Para sa akin ang mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan na masasalamin
sa tatlong maiikling video clip ay problema sa pamilya, kahirapan sa buhay, at pakikisama
sa kanilang mga amo na pinagtatrabahuhan. Una ay ang problema sa pamilya, dahil sa desisyon na umalis at magtrabaho sa ibang bansa ay napalayo ang loob ng kanilang sariling pamilya sa kanila lalong lalo na ang kanilang mga anak. Hindi na nila nagabayan at nasubaybayan ng maayos ang mga ito. Pangalawa naman sa kahirapahan sa buhay, ang tatlong ina na ginanapan nina Pokwang, Vilma Santos at Sharon Cuneta ay nagisisikap, nagpapakahirap, nagtatiyaga at nagtitiis para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Panghuli ay ang pakikisama sa mga amo na kanilang pinagtatrabahuhan. Ang pagkakaalam ko, marami pa ring kaso magpahanggang ngayon tungkol sa mga OFW na inaabuso at minamaltrato ng kanilang mga amo at ang iba pa dito ay pinapatay. Sa aking palagay mas makabubuti ang magtrabaho sa ating bansa dahil sa tingin ko ay talagang napakahirap makisama o mamuhay sa isang bansa na hindi mo kinamulatan. Maraming pwedeng mangyare dahil sa pangingibang bansa, maaaring mapahamak sa trabaho, walang magiging kaagapay sa problema, at maaari ding mapalayo ang loob sa sariling pamilya. Kung iisipin na mas madali talagang kumita ng pera sa ibang bansa ngunit marami naman ang pwedeng kapalit nito na hindi na maibabalik ng anumang pera. Sa tingin ko ay mas mabuting magkaroon na lamang ng negosyo kahit maliit dito sa ating bansa at kasama pa ang pamilya. Ang masasabi ko ay sobrang bilib ako sa kanila at hinahangaan ko sila ng lubos. Bilib ako sa lahat ng pagtitiis, pagtatiyaga, paghihirap, at sa lahat ng sakripisyo nila na kahit alam nilang maraming pwedeng mangyare sa paglayo nila ay pinili pa rin nilang lumayo at magpakahirap mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Kakausapin ko ang tatlong ina na ito at sasabihin ang mga bagay na makakapagpagaan ng loob nila at ipaparamdam na nauunawaan ko ang kanilang mga naging desisyon. Ipaparamdam at ipapaalam ko sa kanila na ang lahat ng kanilang hirap at pagod ay hindi mababalewala at ang lahat ng ito ay may mabuting kapalit. Kung ako ang tatanungin ang maipapayo ko sa kani-kanilang mga anak o pamilya ay palaging ipagdasal ang kanilang ina na piniling magtrabaho sa ibang bansa mabigyan lamang sila ng maayos na buhay. Ipagdasal na maging ligtas sa lahat ng oras at pagkakataon, bigyan ng lakas ng isip, puso at katawan. Maging responsable din sa lahat ng bagay at maging mulat sa totoong takbo ng buhay. Tumayo sa sariling paa at magtulungan sa kanilang bahay. Palagi ring piliin na mag-aral ng mabuti at umiwas sa barkada upang balang araw ay masuklian lahat ng paghihirap ng kanilang magulang. Huwag ding kalimutan na magpasalamat at iparamdam sa kanilang ina na mahal niyo sila at sobrang bilib kayo sa lahat ng paghihirap at sakripisyo nila. Para sa akin, ang aral na nakuha ko mula sa aking mga napanood ay matutong magpasalamat sa ating mga magulang na piniling lumayo upang suportahan tayo at bigyan ng maayos at maginhawang buhay. Intindihin at unawain natin ang kanilang naging desisyon dahil para din naman ito sa atin. Mahalin natin sila at iparamdam natin lagi kung gaano natin sila kamahal dahil hindi lahat ay nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng responsibleng magulang na handing gawin ang lahat mapabuti lamang ang kanilang pamilya.