Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ikatlong Markahan

Ika-sampung Linggo
Kagamitan ng Mag-aaral

Unang Araw

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat ng Tekstong Napakinggan


Simuno at Panag-uri sa Pangungusap

Paano mo mabibigyan ng angkop na pamagat ang tekstong


napakinggan?
Paano mo masasabi kung alin ang simuno? ang panag-uri?

Tuklasin Mo

Ano ang pamantayan sa pakikinig?


Pagguhit ng paboritong bayani, bakit siya ang iginuhit mo?

Basahin Mo

Ano ang naging pangkalahatang paksa sa napakinggang talambuhay?

Ang Bayani ng Lungsod ng Ozamiz


(Talambuhay)

I
Si Jose Fortich Ozamiz ay ipinanganak noong May 5, 1898 sa Aloran, Misamis
Occidental. Nahirang siyang unang gobernador ng lalawigan ng Misamis Occidental. Noong
1931, siya ang kauna-unahang nahalal na kinatawan ng Misamis Occidental. Nahalal din siyang
kinatawan ng Pambansang Assembleya noong 1936: at noong 1940, siya rin ang kauna-
unahang taga-Misamis Occidental na nahalal na senador.

II
Si Jose Fortich Ozamiz ay isa ring nakalaang opisyal sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
na may ranggong major ng USAFFE (United States Arm Forces). Nang sumiklab ang ikalawang
digmaang pandaigdig, siya ang itinalagang magsilbi sa Bataan at Corregidor. Noong 1942,
pinabalik siya ni Pangulong Quezon sa kanyang tungkulin bilang senador at bilang opisyal
militar. Ipinag-utos ni Pangulong Quezon at Heneral MacArthur na pamunuan nila ni Senador
Roxas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
III
Inalok siya ng opisyal ng Hapon na maglingkod sa Malacañang. Sa simula’y nais niyang
tanggihan ang alok sa kanya, subalit naisip niyang upang hindi siya paghinalaang kalaban ng
mga Hapon at upang makatulong siya sa kanyang mga kababayang gerilya, tinanggap niya ang
tungkulin.

IV
Samantalang ang mga gerilya sa Misamis Occidental ay naging aktibo at sila’y namundok
sa Bundok ng Malindang. Sa paniniwala ng mga opisyales ng Hapon na si Jose Fortich Ozamiz
lamang ang taong makapagpapasuko sa mga gerilyang kababayan, ipinadala siya sa Misamis
Occidental. Subalit sa halip na himukin ang kanyang mga kababayan na sumuko, lihim siyang
nakipag-ugnayan sa mga namumuno sa Mindanao tulad nina Koronel Fertig, Komander
Parsons, Kapitan Morgan, at marami pang iba. Nakipag-ugnayan din siya sa iba’t ibang pangkat
ng mga gerilya sa buong Pilipinas.

V
Noong ika-5 ng Pebrero, nahuli ang mga kasamahan niya sa Ermita, Maynila. Dahil dito,
natiyak niyang nanganganib ang kanyang buhay. Binalak niyang tumakas patungong Australia
sa pamamagitan ng submarino.

VI
Samantalang inaayos nina Heneral MacArthur at Pangulong Quezon ang kanyang
pagtakas, ipinadala sina Vicente Lim at Jose Abad Santos bilang unang sugo para sa kanyang
pagtakas.

VII
Nang sumunod na gabi, dinala si Jose Fortich Ozamiz sa Fort Santiago upang tanungin
tungkol sa mga gawain ng mga gerilya. Dahil sa wala siyang maisagot o masabi, siya’y
pinarusahan, Sa kabila ng matinding parusang kanyang tinanggap tulad ng pagtatanggal nang
isa-isa sa kanyang kuko, hindi niya ipinagkanulo ang kanilang lihim na kilusan.

VIII
Noong Agosto 24, 1944, narinig ng kanyang pamilya ang testimonya ni Richard
Sakkakirda, ang tagapagsalita o tagasalin ng mga bihag, na si Jose Fortich Ozamiz at ang
dalawampu’t siyam pa nitong kasama ay dinala sa Sementeryo ng Norte at pinagpahukay ng
kanilang paglilibingan. Habang sila’y nakaluhod sa harap ng kanilang hinukay, isa-isa silang
pinugutan ng ulo sa pamamagitan ng matalas na samurai ng mga Hapon.

