Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 1
Kahulugan ng Ekonomiks
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maximo R. Embodo
Editor: Leonora Liza D. Dacillo, Ed.D. / Maximo R. Embodo
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonora Liza D. Dacillo, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division

Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos City, Davao del Sur

Telefax: ____________________________________________

E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph


9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 1
Kahulugan ng Ekonomiks
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

‘We heal as One’.

Isang panawagang nabuo para sa buong sambayanang Pilipino upang


labanan ang pandemyang dulot ng COVID–19. Bagaman may pandaigdigang
health emergency, kailangang magpatuloy ang buhay.

Bilang panlaban sa naturang pandemya, nabuo ang konsepto ng ‘new


normal’. At ang modyul na ito ay produkto ng ‘new normal’ upang
ipagpatuloy ang pag-aaral bagaman nasa bahay lamang. Naniniwala kasi
tayo na ang edukasyon ay hindi maiwawaksi sa katauhan ng bawat
mamamayan kailanman, may pandemya o wala. Ito ang pwersa upang
malinang nang husto ang kakayahan ng bawat isa.

Upang lubos na mapakinabangan ang gawaing pagsisikap na ito,


kailangan ang suporta ng buong pamilya at lipunan upang paunlarin ang
kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral. Mahalaga ang papel na
gagampanan ng bawat magulang sa puntong ito ng ating pambansang
kalagayan. Guro sa tahanan kung maituturing ang tungkulin ng bawat
magulang sa kanilang mga anak.

Dapat magkasundo ang paaralan, barangay at magulang paano ma–a


–access ang modyul na ito. Anumang iskema na mapagkasunduan, ‘wag
kalimutan, ginagawa natin ito para sa ikabubuti ng bawat mag–aaral.

Pagkatanggap ng modyul na ito, simulan ng mag–aaral ang pagbuklat,


pagbasa at pagsagot sa lahat ng mga gawaing hinanda sa bawat bahagi ng
modyul na ito. Ibalik sa paaralan ang tala ng mga sagot sa mga gawain
kasama ang buong modyul batay sa napagkasunduang panahon at
mekanismo ng pag – retrieve.

Para sa mag-aaral:
Mabuhay!
Sadyang binuo ang modyul na ito para sa inyo. Gumamit ng mga
icons ang sumulat nito bilang pananda sa bawat bahagi ng modyul na ito
nang hindi kayo maligaw at upang lubos na maunawaan ang laman nito.
Alamin – ginagamit ang icon na ito upang ilahad ang mga layunin sa
paksang tatalakayin sa modyul.

Subukin natin – ginagamit ang icon na ito para sa bahaging paunang


pagsusulit bago pa man lubusang maunawaan ang paksa sa linggong
ito.
Aralin natin – ang icon na ito ay nagsasaad ng pagsisimula sa mga

1
aralin o paksang napapaloob sa modyul gamit ang iba’t ibang teksto.

Gawin natin – nagsasaad ito ng mga gawain upang lalo pang


mapahusay at mapalalim pa ang pang–unawa sa paksa.

Sanayin natin – tumutukoy sa pag–uulit–ulit sa mga konsepto na


nais matutuhan ninyo.
Tandaan natin – ang icon na nagsasaad ng buod sa iba’t ibang
konsepto na natutuhan sa pagtatalakay sa paksa.
Suriin natin – ito ay nagbibigay-tanda na ang susunod na gawain ay
patungkol sa gawaing pang-ebalwasyon sa lahat ng mga natutuhang
konsepto, prinsipyo at batas na may kinalaman sa paksa.
Payabungin natin – ang gawaing napapaloob dito ay pagpapalawak
sa konsepto sa panibago at kaugnay na konteksto upang mas
mapalalim pa ang kaalaman.
Pagnilayan – ang icon na ito ay nag–uugnay sa kaalamang dapat
itaya o iugnay sa sarili upang mas makahulugan ang pag–aaral sa
paksa lalong–lalo na ang iba’t ibang pagpapahalagang dapat ikintal
sa isipan.
Gumamit ng hiwalay na kwaderno o papel para sa inyong sagot
maliban pa sa mga ispisipikadong materyal na hinihingi sa mga partikular
na gawain. Sumangguni sa SUSI NG PAGWAWASTO para sa mga rubriks na
gagamiting gabay para sa pagpapaliwanag.

Alamin Natin

Maligayang bati sa iyo!


Para sa pagbubukas ng unang aralin para sa kwarter na ito, natitiyak
namin ang iyong pagnanais na maranasan ang iba’t ibang gawain upang
matuto ng konsepto at makalikom ng kaalaman hinggil sa kahulugan ng
ekonomiks, mga prinsipyo at mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag–
unlad ng ekonomiks bilang isang disiplina.
Sa pagsisimula at pagtatapos ng modyul na ito, hinahamon kayo
kung paano niyo mailalapat sa inyong sarili ang kahulugan ng ekonomiks
sa pang-araw–araw na pamumuhay bilang isang mag–aaral, kasapi ng
pamilya at ng lipunan. Batay ito sa kompetensi na nakapaloob sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) na may code na AP9MKE-Ia-1.
Upang ikaw ay matulungan na mapalalim ang iyong pang–unawa sa
paksang ito, kailangan mong mapagtagumpayan ang mga ispisipikong
layunin gaya ng mga sumusunod:
1. Nakikilala ang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay–daan
sa pag–unlad ng ekonomiks bilang isang pag-aaral at institusyon
sa buhay ng tao.

