Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Links: http://filipinotermpaper.blogspot.

com/
http://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pa
g-aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan

(RRL)

Benepisyo at mga Pagkukulang (ng Wikang Filipino)

Bilang isang taong binigyang buhay ng Panginoon, may kanya-kanya tayong mga pag-
iisip at sariling pang-unawa na siyang gagabay sa ating patuloy na pamumuhay bilang isang
indibidwal. Karamihan sa mga katangian at mga kaalaman ay natutunan sa mga paaralan,
patungkol na rito ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang sariling wika. Dito ay mas
nabibigyang kahalagahan ang bansang may sariling wika na siyang sumusuporta bilang isang
bansang nagsasarili at maituturing na malaya.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating


ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang mag-aaral. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa
pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng
kanyang mga katangian na siyang sisidlang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o
bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin
ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan, Apao, (2014).

Bukod pa rito, masasabing dito rin nakasalalay para sa mga mag-aaral ang epektibong
pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao. Sa pamamagitan nito,
lumalawak ang kanilang pang-unawa tungkol sa mas mabisang paggamit ng isang wika para sa
pag-unlad ng kanilang sariling kaalaman pagdating sa larangan ng pagbasa maging sa pagsulat
sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang kanilang
kakayahan sa pagbasa ay inaasahang umuunlad din ang kakayahan nila sa pagsulat , Callenero,
(2014).

Sa kabilang banda, masasabing sa patuloy na pag-usbong ng mga banyagang


salita ay nawawalan ng kahalagahan ang wikang filipino para sa mga mag-aaral na
siyang tumatangkilik dito. Tila nagiging dahilan ito sa paglamlam sa pag-asang ang
mga kabataan ang siyang magpapatnubay ng patuloy na pagbibigay liwanag sa
kahalagahan nito. Mas nabibigyan pang pansin ang popularidad ng banyagang wika
kaysa sa mga benepisyong naidudulot nito para sa mga katangian bilang isang
indibidwal maging sa sariling pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Samakatuwid, kasabay ng modernisasyon at paglunsad ng makabagong teknolohiya ay
patuloy din ang pagbabago ng wikang filipino, tila nawawalan ito ng kahalagahan para
sa mga lokal na mag-aaral bilang pangunahing wika sa bansa. Halimbawa na lamang
dito ay ang paggamit ng ibat- i b a n g p a m a m a r a a n u p a n g m a s m a p a i k l i a n g
p a g b i g k a s a t a n g b a y b a y n i t o . I l a n g halimbawa ng pagpapalawak ng
bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o paggamit ng mga letra na sumasagisag
sa isang salita o tumatayo bilang kahalili nito upang mas madaling maunawaan. Isa
pa rito ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit  n o o n g u n a n g p a n a h o n u p a n g
m a s m a g a n d a n g b i g k a s i n a t p a k i n g g a n , m a g i n g ang paggamit ng mga balbal na
salita na siyang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan.
Tila masasalamin din dito na ang wikang filipino ay hindi sasapat sa mata ng
makabagong henerasyon ng mga Pilipino, kulang ang katangian nito upang
mapagbuklod-buklod ang isang paniniwala tungo sa minimithing mangyari, Albay,
(2016).

You might also like