Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

ALMA DEL PAIS

D E L P A I S
A L M A
KALULUWA NG BANSA
ALMA DEL PAIS

TALAAN NG NILALAMAN

01 Wikang Bicolano

03 Wikang Cebuano

05 Wikang Chavacano

07 Wikang Hiligaynon

09 Wikang Manobo

11 Wikang Waray

13 Karagdagang Impormasyon

15 Mga Imbentor

16 Mga Sanggunian
ALMA DEL PAIS

WIKANG BIKOLANO
PINAGMULAN
Ang Bicol ay kilala sa tawag na "Ibalon"
na nangangahulugang "sa kabila" o "mga
tao sa kabilang dako". Nakilala ang lugar
ng nagsimula silang ipagdiriwang ang
Tinagba Festival sa lungsod ng Iriga.

Ang Wikang Bicolano ay ika-anim sa


pinakasalitang katutubong wika sa
Pilipinas. Ito ay ibinatay sa Malayo
Polynesian na may halong Arabia, Intsik
at Kastila (Lorenzo et. Al 19). Sa
pagkatuto ng wikang ito ay maiiwasan
natin ang hindi pagkakaunawaan dahil
higit 2.5 na milyong Pilipino ang
gumagamit ng wikang ito batay sa
sensus noong 1990.

Tungkol sa wikang bicolano


Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol na binubuo ng mga lalawigan ng Albay, Masbate,
Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte. Ang wikang ito ay
nagsisilbing "Lingua Franca" o pangunahing wika ng rehiyon. Ito rin ay isang wikang
Austronesia o kabilang sa pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng
Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong
kontinente ng Asya. Ang wikang Bikolano ay isa sa mga mayayamang linggwahe sa
bansa, ngunit may iba't ibang uri ng Bikolano ang ginagamit ng mga mamayan. Mayroong
halong Tagalog na ginagamit ng mga taga Camarines Sur at Norte, may halong
Hiligaynon sa mga lalawigan malapit sa Bisaya at may hawig naman sa Cebuano ang
ginagamit ng mga taga Masbate. Mayroon ding walang halo ng ibang wika na tinatawag
nilang Bikol Naga at ito'y ginagamit ng mga taga Sorsogon, Catanduanes at Albay.
Bagama't may iba't ibang uri ang wikang ginagamit ang mga mamamayan, ito parin ay
nagsilbing kanilang identidad upang sila'y magkaintindihan, magkaisa. Wikang kanilang
ginagamit bilang midyum sa pakikipag komunikasyon, pagtuturo, at iba pa. Ang pagbigay
ng pansin at halaga ng mga mamamayan sa sariling linggwahe ay nagbubuklod sa kanila
at nagpapakita ng tatag ng Wikang Bikolano.
pn
01
ALMA DEL PAIS

MGA HALIMBAWA

01 PARAAN NG PAGBIBILANG 02 MGA SALITA SA BIKOLANO

Please- Tabi
Ang paraan ng pagbibilang ng mga Bicolano ay mula sa Opo- Mao
mga Espanyol na sumakop sa ating bansa noon. Hindi- Dire
Wala- Wara
1-Saro Mahal- Inmomootan
2-Duwa Matalino-Listo/Mayad
3-tulo Pangalan- Pangaran
4-Upat Araw- Adlaw
5-Lima Umaga- Aga
6-Anom Gabi-Banggi
7-Pito Hating-gabi-Katutnga
8-Walo Pusa-Kuting
9-Siyam Aso-Ayam
10-Sampulo Langgam-Kutitob
Pagkain-Pagkaon
Tubig-Tubi

03 MGA PANGUNGUSAP

Magandang umaga/hapon/gabi Marhay na aga/hapon/banggi

Salamat Salamat - Dios mabalos

Mahal kita Inmomootan ta ikaw

Asan ka? Hain ka?

