Professional Documents
Culture Documents
Ang Industriya NG Pelikulang Pilipino at Ang Indie Films
Ang Industriya NG Pelikulang Pilipino at Ang Indie Films
Ang Industriya NG Pelikulang Pilipino at Ang Indie Films
Ano ba ang Mainstream Films at Indie Films dito sa Pilipinas? Ang mainstream
movies ay yung mga usual na mga pelikulang nakikita natin sa mga sinehan. Lahat ng
mga ito ay ginawa ng mga propesyonal na direktor at karamihan dito ay sikat at
marami ng experience sa pagawa ng mga pelikula. Ang mga sineng ito ay normally
nakatali sa mga corporation, commercial entities at mass media. Ano ba ang makikita
natin sa mga Mainstream Films dito sa Pilipinas? Karamihan ng mapapanood natin ay
puro love story o di kaya naman ay comedy. Ang mga sineng ito ay yung mga tipong
alam mo na ang wakas bago mo pa makita. Pareparehas lang ang mga padron.
Gasgas na. Halos lahat ng sine ay laging may mahirap na inaapi. Di kaya naman
mahirap na nainlove sa mayaman. O di kaya naman horror comedy na gasgas na. Ang
Indie films naman ay mga pelikulang ginawa lang ng mga low profile na mga direktor.
Karamihan sa kanila ay sumusubok palang sa larangan ng pagawa ng mga sine. Halos
lahat ng mga pelikula ng mga ito ay low budget films. Kaunti lang ang experience
ngunit hindi takot sumubok ng mga kakaibang estilo. Sa Indie films walang limit o
restriction sa pagawa. Kanya kanya ang pagawa kaya halos lagi kakaiba ang mga ito.
Makikita natin na marami ang pagkakaiba ng dalawang klase ng pelikula. Sa
pananaliksik na ito, nais namin malaman kung bakit nagkakaroon ng lugar ang mga
Indie films sa industriya kahit karamihan dito ay low budget at ginawa lang ang
karamihan ng mga low profile na direktor.
Marami ang nagrereklamo kung paanong nawawala na ang kalidad ng mga pelikulang
Pilipino. Walang kuwento, mga linyang korni, artistang pare-pareho na nagpapa-cute
lang, at nakangingiwing special effects.
Kaya ako’y nagulat at natuwa nang mapanood ko ang ilang Pinoy Classics – mga obra ni
Lino Brocka, Mike de Leon, at Ishmael Bernal. Simple lang ang pagkakagawa pero
talagang pinag-isipan ang mga dayalogo at takbo ng kuwento.
Pinuri kung paanong repleksiyon ng realidad ang “Bona” o “Maynila sa mga Kuko ng
Liwanag.” Nakalulungkot lang na habang pinapanood ko ito’y nakita ko na ang bansa,
lalo na ang Maynila, ay nasa ganoong kalagayan pa rin. Parang walang pinagbago.
Sadlak pa rin sa kahirapan.
Iyan ang ninanais ng mga intelektuwal mula sa mga palabas – iyong realistic,
nagbibigay ng kamulatan, at kapupulutan ng aral. Ngunit iyan mismo ang gustong
kalimutan ng mga tao. Ang takasan kahit sandali ang mga problema, ang katotohanan.
Iyon bang hindi na kailangang mag-isip.
Ang pelikula ay isa sa mga kinikilalang sining kasama ng pagpipinta, eskultura, musika,
drama at arkitektura na nagbibigay ng yaman sa ating pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang
pelikula ang may pinakamalawak na impluwensiya sa publiko dahil sa kakayahan nitong
magpakita ng mga damdamin at sitwasyon na sadyang mauunawaan ng mga manonood.
Tinitingala ito ng publiko na parang salamin ng buhay dahil dito nila nasasaksihan ang
paglalarawan ng kanilang mga pangarap, hangarin at paniniwala.
Ang bawat sining ay may layuning itaas ang kaalaman ng publiko tungkol sa kahalagahan
ng konsepto ng kalidad. Malaking hamon ito para sa sining ng pelikula. Upang matamo ang
layunin ng kalidad sa isang produksyon, mahalagang magkaroon ng kolaborasyon ang mga
taong magsisitrabaho sa isang proyekto. Magastos gumawa ng isang pelikula. Mahalagang
mabawi ng isang prodyuser ang mga milyong itataya niya sa isang proyekto. At dahil sa laki
ng salapi na maaaring matalo sa isang produksyon, maaaring ang mga taga-industriya ay
natatakot na ring sumubok ng mga makabagong ideya.
