Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamagat : Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat

Ano ang Teknikal-Bokasyonal?


Ang teknikal na bokasyonal na pagsulat ay isang komunikasyong pagsulat sa mga larang mayroong espesyalisadong
bokabularyo tulang na lamang ng inhenyera, agham, teknolohiya at agham pangkalusugan.
Mahalaga rin na malinaw, nauunawaan at kompleto at tama ang mga inilalahad na mga impormasyon

Ang Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat ay maaring magamit sa:


1. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
2. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
3. Upang magbigay ng introduksyon
4. Upang magpaliwanag ng teknik
5. Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
6. Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
7. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
8. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
9. Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kompanya
10. Upang makabuo ng produkto
11. Upang makapagbigay ng serbisyo
12. Upang makalikha ng mga proposal

MGA IBA PANG IMPORMASYON


Napakahalaga rin nito sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa mga propesyunal na pag sulat tulad na lamang
ng ulat pang labolatoryo, mga proyekto, mga panuto at mga diagram. Nagbibigay rin ito ng tumpak na impormasyon
na magagamit sa isang espisipikong sularanin. Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introduksyon
ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang uri ng pagsulat na kailangan sa gawaing teknikal na oryentasyon

Taglay nito ang Anyo ng:


Flyers, Sulating Akademiko, Leaflets, Dokumentasyon, Feasibility Study, Naratibo, Deskripsyon ng Produkto , Ulat
at Promo Material

IBA PANG KAALAMAN


Mahalagang malaman nag mga katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay naghahangad na maging
propesyonal na manunulat.
Maraming klase ng pagsulat at bawat uri ay may layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng pagsulat sa
kadahilanang ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon.
Ang layunin ng ganitong uri ng pagsulat ay maipaliwanag ng ibat’t-ibang paksa sa mga mambabasa

Ang Teknikal-bokasyonal na pagsulat ay :


Naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga,
paghahambing at pagkakaiba , analohiya at interpretasyon.
Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang
matiyak at masuportahan ang talakay tekswal.

Pangkat 1
Angela Venice Lagman
Alliah Gail Manahan
Jevsson De Castro
Rogelio Cruz
Allysa Velasco
Ace Pineda

You might also like