Umalis ka dito Humali ka didi

Saan ka nag-aaral? Diin ka nagiiskwela

Ang ganda mo Kagayon mo

Kelan ka aalis? San-o ka mahali?

Ang aking pangalan ay… ______ an ngaran ko

Saan ka pupunta? Masain ka?

Kinagagalak kong makilala ka Kaogmahan kong makabisto ka

Patawarin mo ako Patawarun mo ako

Oo Iyo

Hindi Dai

Magkano ito? Gurano ini?

pn
02
ALMA DEL PAIS

WIKANG CEBUANO
PINAGMULAN
Ang salitang "Cebuano" ay nagmula sa salitang
Cebu, na mula sa orihinal na salitang Espanyol na
Kamusta man Maayo, ikaw? "Sugbo", na nangangahulugang "paglalakad sa
tubig". Noon, mababaw ang baybayin sa daungan ng
ka?
Cebu kaya't ang mga manlalakbay ay kailangang
lakarin ang tubig para makarating sa kanilang
destinasyon.

Isinalin ng mga Espanyol ang salitang Sugbuhanon


o Sugbuanon sa "Cebuano" at sa mga unang
Amerikano bilang "Cebuan" at sa kasalukuyan, ang
Cebuano ay tumutukoy sa nagsasalita ng wikang ito.
Ang terminong ito ay sinusundan ng "-hanon" upang
tumukoy sa wika, kultura, at mga residente ng Cebu;
kaya, "Sugbuanon" o "Sugbuanon".

DESKRIPSYON
Ang Wikang Cebuano ay sinasalita ng parehong dayuhang grupong etniko at
migratoryong Filipino na mga etnikong grupo sa maraming rehiyon sa
mundo. Ang Cebuano ay ang ika-47 na pinakalaganap na wika sa mundo, ito
ang pangalawang pinakakaraniwang wika sa Pilipinas, kung saan mga 20
milyong tao ang nagsasalita nito bilang kanilang sariling wika at isa pang 11
milyon bilang pangalawang wika. Ang Sugbuanon, Cinibwano, at Binisaya ay
ilan sa mga pangalang katutubong nagsasalita ng wikang Cebuano, na
sinasalita ng mga grupong etniko sa Visayas at Mindanao, gayundin ang
komunidad ng Cebuano sa Cebu. Mahigit tatlumpu't tatlong (33) milyong tao
sa Pilipinas ang nagsasalita ng wikang Austronesian na kilala bilang
Cebuano, na nauuri bilang isang wikang Bisaya. Sa kabila ng hindi pormal na
itinuro sa mga paaralan at unibersidad, ipinagmamalaki nito ang
pinakamaraming katutubong nagsasalita sa Pilipinas. Sa ilang lugar sa
Mindanao at Central Visayas, ang Cebuano ay sinasalita bilang unang wika.

03
ALMA DEL PAIS

MGA HALIMBAWA
Pangunahing Pagbati at
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Personal na Pagpapakilala

Maayong buntag! - Magandang umaga! agálon: panginoón


Maayong adlaw! - Magandang araw! alukabá: tangkúhong
Maayong hapon! - Magandang hapon! bagúlbol: úngol
Amping . - Paalam/ingat bákhaw: bákaw (uri ng ibon)
Kumusta? - Kumusta? bánagbánag: liwaywáy
Maayo raman ko, ikaw?/Okay raman ko, bugás: bigás
ikaw? - Okay naman ako, ikaw? bulád: dáeng
Unsa imong ngalan? - Ano ang iyong
dágtum: itím
pangalan?
dughô: sungkít
Ang akong ngalan si [pangalan]. - Ang
dúgho: súrot
pangalan ko ay (pangalan)
dúgmok: dúrog
Nag puyo ko sa [place]/Taga-[lugar] ko. -
hágit: hámon
Nakatira ako sa (lugar)
Salamat! - Salamat! kayagkág: uri ng lambat na
Daghang salamat! - Maraming salamat! ibinibitin sa rabaw ng tubigán, at
Wala ra to/Walay sapayan. - Walang may mga bútas na sapat upang
anuman. lumusot ang ulo ng isda at
Palihug. - Pakiusap masabit ang hasang
Oo. - Oo. kinahánglan: kailangan
Dili. - Hindi. kúgmo: kulángot
Kani/Ni. - Ito. láay: iníp
gwapa-maganda lípong: himatáy
kasingkasing-puso nátad: lárang (malawak na bukid
lami-masarap o parang)
iro - aso ngípon: ngípin
iring -pusa pagláum: pag-asa
Kinsa?-Sino? tabilí: bangkaláng
Unsa? -Ano?
tánday: dantáy
Tagpila? -Magkano?
tagíptip: libág (duming namuo sa
Gihigugma tika -Mahal kita
balát)
tubátub: sa sinaunang lipunang
Bisaya, bandana ng kababaihan
PARAAN NG PAGBIBILANG
na itinatalì nang mahigpit sa ulo

