Ikalawang Sumatibong Pagsusulit Sa Pagbasa at Pagsusuri NG Iba

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahing mabuti ang bawat pahayag.
2. Sagutin ang bawat bilang ng matapat.
3. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

I. PAGTUKOY
A. Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawan ang ipinapakita ng pangungusap.
1. Tila isang tuod na puno na lamang ang kaniyang nagging tugon sa sigaw ng isang
magnanakaw.
2. Isang bundok na labada ang hinaharap ni Tiya Ivana tuwing Sabado.
3. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala ang isang kapares ng kanyang
sapatos.
4. Sirang – sira ang kaniyang bag nang iwan ng magnanakaw sa isang kanto.
5. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala ng bagyo.
6. Bihira na ngayon ang lalaking paninindigan ka.
7. Matapang na ipinaglaban ni Duterte ang kanyang paninindigan na sugpuin ang
mga durugista.
8. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng isang akusado ng isang krimen.
9. Malakas,matipuno, at matikas ang nararapat na katangian ng isang lalaking
haharap sa laban ng boksing.
10.Kahit kalian, talo ang walang paninindigan.

B. Ang mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng kohesyong gramatikal.


Tukuyin kung anong cohesive device ang ginamit sa bawat pangungusap.
1. Si Jiyong ang matalik kong kaibigan. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin.
2. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
3. Bumili si Sarah ng apat na facemask at si Alice naman ay tatlo.
4. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang magulang.
5. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matamis na ngiti ng aking bunsong kapatid ang umaalis ng
aking pagid.
6. Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.
7. Maraming pamilya ang nagugutom dahil sa pagiging dukkha. Mahirap sila kaya
halos hindi na makakain araw – araw.
8. Sinagutan ni Clara ang kanyang modyul sa bawat asignatura. Math, English at
Science ang pinakamadaling sagutan para sa kanya.
9. Hilaga – timog
10.Ang pagfefacebook, Instagram, twitter at youtube ay may mabuti ang masamang
naidudulot sa mga mag – aaral.
PERFORMANCE TASK
TEKSTONG DESKRIPTIBO
1. Gumuhit ng isang larawan na naglalarawan ng iyong nakaraan, kasalukuyan at hinahangad
na hinaharap.
2. Bigyan ng kaunting deskripsyon o explinasyon ang larawan.

RUBRIK SA PAGSULAT/PAGGAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO


PAMANTAYAN PUNTOS
Malinaw na nailahad ang layunin ng guhit 10
Malikhain 10
Malinis 10
Orihinal 10

Total 40

You might also like