Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RADIO-BASED INSTRUCTION FILIPINO 9

MODYUL 2

RADIO TEACHER: Magandang araw mga mag-aaral at mga magulang na nakikinig ngayon sa istasyon Radyo Kastigo! Ako si
Ma'am Kristel Joy Mancera, ang inyong guro sa Filipino 9. Pag-uusapan natin ngayon ang mga mahahalagang aralin sa module 2 ng
Filipino 9. Handa na ba kayong makinig?

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Kung gayon, Ihanda ang inyong modyul 2.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


RADIO TEACHER: Kunin at buksan ang ikalawang modyul na may pamagat na Pabula ng Silangang Asya. Ang modyul na
ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:

Sa unang aralin, papasukin natin at akyatin ang hagdan ng iba‟t ibang emosyon at pakinggan ang mga diyalogo ng mga hayop
bilang tauhan ng akdang pampanitikan ng Silangang Asya.

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na iyong kailangang matutunan sa araling ito.
 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan
 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos
 Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin mo muna ang bahaging Subukin Natin. Basahin at unawaing
mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng / kung ito ay nagsasaad ng emosyon o damdamin at X naman kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Kung tapos na, simulan na nating lakbayin at pasukin ang mundo ng emosyon sa pamamagitan
ng pagbabasa at pagsusuring mabuti sa kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa Korea at halimbawang akda nito na pinamagatang
Ang Hatol ng Kuneho na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon, tingnan ang bahaging Gawin Natin ng iyong modyul. Suriin ang mga pangungusap na naglalaman
ng mensahe mula sa pabula. Isulat ang angkop na damdaming nakapaloob dito kung ito ba ay Pagkatakot, Pagkatuwa, Pagkagalit,
Pagkalungkot, at Pagkaawa. Ang inyong sagot ay isulat sa sagutang papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Upang lubos na malinang ang iyong kasanayan sa araling ating tinalakay, gawin mo ang mga hinihinging
gawain sa bahaging SANAYIN NATIN. Sa bahaging ito, tukuyin ang bisa ng mga tauhan ng pabula na nagsasalita at kumikilos na
animo‟y tao sa pagbibigay-aral. Isulat sa sagutang papel ang buong hugis-puso kapag ang pangungusap ay dapat tularan ng kabataan
at basag na hugis-puso naman kung hindi.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon, basahing mabuti ang isang talata mula sa pabula na “Ang Hatol ng Kuneho” at sagutin ang mga
tanong kasunod nito. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa sagutang papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa puntong ito, susukatin natin ang iyong kasanayan sa araling ating tinalakay sa pamamagitan ng pagsuri ng
tula batay sa paksa, damdamin at sa kaantasan (clining) ng mga salitang ginamit. Iantas ang mga salitang may salungguhit batay sa
emosyong ipinahahayag. Isulat ang bilang 1 para sa pinakamababa na damdamin, 2 para sa katamtaman, at 3 para sa
pinakamasidhing emosyon. Tingnan ito sa bahaging Suriin Natin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Para sa huling gawain sa unang aralin sa modyul 2, sumulat ng isang bukas na liham-inspirasyon para sa
kapuwa kabataang Pilipino na humaharap sa pandemya na binubuo ng limang (5) pangungusap lamang. Gamitin sa liham ang mga
salitang natutuwa, nasisiyahan, at masaya. Isulat sa malinis na papel ang kasagutan na pinamagatang, Sa Aking Kapuwa.