usa-isa
duha-dalawa
tulo-tatlo
upat-apat
lima-lima
unom-anim
pito-pito
walo-walo
siyam-siyam
napulo-sampu
04
ALMA DEL PAIS

WIKANG CHAVACANO
PINAGMULAN
Ang Zamboanga ay isang lungsod sa Mindanao na
kilala bilang "The Pride of Mindanao". Ilan din sa
bansag dito ay ang "City of Flowers", Ciudad
Latina de Asia at Zamboanga Hermosa. Nadama
ang presensya ng mga Espanyol noong 1569 sa
isang Catholic mission na itinatag sa La Caldera
na tinatawag ngayong Recodo. Simula noon
umusbong na ang kakaibang wika na ginagamit ng
mga taga-Zamboanga. Ang nag-iisang kreolo
batay sa Kastila sa Asya. Ito ang natural na
magkahalong wikang Kastila at mga lokal na
diyalekto na kung tawagin ay Chavakano o
Chabacano.

Ang pinaghalong Kastila na mula sa Espanya at


Mexico, na may impluwensiya ng katutubong wika
sa Lungsod ng Zamboanga na wika ng mga Aztec
na kung tawagin ay Nahuatl. Ilan naman sa mga
lokal na diyalekto ay ang Tagalog, Cebuano,
Hiligaynon, Tausog, Subanon at Ilokano.

DESKRIPSYON
Ang Chavacano ay wikang may malakas na halong Español at sari-saring
katutubong wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog, Hiligaynon, Sebwano,
Ilokano, Subanon, at Tausug. Nag-iisa itong wikang creole sa buong Asia
na nakabatay sa Español. Nanatili itong buhay pagkatapos ng apat na
dantaon, dahilan kung bakit naging isa ito sa pinakamatandang wikang
creole sa buong mundo. Ang pangalang ng wikang Chavacano ay
nanggaling sa salitang Español na "chabacano," nangangahulugang
"mababang kalidad," "mababang uri," o "payak." Mas ginagamit ang
wikang ito sa pagsasalita kasya pagsusulat, dahulan Kung bakit mas
kaunti ang mga panitikang nakasulat sa Chavacano kumpara sa iba pang
katutubong wika ng Pilipinas.

05
ALMA DEL PAIS

MGA HALIMBAWA
MGA PANGUNGUSAP KAHULUGAN
Donde tu hay anda? (‘Saan ka pupunta?’)
Ya mirá yo con José. (‘Nakita ko si José.’)
Ya andá ele na escuela. (‘Pumunta siya sa paaralan.’)
Si Mario ya dormí na casa. (‘Natulog si Mario sa loob ng
El hombre, con quien ya man bahay.’)
encuentro tu, es mi hermano. (Ang lalaki na iyong nakilala ay
El persona con quien tu tan aking kapatid.)
cuento, bien alegre gayot. (Talagang masaya ang taong
kausap mo.)

