EsP5 Q1 Mod6 Pagiging Matapat Isang Mabuting Gawi v5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Government Property

1
NOT FOR SALE

Edukasyon sa
Pagpapakatao
5
Unang Markahan - Modyul 6
Aralin 6
Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 6: Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: SDS Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author: Reyman P. Culobio, SPET-1


Reviewers: Marjorie A. Sagario, ESP-III
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Ian Francis E. Veloso, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
Edukasyon sa 5
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6

Aralin 6

Pagiging Matapat,
Isang Mabuting Gawi
Ika-anim na Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor and education program
supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials (i.e., songs,
stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have
made significant contributions to this module.
Department of Education ● Republic of the Philippines
Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya.............................................................................................................i
Nilalaman ng Modyul............................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto.........................................................................................................ii
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………………………………………….iii

Aralin 6: Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi

Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan.

Alamin..........................................................................................................1

Subukin..........................................................................................................1
Balikan...........................................................................................................2
Tuklasin.........................................................................................................2
Suriin.............................................................................................................3
Pagyamanin...................................................................................................5
Isaisip.............................................................................................................6
Isagawa..........................................................................................................7
Tayahin..........................................................................................................7
Karagdagang Gawain....................................................................................8

Buod.....................................................................................................................................8
Susi ng Pagwawasto.............................................................................................................9
Sanggunian...........................................................................................................................10
Modyul 6

Pagiging Matapat,
Isang Mabuting Gawi
Pangkalahatang Ideya

Nakapagpakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan.


(EsP5PKP – Ie-30)

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang
pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms
Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga
paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga
nagdaang modyul sa kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral


tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang
mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal
na Kasanayang Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge)
sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na
Kasanayang Pampakatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension),
Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na nalalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito
ang ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng
Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng
mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasyon ng buhay.

i
Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo ang tapat
ang sumusuod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang


lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakato para sa mga sagot


sa mga tanong sa mga Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang


ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-
aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit


nahihirapan.

ii
Mga Icon ng Modyul na ito
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
Alamin o mithiing dapat matamo sapag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataon
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga Karagdagang
kaalaman o kasanayan sa aralin na
Gawain
natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga
natutunan na konsepto.
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang
Susi ng mga aktibidad at pagtatasa.
Pagwawasto

iii
Aralin 6 Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay


upang matulungan kang makabisado at makasusuri sa mga mabuti at di-mabuting
maidududlot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at
napapanood.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't


ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang lubusang
maunawaan at mapadali ang pag-aaral.

Ang module na ito ay para sa

Aralin 6- Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi


Ikaanim na Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Napagpakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan.


(EsP5PKP – Ie-30)

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


pagiging matapat at ekis (X) naman kung hindi. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

_____1. Humingi si Aiza ng pera sa kanyang nanay pambili ng bolpen. Bumili siya ng
sorbetes sa halip na bolpen.
_____2. Nakita ni Paulo na nalaglag ang P100 ng kanyang kuya. Pinulot niya ito at ibinalik
sa kanyang kuya.
_____3. Binigyan si Helen ng P500 ng kanyang Tiya Cordensya para sa kanilang
magkakapatid. Hinati niya ito at at ibinigay sa kanyang magkakapatid.
_____4. May proyekto sa Math sina Angelo. Humingi siya ng tamang halaga ng ibabayad sa
kanyang tatay.
_____5. Nahulog ang pitaka ni Jenny sa bus. Nakita ito ng konduktor at isinauli sa kanya.

1
Balikan
Ang pagiging miyembro ng isang pangkat ay mahalagang bahagi ng buhay mag-aaral.
Halos lahat ng bahagi ng pag-aaral ay kinakailangan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-
aaral. Dahil dito, nararapat lamang niyang pahalagahan ang pangkat na may kinalaman sa
ikabubuti at ikaayos ng pag-aaral ng bawat miyembro.

