Professional Documents
Culture Documents
Mala Masusing LP
Mala Masusing LP
Mala Masusing LP
Sa Filipino VII
I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
2. Naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
3. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap ayon sa
gamit.
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pag-uulat ng liban
B. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral ukol sa paksang pinag-aralan noong nakaraang linggo.
Mayroong ilang katanungan mula sa guro ang sasagutin ng mga mag-
aaral.
1. Ano ang pangungusap.
o Pangungusap - lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito
ng ang simuno at panaguri.
2. Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?
o Simuno at panaguri
3. Anu ang simuno at ano ang panaguri?
o Simuno – ito ay maaring pangngalan o panghalip na pinag-
uusapan sa pangungusap. Hal: si/sina, ang/ang mga
o Panaguri – ito ay naglalarawan tungkol sa simuno at
pinangungunahan ng panandang na “ay” kung ang pangungusap
ay nasa di-kataniwang ayos.
4. Magbigay ng isang pangungusap na may simuno at panaguri.
o Masarap magluto ang Nanay ko.
C. Pagganyak
1. (Papangkatin ng dalawang grupo ang klase) Magkakaroon ng isang
aktibidad kung saan ay magbibigay ang guro ng mga larawan ng bantas sa
bawat pangkat. Papanoorin at Papakinggan ng mga mag-aaral ang mga
pangungusap na lalabas sa screen ng smartphone ng guro. Paunahan sa
pagtaas ng larawan ng tamang bantas ng pangungusap.
D. Paglalahad
1. Tatanungin ng guro kung ano ang napansin ng mga mag-aaral sa
aktibidad na kanilang ginawa.
2. Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang paksang tatalakayin.
o Ang ating paksa ngayong araw ay ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit.
E. Pagtalakay
Ayon sa gamit, may apat na uri ang pangungusap. Ito ay ang mga
sumusunod:
F. Paglalahat
Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagtatanong sa sumusunod: Sa
pagsagot, maaaring piliin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Spin the Wheel
na application.
1. Ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit?
2. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na padamdam, patanong,
pasalaysay at pautos?
3. Ibigay ang mga panghalip na pananong o salitang nagtatanong na
ginagamit sa pangungusap na patanong.
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, isulat sa 1/4 na pirasong papel
ang sagot. Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit at ang angkop na bantas.
Gamitin ang mga sumusunod na titik:
PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos)
V. Takdang Aralin:
Panuto: Sa isang (1) pirasong papel, magsalaysay ng isang pangyayaring naganap
sa inyong paaralan. Isama ang iba’t ibang uri ng pangungusap.