Professional Documents
Culture Documents
MASUSI
MASUSI
Region V
Bulan, Sorsogon
MASUSING BANGHAY ARALIN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod:
III. PAMAMARAAN
d. Paglalahad ng Babasahin ng mga mag-aaral ang tatlong layunin sa araw na ito. Mga
Layunin Layunin:
1. naiisa-isa ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan,
2. nakapagbabahagi ng saloobin tungkol kahalagahan ng iba’t ibang gamit ng
wika sa lipunan, at;
3. Nagagamit ang iba’t ibang gamit ng wika sa aktwal na pangyayari
1|Pahin
B. Pagganyak Napanood ko, Isasadula ko!
1. Mayroong apat na sikat na linya ang mapapanood mula sa piling sikat na
pelikula sa Pilipinas.
a. Unang Pangkat: My Ex and Why
b. Pangalawang Pangkat: Heneral Luna
c. Pangatlong Pangkat: Labs Kita, Okey Lang
d. Pang-apat na Pangkat: One More Chance
2. Para maging interaktibo ang gawain, sa pamamagitan ng Wheel of Name, ang
napiling piling mag-aaral ang magsasagawa ng linya at ang kapareha nito.
3. Matapos ang pagsasadula, kailangang masagot ang tanong na;
a. Ano ang tungkulin ng Wika batay sa napanood o isinadulang linya.
Ayon kay Michael Halliday (1973), mayroong pitong gamit ang wika.
1. Interaksyunal
Ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtataag, pagpapanatili ng
relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa:
a. Pormularyong Panlipunan
b. Liham pangkaibigan
c. Pakikipag-chat
2. Instrumental
Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikipag- usap o pag-uutos.
Halimbawa:
a. Liham pangangalakal
3. Regulatori
Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagkontrol o paggabay ng kilos o asal ng
ibang tao.
Halimbawa:
a. Pagbibigay direksyon
b. Pagbibigay paalala
c. Pagbibigay babala
4. Personal
Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon.
Halimbawa:
a. Pagsusulat ng Diary
b. Liham sa patnugot
5. Imahinatibo
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan.
Halimbawa:
a. Pagsusulat ng tula, nobela at iba pang lathalain
6. Heuristik
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon upang makapagtamo ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.
Halimbawa:
a. Bakit nagkakaroon ng low tide?
b. Bakit may umaga at gabi?
7. Impormatib
Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon.
Halimbawa
Paguulat at Pagtuturo
D. Paglalapat Pangkalahatang panuto at pamantayan
1. Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat.
2. Bawat pangkat ay mayroong itatalagang gawain batay sa napiling gamit ng
wika.
Unang Pangkat
Interaksyunal
Talk Show (Covid 19)
Pangalawang Pangkat
Instrumental
Paggawa ng babala o banner tungkol sa Red
Tagging
Pangatlong Pangkat
Regulatori
Paggawa ng batas tungkol sa malayang
pagpapahayag
Pang-apat na pangkat
Personal
Pagbuo ng isang awitin tungkol sa pagmamahal
sa bayan
Panlimang Pangkat
Imahinatibo
Pagguhit tungkol sa kabayanihan ng
3. Mayroong 10 minuto para sa paghahanda ar 5 minuto para sa pagtatanghal at
frontliners
pagpapaliwanag.
4. Narito ang pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan 5 4 3
Kawastuhan Naisakatuparan ang Naisakatuparan ang Walang
lhat ng hinihingi at ibang hinihingi at naisakatap
wastong wastong uran at
naipaliwanag naipaliwanag hindi
wasto ang
pagpapaliwanag
Paghahain Nasunod ang lahat Di-gaanong Hindi nasunod
ng nasunod ang
panuto na itinakda. ang panutong panutong itinakda.
itinakda.
Kooperasyon Nagpakita ng Nagpakita ng Walang
pagkakaisa ang pagkakaisa naipakitang
lahat ng ang ilan pagkakaisa
miyembro sa lamang na ang
paggawa miyembro miyembro sa
sa paggawa. paggawa.
Oras ng Paggawa Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain bago gawain sa ang gawain sa
ang itinakdang itinakdang itinakdang
oras oras oras
E. Paglalahat Bilang pagtatapos ng talakayan, ang bawat mag-aaral sa klase ay magbibigay ng isang
hastag (#) bilang pagbubuod ng talakayan.
Halimbawa:
#Wika
#Komunikasyon
#Larangan
IV. PAGTATAYA
V. TAKDANG ARALIN
Batay sa pitong gamit ng wika sa lipunan, gumawa ng diyalogo o usapan ukol dito.
1. Interaksyunal
2. Instrumental
3. Regulatori
4. Personal
5. Imahinatibo
6. Heuristik
7. Impormatib
5|Pahin