May napapansin kaba sa pangkat na kinakabilangan mo? Ano ang pinakahuli mong
ginawa kasama ang iyong pangkat? Tagumpay ba ito? Nagawa mo ba ang iyong bahagi sa
pakikipagtulungan sa iyong pangkat? Alamin kung paano nagtatagumpay ang isang pangkat
sa pamamagitan ng wastong pagpapahayag at pagganap ng mga ugali tungo sa tagumpay ng
kalahatang tungkulin.

Sa nakaraang aralin, napag-alaman natin kung paano nagtagumpay ang isang pangkat
sa pamamagitan ng wastong pagpapahayag at pagganap ng mga ugali tungo sa tagumpay ng
kalahatang tungkulin.

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bilang na tumutugon sa nagpapakita ng kawilihan


at may positibong saloobin sa pag-aaral batay sa pangkatang gawain, at ekis
(X) kung di naman nagpapakita. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

_____1) Pagpapakita ng kahalagahan sa opinyon ng ibang tao tungkol sa napakinggang


balita sa radyo at telebisyon kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
_____2) Pagtatalakay sa nabasang impormasyon sa dyaryo at magasin upang madaragdagan
ang iyong kaalaman at kakayahan.
_____3) Nagpapakita na ikaw ay naniniwala sa lahat ng patalastas na napanood o
napakinggan sa radyo, telebisyon at internet.
_____4) Pagtulong at paggawa ng kapaki-pakinabang na gawain tulad halimbawa ng mga
health tips para iwas Covid19.
_____5) Pagpapakita ng mabuting saloobin sa pagtulong sa pangkatang gawain.
_____6) Paglalaro ng mobile legend at panonood ng MTV sa internet kaysa paggawa ng
iyong takdang-aralin.
_____7) Pagtatanong na hindi tama sa napakinggang impormasyon.
_____8) Humanap ng pamamaraan upang magkaroon ng kaayusan sa pangkatang gawain.
_____9) Nagpapakita ng mabuting saloobin sa pakikilahok sa pangkatang gawain.
_____10) May tungkulin ka sa pangkat na iyong kinabibilangan.

Tuklasin

Pangunahing dahilan ng ating pagpunta sa paaralan ay upang matuto tayo. Matuto ng


maraming bagay na maari nating kailanganin at pakinabangan sa pagharap natin sa mga
hamon ng buhay. Sa paaralan din higit na hinuhubog at pinag-aaralan ang wastong
pakikisalamuha sa ibang tao.

2
Gawain:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

1. Ano-ano ang gusto mong matutunan sa paaralan na magbibigay ng pakinabang para


sa iyong buhay sa hinaharap?

2. Paano mo maipapakita ang pagiging matapat sa iyong tungkulin lalo na sa kapakanan


ng iba?

Ang pagiging matapat sa anumang gawaing nakaatang sa atin ay dapat na ipakita sa


lahat ng pagkakataon. Dapat na ipabatid sa lahat na ang mga mag-aaral ay gumagawa rin ng
kapaki-pakinabang na mga proyekto. Sila ay matapat sa paggawa ng mga tungkulin sa loob o
sa labas man ng paaralan.

Suriin
Suriin

Basahin ang kuwento.


Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!

Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio Castro. Siya ay labingpitong taong
gulang at kasalukuyang na sa ikalimang baitang ng Paaralang Elementarya ng Sala sa bayan
ng Cabuyao. Si Honesto ay kakaiba sa karaniwang mga mag-aaral dahil sa murang edad ay
kinailangan na niyang maghanapbuhay upang makatulong sa gastusin ng pamilya. Buong
sipag niyang tinutulungan ang kanyang mga magulang upang maitaguyod ang
pangangailangan nilang magkakapatid. Tunay na siya ay isang mabait at huwarang anak at
kapatid para sa kanyang pamilya.
Isang araw habang si Gng. Anacay ay nagtuturo ay tinawag niya si Honesto sa harap
ng klase. Tila nagulat at natakot ang bata kaya siya ay nagdalawang isip na tumayo at lumapit
sa guro. Hanggang sa siya ay lapitan na ng guro at malugod na ipinagmalaki at ginawang
halimbawa ang mga gawi na nakasanayang gawin ni Honesto sa paaralan at maging sa
kanyang pinapasukan na trabaho.
Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay. “Alam niyo ba mga bata na kayo ay
mapalad na magkaroon ng isang kamag-aral na kinagigiliwan ng maraming tao dahil sa
kanyang pagiging matapat.” Nagbulungan ang mga bata at tila nagtaka kung sino ang
tinutukoy ng guro. “Nakakwentuhan ko si Gng. Villanueva (Coordinator ng Yes - O Club)
noong isang araw, ayon sa kanya siya raw ay humanga sa ginawa ng isa ninyong kamag -
aral. Habang siya ay abala sa pangungolekta ng mga naipong plastik na bote ay nilapitan siya
ng mga bata at nag- alok ng tulong. Agad naman siyang pumayag at tinawag ang batang ito
na aking tinutukoy upang pamunuan ang pagbebenta ng mga naipong bote para magamit na
pondo ng Yes - O Club. Agad naman siyang tumugon sa aking ipinagawa. Makalipas ang
ilang minuto, dala-dala na niya ang pera na napagbentahan mula sa mga plastik na bote.

3
Agad siyang inabutan ng guro ng pangmerienda ngunit mabilis na tinanggihan ang
alok at masayang bumalik sa kanyang klase.”
Sa hindi kalayuan ay napansin ni Gng. Villanueva ang grupo ng mga bata na naiinis
na nagkukuwentuhan. “Hmp. Nakakainis talaga malaki naman ang napagbentahan sa plastik
na bote ewan ba kung bakit ayaw niya pang bawasan,” ang wika ng isa. Agad naman
sumigunda ang isa pang mag-aaral, “Baka sumisipsip lang paano laging liban sa klase.”
Napaisip ng malalim ang guro hinggil sa narinig na usapan ng mga bata. At agad na
ikinatuwa ang pagiging matapat na bata ng kanyang mag-aaral.
Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, “Ma’am, Ma’am ako po ba ang tinutukoy
ninyo?” lakas loob na tanong ng bata at umalingawngaw ang tawanan sa loob ng silid-aralan.
Agad na nagpatuloy sa pagkukwento si Gng. Anacay. “Bilang pagpapatuloy kaninang umaga
naman nakasalubong ko papasok ng paaralan si Mang Max at agad na kinamusta ang batang
ito. Sabi ko naman medyo dumadalas siya sa pagliban sa klase at doon ko napag-alaman na
siya pala ay kasalukuyang namamasukan sa construction upang kumita ng pera at
maipangdagdag sa kanilang pangagastos. Naantig ako sa aking narinig at mas lalo niya pa
akong pinahanga sa mga sumunod na sinabi ni Kuya Max.
“Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong nagagalak sa batang iyan, noong isang araw
ay umalis ako ng maaga sa site na pinaggagawan ng aking bahay. Kinailangan ko kasing
dumalo sa miting pambarangay na ipinatawag ni Kapitan Kiko Alimagno. Ako ay tiwala sa
aking mga trabahador ngunit noong isang araw ay binalikan ko ang mga naganap sa site
gamit ang CCTV na aking inilagay sa hindi kalayuan. Ako ay nabigla sa aking nasaksihan,
noong araw na ako ay dumalo ng miting mga alas - 4:00 hapon. Sa aking pag-alis pala ay
agad ding nag-alisan ang aking mga manggagawa kahit hindi pa oras ng uwian ng bigla
akong may narinig na boses at nagsabing,” mga kasama maaga pa po alas - 5:00 ang ating
uwian higit kumulang isang oras pa po bago tayo maaaring umuwi,” ang mahinahon na
paliwanag ng bata. “Aba! akala mo kung sino ka kabago bago mo ganyan ka na.” paangil na
sagot ng isa. “Oo nga atsaka wala naman si Boss minsan lang naman ito,” dugtong pa ng isa.
“Bahala po kayo basta ako ay uuwi ng tama sa oras na itinakda ng may-ari,” mahinahon
ngunit malaman na pagpapaliwanag ng bata.
“Wow! tunay na kahanga-hanga naman talaga siya sa kanyang mga kilos at gawi.”
“Dapat siya ay kinikilala sa flag ceremony upang tularan pa ng mga batang tulad namin.” “Eh
Ma’am sino po ba ang batang ito na dapat naming tularan?” makulit na pagtatanong ng mga
mag-aaral ni Gng. Anacay. Dito na ipinagmalaki ng guro sa lahat si Honesto ang isang
batang matapat at dapat iniidolo ng lahat. Dahil dito ay agad na sumang-ayon ang mga mag-
aaral na ipatawag ni Gng. Anacay ang mga magulang ni Honesto.

