Tula para Sa Kababaihan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tula Para sa Kababaihan

Isa kang nilalang na di dapat nila-lang

Babae,isa kang nilalang na di dapat nila-lang

Huwag mong hayaang nila-lang ka lang

Magbalik tanaw ka at iyong pagmasdan

Mga iilang pagbabago sa pagtrato saiyo ng lipunan.

Kababaihan kumilos ka at umpisahan

Humakbang ka pasulong at ng huwag ng madiktahan

Humakbang ka at sarili,y huwag limitahan

Sapagkat natatangi ka at mayroon ding patutunguhan.

Kababaihan kayo ay tila mga diyamante at perlas

Kayo ay tila mga mamahaling hiyas

Kaya’t huwag magpa -api sa lipunang hindi patas

Kumilos ka at ipakita ang iyong lakas.

Kababaihan malayo na rin naman ang iyong narating

Mga pinaglalaban ay unti-unting nararating

Hakbang pa.Patuloy lang na magpamalas ng galing

Pasasaan at ang pagkilalang lubos ay makakamit mo rin.

Kababaihan,babae ka.Hindi babae lang

Babae,isa kang nilalang na di dapat nila-lang

Sapagkat hindi maitatangi na ikay mahalaga

Lumipad ka na tila isang malayang agila.

You might also like