Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Iba't-ibang Kayarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari na ginagamit sa pagpapahayag o pakikipagusap. Ginagamit din ang mga ito
bilang paksa o pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.

Tao: nanay, guro, ama, bata, Anna, Bb Castro

Bagay: lapis, aklat, baso, mesa

Hayop: aso, pusa, ibon

Lugar: palengke, silid-aralan, Gaisano Mall

Pangyayari: kaarawan, Pasko, Bagong Taon

Ang pangalang tiyak o pantangi ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa: Grand Meadows Batangan,Valencia City, Nicolas,

Jollibee, WhitetyPaps,Pritchie Papo

Ang mga pangalang para sa karaniwang pangalang o pambalana ay isinusulat


ito samaliit na titik.

Halimbawa: aso, paliguan, manok,hotdog,burger,fries

Kasarian ng Pangngalan

Ang mga pangngalan na may kasariang panlalaki ay ginagamit o tumutukoy sa


mga lalaking tao o hayop. 

Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng ama, hari, santo, amigo, at tandang.

Ang mga pangngalan na may kasariang pambabae ay ginagamit o tumutukoy sa


mga babaeng tao o hayop. Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ina,
reyna,santa, amiga, at inahin

Ang pangngalan na maaaring gamitin sa lalaki o babaeng tao o hayop ay may


kasarian na di-tiyak. Mga halimbawa ng pangngalang di-tiyak ang kasarian ay
magulang, guro, pangulo, gabay, baboy, at pinsan. 

Ang mga pangngalan na tumutukoy sa bagay na hindi lalaki o babae ay


tinuturing walang kasarian, tulad ng upuan, aklat, ospital, laruan, at walis.
Gawain 1: Panuto: Ibigay ang karaniwang pangngalan ng sumusunod na mga
pangngalang tiyak.Hal: lapis- Mongol; Samsung- cellphone

1. Bulkang taal - ________________

2. Nike - ______________________

3. Abril - ______________________

4. Jose Rizal - _________________

5. Biogesic - ___________________

Gawain 2: Basahin mo ang mga pangngalan sa ibaba. Isulat ang mga ito sa loob ng
kahon na may tamang kategorya ng pangngalan.

nanay ahas ospital

parke kalabaw Jose Rizal

kutsara Lola Basyang Maynila

ibon paaralan guro

palaka sapatos pusa

tao hayop

bagay lugar

Gawain 3:Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo
ang talata.

Puno        kabundukan        tao         baha     Kalbong kagubatan

Nakakita ka na ba ng mga pamayanan sa mga kabundukan?

Paano ito nangyari? Maraming 1. ____________ ang nag-iiwan ng

kinalbong bahagi ng 2. __________. Pinuputol nito ang mga


3. __________ at hindi pinapalitan ng bago. Dahil dito nasisira at

maaring magkaroon ng 4. ________ at 5. ________.

Gawain 4: Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit.


Gamitin ang mga sumusunod na titik: PB (pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang
kasarian), at WK (walang kasarian). 

____1. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay. 

____2. Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya. 

____3. Suot ng binata ang pinakamagara niyang damit. 

____4. Ang mga lalaki ay dapat nakasuot ng barong Tagalog. 

____5. Nakaabang sila sa labas para batiin ang mga panauhin

Mga Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat ang Kahulugan

May mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maintindihan. Kapwa
magkapareho ang kahulugan nito. May mga salitang kabaligtaran naman ang inihatid
nito. 

Magkasingkahulugan ang tawag sa pares na mga salita na magkapareho ang


kahulugan. 

Halimbawa: masipag- masikap, matiyaga malusog-malakas, matipuno maykaya-


mayaman, masalapi, makislap-makinang 

Magkasalungat ang tawag sa pares na mga salita na magkabaliktad ang kahulugan.

 Halimbawa: malinis-marumi masigla-matamlay magaspang-malambot mabaho-


mahalimuyak

Gawain 1: Isulat ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit upang mabuo ang


pangungusap.

1. Magiting si Andres Bonifacio. Siya ay ____________. A. mabilis B. matapang C.


mayaman 

2. Wasto ang iyong sinabi. ________ ang iyong sagot. A. tama B. mali C. tuwid 

3. Matangkad ang kuya ko kaya sabi nila ako rin ay magiging __________. A. maliit B.
mataas C. mataba 
4. Masarap ang luto ni Lola Inday. Ang adobo ay ____________. A. malinamnam B.
matamis C. maalat 

5. Ang singsing ni Tita Malou ay makislap. Ito ay __________. A. madilim B. makinang


C. malabo

Isulat ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit upang mabuo ang pangungusap. 

6. Malamig tuwing Disyembre. ________ naman sa Abril. A. maginaw B. mainit C.


mabagal 

7. Mabilis tumakbo ang mga bata habang _________ lumakad ang mga matatanda. A.
malikot B. matulin C. mabagal

 8. Ang aming aso ay mataba. Ang aso nila ay sakitin kaya ito ay ________. A. payat B.
matangkad C.malusog 

9. Maraming bagong damit si Karla. Ibinibigay niya ang mga _______ damit niya sa
mga mahihirap. A. lumang B.malinis C. madumi 

10.Bumili ako ng matigas na upuan. Ayaw ni Brenda dahil gusto niya ng _________.