Marami ang naghahangad makagawa ng isang mahusay na pelikula. Ngunit bihira ang mga
prodyuser na handang simulan ang prosesong ito sa paggawa ng isang matinong iskrip. Sa
sistema ng paggawa ng pelikula sa kasalukuyan, ang paghahanda ng isang mahusay na
iskrip ay madalas hindi pinagkakaabalahan ng mga prodyuser. Inuuna pa nila ng pagpili ng
magandang playdate kaysa sa pagpili ng isang mahusay na kuwento. Dahil dito, madalas
nagiging biktima ng pagmamadali ang pagsulat ng mga iskrip. Dagdag sa problema ng mga
manunulat ay ang kaalamang tatatlo lamang ang uri ng kuwentong maaari nilang talakayin:
iyong kuwentong may iyakan, tawanan o bakbakan.
Tuwing pinupuna ng mga taga media ang pelikulang Pilipino, dalawang isyu ang madalas
binabanggit. Isa na rito ang kakulangan ng imahinasyon ng mga pelikulang nagagawa
ngayon. Makikita ito sa paulit-ulit na pagsasapelikula ng mga kuwentong kumita na noong
araw gaya ng kuwento ni Darna at ni Dyesebel at sa panggagaya ng mga kuwento ng mga
pelikulang dayuhan. Dahil dito, hindi nawawala sa media ang mga masasamang puna
tungkol sa uri ng mga nagagawang pelikua ngayon. Marami ang nagsasabing hindi lang
paggawa ng pera ang dapat isipin ng ating mga prodyuser. Dapat din nilang isipin ang
paggawa ng mga makabuluhang pelikula.
Dahil sa problema ng film preservation sa ating bansa, walang napapanood na mahuhusay
na pelikula ang kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino na maaaring magsilbing modelo
sa paggawa ng isang magandang pelikula. Dahil sa sitwasyong ito, ang pelikulang banyaga
ang madalas na nagsisilbing halimbawa ng paggawa ng isang matinong pelikula. Ngunit
dapat maunawaan ng publiko na iba ang kondisyon ng paggawa ng pelikula sa labas ng
bansa kung ihahambing ito rito. Unang-una, buong mundo ang tumatangkilik ng mga
pelikulang ito. Isa na rito ang Pilipinas. Malaki ang kinikita ng mga prodyuser dahil
naipapalabas nila ang kanilang pelikula sa iba’t- ibang bansa. Dahil dito, mayroon silang
sapat na kapital para gumawa ng mga pelikulang higit na nakaaaliw at kahanga-hanga ang
mga aspetong teknikal.
Ang pagkawala ng pagkakataong mapanood ang mga mahuhusay na pelikulang Pilipino ay
hindi dapat magsilbing hadlang sa mga indibidwal na may balak gumawa ng magandang
pelikula. Maaari nating tingnan ang sitwasyong ito bilang pagkakataong umisip ng mga
naiibang pelikula. Ito ang hakbang na ginawa ng ilang independent filmmakers simula
noong kalagitnaan ng dekada 70. Dahil marami sa kanila ang hindi nagkaroon ng
pagkakataong mapanood ang mga klasikong pelikulang Pilipino, gumawa sila ng mga
pelikulang alternatibo kung saan nangibabaw ang kanilang kaalamang pansining (Reyes
1991).
Inilahad ni Manuel L. Quezon Jr. (1966), sa isang artikulo ang panganib na dulot ng
panggagaya ng mga pelikula sa labas ng bansa kahit noon pang nakaraang mga taon.
Sinabi niyang: Isang halimbawa ng ating pagbabago at ng panggagaya sa masamang
hangaring banyaga: ang ating puting tabing. Sa halip na tularan lamang ang karunungan ng
mga ibang bansa sa paggawa ng pelikula at lalong pasulungin, at pagpilitang makatuklas ng
higit pang karunungan tungkol sa gayong bagay; sa halip na ang ating puting tabing ay
ikabuti at panggagalingan ng kapakanan ng manonood—ang ating puting tabing ay
gumagaya sa lahat ng kasagwaan, karumihan, at kasamaan na ipinalalabas sa mga
pelikulang banyaga, at kung minsan humihigit pa doon.
Kasamaan sa halip na kabutihan, kamangmangan sa halip na karunungan, kahalayan sa
halip na kalinisan, kagaspangan sa halip na kakinisan—yaon ang ating tinutularan at ang
aral na napupulot ng mga nanonood sa pelikula ay ang paggawa ng masama.
