DLP For Observation

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ikalawang Markahan - Modyul 4

Linggo 4:Daloy Ng Melodiya

I. Layunin: 1. Natutukoy ang daloy ng melodiya tulad ng inuulit,pataas na pahakbang,pababa


na pahakbang,pataas na palaktaw, at pababa na palaktaw

II. Paksang- Aralin

A. Paksa: Mga Simbolong Pangmusika at Konsepto ng Daloy ng Melodiya


B. Lunsarang Awit: “ Run and Walk “, G, 2/4, do

C. Sanggunia: K to 12 CG, Halina’t Umawit 4, p. 42,


Ikalawang Markahan - Modyul 4 Linggo 4
D. Kagamitan: larawan, audio speaker, laptop
E. Pagpapahalaga: Pakikinig nang may pang-unawa
F. Konsepto: Ang daloy ng awit at tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaaring pababa
at pataas na pahakbang, pababa, pataas na palaktaw at maaari ding inuulit.
Ang pagkakasunod-sunod na daloy o direksiyon ng melody ang nagbibigay
damdamin at kabuluhan sa musika.

III. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain

1. Subukin
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa katumbas nitong larawan sa Hanay B.

Hanay A

1. Inuulit

2. Pataas na Pahakbang

3. Pababa na Pahakbang

4. Pataas na Palaktaw

5. Pababa na Palaktaw

2. Balikan
Ipaawit sa mga bata ang mga so-fa silaba. Sundan ang awit sa pamamagitan ng
video na ipakikita ng guro.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tingnan mo ang larawan. Ano ang ginagawa ng batang
lalaki?______________Siya ba ay umaakyat?________ Kung
ikaw ang aakyat sa palapag ng bahay, paano ka gagamit ng
hagdanan? Sunod-sunod ba ang iyong paghakbang ?

Tingnan ang isa pang larawan. Ano ang kilos ng bata?


_______ Siya ba ay nagmamadali?____________ Kung ikaw
din ay nagmamadali,lumalaktaw ka ba sa iyong pagbaba o
pag-akyat sa hagdan katulad din nito?______________

2. Paglalahad
Iparinig sa mga bata ang awit.

- Awitin ito nang sabay-sabay. Ipaawit sa iba’t -ibang pangkat ang mga measure na may
iba’t ibang daloy ng melody.
- Awitin din ang mga so-fa syllable ng awit. Sundan ang mga note at mga so-fa name.

3. Pagtatalakay
- Ano ang time signature nito? ( 2/4 )
- Ilan ang measure ng awitin? ( 16 measure )
- Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure? ( Bawat measure ay may dalawang
kumpas)
- Ano ang daloy ng melody sa una at pangalawang measure ng awit? (pataas na
pahakbang) (pantay o inuulit)
- Ano ang daloy ng melody sa pangatlo at pang-apat na measure ng awit? (pababang
pahakbang)
- Ano ang daloy ng melody sa panlima at pangwalong measure ng awit? ( pababang
palaktaw)
- ANo ang mga salitang kilos na nabanggit sa awiin? ( Run, Walk, Stop at Stay )

4. Paglalahat
Ang daloy ng awit at tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaaring pababa at
pataas na pahakbang, pababa at pataas na palaktaw at maaari ding inuulit.
pagkakasunod-sunod na daloy o direksyon ng melody ang nagbibigay damdamin at
kabuluhan sa musika.

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at bigyan ang dalawang pangkat ng
gawain kung saan ay aapakan/tatalonan nila ang nota sa tamang kinalalagyan nito sa staff
at tutukuyin nila kung ano ang daloy nga melody nito.
( Maghahanda ang guro ng malaking guhit ng musical staff sa manila paper.)
Unang Pangkat Pangalawang Pangkat

1. DO RE MI FA SO 1. SO MI SO MI
2. SO FA MI RE DO 2. DO TI LA SO
3. MI MI MI MI MI 3. FA SO LA TI
4. RE FA LA DO 4. DO DO DO DO
5. DO SO MI RE 5. TI SO MI DO

6. Repleksiyon
Sa anong daloy ng melody mo maihahambing ang iyong natutuhan sa ating aralin?
Pataas ba o pababa o di kaya’y nananatili ka ba sa dating gawi?
C. Pangwakas na Gawain
Magparinig ng mga recorded na melodic phrase ang guro at ipatukoy sa bata ang
daloy ng mga ito.

5.

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang daloy ng melodiya sa melodic pattern. Isulat sa papel kung ano
ang daloy ng melodiya sa bawat iskala.
V. Takdang Aralin
Iguhit ang iskala sa iyong notebook at lagyan ng buong nota na may ang iba’t ibang
direksiyon o daloy ng melody.

Pahakbang Pahakbang

You might also like