IX
BIlang pagkilala sa kanyang katapangan at sukdulang pagpapakasakit alang-alang sa
kalayaan ng bayan, binigyan siya ng “gawad postumo”. Ito ay parangal sa mga namatay na
bayani. Noong 1948, isinunod sa kanyang apelyidong Ozamiz ang pangalan ng Lungsod ng
Ozamiz sa ilalim ng R.A. 321. Noong May 5, 1991, idineklara ng batas na ang araw na iyon ay
araw ng Lungsod ng Ozamiz.
Pagyamanin Ninyo

Gawin Nyo

Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat saknong


(Hiyas sa Wika 5 ph.2 at ph. 11.)

Sa ating paligid iyong mapapansin


Tao, bagay,lugar, hanapbuhay, gawain
Tila OBRA MAESTRA ng Diyos na Butihin
Bawat nilikha Niya, may dahild,may layunin.

Paraisong masasabi itong kapaligiran


Malilinang, mapauunlad kung pangangalagaan
Lahat ng kailangan idinulot ng Maykapal
Pagkat mahal Niya tayo, sa lahat Niyang
nilalang.

Binigyan ka ng talino hindi upang magwasak


Sagana ang kalikasan ngunit iyong winaldas
Nalason ang hangin,lupa, maging dagat
Ito ba ang kasama ng iyong pag-unlad?

Ikaw tao ay pinili sa lahat ng nilalang


Ikaw ay nilikhang mangalaga, mamatnubay
Mag - isip - isip ka, manalangin, magnilay-nilay
Paano mo ililigtas ang Inang Daigdigan?
Saan nanggaling ang ulan?
Ako, si Patak-Tubig ang sasagot niyan.
Inyong lingkod sa Patak-Tubig, ako’y inyong kilalanin.
Ako ang dating water vapor na kasama ni Hangin.

Ako ay isa sa marami, milyon ang aming bilang.


Dati kaming nasa lupa o sa dahon ng halaman.
Nadadala ni Hangin kapag mainit si Araw
Sama-sama kami hanggang sa kaitaasan.

Kapag nadala ni Hangin kami’y nagiging water vapor


Nagsasama-sama, ulap na natatangay.
Kapag bumigat kami dahil sa kalamigan.
Natutunaw kami’t babagsak na patak-ulan.

Babalik sa lupa sa anyo ng ulan.


Ito ang aming papel dito sa daigdigan.
Sa pagbalik sa lupa roon sa kakahuyan
Ang bahang dala naming ay naiiwasan.

Ngunit kapag kinalbo iyong kabundukan


Wala nang pipigil sa aming daluyan.
Kaya nawawasak ang mga palayan
Kayo ring mga tao ang may kasalanan.

Kung hindin nagamit ng mga halaman


Lumulubog sa lupa nang may kalaliman.
Malakas ang hatak ng init ni Araw
Watak-watak kami at hindi matunaw.

“El Niño” ang tawag ninyo


Sobrang init ng mundo.
Kasalanan ninyong mga tao
Ang mga puno ay kinitil ninyo.

Gawin Mo

Suriin ang bawat pangungusap. Isulat sa angkop na kahon ang iyong sagot.

1. a. Sariwa ang hangin sa probinsiya

Pangungusap

Sariwa ang hangin sa probinsya

Panag-uri Simuno
b. Malinis at sagana sa talangka, tulya, at isda ang mga ilog.

Pangungusap

Panag-uri Simuno

2. a. Maliwanag ang buwan.

Pangungusap

Panag-uri Simuno

b. Naglalaro kami ng tumbang preso sa gabi.

Pangungusap

Panag-uri Simuno

c. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga duwende at aswang.

Pangungusap

Panag-uri Simuno
3. a. Sa manggahan kami nagpipiknik.