Gawain
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Bakit hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto?
3. Anong ginawa ni Honesto na nagpakita ng pagiging matapat?
4. Paano mo rin maipapakita ang pagiging matapat sa paggawa?
5. Bakit kailangang maging matapat sa paggawa ng mga proyektong pampaaralan?

4
5
Pagyamanin

Gawain
Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa kahon. Isulat sa kwaderno ang titik na
nagpapahayag ng totoo.

a. Ang pagsasabi ng tapat ay nagbubunga c. Ang pagsasabi ng tapat ay tanda ng


ng mapayapang samahan. taong napalaki ng tama ng mga magulang.

b. Ang pagsasabi ng tapat ay para sa mga d. Ang pagsasabi ng tapat ay tanda ng


may pinag-aralan. pagsasama nang matiwasay.

Ang pagiging matapat sa paggawa ng proyektong pampaaralan ay isang magandang


kaugalian na dapat tularan. Pagsumikapang magawa at matapos ang mga proyekto sa
paaralan nang may katapatan na kahit anong mangyari o maging resulta nito magiging
masaya ka dahil alam mong ginawa mo ito nang may katapapatan.

Isaisip

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng matapat na paggawa sa proyektong
pampaaralan. Isulat ang Tama o Mali sa inyong kwaderno.

_________1. Sinisikap gawin nang mag-isa ang proyektong pampaaralan.


_________2. Inaalam ang bawat detalye ng proyektong gagawin.
_________3. Nagpapatulong sa nakatatandang kapatid upang mas maganda ang ipapasang
proyekto.
_________4. Gumamit ng mga materyales na hindi ipinapaalam sa guro upang maging mas
kakaiba ang gawa.
_________5. Ginagawa ang lahat ng makakaya sa paggawa nang hindi umaasa sa iba.

Gawain 2:

6
Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba. Isulat
sa kwaderno ang sagot sa patlang.

pag-uugali gawi pamumuhay


kaligayahan matapat

Ang pagiging ___________________ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong


nagpapakita ng ganitong __________________ saanman at kailanman ay makakamit ang
tunay na _______________________ at magkakaroon ng isang maayos, payapa at maunlad
na ____________________. Iniiwasan niyang magsinungaling at pagtakpan ang mga
maling ____________ na ginawa ng iba.

Isagawa

Gawain:
Panuto: Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba para maipakita ang
pagiging matapat. Sumulat ng 2-3 na pangungusap at isulat ito sa inyong
kwaderno.

1. Gumagawa kayo ng proyekto sa EPP nang napansin mong kulang ang iyong
materyales na gagamitin at nakita mong marami sa iyong katabi.
2. May tinatapos na takdang-aralin ang inyong pangkat at kailangan mong magdala ng
gunting at mga gamit pantahi. Alam mong mahalaga sa nanay mo ang mga gamit na
ito dahil siya ay isang mananahi.
3. Nagbigay ang guro ng mga materyales para sa paggawa ng beads na gagawing
palamuti sa silid aralan. Nagandahan ka sa mga beads na ibinigay ng guro. Gusto mo
itong iuwi at gawing pulseras o kwentas.

