Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Dibisyon ng Tangub
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LORENZO TAN
Lorenzo Tan, Lunsod ng Tangub

Kagamitan sa Pagbabasa
Filipino 10

Rizal: Kaaway ng Wikang Filipino?


Ni Virgilio S. Almario

Tulad ng kinatatakutan ko, may artikulong nalathala sa isang peryodiko noong


ika-19 Hunyo na isang makawikang Filipino si Rizal dahil sa kaniyang tulang “Sa Aking
mga Kabata.” Mahirap talagang sawatain ang isang lumaganap na kamangmangan.
Subalit higit akong nagitla sa isang narinig kong pahayag na halimbawa si Rizal ng mga
edukado na mas mahal ang banyagang wika. Ang patunay? Lahat ng makabuluhang
akda niya ay nakasulat sa Espanyol. Kung buháy daw ngayon si Rizal, sumusulat ito sa
Ingles.

  May dalawang sektor na puwedeng panggalingan ng ganitong makamandag na


pag-iisip. Una ang mga ayaw kay Rizal at nais ipinta ang limitasyon ng kaniyang
pagiging makabayan. Ikalawa, at mas segurado akong magkakalat nitó, ang mga
edukado natin ngayon na pikitmatang ipinagmamalaki ang kanilang kahusayan sa
Ingles.

  Sumulat nga si Rizal sa Espanyol at hindi niya sinulat ang tulang “Sa Aking mga
Kabata.” Ngunit ipinahayag din niya sa El Filibusterismo, sa pamamagitan ni Simoun,
ang pagmamahal sa sariling wika bílang isang makabuluhang hakbang para sa
kalayaan ng pag-iisip. Sinikap din niyang ipasalin ang mga nobela niya sa Tagalog at
nagplano ng isang pangatlong nobela sa Tagalog. Ang higit na maganda, ang
matinding malasakit niyang makatulong sa pagpapahusay ng pagsulat sa Tagalog sa
pamamagitan ng kaniyang Estudios sobre la lengua tagala na pinilit niyang tapusin
habang nakadestiyero sa Dapitan.

  Dapat tingnan si Rizal na tulad ng ating mga edukado ngayon ay biktima ng


isang kolonyal na edukasyon. Hindi niya maiiwasang gamitin ang Espanyol dahil iyon
ang itinuro sa kaniya sa paaralan. Bílang Propagandista, kailangan din niyang sumulat
sa Espanyol dahil mga Espanyol ang target niyang mambabasá. Nagtagumpay naman
siyang ipahayag ang kaniyang makabayan at kontra-kolonyal na mga kaisipan kahit
gumagamit ng Espanyol. At ginawa niya ito nang hindi nagpaparangalang mas mahal
niya ang banyagang wika kaysa sariling wika.

  May pahayag ba si Rizal laban sa sariling wika? Sa wakas, iyon ang kaibhan
niya sa mga edukado ngayon na ayaw tanggapin ang bisàng mapagpalaya ng wikang
Filipino. Sa mga edukado ngayon na kahit baluktot ang Ingles ay nagmamalaki na
Ingles ang dapat maging wikang pambansa at wika ng edukasyon. Silá ang mga tunay
na kaaway ng wikang Filipino bukod sa silá ang tunay na kaaway ni Rizal.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Dibisyon ng Tangub
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LORENZO TAN
Lorenzo Tan, Lunsod ng Tangub

Kagamitan sa Pagbabasa
Filipino 10
Bilang ng salita: 362
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Dibisyon ng Tangub
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LORENZO TAN
Lorenzo Tan, Lunsod ng Tangub

Kagamitan sa Pagbabasa
Filipino 10

Gawain para sa Unang Linggo


Panuto para sa mga guro:

1. Isulat o i-print ang mga salita na nakatala sa ibaba


2. Maari ring ilagay sa powerpoint presentation kung may angkop na kagamitan
3. Tiyaking tama lamang ang laki nito upang mabasa ng buong klase
4. Paunahan sa pagbasa ang mga mag-aaral sa ipakikitang salita
5. Maaaring gawing pangkatan ang gawain o gawing paligsahan upang mahikayat
ang mga mag-aaral na makilahok

Mga salita:

1. Kinatatakutan
2. Nailathala
3. Makawika
4. Kamangmangan
5. Nagitla
6. Sawatain
7. Limitasyon
8. Makabuluhan
9. Kolonyal
10. Baluktot -
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Dibisyon ng Tangub
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LORENZO TAN
Lorenzo Tan, Lunsod ng Tangub

Kagamitan sa Pagbabasa
Filipino 10

Gawain para sa Ikalawang Linggo


Panuto: Magtala ng limang salita mula sa akdang binasa na nahirapan kang
unawain at hanapin ang kahulugan nito sa diksyunaryo o iba pang kagamitang
mapagkukunan ng impormasyon.

Mahihirap na Salita Kahulugan

1.

2.

3.

4.

5.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Dibisyon ng Tangub
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LORENZO TAN
Lorenzo Tan, Lunsod ng Tangub

Kagamitan sa Pagbabasa
Filipino 10

Gawain para sa Ikatlong Linggo


Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.

1. Nahirapan ang pamahalaang sawatain ang pagkalat ng COVID 19 nang


makapasok ito sa bansa.
a. pagbawalan c. pigilin
b. pahintuin d. putulin

2. Nagitla ako nang bumusina ang malaking bus sa likod ko.


a. nagalit c. napatili
b. nagulat d. natakot

3. Ang pagtamo ng edukasyon ay isang makabuluhang hakbang sa pagtamo ng


mas maliwanag na kinabukasan.
a. balewala c. mahalaga
b. kasali d. nararapat

4. Makamandag ang kagat ng ahas kaya mag-iingat ka.


a. mapanganib c. nakahihimatay
b. masakit d. nakalalason

5. Hindi na siya nakasakay ng tren sapagkat umabot na ang bilang ng mga


pasahero sa limitasyon.
a. hangganan c. pagkukulang
b. numero d. sobra

You might also like