Professional Documents
Culture Documents
DLL First Day Filipino 4
DLL First Day Filipino 4
DLL First Day Filipino 4
Grade Level: IV
Teacher: FLORICEL B. MAQUILING Learning Area: Filipino
DAILY LESSON LOG Teaching Date and Time: AUGUST 15, 2022 Quarter: FIRST
C. Lesson Procedures
(Pagtatalakay ng Konsepto o Ideya)
Gawain 2
Panuto: Pumili ng dalawang boluntaryo upang basahin ang usapan o diyalogo ng dalawang mag-aaral tungkol sa kanilang
baskasyon. Ang ibang mag-aaral ay makikinig nang mabuti upang makuha ang mahahalagang ideya at makakasagot sa mga
sumusunod na tanong sa ibaba.
Itanong:
Ano ang pinag-uusapan ng dalawang mag-aaral?
Ano-ano ang pagkakatulad ng kanilang karanasan?
Ano-ano naman ang pagkakaiba?
Ano ang naramdaman nila mula sa kanilang karanasan?
Paano mo natukoy ang damdamin nila habang nag-uusap?
D. Generalization
Paglalagom:
Ang pakikinig ay daan upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga napakinggang usapan.
Nalalaman ang paksa ng pinag-uusapan sa pamamagitan ng mahahalagang ideya tungkol dito.
Ang damdamin sa usapan ay natutukoy batay sa mga salitang ginamit, tono ng usapan, boses, tinig, kilos, at galaw kung
nakikita ang nag-uusap.
Maraming hindi mabuting bunga ang hindi pakikinig nang mabuti.
Mayroong iba’t ibang paraan upang makapakinig nang mabuti at makapagpahayag nang maayos.
Values Integration Sa araling ito ay natutunan ninyo kung papaano matukoy ang mahahalagang ideya sa pamamagitan ng pakikinig nang mabuti.
Ano ang posibleng mangyari kapag tayo ay hindi nakikinig nang mabuti?
Ano ang mararamdaman ninyo kung ang iyong kinakausap ay hindi nakikinig?
Bakit mahalaga ang pakikinig nang mabuti?
D. APPLICATION
Gawain 3: Pakikinig sa Nagsasalita
Panuto: Pakinggan nang mabuti ang pangungusap na sasabihin ng guro upang mabigyang kahulugan ang bawat salita na nasa
pisara.
Panuto: Makinig nang mabuti sa pahayag na sasabihin ng guro at ulitin ito sa pamamagitan ng pagsusulat sa inyong kwaderno.