Pangungusap

Panag-uri Simuno

b. Nagtatawanan at nag-aawitan kami

Pangungusap

Panag-uri Simuno

4. a. Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan.

Pangungusap

Panag-uri Simuno

b. Tunay ang pakikisama ng mga tao sa lalawigan.

Pangungusap

Panag-uri Simuno
Isaisip Mo

Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat?


Ano ang simuno? Ang panag-uri? Magbigay ng halimbawa.

Isapuso Mo

Sagutin ang Suriin Mo C sa Filipino,Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 ph.29-30.

Kilalanin ang panag-uri at salungguhitan ito.

1. Si Tatay ang haligi ng tahanan.


2. Siya ay mabait at masipag.
3. Gumagawa siya sa aming bukid.
4. Mabilis magtrabaho ang mahal kong Tatay.
5. Si Inay ay maalalahanin sa kanya.

Isulat Mo

A. Kilalanin ang simuno at salungguhitan ito.

1. Ginagabayan niya kaming mabuti.


2. Masayang namumuhay ang aming mag-anak.
3. Kayo rin ba ay nagmamahal sa inyong mga magulang?
4. Ang mapagmahal sa magulang ay pinagpapala ng Diyos.
5. Ang magagalang magsalita ay hinahangaan.

B. Gawin ang Suriin Mo C sa ph. 64 ng Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5.


Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
Kagamitan ng Mag-aaral

Ikalawang Araw

Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar sa Pamamagitan Pag-uugnay sa Ibang


Asignatura

Ano ang salitang pamilyar?


Paano mo mabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilyar?

Tuklasin Mo

Sa panahon ngayon, nagagamit pa ba ang pagsulat ng liham sa malayong lugar? Bakit


oo? Bakit hindi? Ikaw, sa paanong paraan ka nakikipag-ugnay sa taong malapit sa puso mo na
nasa malayo o malapit na lugar?

Basahin Mo

Alam nyo bang mahalaga ang buhok? Isipin mo na lang ang hitsura mo kung kalbo ka o
sobrang nipis ng buhok mo.
Basahin ang liham sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 24-26.
Pagyamanin Natin

Gawin Mo

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar na salita.

1. pamana - _______________________________________________
2. bituin - _______________________________________________
3. parirala - _______________________________________________
4. sangkap - _______________________________________________
5. ehersisyo- _______________________________________________

Isaisip Mo

Ano ang ibig sabihin ng salitang pamilyar? Mabilis ba itong mabigyan ng kahulugan?
Bakit?

Isapuso Mo

Magbigay ng mga salitang pamilyar na may kaugnayan sa ibang asignatura at bigyan


ang bawat isa ng kahulugan.

Isulat Mo

Sumulat ng 5 pangungusap, salungguhitan ang salitang pamilyar at sa katapat nito,


ibigay ang kahulugan.

1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
Kagamitan ng Mag-aaral

Ikatlong Araw

Sanhi at Bunga

Paano mo malalaman kung ito ay sanhi? bunga?

Tuklasin Mo

Ano ang masasabi nyo kay Dr. Jose Rizal?


Kung makakaharap mo ang ating pambansang bayani, ano ang sasabihin mo?
Ano ang mararamdaman mo kung makakadaupang-palad mo siya? Bakit?

Basahin Mo

Marami ang nagawa sa atin ni Dr. Jose Rizal.


Basahin ang liham “Ang Bayani sa Dapitan” (sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 70-72.)
Pagyamanin Natin

Gawin Mo

Ibigay ang bunga ng sumusunod na sanhi ayon sa mapang pangkonsepto.

Sanhi Bunga

1. pagkain ng sobra-sobra
2. di-pag-inom ng tubig

3. pagkakaroon ng malinis na hangin

4. pagtulog ng sapat

5. pagdadagdag ng taon sa pag-aaral

Isaisip Mo

Ano ang sanhi? Ano ang bunga? Magbigay ng halimbawang pangungusap,


salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga.

