Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

A.

PAMAGAT:
100 Tula Para Kay Stella
B. PAKSA:
Pag-ibig
C. MGA TAUHAN
Stella, Fidel, Von, Chuck, Ms Bardozo
D. GAMIT NG SALITA SA PELIKULA
Naturalismo dahil hindi nalalayo ang kwento sa reyalidad na
nangyayari sa buhay ng isang tao.
E. LAYUNIN NG PELIKULA
Maihatid ang mensahe na huwag nating mahalin ng sobra ang iba
bagkus ay magtira ng pagmamahal sa sarili dahil sa bandang huli tayo
din ang masasaktan.
F. BUOD NG PELIKULA
May isang lalaki na nagngangalang Fidel Lansangan na nag-
aaral sa Pampanga Agricultural College at dito niya nakilala si Stella
at talagang hinangaan niya ito ng sobra. Si Stella ay kabaliktaran ni
Fidel dahil si Fidel ay isang mabait at mahiyaing estudeyante at
napakatalino nito habang si Stella naman ay matapang na rakista at
Rivermaya ang paborito nitong banda at mas naitutuon ng husto ni
Stella ang kanyang sarili sa pagkanta kaysa sa mag-aral ng mabuti.
Wala sa isip ni Stella nitong unahin ang pag-aaral. Dahil sa labis na
pagmamahal ni Fidel kay Stella, sumulat si Fidel ng 100 Tula Para Kay
Stella, ngunit wala siyang lakas ng loob upang maipabasa ang akdang
naisulat niya para dito dahil mas nadaig siya ng hiya sa kanyang sarili
kaysa magkaroon ng lakas ng loob. Marahil ay naisip niyang wala na
siyang pag-asa kay Stella kaya sa tula na lamang niya idinaan ang
kanyang damdamin. Ngunit, nakaranas siya ng kabiguan dahil ikinasal
si Stella kay Von at doon na nagtapos ang lahat. Napakasakit nito
para kay Fidel ngunit wala na siyang magawa kundi ang maging
masaya para sa iniibig nito.
G. PAGKOKOMENTO SA TATLO HANGGANG LIMANG ASPEKTO NG TULA
a. Isip
Napagtanto kong may mga bagay na hindi dapat ituloy kung alam
mong masasaktan ka lamang.
b. Damdamin
Nakaramdam ako ng pagkalungkot dahil sa malungkot na wakas
ng pelikula.
c. Gawa
“Action Speaks Louder Than Words”
H. PANGKALAHATANG OPINYON TUNGKOL SA PELIKULA
Ako ay namangha at madaming natutunan sa pelikulang ito.
Napakamangha ang ipinakitang pagmamahal ni Fidel kay Stella dahil
bilang na lang ang mga lalaking ganito. Gusto ko sanang
magkatuluyan sina Fidel at Stella sa wakas. May magandang aral din
akong natutunan dito at iyon ay ang huwag ibigay ng labis ang iyong
pagmamahal sa iba kung sa bandang huli ay masasaktan ka lang din
at kabiguan ang iyong matatamo. Nasaktan si Fidel sa nangyari ngunit
hindi ito ang rason upang siya ay hindi na makabangon sa hirap
samakatwid gawin niya itong inspirasyon para magpatuloy pa. Sa
buhay, dapat habang nabibigo ay lalo pang nagiging matapang upang
harapin anuman ang problema.

You might also like