2
2. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang–araw–araw na
pamumuhay bilang isang mag–aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan. AP9MKE-Ia-1

Subukin Natin

Bago natin sisimulan ang pagtatalakay sa paksang ito, subukin


muna natin ang iyong galing tungkol sa paksa sa pamamagitan nitong
paunang pagsusulit upang maging handa ang iyong sarili sa mas malalim
na kaisipan.
Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa isang
malinis na papel.
1. Alin sa mga pahayag ang angkop tungkol sa pagsibol ng ekonomiks
bilang isang disiplina?
A. Ang ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na oikonomia.
B. Ang kaalaman sa ekonomiks ay mahalaga sa paggawa ng desisyon.
C. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nakatuon sa
pagtugon sa pangangailangan ng tao bilang bahagi ng lipunan.
D. Ang kaisipan ng ekonomiks ay nagmula sa paggawa ng isang
masinop na desisyon ng pinuno lalo na sa panahon ng
makalumang Greece upang tugunan ang pangangailangan ng
nasasakupan.

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan dahil _____.


A. Nakakatulong ang kaalaman sa economics upang makabuo ng
matalinong pagpapasya ang tao.
B. Nakatuon ito sa paggawa ng desisyon upang tugunan ang
suliranin sa kakapusan at iba pang suliraning pang–ekonomiya.
C. Isang agham ang ekonomiks dahil gumagamit ito ng isang
empirical na pamamaraan upang lutasin ang suliraning pang–
ekonomiya.
D. Ang agham panlipunan ay tumutukoy sa pag–aaral sa pag–uugali
ng tao habang siya ay nakikipag–ugnayan sa kanyang kapaligiran
at lipunan.

3. Katulad ng ibang sangay ng agham panlipunan, nakatuon din ang


pag–aaral ng ekonomiks sa mga maraming saklaw. Alin dito ang
HINDI saklaw sa pag–aaral ng ekonomiks?
A. Uri ng produktong gagawin
B. Dami ng produktong gagawin
C. Mga benipisyong hatid ng mga produkto
D. Pag–aresto sa mga lumalabag sa batas ng estado

3
4. Upang masagot ang isang suliranin, kailangang husayan ang
pananaliksik sa ekonomiks. Gayunpaman, may mga hamong
kinakaharap ang mga ekonomista sa pag-aaral ng ekonomiks. Alin
dito ang maaaring hamon ng mga ekonomista sa pag-aaral?
A. Mahirap magsagawa ng ekspirimento sa ekonomiks.
B. Nagbabago ang resulta ng obserbasyon ng ekonomista.
C. Hindi tuwirang masusukat ang kapakanan at kaligayahan ng
lipunan sa ekonomiya.
D. Lahat na pagpipilian

5. Ayusin ang mga siyentipikong pamamaraan sa pananaliksik sa


ekonomiks:
1. Empirical testing 2. Problem statement 3. Laying down of
conclusion 4. Hypothesis setting
A. 1 – 2 – 3 – 4
B. 1 – 2 – 4 – 3
C. 2 – 4 – 1 – 3
D. 2 – 4 – 3 – 1

6. Upang maging makabuluhan ang paggawa ng desisyon ng isang


pinuno ng isang polis, kailangang sa pinakamasinop na paraan ito
gagawin. Gagawin ito ng pinuno upang matugunan ang
pangangailangan ng mga nasasakupan. Sa pagkamit ng layuning ito
dapat ipaubaya ito ng pinuno sa mga may kakayahang tapusin o mga
skilled workers ang isang yunit ng paggawa. Sa anong prinsipyo ito
nakatuon?
A. Equity
B. Equality
C. Skilled workers
D. Division of labor

7. Ang prinsipyong tinutukoy sa ika–6 na bilang ay unang itinuro ni


_______.
A. Solon
B. Pericles
C. Xenophon
D. Adam Smith

8. Alin dito ang akda ni Adam Smith?


A. Political economy
B. Principles of economy and taxation
C. A history of economic theory and method
D. An inquiry into the nature and the causes of the wealth of nations

4
9. Alin dito ang angkop para sa doktrinang merkantilismo?
A. Sumusuporta sa labor theory of value
B. Makalikom ng maraming ginto at pilak
C. Hindi pakikialam ng pamahalaan sa negosyo
D. Pagpataw ng buwis sa mga produktong pumapasok

10. Ano ang implikasyon ng doktrinang merkantilismo bilang sistemang


pang–ekonomiya noong una sa kalagayan ng mga maliliit na bansa
tulad ng Pilipinas?
A. Sinisiguro ng makapangyarihang bansa na dadami ang kanilang
ginto at pilak.
B. Bumibili ng mga sangkap ang makapangyarihang bansa sa
mahihina upang gawing produkto.
C. Naging kolonya ang maliliit na bansa kung saan sinasamantala ng
makapangyarihan ang mga pinagkukunang–yaman nito.
D. Pinayagan ng mga makapangyarihang bansa ang mahihinang
bansa na umunlad ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng
kalakalan.