Ang kaantasan ng salita na ginagamit natin ay madalas na nagiging batayan sa maayos o maaaring magulong
pakikipagkomunikasyon sa kapuwa. Ito ang sukatan sa damdamin at emosyon ng isang tao upang maging matimbang ang
pagbibigay ng tulong.
Kung gayon, ang paggawa ng tama at makataong pakikipagkapuwa ay likas na sa tao kaya ipagpasalamat natin sa
Panginoon sapagkat ito ay isang biyaya na hindi kailangang ipilit sa sarili. Katulad na lamang ng pabula na higit na
nangibabaw ang kabutihan at ang paghatol nang patas. Ipinapakita na hindi batayan ang katayuan, ang lakas o kahinaan
upang makamit ang makatarungang paghatol.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ipagpatuloy natin ang ating aralin tungkol sa pabula ng Silangang Asya. Malalaman natin ang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin o emosyon gamit pa rin ang pabula. Tunghayan natin kung paano magbabago ang karakter ng isang
tauhan at kung ano ang epekto nito sa sangkatauhan.

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto sa araling ito:


 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito
 Nagagamit ang iba‟t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin mo muna ang bahaging Subukin Natin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa bahaging ito, matutunghayan natin ang gamit ng mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin
sa isang pabula na binago ang karakter.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


Mayroong iba‟t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang maging epektibo ang nais iparating na damdamin:
a. Mga pangungusap na padamdam – ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan
ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Ang bata, nahulog!
b. Maiikling sambitla – ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Aray! Yehey! Naku! Lagot!
*Maaari ring isama ang mga sambitlang ito sa parirala o sugnay upang maging tiyak ang damdaming ipinapahayag.
c. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao.
Halimbawa:
a. Pagkatuwa: Ang saya kapag sama-sama ang buong pamilya.
b. Pagtataka: Bakit kaya nagkaroon ng problema ang mundo?
c. Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang pagsisinungaling niya.
d. Pagkagalit: Hindi pa rin nawawaglit ang aking inis.
e. Pagsang-ayon: Tunay na nagpapasaya ang pag-ibig.
f. Pagpapasalamat: Ikinagagalak ko ang iyong pagtugon.
g. Pagkatakot: Huwag kang lumapit tigre, ako ay natatakot.
d. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan.

Ngayon, basahin mo ang Hatol ng Kuneho na may binagong ugali/karakter at ilang pangyayari at sagutin ang mga gabay na tanong
kasunod nito.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Magaling! Sa puntong ito, suriin ang mga pangungusap na naglalaman ng mensahe mula sa
pabula. Isulat ang angkop na damdaming nakapaloob dito at ibigay din ang maikling sambitla sa bawat pangungusap, kung mayroon
man. Ang inyong sagot ay isulat sa sagutang papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon naman, tingnan mo ang bahaging SANAYIN NATIN. Kopyahin ang buong palaisipan (crossword)
sa papel. Hanapin sa loob nito at salungguhitan ang mga salitang nagsasaad ng damdamin o emosyon.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Palagi nating pakatandaan na mahalaga sa pakikipagkomunikasyon ang damdamin o emosyon ng isang tao.
Dito malalaman kung ano nga ba ang eksaktong mensahe na nais nating iparating sa ating kausap. Sa puntong ito, ibahagi ang
inyong damdamin batay sa isang sitwasyon. Tingnan ito sa bagahing Tandaan Natin ng iyong modyul.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon, suriin ang tulang pinamagatang Ang Aking Paborito batay sa paksa, damdamin at sa kaantasan ng
mga salitang ginamit at sagutin ang mga batay na tanong.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Para sa panghuling gawain, Gumuhit ng hugis-puso sa papel, isulat sa loob nito ang isang saknong na may
apat na taludtod ng tulang-damdamin na may temang Pag-ibig sa Inang Bayan. Tingnan ang rubrik sa pagwawasto bilang gabay mo
sa pagsulat ng nasabing tula.
MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER
RADIO TEACHER: Sana’y naunawaan ninyo ang talakayan natin sa araw na ito. Kung may mga katanungan kayo tungkol sa
modyul maari niyo akong ma chat sa aking Messenger at ikagagalak kong mabigyan ng kasagutan ang inyong mga tanong.
Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid, Ma’am Kristel Joy C. Mancera. Laging tandaan, mag-
aral nang mabuti sapagkat ito ang susi tungo sa isang masaganang bukas! Hanggang sa muli, paalam!

You might also like