Reading Materials For Grade 3 Filipino Chrismark

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGDIWATA

Pagdiwata ang pistang pasasalamat ng mga


minoryang Tagbanua ang dahil sa masaganang
ani kanilang tinamasa. Matatagpuan ito sa
Palawan. Pag-aalay ng inumin at pagkain sa mga
pumanaw na kamag-anak ang paraan ng kanilang
ritwal. Pinaniniwalan ng mga minoryaang
Tagbanua na nababahaginan ang mga ispiritu ng
namayapa.

Pagkatapos ng anihan, nagtitipun-tipon sila


sa bahay ng babaylan. Itinuturing nilang pinuno
ang Babaylan. Sa saliw ng tugtog ng tambol,
sasayaw ang Babaylan. Magsisimula sa banayad
tungo sa marahas na pagsayaw sa paniniwalang
naitataboy ang masamang ispiritu.

Matapos itaboy ang masasamang ispiritu,


sisimulan ng Babaylan ang ritwal. Sa
pamamagitan ng pag-aalay ng manok, alak-bigas
ipinahihiwatig na mabubuting ispiritu ang
kasama nila. Ang unang paglagok o pag-inom ng
Babaylan ng alak-bigas ay hudyat ng kasiyahan
na tinatanggap ng mabubuting ispiritu ang
kanilang mga alay.

SY 2012-2013
Ang Daga at Keso

Nais ng daga na kainin ang keso sa


ibabaw ng mesa. Dahan-dahan itong
lumapit at inamoy-amoy ang keso. Ang
hindi alam ng daga ay pain lang ito ni
Mang Berto na matagal na nag-aabang sa
paglapit niya.

“Plak!,” malakas na tunog ang narinig


nito. Bumagsak sa sahig ang kawawang
daga. Dinampot ito ni Mang Berto at
ibinaon sa lupa.

SY 2012-2013
Magiliw na Pagtanggap sa Bisita

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo


sa pagiging magiliw sa pagtanggap sa mga
panauhin. Patunay nito ang maraming turista na
pabalik-balik sa ating bansa upang
magbakasyon. Dinadala natin sila sa mga
magagandang pook o tanawin upang maging
kasiya-siya at kapaki-pakinabang ang pagbisita
nila sa atin. Ibinibigay natin sa kanila ang
kanilang mga pangangailangan upang maging
maginhawa ang pananatili nila rito. Gumagastos
ng malaki ang mga Pilipino sa pagtanggap sa mga
panauhin upang matiyak natin na sila ay
nasisiyahan sa panahong inilalagi nila dito.

Maging sa ating mga kamag-anak at kakilala


ay magiliw tayo sa pagtanggap sa kanila. Bukas
ang ating tahanan sa sinumang nais na manatili
rito at handa tayong magkaloob ng ating
makakayanan para sa kanila.

SY 2012-2013
Kokak Palaka

Sa tabing-ilog na mababaw
Maraming itlog na nakalitaw
Makalipas ng ilang araw
Napisa ng sabay-sabay at nangibabaw.

Masayang lumangoy, maliliit na isda


Paglipas ng araw, may nagtaka sa kaiba
nilang itsura
Habang lumalaki, lumalabas dalawang paa
“Hindi kayo isda,” bulalas ng iba.

“Kayo ay butete,” ani ng malaking isda.


“Dalawang paa ninyo’y magiging apat na
Buntot ninyo’y mawawala, kayo’y tatalon
pa.”
Naunawaan ng mga butete, mangyayari sa
kanila.

Unti-unting nawala buntot na mahaba


Tumalon ng paitaas, tumungo sa lupa
Minasdan ang paligid, ngunit may naalala
Bumalik sa tubig, ang sabi nila’y “Kami’y
palaka na!”

SY 2012-2013
Ang Pagbabagong Anyo ng Palaka

Ikinuwento ni Jun sa kanyang ina ang


natutuhan niya sa paaralan.

“Ang palaka po pala ay may tatlong yugto ng


kanyang buhay. Una po, nabubuhay sila
bilang isang itlog na nababalutan ng likidong
malapot upang di sila makain ng ibang hayop
sa tubig. Pangalawa, sila ay nagiging butete na
may hasang at buntot upang sila ay
makahinga at makalangoy sa tubig. Sa
paglipas ng mga araw, nabubuo ang baga nito
kasabay ang pagkawala ng buntot at hasang.
Napapalitan ito ng mga mga paa upang sila ay
makapamuhay sa lupa bilang isang ganap ng
palaka.”

“Magaling talaga ang anak ko. Natandaan


mo ang inyong leksyon sa araw na ito.” Sabi ng
kanyang natutuwang ina.

SY 2012-2013

You might also like