Chavacano
Tagalog Chavacano (pormal) (karaniwan/kolokyal/bulgar/p
amilyar)

madulas resbalozo/resbaladizo malandug

kanin morisqueta kanon/arroz

ulan lluvia/aguacero aguacero/ulan

putahe vianda/comida comida/ulam

tatay papá (tata) pápang (tata)

nanay mamá (nana) mámang (nana)

lolo abuelo abuelo/lolo

lola abuela abuela/lola

maliit chico(a)/pequeño(a) pequeño(a)/diutay

delgado(a)/flaco(a)/chiquit
payat flaco/flaquit
o(a)

(aking) mga magulang (mis) padres (mi) tata'y nana

06
ALMA DEL PAIS

WIKANG HILIGAYNON
PINAGMULAN
Ang wikang Hiligaynon at Hok-kien (isa sa mga
diyalektong Tsino) ay nagsanib upang maitatag ang
pangalang "Hiligaynon." Ang pagkakabuo ng bayan
ng Iloilo, na naging sentro ng mga Ilonggo't Ilongga,
ay dulot ng pagiging mahalagang daluyan ng mga
ilog sa pagitan ng mga bundok at kapatagan na
naging saksi sa pagpapalitan ng kultura at wika ng
mga Intsik at mga Iligaynon (noon isang pangkat na
nagsasalita ng wikang Hiligaynon). Nang magsama
ang mga wikang Hok-kein at Hiligaynon, isang
proseso ng pagsasama-sama ang naganap kung
saan ang mga termino mula sa labas ng wika ay
inaangkin at pinaamo.

Ang mga naninirahan sa Iloilo ay tinatawag na mga


Ilonggo, at ang wikang ginagamit nila ay Ilonggo, na
dating kilala bilang Hiligaynon. Dahil sa kanilang
pinaghalong dugong Kastila, karamihan sa mga
Ilonggo ay mga mestizo at mestiza. Kilala ang mga
Ilonggo sa pagiging mabait at composed, lalo na
kapag nagsasalita.

DESKRIPSYON
Ang Hiligaynon ay isang diyalekto ng Bisayan at isang wikang
Austronesian na sinasalita ng mga Hiligaynon. Ito ay may
kaugnayan sa Cebuano ngunit hindi magkaunawaan dito. Ang
Hiligaynon ay kilala sa banayad nitong intonasyon. Sinasalita ang
Hiligaynon sa magkabilang panig, sa Panay at kanlurang Negros.
Ang Hiligaynon, tulad ng lahat ng mga wikang Austronesian, ay may
medyo diretsong istraktura ng tunog na walang anumang mga
kumpol ng katinig. Ang bawat salita ay binubuo ng mga pantig na;
katinig + patinig + (opsyonal na katinig), walang mga walang
kumpol ng mga katinig na naroroon.
07
ALMA DEL PAIS

MGA HALIMBAWA
MGA PAGBATI PAKIKIPAG-USAP

Magandang Umaga Mayong Aga Marunong ka bang


Kabalo ka mag-
magsalita ng
Tagalog?
Tagalog?
Magandang Tanghali Mayong Ugto

Marunong ka bang
Kabalo ka mag-
Magandang Hapon Mayong Hapon magsalita ng
Hiligaynon?
Hiligaynon?

Magandang Gabi Mayong Gab'i


Hindi ko naiintindihan Hindi ko ka in-tiende

Happy Fiesta Malipayong Piyesta


Oo Hu-o

Maraming salamat Madamo nga salamat


Hindi Hindi

You're welcome Wala sang sapayan


Anu imo ngalan? ,
Anong pangalan mo?
Anu ngalan mo?
Paumanhin Pasensyaha lang ko

Ang pangalan ko Ang ngalan ko ay si


Pakiusap Palihug ay________ _______

Tulong Bulig Saan ka nakatira? Diin ka ga istar?

Ingat Halong Taga ___________ -


Nakatira ako sa __________
ako

PARAAN NG PAGBIBILANG Saan ka nanggaling? Di-in ka halin?


