Komunikasyon at Pananaliksik

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA
AT
KULTURANG PILIPINO
PERFORMANCE
TASK

Ombing, Ernestina Jane J. Mrs. Rosalie Conde


11 - STEM B
Ang mga Pilipino ay patuloy na gumagamit ng wikang Tagalog. Dahi dito, nagkakaroon ng
komunikasyon ang bawat isa sa buong bansa at nagkakaintindihan. Tayong mga Pilipino ay
mabilis lamang matuto ng iba’t ibang wika na kadalasan nating naririnig.

Ang wikang ating ginagamit ay isa sa mga kasangkapan sa pag-alam ng pakikipag usap sa ibang
tao at nagsisimula ito sa pamilya. Ang pamilya natin ang nagtuturo sa tamang pagbigkas,
pagsasalita kung paano gamitin ang ating sariling wika sa tamang paraan at nalilinang ito ng
mabuti sa paaralan.

Sa ating tahanan dito nagsisimula ang pagkatuto natin sa iba’t ibang wikang maaring nating
gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang taong ating makakasalamuha. Sa aming
tahanan ang kadalasan naming ginagamit ay ang wikang Tagalog dahil ito ang aming
nakasanayan at ito din ang kadalasang ginagamit ng mga taong nakapaligid samin. Ginagamit
din ng aking mga magulang ang wikang bisaya sa kadahilanang nanggaling sila sa mga
probinsyang ang ginagamit ay Bisaya. Ang aking nanay ay nanggaling sa probinsya ng Surigao
del Sur at ang aking tatay naman ay nanggaling sa probinsya ng Almeria Leyte. Dahil dito,
kaming magkakapatid ay natututo at naiintindihan na din ang kanilang wikang ginagamit. Kaya
madalas na din itong gamitin ng aming magulang sa pakikipag usap saamin. Datapwa’t sila ay
aming naiintindihan kaming magkakapatid ay hindi pa ganon kabihasa sa pagsasalita ng Wikang
Bisaya.

Sa aming komunidad kadalasan lahat ng tao ay ginagamit ang Wikang Tagalog dahil sa tingin ko,
normal na ito sa ating mga Pilipino na nakatira sa Bansang Pilipinas dahil ito ang nakatalagang
wika para satin kaya magiging madali na kung ang parehas na tao ay ga-gamitin ang Wikang
Tagalog sa pakikipagkomunikasyon. Dito din sa aming komunidad ay maraming tao ang
gumagamit ng salitang Bisaya. Mula nang kaming magkakapatid ay pinanganak, sa lugar na ito
na kami nakatira marami kaming nakilala at nakasalamuha ng tao na kababayan lang din ng
aming mga magulang, dahil kami ay nakakaintindi na ng wikang Bisaya madali para samin na
intindihan ang ganitong wika. Ngunit mayroong disadbentahe ang ganitong sistema ng
pakikipagkomunikasyon. Dahil meron din namang mga tao na nakatira sa aming komunidad na
hindi naiintindihan ang wikang Bisaya o iba ang kinagisnan na wika. Maaring magkaiba ang Ibig
sabihin ng parehas na salita sa amin kaya magkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o
pagkakaunawaan. Kung ganito lamang ang pag uusapan maari nating ipaliwanag sa kanila ang
mga ibig-sabihin ng salitang ginagamit upang malinang ang kanilang kaalaman sa wikang ito
nang sa gayon ay magkaintindihan ang bawat isa.
Sa paggamit ng mga katutubong wika, ating natuklasan ang iba't-ibang kultura sa ating bansa
pati narin ang lahi ng ibang kababayan. Sa ating pag-alam, nasusubok ang ating isip na
matuklasan ang mga bagay na hindi natin alam. Sapagkat tayong mga Filipino ay may kakaibang
paraan upang makipag-ugnayan at alamin ang kahalagahan ng katutubong wika.

You might also like