Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

Sinulat ni U NU
Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas

May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: kasakiman, galit/poot, at kamangmangan
sa batas ng sandaigdigan. Ang mga bagay na ito ay batas ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa
mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa
daigdig ng sinumang tao. Ito ay pagtanda, karamdaman, at kamatayan.

Nag-aangkin din ang isang nilalang ng limang katangian mula sa kanyang pagsilang Ang kakayahang
magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika at awitin, magpahalaga sa
pagkaing kanyang naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang
pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao, sapagkat
ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas.
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala, sapagkat walang sinumang
makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang libingan, kaya lámang may iba't
ibang pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angki nila habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam ng
marami, kahit silá an pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa isan milyong bahagi sa
paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hin nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa
kasakiman.
Sinasabi rin na ang pagkagalaman rig teang tao sa kayamanan ay bunga ngsobrang kasakiman, kaya
nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan Sa batas na makatao ay sinasabi na ang lahat
ng yamang materyal ay dapat gamitin ng sinumang tao sa kanilang pangangailangan Ngunit nang makilala ng
tao ang kanyang pagkamakasarili, ginamit ang materyal na yaman sa sariling kapakanan na siyang nagdulot sa
lipunan ng maraming bagay na:
1. Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao ang mahirap atmayaman
2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang, may puhunan, sapagkat kalimitan ang isang negosyanteng
nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-isip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi
iniisip ang kalagayan ng maliliit
3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan, samantalang sila
ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay,
at ang kababaihan ay nagbebenta ng sariling katawan.
4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay maagang
namamatay. Ito ay ang Karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa
buhay na isa sa pangunahing kailangan ng tao. Totoo, ang paniniwalang ito ni Buddha, sapagkat abala ang
mayayaman sa kanilang pagbubuhay hari, dahil sa pagsasamantala nila sa maliliit. Ganito ba ang batas na
makatao, samantalang ang nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng malilit, siláng mga biktima ay laging
api? Dahil sa apat na dahilan ay! hindi maiiwasan ng maliliit na magkaroon ng karamdaman.
5. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad sa kanilang
bahay? Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga
uri ng napagsasamantalahan.

6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay mangmang? Anong
kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila
pagkakakitaan ng ibayong tubò ang
kanilang binitawang puhunan. May natatandaan ba kayong alamat na ikinuwento sa inyo ng mga Lolo at Lola
ninyo? Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na
pinagmumulan ng pangangailangan ng tao)
Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay nakukuha sa naturang puno,
kaya walang suliranin ang mga mamamayan sa pagkain, damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon mistulang
nasa paraiso ang mga tao, sapagkat ang punong Padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga
tao ang kasakiman Inabuso nila ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.

Mula noon, maraming tao ang nagutom, dahil sa pag kawala ng mahiwagang puno Nakilala ng mga tao ang
krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw

Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa kayamanang likás sa ating bansa, sa ating paligid,
at ilalim ng lupain. Kung ang bawat likás na yaman ng ating bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga
nakararaming mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan
ang kasamaan ng sangkatauhan.
Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang dahilan nakilala ng mga tao ang kasakiman Ang
maraming mahihirap ay nangangarap na yumaman. Ang maraming mayayaman, patuloy at patuloy pa ring
nangangarap na magkamal nang katakot-takot na yaman na walang katapusan.
Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng materyal na bagay, kahit para
silang lintang sumisipsip ng dugo sa kanilang pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil sanhi kung
bakit may mayayaman sa kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit
silang mamumuhay sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong mukha ng kasamaan ay mistulang
basahan ang saplot sa kanilang katawan ang

Ang may-akda nito ay dating Prime Minister ng Burma. Nais niyang bigyang-aral ang mga taga-Burma ukol sa
kalagayang panlipunan ng kanilang bayan

NOTES:
Kasakiman

Ang kasakiman ay ang pagkakaroon ng matindi o pansariling paghangad sa kapangyarihan, yaman o sa iba pang bagay.
Ito ay nagmumula sa iba't ibang sanhi gaya ng pagiging makasarili at inggit.
Galit o Poot

Ang galit o poot naman ay isang matinding damdamin na maaaring maramdaman ng isang tao sanhi ng hindi
pagkakaintindihan at away.

Kamangmangan

Ang kamangmangan naman ay isa ring kasamaan dahil ito ay nagdudulot ng hindi magandang gawain. Ginagamit ang
kamangmangan upang makagawa ng mga bagay na hindi kanais nais.

U Nu (Thankin Nu)
 Siya ang unang punong ministro ng bansang Myanmar.
 Nagtapos siya sa Unibersidad ng Rangoon at nagtrabaho bilang guro, manunulat, at
tagasalin ng wika.
 Siya ang nanguna sa pagkakatatag ng Red Dragon Book Club na naglalathala ng
akdang mapanghimagsik laban sa nasabing pamahalaan.

Practice notes:
Sino ang nagsaling ng istorya?
 Gng. Salvacion M. Delas Alas
Ano ang tatlong mukha ng kasamaan?
 kasakiman, galit/poot, kamangmangan
Ano ang tatlong bagay ng hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao?
 pagtanda, karamdaman, kamatayan
ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni?
 Samsara The Cycles of Rebirth
ang pagkagahaman ng isang tao ay bunga ng?
 sobrang kasakiman
ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng
napagsasamantalahan
 hindi pagkamit ng wastong kaalaman
punongkahoy na pinagmumulna ng pangangailangan ng tao
 Padaythabin
Watch here!
(823) TATLONG MUKHA NG KASAMAAN | Sanaysay mula sa Myanmar (Burma) | Pinagyamang Pluma 9 -
YouTube

You might also like