Sampu- pulu
Dalawampu - beynte Nanggaling ako sa Halin ko sa
Tatlumpu - treynta __________ __________
Apatnapu- kwarenta
Limampu - Singkwenta
Animnapu - seysenta
Pintompu - setenta
Walongpu - otsenta
Siyamnapu - nobenta
Isang daan - syen, isa ka gatus

08
ALMA DEL PAIS

WIKANG MANOBO
PINAGMULAN
Ang Manobo ay isa sa mga
pangkat etniko ng Pilipinas
na nasa mga lugar na katulad
ng Agusan, Bukidnon,
Cotabato,Davao,Misamis
Oriental, at Surigao Del Sur.
Ang ibig sabihin ng salitang
“manobo” ay “tao” o “mga
tao”, na ito ay galing sa
salitang “mansuba” na hango
sa dalawang salitang “man”
na ibig sabihin ay tao; at MAIKLING DESKRIPSYON
“suba” na nangahulugang Ang lenggwaheng Manobo ay isa sa
“ilog”,samakatuwid ang mga lenggwaheng ginagamit din sa
kahulugan ng “mansuba” ay
“taong-ilog”.

Pilipinas. Ang mga nagsasalita nito ay


kadalasang makikita sa Hilagang
Mindanao at Gitnang Mindanao o
Ang manobo ay isa sa mga
tinatawag ring Soccksargen. Ang ibig
pinakamatandang tribo ng sabihin ng salitang “manobo” ay “tao” o
ating bansa na mayroong “mga tao”, na nanggaling sa salitang
mayamang kultura. Mayroong “mansuba” na hango sa dalawang
apat na uri ng mga Manobo: salitang “man” na ibig sabihin ay tao; at
“suba” na nangahulugang “ilog”,
bagani (mandirigma), baylan
samakatuwid ang kahulugan ng
(mga pari at manggagamot), “mansuba” ay “taong-ilog”. Ang mga
manggagawa (magsasaka) at manobo ay nagmula sa mga taong
mga alipin (mga bihag na lagalag mula sa kanlurang bahagi ng
kalaban o mga naparusahang Tsina. Karamihan sa kanila ay nakatira
sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa
kauri).
talampas sa maraming bahagi ng
Mindanao. Sinasabing sila ay unang
nanirahan sa mga lambak ng Ilog
Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa
pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil
sa pagtanggi ng ilan sa relihiyong
Islam.

09

ALMA DEL PAIS

halimbawa

SALITA NG MGA MANOBO

1.Magandang araw- madjow nu edow iyo PARAAN NG


2. kumusta po kayo- kumusta kow PAGBIBILANG
3. Saan bahay niyo?- andie tu bayoy now?
4. Ikaw-sikuna 1- sabeka, saa (unu)
5. Siya- sikandin 2- daruwa, duwa (dus)
6. Kayo-sikiyo 3- tatelu, telu (tris)
7. Malayo-madiyo 4- hep-at (kuwatru)
8. Sila- sikandan 5- lalimma,
9. Pangalan-pangadan limma (singku)
10. sino nanay mo?- sihinta tu inoy nu 6- hen-em (sayis)
7- pitu (siyiti)
8-walu (utsu)
9-siyew,
Enew keen - Gising kana siyam (nuwibi)
Medsusuba ad - Magsaing na ako 10- sapulù (diyis)
Edsekero ah - Mag iigib ako
Pendeeh ka? - Saan ka pupunta
Nehpaok ka kehde? - Galit ka sa akin
Kehnaa ed kaan - Hindi ako kakain
Nehsoat ah keykew - Nagustuhan kita
Lehpereng ad - Matulog na ako
Mehrayeraye ka - Maganda ka