Isapuso Mo

Bawat sanhi sa Hanay A ay may katumbas na bunga sa Hanay B. Pagtambalin ito at


isulat sa patlang ang titik ng sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. Pagtatapon ng basura sa ilog a. tumataas ang presyo ng bilihin


_____2. Pagtaas ng halaga ng gasolina b. bumabaha sa kapaligiran
_____3. Paggamit ng pataba c. nagpapabagal ng daloy ng tubig
_____4. Pananalanta ng bagyo d. umaani ng masagana ang magsasaka
_____5. Pagputol ng mga puno sa kabundukan e. nasisira ang mga ari-arian
Isulat Mo

Bawat pangungusap sa ibaba ay may isinasaad na sanhi at bunga. Salungguhitan ang


sanhi at bilugan ang bunga.

1. Mahusay na mekaniko si Edwin kaya maraming nagpapakumpuni sa kanya ng sasakyan.


2. Bihirang magkasakit si Mang Gil dahil alagang-alaga niya ang kaniyang kalusugan.
3. Napakahusay makisama ni Aling Binday kaya marami siyang kaibigan.
4. Pagod na pagod siya sa pag-uwi sa bahay dahil maghapong naglaro sa lansangan si
Darwin.
5. Si Willy ay hindi kasama sa pag-uwi sa Dagupan sapagkat tinanghali siya ng gising.
Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
Kagamitan ng Mag-aaral

Ikaapat na Araw

Pagbibigay ng Datos sa Isang Form

Bakit kailangan ang tunay na pangalan ang isulat sa ID?


Bakit kailangang magdala tayo lagi ng ID saan man magpunta?

Tuklasin Mo

Bakit kailangan nating mag-ipon ng pera?


Maliban sa alkansya, saan pa tayo pwedeng mag-ipon?

Basahin Mo

Iwasan nating magkaroon ng bura o dumi ang form na ating binibigyan ng datos.

Tingnan mabuti at pag-aralan ang mga


form.
Pagyamanin Natin

Gawin Mo

Punan ng mga datos ang form na nasa itaas.

Gawin Nyo

Lagyan ng tamang datos ang sedula

Isaisip Mo

Anu-ano ang mga datos ang naibibigay sa isang form?


Magbigay pa ng halimbawa ng form na hindi nabanggit.
Isapuso Mo

Punan ng mga datos ang pormularyong ito.

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Purok ng Luisiana
PAARALANG ELEMENTARYA NG LUISIANA SENTRAL

LRN____________
SY_____________

Pangalan ng Mag-aaral

Baitang at Baitang

Guro

Punongguro

Isulat Mo

Pag-aralan ang pormularyong nasa ibaba at maingat na isulat ang hinihinging


impormasyon.

Apelyido Unang Ngalan Panggitnang Pangalan

Tirahan

Gulang Kasarian Relihiyon


Kapanganakan : Lugar ng Kapanganakan:
_______________________________________ ___________________________________
Buwan Araw Taon Bayan Lalawigan
Pangalan ng mga Magulang:
Ama: ________________________________________ Hanapbuhay: ____________________
Ina: ________________________________________ Hanapbuhay:____________________
Pinakamataas na Natamong Pinag-aralan ng mga Magulang:
Ama: _______________________________________________________________________
Ina: ________________________________________________________________________
Ang iyong Libangan:

Paboritong Asignatura:
Ikatlong Markahan
Ikasampung Linggo
Kagamitan ng Mag-aaral

Ikalimang Araw

Pagsulat ng Editoryal

Ano ang editoryal?


Paano ito isinusulat?

Tuklasin Mo

Basahin at suriin ang editoryal na ito.


Basahin Mo

Ang nabasa sa bahaging Tuklasin Mo ay makikita sa isang bahagi ng pahayagan kung


saan nagbibigay ng opinyon ang sumulat. Balikan ang bahaging Tuklasin Mo upang matukoy
ang mga bahagi ng pagsulat ng editoryal.

Pagyamanin Ninyo

Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain)

Sumulat ng isang editoryal hango sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand


Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Isaisip Mo

Paano isinusulat ang isang editoryal?


Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng editoryal?

Isapuso Mo

Sumulat ng isang editoryal ayon sa larawang nakikita.

Isulat Mo

Sumulat ng isang editoryal hango sa inyong pamayanan.

You might also like