A. malaki B. maliit C. malambot 

Gawain 2: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nasa


talahanayan.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


1. maganda
2. mataas
3. dukha
4. masigla
5. magaling

Mga Elemento / Bahagi ng Kuwento

Ang kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng kakintalan sa isip ng
mga mambabasa. Ang bawat maikling kwento ay may mahahalagang elemento. Ang
mga sangkap na ito ang kadalasang nag iiwan ng kakintalan sa kaisipan ng mga
mambabasa.

ang walong(8) elemento ng maikling kwento at kanilang mga kahulugan.

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.


2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.

Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.

Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.

Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.

Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

Ang bawat kuwento ay binubuo ng tatlong bahagi. Ito ay ang simula, kasukdulan, at
katapusan. Ang simula ng kuwento ay binubuo ng mga tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Ang katapusan ay bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kuwento. Maaari itong masaya, malungkot, pagkatalo, o
pagkapanalo.

Gawain 1: Tukuyin kung anong bahagi ng kuwento (tauhan, tagpuan, o banghay) ang
mga pangyayaring may salungguhit.

_____________1. Isang umaga, si Helen ay naglalakad sa kalsada patungo sa bukid.


Nang may nakita siyang malaking ahas at bigla siyang tumakbo.

____________2. Pagkatapos ng klase ay umuwi na ng bahay si Alberto at tumulong sa


gawaing-bahay.

____________3. Si Kristina ay naglalakad patungo sa bahay ng kanyang


kaibigan ,napadaan siya sa tindahan at bumili ng makakain.

____________4. Si Pedro ay isang batang masunurin na dapat nating tularan.

____________5. Ang isang batang katulad mo ay dapat maging magalang sa lahat ng


tao.

____________6. Si Mario ay isang batang magalang at palaging sumusunod sa mga


utos ng kanyang mga magulang.

____________7. Nang makita ni Mang Melchor si Ruben ay bigla niya itong


tinulongan.
____________8. Gumising ng maaga si Daniela upang hindi siya mahuli sa kanyang
klase, naglalakad siya ng anim na kilometro patungo sa kanilang paaralan.

____________9. Ang batang mabait ay pinagpapala ng Panginoon.

____________10. Si Nanay Lorna ang laging nagluluto para sa kanyang pamilya.

Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng kuwento ang mga pangyayaring may
salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kahapon namitas ng mangga si Lucas. Tuwang-tuwa siya habang nasa taas ng


puno. Maya-maya ay bigla siyang napasigaw. Kinagat pala si Lucas ng mga langgam.
Dali-dali siyang bumaba mula sa puno at di na umakyat ulit magpakailanman.

A. kasukdulan B. katapusan C. simula

2. Tanghaling tapat ay naglalaro ng bola si Allan. Biglang gumulong ang bola sa daan.
Hinabol niya ito. Maya-maya ay may sumigaw. Muntik nang masagasaan si Allan.
Kinuha siya ng kanyang takot at nagaalalang ina mula sa daan at dinala sa loob ng
bahay habang kargakarga ito.

A. kasukdulan B. katapusan C. simula

3. Lunes ng umaga, naglilinis si Marco ng silid-aralan. May nakita siyang kumikinang sa


ilalim ng upuan. Nakapulot si Marco ng singsing. Agad siyang tumakbo patungo sa
kanyang guro at ipinakita ang napulot na singsing. Laking tuwa ng kanyang guro dahil
sa kanya pala ito. Pinuri ng guro si Marco dahil sa kabaitan at katapatan nito.

A. kasukdulan B. katapusan C. simula

4. Sa isang maulan na hapon, naliligo ang mga bata sa ilog. Kasama dito si Anton na
hindi masyadong marunong lumangoy. Lumusong siya sa tubig at hindi lumitaw
makaraan ang isang minuto. Nalulunod si Anton. Biglang nagsigawan ang ibang mga
bata para humingi ng tulong. Buti nalang at nakita sila ng isang magsasaka. Agad itong
tumakbo patungo sa ilog at walang pagdadalawang-isip na lumusong sa tubig. Salamat
sa Diyos at nailigtas ng magsasaka si Anton. Dahil sa nangyari, hindi na kailanman
naliligo ang mga bata sa ilog nang walang kasamang nakatatanda.

A. kasukdulan B. katapusan C. simula

5. Sabado ng umaga, pumunta si Nanay sa bayan upang mamalengke at mamili ng


mga pangangailangan sa bahay. Pagkababa niya sa sinasakyang jeep ay biglang may
bumangga sa kanya at hinablot ang kanyang bag. Natumba si Nanay habang mabilis
na tumakbo ang magnanakaw. Sumigaw si Nanay para humingi ng tulong. Dali-dali
namang rumesponde ang pulis na nakarinig sa kanya. Hinabol ng pulis ang
magnanakaw at nahuli nga ito. Ibinalik ng pulis ang bag at taospuso namang
nagpasalamat si Nanay sa pulis.

