Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng magagandang tanawin sa pamayanan.

II. A. PaksangAralin
Pang-uri Panlarawan

B. Sanggunian
Misosa, HiyassaWika at Pagbasa 5
F5WG-IIh-4.3

C. MgaKagamitan
Alamat- “ Ang Bundok ng Tsokolate”

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Talasalitaan o Pagbabaybay

2. .Balik-aral
Balik-aralan ang pang-uri sa paglalarawan ng kilalang tao sa inyong pamayanan.

3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Sabihin: Anong mga magagandang tanawin ang makikita sa inyong pamayanan?
Ilarawan ang mga ito.
Sumulat ng pangungusap na naglalarawan sa mga magagandang tanawin sa inyong
lugar o pamayanan. Gawin ang Tuklasin Mo.

B. Paglalahad
Ipabasa ang isang maikling alamat.
“Alamat ng Bundok ng Tsokolate”

C. Pagtatalakay
Itanong:
1. Ano ang pamagat ng maikling alamat na inyong binasa?
2. Saan matatagpuan ang bundok ng mga tsokolate?
3. Paano/saan nagsimula ang pagkakaroon ng bundok ng mga tsokolate?
4. Ilarawan ang kagandahan taglay ng tsokolate hills..

D. Pagpapayamang Gawain
Panuto: Bilugan ang salitang panglarawan na ginagamit sa pangungusap. Lagyan ng
star sa patlang kung pang-uri at bilog naman kung hindi. Gawin ang Pagyamanin Mo.

E. Paglalahat
Ang pang uri ay maaring maglarawan sa katangian, hitsura o anyo, kulay, lasa,
amoy,tunog, kayarian at hugis ng pangalan at panghalip.Ang uring itong pang- uri tinatawag na
Pang-uringPanlarawan.

F. Paglalapat
Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Punan ng angkop na pang-uri ang patlang
para mabuo ang pangungusap. Isagawa ang Isapuso Mo.

IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri upang ilarawan ang
mga magagandang tanawin sa ating bansa. Gawin ang Isulat Mo.

V. TakdangAralin
Magbasa ng mga kwento tungkol sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa
ating bansa. Ilarawan ang mga ito gamit ang pang-uri.
LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng
kayarian nito.
Naibibigay ang paksa ng isang talata.

II. A. PaksangAralin

B. Sanggunian
Hiyas sa Wika at Pagbasa 5, Lrmds for grade 5,
F5PT-IIh-1.17, F5PB-IIh-10

C. MgaKagamitan
Talata – Ang Patatas na Masustansya, Ang Batang Matulungin at Masunurin.

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Talasalitaan o Pagbabaybay

2. .Balik-aral
Magsulat ng inyong sariling talaarawan at ibigay ang mahahalagang pangyayari.

3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang titik ng salitang binigyang kahulugan sa
pangungusap. Isagawa ang Tuklasin Mo.

B. Paglalahad
Basahin mabuti ang isang talata.
“ Ang Patatas na Masustansya”

C. Pagtatalakay
1. Ano ang pamagat ng talata?
2. Tungkol saan ang talata?
3. Ibigay ang paksang talata binasa.

D. Pagpapayamang Gawain
Ibigay ang kahulugan ng bawat salita. Ilagay sa patlang ang P kung Payak ang salita,
M kung Maylapi, I kung Inuulit at T naman kung Tambalan. Gawin ang Pagyamanin Mo.

E. Paglalahat
Paano na ibibigay ang paksa ng isang talata? Ang paksa ay sentro o pangunahing
tema/pokus.
Ano ang ibat-ibang klase ng kayarian ng salita?
Apat nakayarian ng salita: Payak- salitang ugat lamang, Inuulit- inuulit ang kabuuan
nito o ang isa o higit pang pantig nito, Maylapi- binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang
panlapi, at Tambalan- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
F. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di pamilyar. Ibigay ang
kayarian nito. Gawin ang Isapuso Mo.

IV. Pagtataya
Panuto: Kopyahin ang isang talata. Ibigay ang paksa nito.
“ Ang Batang matulungin at masunurin”.

V. TakdangAralin
Magsulat ng isang maikling talata. Ibigay ang paksa na nilalaman nito.
LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin
Nabibigyang kahulugan ang Mapa.

II. A. PaksangAralin
Kahulugan ng Mapa

B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa
F5EP-IIgh-2

C. Mga Kagamitan

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbasa ng mga Parirala.

2. Balik-aral
Ano ang Bar Graph?
Saan ito ginagamit?
Ano ang ipinakikita ng Bar Graph?

3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Buuin sa pisara ang larawan ng mapa ng Pitong Lawa ng Lungsod ng San
Pablo,Laguna.
Isagawa ang Tuklasin Mo.

B. Paglalahad
Basahin ang maikling sanaysay ukol dito.

C. Pagtatalakay
1. Saan matatagpuan ang pitong lawa?
2. Anu-ano ang tawag sa pitong lawa?
3. Anu-ano ang mga kaalaman na nakuha nila sa kanilang fieldtrip?

D. Pagpapayamang Gawain
Panuto: Gumuhit ng mapa ng inyong pamayanan.

E. Paglalahat
Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at
pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at temang nasasaad na
kalawakan.

F. Paglalapat
Panuto: Kumuha ng mapa ng Pilipinas. Iguhit sa kwaderno ang rehiyon na
kinabibilangan mo.

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang mapa?
2-4.Magbigay ng gamit ng mapa?
5. Magbigay ng halimbawa ng mapa?

V. TakdangAralin
Panuto: Magdikit o gumawa ng larawan ng inyong pamayanan sa iyong kwaderno.
LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin
Nakasusulat ng sulating di pormal (email).

II. A. PaksangAralin
Sulating di- pormal (email)

B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa
F5PU-IIh-2.9

C. MgaKagamitan
Halimbawa ng Email, Halimbawa ng balangkas, computer

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Talasalitaan/ Pagbabaybay

2. .Balik-aral
Ano ang kahulugan ng mapa? Ano kahalagahan nito?

3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Itanong: Saan- saang lugar na kayo nakapagbakasyon? Ilarawan ang mga ito?
Gami tang isang balangkas, isula tang inyong mga ginawa sa mga lugar na ito.
Gawin angTuklasin Mo.

B. Paglalahad
Basahin ang liham (e-mail) na pinadala ni Ruth sa kanyang Tita Ferry tungkol sa
kanilang bakasyon sa Subic. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasa.

C. Pagtatalakay
1. Saan nagbakasyon si Ruth?
2. Anu-ano ang kanilang ginawa sa kanilang bakasyon?
3. Ano sa tingin mo ang naramdaman nila sa kanilang mga ginawa?

D. Pagpapayamang Gawain
Sa inyong computer room, gumawa ng isang di-pormal na sulatin sa anyong e-mail
tungkol sa inyong sariling bakasyon. Gawin ang Pagyamanin Mo.

E. Paglalahat
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng
opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o
mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay
naglalaman ng nasa sa loob at kaisipan tungkol sa iba’t –ibang bagay at mga pangyayari na
nakikita at nararanasan ng may akda.

F. Paglalapat
Panuto: Iguhit ang kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong pagsulat ng sulating di-pormal at kung hindi wasto.

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang sulating di-pormal sa anyong e-mail tungkol sa mga
sumusunod na paksa. Pumili ng isa. Gawin ang Isulat Mo.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng isang maikling sulating di-pormal sa anyong e-mail tungkol sa isang
karanasang di mo malilimutan.

You might also like