Samakatuwid, sinusunod ng maraming gumagawa ng pelikula ang masamang hilig ng tao
upang kumita lamang ng salapi. Higit pa roon, nakadaragdag pa sila sa masamang hilig at
nakapagtuturo pa ng hindi dating alam na kasamaan. Kung gagamitin ng mga gumagawa
ng pelikula ang kanilang talino upang gumawa ng mainam at karapat-dapat na pelikula,
kikita rin sila, at baka sakali lalong lalaki ang kanilang kikitain. Kung ipinapalagay nila na
ang mga Pilipino ay hindi marunong magpahalaga sa mabuti at mataas na uri ng pelikula,
sinisiraan nila ng puri ang bayang Pilipino.
Uso. Marahil isa ito sa mga makakapangyarihang salita na makapaglalarawan sa anumang
anyo ng midya na tinatangkilik ng mga tao sa isang partikular na panahon. Magkakaiba ang
haba ng panahon ng pagiging popular ng anumang nauuso. Maaaring ang pagtangkilik sa
isang bagay ay maging isang penomeno na nagtatagal ng ilang taon. Subalit kadalasan, ang
mga usong ito ay unti-unting nawawala, nakakalimutan at napapalitan. Ang pinakamasaklap
na maaaring mangyari, ang itinuturing na uso sa mga panahon na ito ay maaaring maging
katawa-tawa o kakutya-kutya sa mga sumusunod na henerasyon.
Subalit isa lamang ang sigurado, hindi maitatanggi ang impluwensiya ng globalisasyon sa
pagtatakda ng kung ano ang uso at kung ano ang laos. Sa panahon ng CNN, ESPN, MTV at
Hollywood, sino ang makapagtatatuwang pati ang ating lokal na kulturang popular ay
nasakop na rin ng kanluraning (o maka-Amerikang) pag-iisip.
At napag-uusapan na rin lamang ang Hollywood, hindi ba at nagiging pamantayan na rin ito
ng ilang mga tao kung ano ba ang pelikulang karapat-dapat na pagkagastusan? Kalimitan,
sinasabing mahusay ang pagkakagawa ng isang lokal na pelikula kapag ito ay nahahawig sa
pelikulang Hollywood. Kapag mas kopya (mula tema, setting, karakter at istorya), mas
pinupuri. Sabi nga nila, "Ayos! Hindi nalalayo sa english movie. Parang foreign film ang
dating!" Lalo na ngayong ang kulturang popular ay nababalot na ng globalisasyon. Ninanais
na tanggalin ng globalisasyon ang pagkakaiba-iba ng bawat bansa sa daigdig. Minimithi nito
na gawing isang siyudad na lamang ang buong mundo. Binubura ng globalisasyon ang
identidad ng bawat lahi, samakatuwid, ang konsepto mismo ng mga lahi ay ibinabasura.
Subalit hindi maitatanggi na sa pagnanais na gamitin ang isang identidad, may isang lahi
ang mangingibabaw sa buong mundo.
Isang hamon sa pelikula ngayon ang pagkawala ng tatak nito bilang isang pilipinong anyo
ng midya. Kung tutuusin, marupok na ang konsepto ng Pilipino bilang lahi sa ating mga
pelikula. Kung ikukumpara sa ibang bansa, mahahalata mo kung ang napapanood mo ay
pelikulang mula sa India o bansang Arabo. Napupuno na ng mga artistang tisoy at tisay na
tumatalakay sa mga temang kanluranin. Ang mga naratibong pampelikula at telebisyon ay
nagmumukhang bersiyon ng mga bagay na napanood na sa banyagang midya. Malakas ang
pagtangkilik ng mga Pilipino sa pelikulang banyaga, partikular ang Amerikano, bahagi
marahil ng colonial mentality. Madalas nauuwi sa paghanga ang nasabing pagtangkilik sa
mga pelikula (Lacunio 2007).
Sa isang artikulo, inilahad ni Noel Barcelona (2002) na aminado na talagang naghihingalo
ang industriya ng pelikula hindi lamang dahil sa walang habas na pagbubuwis dito ng
gobyerno, kundi maging sa kawalang pagpapahalaga at edukasyon ng mismong nasa
burukrasya sa kahalagahan ng pelikulang Pilipino (mas popular sa tawag na pelikulang
Tagalog).
