Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

CAVITE STATE UNIVERSITY – Imus Campus

COLLEGE OF ____________________
PROPOSAL NG PAKSANG PANANALIKSIK
Taong Panuruan 2021-2022

A.Panimula:
Sa bahaging ito ay dapat nasasagot ang dahilan ng pagpili ng paksa, balido at
suportado ng mga pag – aaral para kaobhetibuhan ng pananaliksik. Ilahad ang
benepisyal ng paksa kung sakali papahintulutan ang paksa.

-- Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa mga pananaw ng manlalaro ng Axie


Infinity ukol sa epekto ng mga larong base sa NFTs o Non-Fungible Tokens.
Makatutulong ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-kaalaman kung ano
ang posibleng maging epekto ng pagkakaroon ng mga NFTs.

Kung maaprubahan ang paksa ng pananaliksik na ito ay magkakaroon ang mga


mananaliksik ng pagkakataong mailahan ang magiging resulta ng pananaliksik
na ito. Mabibigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga mambabasa na
naaayon sa kung ano ang kalabasan ng pananaliksik na ito.

Paksa: Pananaw ng mga Manlalaro ng Axie Infinity ukol sa epekto ng mga laro na base
sa NFT's o Non-Fungible Tokens

• Paglalahad ng Suliranin (Isa isahin dito ang mga suliranin na nais sagutin sa pag –
aaral)
1. Ano ang mga adbentahe ng pagkakaroon ng NFTs para sa mga manlalaro?
2. Ano ang mga disadbentahe ng pagkakaroon ng NFTs para sa mga manlalaro?
3. Ang NFT’s based game ba ay may magandang epekto sa mga gumagamit nito?
4. Dapat bang ipagpatuloy pa ang paggawa ng mga online na laro na base NFTs?

Kaligiran ng paksa (Isulat sa bahaging ito ang bakgrawnd ng paksa, suportahan ng


mga pag – aaral na makatutulong sa pagbabalido at katotohanan ng paksang
idinudulog.)
Ang NFT’s o non-fungible token ay halos bago para sa mata at pandinig ng
nakakarami. Ito ay isang bagong uri ng blockchain na ipinakilala at ibinahagi noong taong

This study source was downloaded by 100000854124752 from CourseHero.com on 10-06-2022 00:54:01 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/131133754/NFT-PROPOSAL-NG-PAKSA-1pdf/
2017. (Regner, 2019). Ayon kay Goodwin (2021), ito ang pinakabagong cryptocurrency
na nasa mainstream. Ngunit hindi tulad ng mga cryptocurrency tulad ng bitcoin at etherum
na kayang ipagpalitan sa ibang uri ng crypto currency, ang NFT ay isang uri ng blockchain
kung saan hindi sila maaaring ipag-palit sa iba pang mga NFT. (Aggarwal,2021)
Habang ang mga fungible tokens tulad ng bitcoin at etherum ay may gamit sa
ekonomiya sa pamamagitan ng mga Inisyal na Coin Offering, hindi parin malinaw ang
potensyal ng mga non-fungible token (NFT) (Regner, 2021).
Ang NFT ay matutukoy rin bilang digital na representasyon ng isang bagay sa real-
world tulad ng sining, musika, at marami pa. Maaari rin itong mailapat sa video games.
Ang Axie Infinty ay isang laro na base sa NFT o non-fungible token. (Security Bank
Team, 2021) Ang laro ay mayroong turn-based o salitan na labanan sa pagitan ng mga
cartoon monster na tinatawag bilang Axie. Ito ay parang Pokemon pero ang pagkakaiba
nito ay ang Axie ay may sariling blockchain, na kapag nanalo ang isang manlalaro dito
ay nakakakuha ng currency sa laro na pwedeng ipapalit sa open market para sa tunay
na pera. (Newton, 2021)
Mayroong humigit kumulang na dalawang milyon at dalawang daang libo ang
manlalaro ng Axie Infinity sa buwan ng Nobyembre sa taon ng 2021. Bukod dito 40% ng
players ng Axie Infinity ay nakabase sa Pilipinas. (Active Player, 2021). Bilang
nakakahumaling ito para sa Pilipino, nakababahala kung ano ang epekto nito sa mga
manlalaro at ano ang pananaw nila ukol dito.

PERSONALG UDYOK SA PAGPILI NG PAKSA


Tumatalakay ito sa personal na naranasan , nakita o naobserbahan ng mananaliksik
upang isulong ang pag papaapruba ng paksa.
Marami ngayon ang nahuhumaling sa larong Axie Infinity, lalo na sa mga estudyante.
Kaya hindi nakakapagtakang pumasok sa aming isipan kung ano ang pananaw ng mga
manlalaro dito. Kung ano ang mga epekto nito at kung mayroon nga ba itong
magaganda o masamang dulot sa mga manlalaro.

E. Kahalagahan ng Pag - aaral


Isa isahin ang makikinabang at paano magbebenepisyo sa paksa:
Mga Mag-aaral – Magkakapagbigay linaw ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na
interasado sa NFT. Maaaring malaman nila kung ano nga ba ang pananaw ng mga
manlalaro ukol dito.

This study source was downloaded by 100000854124752 from CourseHero.com on 10-06-2022 00:54:01 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/131133754/NFT-PROPOSAL-NG-PAKSA-1pdf/
Komyunidad – Ang NFT ay hindi pamilyar sa iilan kaya ito ay makatutulong na
magkaroon ng kaalaman ang komyunidad ukol sa mga epekto nito.
Mga iba pang Mananaliksik – bilang ang NFT ay medyo bago pa para sa karamihan,
kakaunti palang ang mga aral ukol dito. Kung ito ay maaprubahan makakadagdag ito sa
mga pananaliksik tungkol sa NFT na makakatulong sa mga mananaliksik sa hinaharap.

Idinulog nina: Idinulog noong ika ____________


Pangkat at mga Myembro
Pangkat 5
Rafaella Banez
Rinoa Jayne Catanaoan
Aharah Jane Faustino
Rosmond Ramirez
Aalihya Rivero

Tinanggap at Pinahintulutan ni/ nina:


DANTE B. RAMOS
Gurong tagapayo ng saliksik
______________________
______________________

This study source was downloaded by 100000854124752 from CourseHero.com on 10-06-2022 00:54:01 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/131133754/NFT-PROPOSAL-NG-PAKSA-1pdf/
This study source was downloaded by 100000854124752 from CourseHero.com on 10-06-2022 00:54:01 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/131133754/NFT-PROPOSAL-NG-PAKSA-1pdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like