A. kasukdulan B. katapusan C. simula

Ang Panghalip at ang Uri nito

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa


parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.

Mga Uri ng Panghalip

Ang panghalip-panao ay inihahalili sa ngalan ng tao.

1.  Panghalip na Panao - mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa


tao" o "pangtao". Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. (ako, akin, amin, kami, atb.)
HALIMBAWA;

Ako ay aalis bukas ng umaga.

 Nasa akin  ang bolang kristal.

2. Panghalip na Pananong - mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang


"pantanong". Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano,
sino-sino, atb.)
HALIMBAWA:

 Sino ang pangulo ng Pilipinas?

 Ano ang binili mo sa palengke?


3. Panghalip na Panaklaw - mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na
"pangsaklaw" o "pangsakop". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak.
(lahat, sinuman , alinman, anuman, atb.)
HALIMBAWA:

Lahat ng parusa ay haharapin ko.

Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.

4. Panghalip na Pamatlig - ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao,


bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton. (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)
HALIMBAWA:
 Iyon ang kaibigan ni Ana.

 Iiwan niya ang bag doon.

May 2 kaukulan ang panghalip

1. Ang panghalip sa kaukulang palagyo ay ginagamit na simuno o paksa ng


pangungusap. Halimbawa: ako, ikaw, siya, tayo, kami, kayo sila

2. Ang panghalip sa kaukulang paari ay panghalip na nagsasaad ng pag-aari ng


isang bagay. Halimbawa: akin, ko, iyo, mo, kanya, niya, atin, natin, naming, inyo, ninyo,
nila

Panghalip na Panauhan

1. Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili.


HALIMBAWA:

Ako ay pupunta sa Cebu.

Kami ay may parehong suot.


2. Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa taong kausap o kinakausap.
HALIMBAWA:

 Pupunta ka sa hospital ngayong umaga.

 Ikaw ang bagong guro sa Silliman University.

3. Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan.


HALIMBAWA:

 Siya ang sumampal sa akin.

 Binigyan niya ako ng pagkain. 

Gawain 1: Piliin ang panghalip na panao sa bawat pangungusap.

1.Gusto mo ba ang sapatos na ito?

2.Ayaw ko ng ganyang kulay ng bag.

3.Nagustuhan niya ang relo na ito.

4.Ikaw ba ay sasama sa iyong kapatid sa pagsimba?

5. Oo, sasama ako sa aking pinsan.


Gawain 2: Palitan ng wastong panghalip ang mga salitang nasalungguhitan.

ako siya sila kami kayo

1. Si Karla ay isang matalinong mag-aaral. ______________________________


2. Ang pangalan ko ay si Gabriel. ___________________________________
3. Sina Nanay at Tatay ay nagbakasyon sa Luzon.
________________________________
4. Si Bobby at ako ay maliligo sa ilog.
____________________________________________
5. Ikaw at si Winnie ay mag-aaral sa Vintar Integrated School.
____________________________________________.

Gawain 3: Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang panghalip pamatlig na ginamit sa
pangungusap. Kung mali, isulat sa patlang ang tamang panghalip. Pumili ng panghalip
mula sa nakasulat sa ibaba. rito diyan niyan heto hayan

___________1. Ang laki ng bag. Ito ang gagamitin ko sa bakasyon.

___________2. Ganito ka na matulog sa kwarto ng ate mo.

___________3. Narito na po lahat ang ipinagawa niyo.

___________4. Leche flan ba ang dala mo? Nakakain na ako diyan.

___________5. Doon sa tuktok ng bundok nakatayo ang watawat ng Pilipinas.

Punan ang patlang ng wastong panghalip na panaklaw upang mabuo ang


pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon.

Anuman sinoman lahat madla saanman gaanoman

1. Ang _____ ay nagpalakpakan matapos mapanood ang laro ni Andy.

2. ______ karami ang nakahain sa mesa ay dapat nating ubusin.

3. ______ ang nais mo sa darating na kaarawan mo ay ibibigay ko.

4. Walang maaring magsira sa iyo maging ______ sila.

5. ______ dako ng mundo, nagkaisa ang bawat mamamayang Pilipino.


Panuto: Lagyan ng angkop na panghalip na pananong ang mga puwang. Pagkatapos,
tukuyin kung ito ay isahan o maramihan ang ginamit na panghalip.

Halimbawa: Sinu-sino/Maramihan ang mga pumasa sa klase?

1. _________________ ang laman ng kahon?

2. _________________ ang pakay nila sa lugar na ito?

3. _________________ nagpuntahan ang mga bisita mo?

4. _________________ ang nagagastang baon ng bata sa isang araw?

5. _________________ ang bilang ng nakatira roon?

You might also like