ACTIVITY 2: TEKSTONG DESKRIBTIBO (Obhetibo at Subhetibo)
Suarez, Lara Thea // 11 – Critical Thinker
EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAAN
Sa modernong panahon, karamihan sa mga kabataan ay lulong na sa mga gadgets.
Ginagamit nila ito bilang libangan, tulad ng panonood, paglalaro, paggamit ng social media at iba pa. Ngunit, tama nga ba ang palagiang paggamit nito? Ang palagiang paggamit ng teknolohiya o gadgets ay parehong may mabuti at masamang dulot. Ano nga ba ang mabubuting dulot ng teknolohiya? Ayon sa academia edu, ang teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga kabataan sa panahon ngayon sa pamamagitan ng laptop , computer , projectors , cellphone, smart boards at iba pa at sa pamamagitan ng pananaliksik o pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. Mas napapadali ng teknolohiya ang mga bagay sa kasalukuyang panahon kumpara sa noon. Mas mabilis natin nagagawa ang mga kailangan na gawin dahil sa internet, Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay hindi natin magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng ating hinahanap. Mas epektibo na naibabahagi ng mga kabataan at mas lalo na ang mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet. Ito ay may kakayahan na palakihin at palawakin ang kaisipan ng mga kabataan upang mas maayos at klaro ang kanilang mga Impormasyon na nakalap. Mas madali narin makipag communicate sa iba’t-ibang lugar at bansa sa pamamagitan ng pagmensahe at pagtawag gamit ang internet at makabagong teknolohiya. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag- unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng tama. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na malulong sa teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag tayo ay nasobrahan at pag hindi natin ito naggamit sa wastong paraan. Dahil isa rin ako sa mga gumagamit ng makabagong teknolohiya, masasabi ko rin na may mga masasamang dulot ito. Nang dahil sa aking karanasan sa social media, masasabi ko na ang hindi wastong paggamit nito ay mauuwi sa ating ikakapahamak. Sa aking opinyon, isa sa masamang dulot ng makabagong teknolohiya ay ang cyber bullying. Marami ang biktima ng cyber bullying at may mga kakilala rin ako na biktima nito. Ang cyber bullying ay panunukso, pang-aasar at panlalait gamit ang iba’t – ibang social platforms. Malaki ang epekto nito sa mga kabataan na tulad ko dahil naapektuhan ang kanilang mental o emotional health. Isa rin sa aking saloobin ang pagkakaadik sa social media o gadgets ay isa rin masamang epekto. Ako, mismo ay naadik din sa cellphone, paglalaro at panonood at unti-unti ko napansin ang masamang dulot nito sa akin. Base sa aking karanasan sa aking pagkalulong sa social media, ako’y hindi na ako kumakain at hindi na rin lumalabas ng aming kwarto. Dumating din ako sa puntong hindi na natutulog at hirap nang makatulog ng dahil sa palagiang pagpupuyat. Lubos akong naapektuhan sa ganitong Gawain kaya’t sinubukan ko na baguhin ito. Ngunit, hindi pala siya ganoon kadali. Nagdulot ito sa akin ng stress at social anxiety. Ngunit ngayon ay nagiging mas okay na ang sitwasyon ko. Unti-unti ko nang nababago ang dati kong gawain. Isa pa sa masasamang epekto nito saakin ay ang pagdudulot nito ng katamaran. , naguudyok ito ng kawalan ng produktibo sa mga bagay. Imbis na gawin ang mga dapat tapusin ay palaging naipagbubukas nalang hanggang sa hindi na magawa ang mga Gawain. Nagdudulot din ito ng pagkawala ng determinasyon para magpatuloy sa isang bagay tulad ng pag-aaral. Ito ang mga masasamang epekto ng teknolohiya ayon sa aking opinyon at karanasan. Kaya tayo ay maglimita lamang sa paggamit nito. : )
First paragraph – Obhetibong paraan (exactly 300 words)
Second paragraph – Subhetibong paraan (exactly 300 words)