Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Balangkas Teoretikal

Kaugnay ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ukol sa mga balakid ng mga

mag-aaral hinggil sa pag-aangkop at pag-unawa ng wikang Filipino, nababase ito sa dalawang

teorya hinggil sa nasabing paksa.

Nauugnay ang pag-aaral sa unang teorya patungkol sa pag-uugali ng isang nilalang na

siyang konektado sa kapaligiran o mundong kinalakihan at kinasanayan nito. Sa pamamagitan

nito, masasalamin na may malaking kaganapan ang kapaligiran sa paghubog sa pag-uugali ng

indibidwal, partikular kung paano ito umunawa ng mga aspeto ng buhay.

Kaugnay nito, kilala ang nasabing teorya bilang “Radical Behaviorism” na siyang

itinaguyod ng sikat na sikolohistang si B.F. Skinner kung saan isa ito sa mga pinakamalaki

niyang naiambag sa aspeto ng sikolohiya. Binigyang-diin niya rito ang interaksyong nagaganap

sa pagitan ng isang indibidwal sa kapaligirang kinabibilangan nito kung saan patuloy aniyang

nagbabago ang pag-uugali ng isang tao base mga nararanasan niya sa lipunan kanyang

kinabibilangan. Alinsunod dito, nakabase ang teorya ni Skinner sa isang sistemang tinatawag na

“operant o behavioral conditioning” kung saan isinasaad nitong mas lumalaki ang posibilidad na

makasanayan o makaangkop ang isang nilalang sa isang gawi kung patuloy niya itong

nararanasan at ginagawa sa paglipas ng panahon. Mailalarawan ito sa isang pidbak na sistema na

nagsasabing mas malaki ang probabilidad ng pagtugon ng isang tao sa isang gawi kung ang

napaunang sistemang ipinakilala sa kanya ukol rito ay nauugnay sa kanyang mga gawain sa

pang-araw-araw(“Skinner’s Radical Behaviorism”, 2011).

“During this “operating,” the organism encounters a special kind of stimulus, called a

reinforcing stimulus, or simply a reinforcer… This is operant conditioning: the behavior is


followed by a consequence, and the nature of the consequence modifies the organisms’ tendency

to repeat the behavior in the future.”

- (Boeree, n.d.)

Sa kabuuan, maiuugnay ang konsepto ng “operant conditioning” sa paksang tinutukoy ng

mga mananaliksik kung saan ipinupunto nila ang mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral

sa pagsasalita at pag-iintindi ng wikang Filipino bunsod ng pag-usbong ng modernisasyon.

Matatandaang naglipana ang paggamit ng teknolohiya at makabagong uri ng mga kultura kung

kaya ay tila natatabunan na orihinal na imahe ng wika sa likod ng makabagong panahon.

Lumaganap ang paggamit ng mga balbal, kolokyal, at iba pang mga impormal na salita. Ayon

kay Cauinian at Delivios (2012), mga mananaliksik, isa ito sa mga pangunahing suliranin ng mga

mag-aaral sa pag-unawa ng wikang Filipino sapagkat kinalalakihan nila ang paggamit ng mga

wikang lansangan na napupulot nila sa lipunang kinalakihan. Ang mga salitang ito ay nagagamit

din nila sa pag-aaral na nagbubunsod ng maling paggamit ng salita.

Upang masolusyonan ang problemang ito, ibinabase ng mga mananaliksik ang pag-aaral

nila sa kaparaanang nahihinggil sa konsepto ng “operant conditioning” ni Skinner kung saan

tutukuyin nila ang pinakamabisang sistema upang maitaguyod ang wikang Filipino sa mga mag-

aaral ng kasalukuyang panahon. Mula rito, ihahain nila ang mga konseptong maaaring mahubog

ang kasanayan ng mga mag-aaral ukol sa pag-aangkop ng sariling wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Samantala, isa pa sa mga pinagbabasehan ng pag-aaral ay ang teoryang alinsunod sa

kakayahang magproseso ng isang utak na mas kilala sa tawag na Recursive Hierarchical

Recognition (RHR). Isinasambit ng teoryang ito na ang pagkatuto ng linggwahe ay ang

pangunahing pinoproseso ng isang indibidwal. Inilalatag nito ang mga pamamaraan upang
mapangasiwaan ang “neural processing” na siyang responsable sa pagkatuto ng wika. Kasama

rin nitong inilalahad ang aspeto ng pagkakasunud-sunod, pagsubaybay, at pagsukat ng pagiging

epektibo ng mga kasanayan sa paghubog ng kakayahang matuto ng ng wika ng isang tao.

Sa isang pag-aaral ni Phillip Lance Knowles (2008), sinasabing isa sa mga suliraning

kinahaharap ng mga kabataan, partikular na ng mga estudyante, ay ang kakulangan sa kasanayan

pagdating sa pagsasalita at pag-unawa sa linggwaheng kinalakihan nila. Dulot nito, karamihan sa

mga mag-aaral ay hindi tuluyang nalilinang ang kanilang kakayahan sa pagsasalita at pag-unawa

ng kanilang wikang kinagisnan. Ang konseptong ito ay kilala rin bilang tradisyunal na proseso

kung saan ang isang guro ay nagsisilbi lamang tagapagbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral, sa

halip na tagapagsanay sa kanila kung paano ang wasto at mabisang paggamit ng wika.

Sa kabilang banda, layunin ng RHR na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral tungo

sa pagproseso ng wika tungo sa pag-aangkop nito sa aktwal na kasanayan. Sa halip na mga

bokabularyo lamang ang pinagyayaman sa kanilang kaisipan, isinusulong nito ang pagkamit ng

kakayahang mag-analisa ng mas malawak na uri ng paggamit ng wika, kagaya na lamang ng

paggamit ng literatura, aktwal na kasanayan sa wika, at pagsasanay sa pagbuo ng diwa gamit ang

wikang kinagisnan.

Gamit ang mga teoryang inilatag ng mga mananaliksik, inilalaan ng pag-aaral ang

Balangkas ng Konseptuwal at Paradigma ng Pag-aaral upang ipakita ang proseso ng

pananaliksik:

You might also like