10
ALMA DEL PAIS

WIKANG WARAY
PINAGMULAN
Ang Rehiyon VIII na binubuo ng Samar at
Leyte na kung tawagin ay Silangang Visayas.
Maraming kasaysayang naganap sa rehiyong
ito tulad nalang ng unang misa sa PIlipinas,
pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur at ang
pagdating ni Magellan kaya ito'y tinaguriang
"Luklukan ng Kasaysayan". Noong ika-31 ng
Marso, 1521 ay ang unang pakihalubilo ng
mga Waray sa mga Kanluranin at kung kailan Nadiri ka tumuod?
din natagpuan ni Magellan ang Leyte. May
Nadiri na ak' unta.
dalawang tawag sa wikang Waray, ang
Samarnong Waray at Lineyteng Waray,
mayroong pagkakaiba sa dalawa tulad nalang
sa ideya, proposisyon, at kontuksyon ng
pangungusap ngunit pareho lamang ito na
Waray. Ang wikang Waray ay kahawig rin ng
wikang ginagamit sa Gitnang Visayas.

DESKRIPSYON
Ang wikang Waray, maari ring tawaging Wináray, Win-áray, o Wáray-Wáray ay
karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutikoy din bilang Winaray o Lineyte-
Samarnon. Ito ang wikang ginagamit sa lalawigan ng Samar, Hilagang Samar,
Silangang Samar, Silangang bahagi ng Leyte, at Biliran sa Pilipinas. Ang Waray,
Waray Sorsogon, at Waray Masbate ang bumubuo sa pangkat ng Waray. Bisakol
naman ang tawag sa wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil
komplementaryo sila sa mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay
may kaugnayan sa Hiligaynon at Masbatenyo, at kabilang din sa mga wikang
Bisaya. Kahit na may hindi pagkakaintindihan, tinatawag lamang na Waray ang
Samarnon- Lineyte dahil iisang lingguahe lamang ang kanilang ginagamit. Sa kabila
nito, magkaiba naman sila ng mga ideya, proposisyon, at konstruksiyon ng
pangungusap. Dahil diyan, may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyte Waray.
Subalit mayroong pagakakaiba ang dalawa, nanatili parin ang wikang Waray bilang
kanilang pangunahing diyalekto sa probinsiya.

11

ALMA DEL PAIS

MGA HALIMBAWA
MGA SALITA MGA PANGUNGUSAP
Aalis na tayo sa bahay. -- Malakat na kita
angós simót
ha balay.
bákhaw bákaw (uri ng ibon)
Ang mahal naman nito. -- Kamamahal man
hini.
balikád baligtád Ang tamad mo naman. -- Kahuhubyaan na la
nimo.
kawayang salapáng Anong klaseng kapatid ka? -- Ano ka nga klase
bidyò
na maraming tulis hin bugto?
Anong miryenda ang niluto ni Nanay? -- Ano
bugás bigás
nga isnak/miryenda an ginluto ni Nanay?
Anong oras ka darating? -- Ano ka nga oras
pinakamagandang
búnos maabot?
dahon ng tabáko
Anong sinabi mo? -- Ano an imo ginyakan?
burábod bátis Ating alagaan at gamitin ang wikang sariling
atin. -- Aton atamanon ngan gamiton an
may matang pinulongan nga aton kalugaringon.
burárat namamangha o
Ayaw mong maniwala? -- Nadiri ka tumuod?
nagtataká
Ayaw ko na sana. -- Nadiri na ak' unta.
dangás upáw Baka naman. -- Tingali man la./ Bangin man
la.
dapál dangkál Baka pagalitan ka. -- Bangin ka pag-isgan.
Bakit hindi mo sinabi? -- Kay ano nga waray
dugmok dúrog ka magsiring?
Bakit kailangan mo pang mangibang-bansa? --
mabulaklak na Kay ano nga kinahanglan pa nimo kumadto ha
garaygáday
salita
iba nga nasud?
Bakit ka nagagalit? -- Kay ano nga nag-iisog
himsaw paghuhugas ng paa
ka?
hulót pásak Bakit ka umiiyak? -- Kay ano nga nagtutuok
ka?
lipong himatáy Bigyan mo ako ng pera. -- Tagi ako hin kwarta.
Gumising na kayo! -- Pagkamata na kamo!
luya bágal

