Professional Documents
Culture Documents
Review
Review
SINESOSYEDAD/PELIKULANG
PANLIPUNAN FILSOS 1115
PANUNURING PAMPELKULA
PELIKULANG PANLIPUNAN
PAGSUSURI SA PELIKULANG
MA’ ROSA
Ni
MIKAELLA C. ANTONIO
BSED 4-5
JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO
MAIKLING PAGSUSULIT/GAWAING
1. PANIMULA-maikling paglalarawan hinggil sa pelikula.
Ang Ma’Rosa ay isang pelikulang Filipino sa direksyon ni Brillante Mendoza
noong taong 2016. Pinagbibidahan ni Jaclyn Jose bilang Rosa Reyes na kung
saan nakatanggap siya ng parangal bilang pinakamahusay na aktres sa Cannes.
Ang pelikula ay tumatalakay sa suliraning panlipunan na angkop at napapanahon
sa bansang Pilipinas. Ipinapakita rito ang magiging kahihinatnan ng mga
pagkakamaling nagawa ng mga magulang na sina Rosa at Nestor bilang drug
pusher. Samantala, ang kanilang mga anak ang siyang magsasakripisyo upang
makaipon ng pera kapalit ng kanilang mga magulang na hawak ng mga kurap na
pulis.