Tayahin

Gawain:
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng matapat na paggawa sa proyektong
pampaaralan. Isulat sa patlang ang salitang Matapat o Di-matapat.

_______________ 1. Inuutusan ang ibang miyembro na tulungan ka sa bahagi mo sa


proyekto.
_______________ 2. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang proyekto.
_______________ 3. Dinadala mo ang mga gamit ninyo sa bahay para sa proyekto nang

7
hindi nagpapaalam sa iyong mga magulang.
_______________4. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang gaanong
pinagkakaabalahan.
_______________5. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula umpisa
hanggang matapos.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

1. Si Victor ay dali-daling tumatakbo sa daan sapagkat ang kanyang nanay ay itinakbo


sa ospital dahil nagpositibo daw ito sa COVID-19, nang hindi niya alam na nahulog
pala ang kanyang pitaka, nakita ito ni Jean. Kung ikaw si Jean ano iyong gagawin?
a. Itatago mo ang kanyang pitaka.
b. Isasauli mo ito sa kanya.
c. Sasabihin mo sa kanya na hindi mo ito nakita.
2. Anong ugali ang dapat mong ipagmalaki sa sarili?
a. matapat b. malambing c. mayabang
3. Umuwi ng wala sa takdang oras ang ibang kaklase ni James. Tinatanong ng kanyang
guro kung saan na ang kanyang ibang kaklase upang masimulan na ang kanilang
proyekto. Kung ikaw si James ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko ang totoo sa aking guro.
b. Magsisinungaling ako sa aking guro para hindi mapagalitan ang aking mga
kaklase.
c. Tatahimik nalang ako.
4. Nakita mong ninakaw ni Carlo ang gamit para sa proyekto ng iyong kaklase. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hindi ka magsasabi ng totoo.
b. magsawalang kibo
c. sasabihin ang katotohanan
5. Hindi tumulong sa paggawa ng proyekto ang iyong kaklase dahil siya raw ay pagod
na. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagsasabihan ko siya na kailangan siyang tumulong upang matapos agad ang
proyekto.
b. Hahayaan ko lang siya.
c. Aalisin siya sa pangkat.

8
Buod

Ang pagkamatapat sa tungkulin ay isang kabayanihan lalo pa’t kung ang tungkulin ay para
sa kapakanan ng iba. Ang katapatan sa tungkulin ay tanda ng katatagan na parang isang ginto.
Ang pagkamatapat ng isang mag-aaral ay napapaunlad ng kanyang dunong sa pagganap ng
kanyang tungkulin.

Susi ng Pagwawasto

9
Subukin Balikan

Tuklasin
Ang sagot ay pwedeng magkakaiba.
Suriin
1. Honesto, Siya ay matapat.
2. Nagtatrabaho pa rin siya kahit wala ang kanyang amo at kahit ang kanyang mga kasama
ay nagsiuwian na sa hindi takdang oras ng paguwi.
3. Ikinuwento kung gaano ka matapat na bata si Honesto.
4. Gagawin ko ang lahat ng aking takdang aralin ng buong puso at hindi ako mangongopya
sa aking kaklase.
5. Upang maipakita ang katotohanan

Pagyamanin
Isaisip
Gawain 1 Gawain 2

Isagawa
Ang sagot ay pwedeng magkakaiba.
Tayahin Karagdagang Gawain

Sanggunian:

10
 K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) Pasig City:
Department of Education.

 Peralta, Gloria A. and Zenaida R. Ylarde (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon Batayang Aklat 5. Quezon City: Vicarish Publication, pp. 3-11.

11
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

12

You might also like