12
KARAGDAGANG IMPORMASYON

Ang unang aklat na nailathala sa wikang Tagalog ay


Doctrina Cristiana, o Christian Doctrine, na isinulat
noong 1593.
Ang Tagalog ay hango sa salitang taga-ilog, galing sa
unlaping taga’ na ibig sabihin “katutubo ng” na
idinagdag sa harap ng salitang ilog o “naloy” (tagal) ibig
sabihing “mga taong nagbuhat sa matandang
kabihasnan o sa daluyan ng tubig.”
Sa mahigit isang daang katutubong wika, ang Pilipinas
ay isa sa mga bansa sa mundo na may pinakamalaking
bilang ng mga wika sa labas ng sarili nitong
pambansang wika, ang Filipino.
Alibata ang unang alpabetong Pilipino na may 17 letra.
Ang Abecedario o Abakada ay binubuo ng 19 na
letra pagdating ng Kastila
nadagdag ang E at U. At noong
1971, pinagyamang alpabeto na
may 31 letra, taong 1987
makabagong alpabeto na may
28 letra.
13
Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling
ginagamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.
Sa kasalukuyan, may limang wika na unti unti ng
namamatay ayon sa bilang ng nagsasalita. Kabilang dito
ang wikang Inata na matatagpuan sa Negros Occidental (29-
30 katao ang bilang ng nagsasalita), Arta na matatagpuan
sa Quirino (10 katao ang bilang ng nagsasalita), at Inagta
Isarog na matatagpuan sa Goa, Ocampo, at Tigaon,
Camarines Sur (isang tao na lamang ang nagsasalita).
Mula sa mga Espanyol na sumakop sa ating bansa noon,
ang paraan ng pagbibilang ng mga Bicolano. Sa wikang
Cebuano ay mayroong labing-limang katinig at tatlong
patinig.
Ang wikang Chavacano ang nag-iisang wikang creole sa
buong Asya, isang wikang natural na nabuo sa paghahalo
ng mga magulang na wika na nakabatay sa Espanyol.
Ang wikang Hiligaynon ay ang pang-apat sa
pinakamalaking wika sa Pilipinas, 4.5 milyong tao ang
gumagamit ng wikang ito. Halos 33% ng m noonga salita sa
wikang Filipino ay nagmula sa Espanyol.
Ang wikang Filipino ay naging opisyal na wika ng Pilipinas
noong 1987.

14
ALMA DEL PAIS

MGA IMBENTOR

Rocille Joy B. Tenero Shakira V. Teodosio

Nexalee Jane A. Agustin Jan Karry G. Rodriguez

Tresha V. Miraveles Althea Marie O. Borja

John Louie J. Guzon


15
MGA SANGGUNIAN

4 Interesting Filipino Language Facts that You Cannot Miss. (2021).


from
http://vnlocalize.com/4-filipino-language-facts/
Adizas, A., Capati, R. L., De Leon, M., Forel, M., Grullo, C., Guergio, R.,
Morada, A., Ramos, G., Ramos, S., Silvano, R. (n.d.). Pananaliksik sa
Wikang Cebuano. from
https://www.scribd.com/document/367281751/Wikang-Cebuano
Bigwas. (2019). Chavacano from
https://pilipinas.bigwas.com/2019/10/chavacano.html
Chabacano. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/chabacano/
Coursehero. (n.d.). Wikang Chavacano from
https://www.coursehero.com/file/70692202/Wikang-Chavacanodoc/
Course Hero (2017) - “Manobo” I. Wika at Wikang pinagmulan Manobo...
from https://www.coursehero.com/file/60615088/Manobodocx/
Cruz. (2008). from
https://manobotribe.blogspot.com/2008/07/maniniwala-ba-kayo-kung-
sa-pagbabasa-ng.html
Dizon. (2012). Rehiyon VIII- Silangang Visayas from
https://www.slideshare.net/mstweety/rehiyon-viii-silangang-visayas
Dok Alternatibo.(2017). Trivia: Pambansang Wikang Filipino, ang
pinagmulan. from https://dokalternatibo.org/trivia-pambansang-wikang-
filipino-ang-pinagmulan/
Largabicol Wordpress. (2016). Wika sa Bicol from
https://largabicol.wordpress.com/2016/08/17/blog-post-title-4/
Motus, C. L.(1971) Hiligaynon Dictionary University of Hawaiʻi at Mānoa
Hamilton Library 2550 McCarthy Mall Honolulu, HI 96822: Howard P.
McKaughan https://hiligaynon.pinoydictionary.com/
MustGo.(2014). About World Languages; Hiligaynon. from
https://www.mustgo.com/worldlanguages/hiligaynon/
Numbers in Hiligaynon. (n.d.). Numbers in Hiligaynon; omniglot.com.
Retrieved August 18, 2022, from
https://omniglot.com/language/numbers/hiligaynon.htm

16
Numbers in Matigsalug Manobo from
https://omniglot.com/language/numbers/matigsalug.htm
Racoma, B., (2019). Dissecting Filipino: 10 Interesting Facts About the
Language. from https://www.daytranslations.com/blog/filipino-language
Rey, M. V. (2019, September 3). Ano Ang Kultura Ng Mga Manobo? |
Grupong Etniko Ng Pilipinas. Philippine News.
https://philnews.ph/2019/09/03/ano-ang-kultura-ng-mga-manobo-
grupong-etniko-ng-pilipinas/
Rull.(2021). HILIGAYNON: Kasaysayang Wika ng Katimugang Mindanao at
ang Paggamit ng mga Kulturang Ilonggo. from
https://www.coursehero.com/file/93390291/487249/
Samahang Kabuyogan.(n.d.). Pananaliksik sa Wikang Cebuano at Wikang
Ilokano. from
https://www.academia.edu/34190335/PANANALIKSIK_SA_WIKA_AT_KUL
TURA_NG_WIKANG_CEBUANO_AT_ILOKANO_kimedit.J. Padrinao
Sanchez & Antiquerra.(2017). Ang Mga Wika ng Pilipinas. from
https://pcij.org/data/164/ang-mga-wika-ng-pilipinas
Scribd. (n.d.). Wikang-Cebuano from
https://www.scribd.com/document/367281751/Wikang-Cebuano
Scribd. (n.d.). Ang Chavacano from
https://www.scribd.com/document/470635860/Ang-Chavacano
T. (2022, August 4). Cebuano Words. TAGALOG LANG.
https://www.tagaloglang.com/cebuano-words/
T. (2022a, June 26). WARAY. TAGALOG LANG.
https://www.tagaloglang.com/waray/
Tumblr. (n.d.). Mga BICOLANO: Kabuuang Pagsusuri from
https://buhayngisangbikolano.tumblr.com/
Wika sa Bicol. BICOL, PHILIPPINES. (2016).
https://largabicol.wordpress.com/2016/08/17/blog-post-title-4/
Waray. (2015). Wika Man Ay Iba’t Iba, Sigaw Pa Rin Ay Pagkakaisa: Isang
Adbokasiya; pinoypawikan.weebly.com.
https://pinoypawikan.weebly.com/blog/waray
Wikang Chavacano. (n.d.). from
https://www.wikiwand.com/tl/Wikang_Chavacano
Wikifilipino. (n.d.). Wikang Waray from
https://fil.wikipilipinas.org/view/Wikang_Waray
Zorc, R. D., (2004). Ilonggo Facts from
https://groups.google.com/g/soc.culture.filipino/c/35jGGPrvm2I?pli=1

17

You might also like