


SUBHETIBONG tono sapagkat malayang
ipinhahayag ng manunulat ang kaniyang
paniniwala at pagkiling tugkol sa isang
isyung may ilang panig.
Tatlong Paraan ng Panghihikayat
mula kay Aristotle

ETHOS
PATHOS
LOGOS
Ethos

 Itoay tumutukoy sa kredibilidad ng isang


manunulat.
 Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang
mambabasa na siya ay may malawak na
kaalaman at karanasan tungkol sa kaniyang
sinusulat, kung hindi ay baka hindi mahikayat
ang mababasa na maniwala rito.
Pathos
 Tumutukoy
ito sa gamit ng emosyon o damdamin
upang mahikayat ang mambabasa.
 Ayon
kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon.
 Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mambabasa ay mabisang paraan upang makumbinsi
sila.
Logos
 Itoay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa.
 Kailangang mapatunayan ng manunulat sa
mga mambabasa na batay sa impormasyon at
datos na kaniyang inilatag, ang kaniyang punto
o pananaw ang siyang dapat na paniwalaan.
Madalas na Pagkakamali ng
Manunulat sa Paraang Logos….

Ad Hominem Fallacy- ang


manunulat ay sumasalungat sa
personalidad ng katunggali at
hindi sa pinaniniwalaan nito.

You might also like