11. Ang salitang ekonomiks ay mula sa dalawang salitang Griyego na


oikos na ang ibig sabihin ay bahay; at nomos na ang ibig sabihin ay
________.
A. Economie
B. Pamahalaan
C. Pamamahala
D. Sambahayan

12. Ang ekonomiks ay isang pag–aaral paano ipamahagi o hati–hatiin ang


limitadong pinagkukunang–yaman upang tugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ano ang
implikasyon nito sa tao?
A. Ang ekonomiks ay isang paraan paano lutasin ang suliraning
pangkabuhayan.
B. Kailangan sa pamumuhay ang mapanuring pag–iisip sa pagtugon
ng mga pangangailangan.
C. Ang ekonomiks ay tumutukoy sa pag-aaral tungkol sa alokasyon at
distribusyon ng mga pinagkukunang–yaman.
D. Ang pag–aaral ng ekonomiks ay katulad din ng ibang sangay sa
agham na sumusuri sa mga suliranin lalong–lalo na ang tungkol
sa pamumuhay ng tao.

5
13. Batay sa pahayag sa ika–12 na bilang, anong mga ideya ang
masasabing magkatunggali?
A. Pag–aaral at ekonomiks
B. Hati–hatiin at pamamahagi
C. Pangangailangan at kagustuhan
D. Limitadong pinagkukunang–yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan

14. Batay sa kahulugan ng ekonomiks sa ika–12 bilang, anong katangian


ng tao ang dapat taglayin nito sa pagtugon ng pangangailangan?
A. Tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan
B. Mapanuring pag–iisip sa pagtugon sa pangangailangan
C. Pumili ng mga alternatibong angkop sa kanyang pangangailangan
D. Magkatunggali ang dami ng pinagkukunang–yaman at ang dami
ng pangangailangan

15. Bilang isang mag-aaral, anong pinakamahalagang pinagkukunang–


yaman mayroon ka sa buhay mo ngayon?
A. Salapi
B. Kaibigan
C. Pro–active na lipunan
D. Panahong nakapag-aral

Aralin Natin
Sa pagkakataong ito, sisimulan mo ang pagpapalalim sa aralin
na tinutukoy sa modyul na ito. Maghanda ng papel at pluma
para sa mga notations na iyong gagawin habang masusi mong binabasa ang
mga talakayan sa maikling kasaysayan at kahulugan ng ekonomiks.
Handa! Basa!

Ekonomiks, noon at ngayon


Malayo na ang narating ng ating kabihasnan. Libo–libong taon na
ang nakararaan nang unang pinamahayan ng mga unang tao ang daigdig.
Masasabing ang kanilang pamumuhay ay payak at nakasalalay lamang sa
kalikasan. Wala pang permanenteng tirahan at kadalasan ay sa kweba sila
nakatira (cave dwellers). Dahil dito madalas silang lumilipat ng tirahan
kapag ubos na ang pagkain. Tunay ngang sila’y mga taong nomadiko
(nomads).
Tinataya ng mga siyentipiko na sa pagitan ng taon 10 000 BCE at 4
000 BCE unti–unting umunlad ang sistema sa pamumuhay ng mga taong
iyon kung saan sumibol ang kaalaman sa agikultura. Natuto silang
magtanim ng mga halaman at mag–alaga ng hayop. Kaya sa halip na
palipat–lipat ng tirahan, umusbong ang mga sinaunang pamayanan bilang
simula ng pag–unlad ng sosyo–ekonomikong aspeto ng kanilang buhay.

6
Ayon sa mga historyador at mga ekonomista, ang sosyo–ekonomikong
kaunlaran ay nahahati sa iba’t ibang yugto:

Lumang kabihasnan: Paleolitiko, Globalisasyon: Agrikultura,


Neolitiko, Panahon ng metal Industriya, Information

Kung susuriin napakasalimoot ang mga yugtong pangkaunlaran ng


ating kabihasnan. Bagaman samu’t saring implikasyon sa buhay ang
tinutumbok ng mga yugtong ito, dadapo ito sa isang mekanismo, ang
pamamaraan paano namumuhay ang tao. Samakatuwid, lahat ng anyo ng
kaunlarang tinatamasa ng tao mula noon hanggang sa kasalukyan ay dahil
sa kanyang pagsusumikap na mabuhay.
Hindi sistematiko at walang disiplina ang ekonomiks noon. Ang mga
diwang pang–ekonomiko ay kalat–kalat. Ngunit pinaniniwalaan na ang
unang kaisipang pang–ekonomiya ay nag–uugat sa mga pundasyon sa
kaalaman ni Xenophon, 431 BCE, isang historyador na Athenian at
pilosopo, na nagbigay–linaw sa prinsipyo ng paghahati–hati sa paggawa o
division of labor. Ayon sa prinsipyong ito, mahalagang ipaubaya sa mga
taong may mataas na kakayahan at kasanayan ang paggawa sa isang yunit
na gawain upang mas mapabuti ang resulta ng paggawa o isang
paglilingkod. Batay ito sa pagnanais ng isang pinuno ng isang Griyegong
polis na maging masinop sa paggawa ng desisyong pangkabuhayan. Ang
pagtatalakay na ito ay nakalimbag sa kanyang aklat na Oeconomicus na
halaw ang salitang ekonomiks. Mas umunlad pa ang kaalaman ng
ekonomiks sa panahon ni Aristotle hanggang sa panahon ng medieval
scholastics.
Ngunit noon lamang ika-17 hanggang ika-18 na siglo nagkahugis at
naging sistematiko ang pag–aaral sa ekonomiks nang sumibol ang
doktrinang merkantilismo. Ang doktrinang merkantilismo ay isang
sistemang naniniwala na ang pagpapalitan o kalakalan ay
nakapagpaparami ng yamang ginto at pilak. Popular ito sa Europe noong
panahong iyon. Halimbawa nito ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas.
Ang kaisipang ito ay inalmahan ni Adam Smith, ama ng Ekonomiks at
Kapitalismo. Sa halip na isulong, ipinakilala niya ang kaisipan ng laissez–
faire na naglalayong maalis ang kontrol at regulasyon ng pamahalaan sa
pamamalakad ng ekonomiya. Paliwanag ni Smith na kapag hinayaan ang
malayang pamilihan na gumalaw para sa kanyang sarili makakamtan nito
ang kaayusan sa pamamagitan ng mga pwersa ng invisible hand o
nakakubling kamay at ang interaksiyon ng supply at demand sa presyo at
iba pang mga salik. Dagdag pa ni Smith na sa pamamagitan ng free
enterprise at kompetisyon malayang makapamili ang tao sa kung ano ang
angkop para sa sariling kabutihan. Ito’y nailathala sa kanyang aklat na ‘The
Inquiry into the Nature and the Causes of the Wealth of Nations’.
Marami pang mga pilosopo ang lumutang na nagpakita ng interes sa
pag–aaral ng ekonomiks bilang isang disiplina. Lumitaw si Karl Marx, David

7
Ricardo, Thomas Malthus, John Maynard Keynes, at maraming iba pa na
may kanya–kanyang paliwanag at teorya.

Pamprosesong tanong
Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang isang buong papel.
1. Ilarawan ang kalagayang pangkabuhayan ng sinaunang tao?
2. Kilalanin ang ambag ng mga sumusunod na tauhan sa paglinang ng
kaisipan sa ekonomiks.
2.1 Xenophon 2.2 Adam Smith 2.3 Spanish colonizers
3. Punan ang events chain upang ipakita ang mga kaganapan sa
pagsilang ng ekonomiks bilang isang disiplina.

Pag-unlad ng kaisipan sa pag-aaral ng Ekonomiks

Ekonomiks: Kahulugan, Agham Panlipunan at Saklaw

Ekonomiks: Kahulugan, Agham Panlipunan at saklaw ng pag – aaral

Mula sa masalimoot na kasaysayan ng ekonomiks hanggang sa ito’y


unti–unting nagkaroon ng hugis sa isipan ng tao, salamat sa mga unang
taong nagpaliwanag, nagpalawak at nagpalalim sa mga konsepto at
nagkintal sa kahalagahan ng pag–aaral na ito sa buhay ng tao.
Mahihinuhang ang ekonomiks ay nakatuon sa pagsusumikap ng bawat isa
upang mabuhay. Kaya nararapat na taglayin ng tao ang mapanuring pag-
iisip upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan.
Batay sa epistimolohiya, ang salitang ekonomiks ay mula sa dalawang
salitang Griyego na oikos at nomos. Ang oikos ay ‘bahay’. Samantala, ang
nomos ay ‘pamamahala’. Kaya, ang ekonomiks ay maaaring sabihing
‘pamamahala sa bahay’ o isang lipunan o ‘di kaya’y bansa. Ipinahihiwatig
nito na dapat pamahalaan nang maayos ang pinagkukunang–yaman upang
maging maayos ang lagay ng buong ‘bahay’ o lipunan. Iginiit nito ang isang
epektibong paraan sa pamamahagi ng pinagkukunang–yaman o alokasyon.
Ayon sa pinakamatandang kahulugan, ang ekonomiks ay isang pag-
aaral kung paano ipamahagi o hati – hatiin ang limitadong pinagkukunang–
yaman upang tugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Mula ito sa pananaw ni Xenophon, isang Griyegong
pilosopo. Ipinahiwatig ng diwang ito kung paano pagpasyahan ng isang
pinuno ang lipunan kung ano, kailan, paano at gaano karaming produkto
ang gagawin ng ekonomiya. Mula rito, angkop lamang na sabihin na ang
matalinong desisyon at mapanuring katangian ay dapat taglay ng isang
pinuno o namamahala dahil may katakdaan ang pinagkukunang–yaman.

8
Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng iba pang kahulugan ng
ekonomiks batay sa iba’t ibang pananaw ng mga ekonomista.

Kahulugan ng ekonomiks o Ekonomista


pananaw
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral
kung paano gagamitin ng tao at
lipunan ang limitadong
pinagkukunang–yaman upang
makagawa at maipamahagi ang iba’t Paul Samuelson - Economics
ibang produkto sa mga tao at iba
pang pangkat sa lipunan para sa
kasalukuyan at hinaharap.
Ang ekonomiks ay isang makaagham
na pag-aaral na tumutukoy kung Gerardo Sicat - Economics
paano gumagawa ng pasya ang tao o
lipunan.
Ang mga kalagayan na
ngangailangan ng kapasyahan kung Roger Le Roy Miller – Economics
paano, kailan, at saan gagamitin ang Today, The Macroview
salat na pinagkukunang –yaman.
Ang pag – aaral na may kinalaman
sa produksiyon, pamamahagi at Lloyd Reynolds - Economics
paggamit ng salat na
pinagkukunang–yaman.

Kabuuan ng kaalaman bunga ng


pakikipag–ugnayan ng tao sa Clifford James – Principles of
pagnanais na makakita ng Economics
kabuhayan.
Sa pagkakaroon ng mas detalyadong pag-aaral hinggil sa ekonomiks,
naihahanay ito bilang isang pilosopiya. Isang pilosopiya marahil sinusuri
nito paano mag-isip ang tao upang mabuhay sa lipunang kanyang
ginagalawan. Sa pag-aaral ng pilosopiya, structured ang mga kaalaman
upang makabuo ng isang informed choice o konklusiyon patungkol sa isang
problema. Ibig sabihin, dumaan sa masusing proseso ang paglutas sa mga
suliraning pang–ekonomiya kaakibat ang iba’t ibang salik kung paano
nakaaapekto ito sa isa’t isa. Samakatuwid, ang ekonomiks ay isang agham.
May dalawang uri ang agham, ang experimental sciences at social
sciences. Kabilang sa experimental sciences ang biology, chemistry, physics,
medicine at iba pa. Kabilang naman sa social sciences o agham panlipunan
ang economics, criminology, demography, psychology, anthropology at iba pa.
Ang ekonomiks bilang agham panlipunan ay nakatuon sa pag–aaral
paano namumuhay ang tao at ang ugnayan nito sa iba o pangkat ng mga
tao na may tuwiran o di–tuwirang epekto sa kanyang kalagayang
pangkabuhayan.

9
Katulad ng ibang sangay ng agham, upang makahanap ng sagot
kailangang magsaliksik ang isang ekonomista upang makabuo ng pattern,
teorya at modelo na magpapaliwanag sa isang economic phenomenon. Ito’y
sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan. Ito ay ang pagkilala sa
suliranin o problem statement; pagbuo ng hinuha o hypothesis setting;
aktwal na pagpapatunay o empirical testing; at pagbibigay ng konklusiyon o
laying down of conclusion.
Sinusuri ng ekonomiks kung paano kumikilos ang tao upang
makabuo ng desisyon upang mabuhay nang masaya. Tinitingnan sa pag-
aaral kung bakit tumaas o bumaba ang presyo kasama na ang mga
variables na nakaaapekto nito. Mga tanong tulad ng kung bakit mataas ang
kanyang sahod samantalang ang iba ay mababa at kung paano
nakaaapekto sa ekonomiya ang bagong batas sa pagbubuwis ay iilan sa
mga saklaw sa pag-aaral ng ekonomiks. Saklaw rin nito ang sagot sa mga
pangunahing tanong ng ekonomiya, gaya ng:
1. Anong produktong gagawin?
2. Paano ito gagawin?
3. Kailan magagamit?
4. Gaano karami?
Sa lalim at lawak ng paksang pag-aralan sa ekonomiks,
makasasalamuha ang mga mananaliksik na ekonomista ng iba’t ibang mga
hamon tulad ng kahirapan sa pagsukat ng kapakanan at kasiyahan ng tao
sa lipunan; kahirapan sa paggawa ng eksperimento sa ekonomiks; at ang
resulta ng kanilang obserbasyon ay nagbabago–bago dahil sa iba’t ibang
salik.

Pamprosesong tanong
Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang isang buong papel.
Sumangguni sa SUSI NG PAGWAWASTO para sa rubriks ng
pagpapaliwanag.
1. Mula sa iba’t ibang kahulugan ng ekonomiks, alin dito ang pinaka
nagustuhan mo? Bakit?
2. Anong elemento o kaisipan ang common sa lahat ng kahulugan.
Talakayin ito.
3. Bakit agham ang ekonomiks? Agham panlipunan?
4. Magbanggit pa ng tatlong bagay o ideya na maaaring saklaw sa mga
aralin ng ekonomiks?
5. Bilang isang bahagi ng lipunan, paano mo isabuhay ang katangiang
mapanuri?

10
Gawin Natin
Gawain 1. Venn Diagram. Punan ang diagram sa ibaba ng mga
bagay na magkakaiba at magkakapareho tungkol sa merkantilismo at
laissez faire. Gumamit ng hiwalay na papel para sa inyong tugon.

Merkantilismo Laissez faire

Gawain 2. Ekonomiks ba ‘ka mo? Gamit ang isang buong papel, sumulat
ng sariling pagpapakahulugan sa ekonomiks batay sa pamumuhay ng
sinaunang tao. Gamitin ang rubrics sa ibaba bilang gabay.

Ang ekonomiks ay ___________________________


__________________ ___________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Kraytirya Indikeytor/Puntos
5 3
Nilalaman Kung ang nilalaman ng Kung ang nilalaman ay
pahayag ay angkop sa lumilihis sa paksa.
paksa
Retorika Kung gumagamit ng 3 o Kung gumagamit ng 1
higit pang pang-ugnay o hanggang 2 pang-ugnay
discourse markers o discourse markers
Kalinisan Malinis at klaro ang May bura at hindi klaro
pagkasulat ang pagkasulat

11
Pamprosesong tanong
Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang isang buong papel.
1. Bakit ganito ang iyong pagpapakahulugan sa ekonomiks?
2. Sa anong mga kondisyon makabubuti ang merkantilismo at laissez
faire kung ipatutupad sa Pilipinas? Nakasasama?
3. Anong silbi ng dalawa sa kasalukuyang takbo ng ekonomiya?

Sanayin Natin
Gawain 3. Tsek mo ‘yan! Lagyan ng tsek ang patlang kung ang
pahayag ay angkop sa kahulugan ng ekonomiks; ekis naman
kung hindi. Gumamit ng hiwalay na papel para sa inyong sagot.
_____1. Ang ekonomiks ay isang pag-aaral.
_____2. Nakatutulong ang kaalaman sa ekonomiks sa pagbuo ng pasya.
_____3. Ang kaalaman sa ekonomiks ay nagpapaalala na ang
pinagkukunang-yaman ay walang katapusan.
_____4. Ipinapahiwatig sa mga aralin ng ekonomiks na nakararanas tayo ng
suliranin sa ekonomiya.
_____5. Hindi maaaring ihanay ang ekonomiks sa ibang sangay ng agham.
_____6. Walang basehan ang mga findings ng mga ekonomista tungkol sa
isang economic phenomenon.
_____7. Napapaloob sa kahulugan ng ekonomiks ang katotohanan na ang
pangangailangan ng tao ay walang katapusan.
_____8. Binigyang–diin ng ekonomiks bilang pag–aaral ang di–masusing
alokasyon sa pinagkukunang–yaman.
_____9. Mula sa kahulugan ng ekonomiks maaaring irerekomenda na alisin
sa kurikulum ang pagtuturo ng ekonomiks bilang asignatura dahil
hindi ito kapakipakinabang sa tao.
____10. Ang ekonomiks ay pamamaraan sa buhay.

Gawain 4. Concept Map. Talakayin ang depinisyon ng ekonomiks ayon sa


mga batayan ng kahulugan nito. Maaari ring gamitin ang mga salitang
binigay bilang tuon. Mula sa maikling diskusyon, bumuo ng ng pahayag
bilang sariling pagpapakahulugan sa ekonomiks. Gumamit ng hiwalay na
papel para sa iyong tugon.

12
kakapusan pagpili

Ekonomiks

mapanuri
pagkamasinop
Buong pahayag: ______________________________________________
_______________________________________________________________

Pamprosesong tanong
Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang isang buong papel.
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasakatuparan ang mga turo
ng ekonomiks?
2. Sa anong paraan nakatutulong ang iyong kaalaman sa ekonomiks sa
pang–araw–araw na suliraning pang kabuhayan?

Tandaan Natin
Gawain 5. Bagay Tayo, Sana ALL! Itambal ang mga pahayag o
paliwanag sa hanay A sa mga salita na nakalista sa hanay B.
Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang malinis na papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Prinsipyong umiiral sa Europe na A. Ekonomiks
nag-aalis sa kontrol at regulasyon
ng pamahalaan sa ekonomiya.
_____2. Sistematikong pag-aaral sa isang B. Agham Panlipunan
suliranin upang makahanap ng solusyon
gamit ang siyentipikong pamamaraan. C. Adam Smith
_____3. Bunga ng magkatunggaling kalagayan D. Alokasyon
at naging batayan sa lahat ng mga
suliraning pang–ekonomiya.
_____4. Lahat ng mga pingakukunang–yaman E. Division of Labor
ay may katakdaan
_____5. Katangiang dapat taglayin ng isang tao F. Mapanuri
upang malabanan ang hamong pang-
kabuhayan
_____6. Paghahati–hati sa paggawa G. Limitado
_____7. Paghahati–hati sa pinagkukunang–yaman.
_____8. Nanguna sa kaisipang kapitalismo. H. Kakapusan
_____9. Pag-aaral paano nakikisalamuha ang tao
sa kanyang kapwa tao o pangkat ng mga tao I. Agham

13
kabilang din ang iba pang institusyon.
_____10. Agham panlipunan na tumutukoy sa J. Laissez faire
pag–aaral paano hinahati ang
pinagkukunang–yaman K. Pagkonsumo
upang tugunan ang pangangailangan
at kagustuhan ng tao. L. Produksiyon

Gawain 6. Fill mo ‘to! Punan ng tamang salita ang kahon upang mabuo
ang mensahe na nais iparating. Kopyahin at sagutin ang dayagram na ito
gamit ang hiwalay na papel.

Ekonomiks
isang pang -aaral ng

sa/ng 2 upang tugunan ang walang


katapusang

3 at kagustuhan

Ang magkasalungat na kalagayang ito


ay hahantong sa

kaya dapat ang sagot sa mga tanong na ito

5* 6* 7* Gaano karami?

ay nangangailangan ng isang matalinong

*maaaring magkabaliktad

14
Suriin Natin
Gawain 7. Paki kumpleto! Punan ng salita ang patlang upang
makumpleto ang pahayag. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Ang ekonomiks ay 1._______ paano hatiin ang 2._________ upang


tugunan ang 3._________. Batid ng lahat na batay sa kahulugang ito,
ipinapakita ang magkatunggaling kalagayan, ang 4.________ at 5.________ na
maaaring humantong sa 6.________. Upang maibsan ang masamang epekto
ng kakapusan, kailangang 7._______ ang pinagkukunang–yaman batay sa
pinakamatalinong 8.________.
Ang kaalamang ito ay isang mabuting 9.______ sa pagharap sa mga
hamong pang–ekonomiya bilang isang bahagi ng pamilya at 10._________.

Gawain 8. Reflection Paper. Sagutin ang tanong sa ibaba bilang


repleksiyon sa mga natutuhan sa aralin. Gumamit ng hiwalay na papel para
sa iyong pagtatalakay.

1. Anong mga aral ang iyong nakukuha sa paksang ito? Sa anong


paraan mailalapat mo sa sarili ang mga aral na ito bilang isang mag–
aaral, bahagi ng pamilya at ng lipunan?

FYI. Gamitin ang rubrics sa ibaba bilang gabay sa pagpapaliwanag.

Puntos
Kraytirya 3 2 1

Angkop na May kaunting Malayo sa paksa


Nilalaman at
angkop ang paglihis sa paksa ang laman ng
kaangkupan sa
laman ng ang mga pahayag.
paksa
pahayag sa pahayag
paksa
Gumagamit ng Gumagamit ng
Hindi gumagamit
Retorika/paggamit tatlo o higit pang dalawa o isang
ng discourse
ng mga salitang mga discourse discourse marker
markers sa
pang-diskurso markers sa sa
pagpapaliwanag.
pagpapaliwanag. pagpapaliwanag.
Malinis na
malinis ang May kaunting
Maraming bura
Kalinisan (kasama pagkagawa at bura sa mga
at hindi klaro
na ang legibility ng klaro ang isinulat at medyo
ang pagkasulat
pagsulat) pagkakasulat sa malabo ang
ng titik at salita.
mga titik at pagkasulat.
salita.
Kabuuan

15
Payabungin Natin
Gawain 9. Program galore. Sundin ang panuto na nasa ibaba
upang maisagawa nang maayos ang output.
1. Iguhit ang gusali ng Bahay–Pamahalaan ng inyong LGU o Local
Government Unit sa isang buong manila paper. Magsaliksik ng mga
patakaran o programa na ginagawa ng inyong LGU na may
kaugnayan sa ekonomiks. Bawat patakaran o programa ay isulat sa
isang kalahating piraso ng bond paper o anumang papel na
masusulatan. Pumili ng isa at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa mga
aral na iyong natutuhan sa paksang ito. Mahalagang maiugnay ang
konsepto ng paghahati–hati ng pinagkukunang–yaman at ang
desisyong ginawa ng mga pinuno. Kasamang ipasa ang output sa
pag–retrieve ng modyul na ito.

Paalala: Kung mahirapang makapagsaliksik sa lokal na programa,


lalo pa’t ipinagbabawal ang lumabas ng bahay dahil sa pandemya,
maaaring kumuha ng isyu, programang pambansa na mula sa balita
sa TV, radyo o di–kaya’y sa diyaryo. Isaalang-alang ang inyong
kaligtasan sa pagbuo ng output na ito.

Gawain 10. Checklist. Gamit ang isang buong bond paper, maglista ng
mga pamaraan paano mo inilapat ang kahulugan ng ekonomiks sa mga
sumusunod na konteksto ng iyong buhay.

Sa totoo lang, ganito ako…

Bilang Bilang miyembro Bilang bahagi


mag-aaral ng pamilya ng lipunan

16
Pagnilayan Natin
Matagumpay ang iyong pagsisikap na matapos ang modyul na ito.
Ngunit, mahalagang pagnilayan natin ang mga mahahalagang diwa
na iyong nabuo mula rito, sapagkat makatutulong ito upang higit na
mailapat sa iyong buhay ang mga turo ng kasaysayan at kahulugan ng
ekonomiks. Kapag nangyayari ito, masasabi mong makabuluhan ang iyong
ekonomikong pamumuhay.
Buod
Ang kaisipan tungkol sa ekonomiks ay unti–unting nagkaroon ng
pag–unlad hanggang naging isang pormal na disiplina. Patuloy ito sa
pagbabago at pag–unlad kasabay ng takbo ng panahon.
Mula sa pag-unlad na ito lubos nating naunawaan na ang ekonomiks
ay isang pag-aaral paano ibabahagi o hati–hatiin ang limitadong
pinagkukunang–yaman upang matugunan ang walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao. Mula sa pahayag na ito,
masusuring may magkatunggaling kalagayan, ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao at ang limitadong pinagkukunang–
yaman. Ang dalawang magkasalungat na kalagayan ay hahantong sa
batayan ng suliraning pang–ekonomiya, ang kakapusan.
Hindi maiiwasan ang kakapusan, kaya isa itong hamon nimuman sa
lipunan. Kailangang taglayin ng isang tao ang mapanuring pag–iisip upang
makagawa ng matalinong desisyon na siya namang punto upang higit na
masaya ang buhay ng bawat isa.

17
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Sanayin Natin


Gawain 3. Tsek mo ‘yan!
1. D
1. /
2. B 2. /
3. D 3. X
4. D 4. /
5. C 5. X
6. D 6. X
7. C 7. /
8. D 8. X
9. B 9. X
10. C 10. /
11. C
12. B
13. D
14. B
15. D

Tandaan Natin Tandaan Natin


Gawain 5. Bagay tayo, Sana ALL! Gawain 6. Fill mo ‘to!
1. J 1. Paghahati-hati
2. I 2. Limitadong
3. H pinagkukunang-yaman
4. G 3. pangangailangan
5. F 4. Kakapusan/suliranin
6. E 5.* Anong produktong gagawin?
7. D 6.* Paano gagawin ang produkto?
8. C 7.* Para kanino ang gagawing
9. B produkto?
10. A 8. Pasya/desisyon
*maaaring magkabaliktad

Suriin Natin
Gawain 7. Paki kumpleto.
1. [Isang] pag-aaral
2. Limitadong pinagkukunang–yaman
3. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan [ng tao]
4. Limitadong pinagkukunang–yaman
5. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan [ng tao]
6. Kakapusan
7. Hati–hatiin
8. Desisyon/pasya
9. Gabay
10. lipunan

18
Rubriks para sa mga pagpapaliwanag sa mga open-ended questions na
makikita mula sa ARALIN NATIN hanggang SURIIN NATIN.

Kraytirya Puntos
3 2 1

Angkop na May kaunting Malayo sa paksa


angkop ang paglihis sa paksa ang laman ng
Nilalaman at
laman ng ang mga pahayag.
kaangkupan sa
pahayag sa pahayag
paksa
paksa

Gumagamit ng Gumagamit ng
Hindi gumagamit
Retorika/paggamit tatlo o higit pang dalawa o isang
ng discourse
ng mga salitang mga discourse discourse marker
markers sa
pang-diskurso markers sa sa
pagpapaliwanag.
pagpapaliwanag. pagpapaliwanag.
Malinis na
malinis ang May kaunting
Maraming bura
Kalinisan (kasama pagkagawa at bura sa mga
at hindi klaro
na ang legibility ng klaro ang isinulat at medyo
ang pagkasulat
pagsulat) pagkakasulat sa malabo ang
ng titik at salita.
mga titik at pagkasulat.
salita.
Kabuuan

19
Sanggunian

Aklat
Bernardo R. Balitao, et.al, Ekonomiks, Quezon City, Vibal Group, Inc., 2015,
15 - 16.
Rosemarie C. Blando, et.al, Kasaysayan ng Daigdig, Pasig City, Vibal Group,
Inc., Quezon City, 2014, 41 – 44.
Liberty I. Nolasco, et.al, Ekonomiks, Quezon City, Vibal Publishing House,
Inc., 2012, 3 - 10.
Perla Rizalina Tayko and Perla S. Intia, Learning to Read, Reading to Learn,
Cavite, I – T Partners and Linkage Co., 2005, 33.
Nilda B. Cruz, et.al, Ekonomiks, Quezon City, SD Publications, Inc., 2000, 4
- 18.
Elektroniks na pinagkukunan
Voyage Marketing, Inc, July 9, 2020, https://mimirbook.com
“Adam Smith: Father of Economics”, Investopedia, February 16, 2020, July
9, 2020, https://www.investopedia.com

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education –Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

21

You might also like