Sa isang pulong na kanyang dinaluhan, sinabi ni Leo Martinez, mismong ang taga-Film
Development Council of the Philippines (FDCP) - natatanging konsehong nalikha sa panahon
ni dating pangulong Joseph "Erap" Estrada na isa ring aktor at prodyuser ng pelikula, ang
humarang sa pagsabatas ng pagpapababa ng buwis na ipinapataw sa paglikha at
pagpapalabas ng pelikula. Aminado naman sila na maaaring may kapabayaan din sa panig
ng mga aktor, tagalikha at tagapagpalabas ng pelikula - sa panig ng mga aktor, direktor,
manunulat(scriptwriter), at prodyuser ang hindi mabisang paglalabas ng isang
makabuluhang kuwentong pampelikulang maaaring tangkilikin ng madla sa kabilang banda,
at ang pagpapatung-patong ng singil naman ng mga may-ari ng sinehan bunga nga ng
napakataas na buwis.
Ang mas malaking makabayang hamon, hindi lamang sa mga tagapagtaguyod ng malayang pelikulang
Pilipino ngunit pati narin sa mga mamamayan, ay ang pag-angkop sa pagsusumikap na mabaligtad ang
tuntunin ng atrasadong pag-unlad, kasama ng kinahihinatnan ng pagsulong sa panlipunang panunupil at
di-pagkakapantay-pantay. Sa huling nabanggit—iminumungkahi nito bilang isang nalalapit at lahat-ngunit-
puspos na mga proyekto na nangangako na bubuwisan ang lahat ng tagapagsanay, kabilang ang mga
kritiko, ng kulturang pop ng Pilipinas sa kanilang pananagutan sa kasaysayan ng kanilang bansang
batbat ng krisis. Sa kasalukuyang panahon, unti-unti nang nagkakaroon ng marka ang Indie sa industriya
ng pelikulang Pilipino. Kasalukuyan itong nakikipaggitgitan sa malalaking produksyon ng mainstream. Sa
kabila ng iba‘t ibang problema na kinakaharap nito, ito ay isang makabuluhang sining na sumusubok sa
isipan ng bawat manonood at higit sa lahat ang bawat Indie film ay sumasalamin sa bawat puso na nag-
isip, sumubok at sumugal. Ito‘y ginagawang mabisang tuntungan upang magdulot ng makabuluhang
pagbabago sa kasalukuyang lipunan. Magsisilbi ang mga malayang pelikula bilang mabisang
pamamaraan upang maipataas ang panlipunang kamulatan ng bawat manonood nito. Patuloy na paiiralin
ang isang kulturang makabayan, siyentipiko at makamasang uri ng sining, partikular na sa industriya ng
pelikula, kaiba sa nakagisnang pyudal, burgis at kolonyal na kultura sa paraan ng sining na higit na
mapagpalaya.
Show full item record
Panukalang Pahayag
B. Introduksyon
C. Rebyu o Pag-aaral
D. Layunin
Ang pangkalahatang layunin ng pananliksik na ito ay upang malaman
ng mga mambabasa ang nagagawa ng independent films sa industriya ng
pelikulang Pilipino.
E. Halaga
F. Konseptual na balangkas
G. Metodolohiya
H. Saklaw
Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga indie films sa
Pilipinas mula 2005 hanggang; sa kanilang mga kontribusyon sa
pamamagitan ng pagkuha ng pagkilala mula sa iba’t-ibang award giving
bodies sa loob at labas ng bansa.
I. Daloy ng Pag-aaral
Panimula
Mga Datos
Pelikulang Pilipino
Ang pelikulang Pilipino ay may mahigit 100 taon nang kasaysayan.
Sa paniniyak, ang industriya ay ng pelikulang Pilipino ay nagsimula noong
1897. Ang pelikula noong araw ay hinahalaw sa mga paniniwala at pang-
araw- araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Bilang pagpapatunay dito ay
ang pagpapalabas ng pinakaunang may tunog na pelikulang Ang Aswang.
Cinemalaya
Paraan ng Pagpapalabas
Kubrador:
atbp. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga independent films na nakakuha
ng mga karangalan sa loob at labas ng bansa.
B. KONKLUSYON
C. REKOMENDASYON
Talasanggunian:
http://www.inquirer.net
http://www.iht.com
gmanews.tv
abs-cbn.com
youngfilmmakers.multiply.com
http://www.wikipilipinas.com
http://www.wikipedia.com
www. monstersandcritics.com
http://www.filmmakermagazine.com
http://www.pinoyblogosphere.com
http://www.insidefilm.com
Pasasalamat: