Diskurso at Komunikasyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Ang diskurso ay ang gamit ng wika ng komunikasyon

na nagreresulta sa pagbubuo ng mga talata.


❑ Ang salitang komunikasyon ay nagmula sa salitang latin na
“communi anus” na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi”

❑ ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita


o pasulat na paraan.

❑ Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o


anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
1. Komunikasyong Berbal
2. Komunikasyong Di-Berbal
1.Komunikasyong Berbal
Ang uri ng komunikasyon na ito ay ginagamitan ng wika.
Ang komunikasyong berbal ay isang anyong paghahatid ng mensahe
sa pamamagitan ng mga salitang simbolo ng kumakatawan
sa mga ideya at bagay-bagay.
1. Tsismisan – mga kuwento o pangyayari ng maaaring
totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kwento o
pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan
upang ito ay usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon
ng iba’t ibang bersyon
2. Umpukan – ito ay isang pagtitipon-tipon ng mga tao
upang pag-usapan ang isang paksa
3. Talakayan – ito ay maaaring makita sa loob ng paaralan.
iba’t ibang ideya, kaisipan ang ipinapahayag ng mga mag-aaral at
gayundin ang pagsasaayos upang magkaroon ng maayos
na talakayan.
4. Pagbabahay-bahay – ay isang gawaing panlipuna. Tuon nito ang
ang pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang bahay
5. Pulong-bayan – usaping politikal ang karaniwang paksa ng
pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at pambayan.
2. Komunikasyong Di-Berbal
Ang Di-Berbal ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraan
ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi
ginagamitan ng salita o titik.
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

1. Kinesics - pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang


bawat kilos ay may kaakibat na kahulugan na maaaring bigyang
interpretasyon ng mga taong na kanyang paligid. Ekspresyon ng mukha
tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay.
Tindig, Pagkumpas at Ekspresyon ng mukha
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

2. Oculesics - gamit ang mata, maipahihiwatig ng isang tao ang


kanyang nais iparating sa kausap tulad ng pagkindat at pagpikit.
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

3. Proksemika (Proxemics) -gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang


agwat ng tao sa kapwa ay may kahulugan na maaaring mabuo
sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng
nag uusap na malapit ang distansya.
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

4. Chronemics - oras ang pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa apat:


teknikal eksaktong oras, pormal na oras o kahulugan ng oras
bilang kultura, impormal na oras o oras na walang katiyakan
at sikolohikal na nakabatay sa estado sa lipunan at mga
personal na karanasan
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

5. Haptics - karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi


na maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng
mensahe sa paraan ng paghaplos nito tulad ng pagtapik
sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

6. Paralengguwahe (Paralanguage)– tumutukoy sa di-linggwistikong tunog


na may kaugnayan sa pagsasalita tulad ng intonasyon,
bills at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

7. Simbolo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, bote, reseta atbp


8. Kulay (Colorics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon
9. Bagay (objectics) - paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon.
Aktibidad

Ibigay ang dalawang uri ng komunikasyon. Ipaliwanag ang mga ito. (4 puntos)
Ibigay ang limang gawain pangkomunikasyon berbal (3 puntos)
Ano ang mga uri ng komunikasyong di-berbal (3 puntos)
Bakit mahalaga para sa iyo ang komunikasyon? (5puntos)
Maraming Salamat
Sa
Pakikinig

You might also like