Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Quezon
Ilayang Ilog-A National High School

LEARNING ACTIVITY SHEET


(PANGKASANAYANGGAWAING PAGKATUTO)
sa
ARALING PANLIPUNAN 8
QUARTER 3- Week 1
Development Team of the Module

Writers:
Editors: Name
Reviewers: Name
Learner’s Name:______________________________________________________
Grade & Section:______________________________________________________
Score: WW:_________________ Performance: ___________________

Lesson
Ang Panahon ng Renaissance
1
I. Objectives/Layunin:
Sa pagtatapos na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
>> Mabibigyang kahulugan ang Renaissance
>> Masusuri ang mga salik na nagbigay daan sa pagsibol ng Renaissance.

Sir ok naman poi to, pasunod na lang po dun sa format natin na


ginawa, nawala po ang abstraction and application dito.
II. Activity/Gawain:
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
bawat bilang.
1. Aling pangungusap ang pinaka angkop na kahulugan ng Renaissance?
A. Panibagong kaalaman sa sining B. Muling pagsibol ng kulturang Helenistiko C.
Muling pagsilang ng kaalamang Griyego at Romano D. Panibagong kaalaman sa
mga sinaunang kabihasnan
2. Sa anong bansa unang sumibol ang Renaissance?
A. Italya B. Espanya C. Inglatera D. Portugal
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi dahilan kung bakit sa Italya
unang umusbong ang Renaissance?
A. Bunsod ng mayaman nitong kasaysayan at likas na yaman B. Ito ang
pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma C. Pagtataguyod ng mga
maharlikang angkan dito D. Dahil sa Heograpikal na lokasyon nito
4. Ang Renaissance ay nangangahulugan ng _________ A. Rethink B. Rebirth C.
Revive D. Rejoice
5. Maharlikang angkan na naging mahalaga ang papel sap ag-usbong ng
Renaissance sa Italya. A. Medina B. Mellano C. Mendiola D. Medicci

III. Pagsusuri
Basahing mabuti ang aralin at impomasyon makakalap sa ibaba,
makakatulong ito sa pag-unawa ng mabuti sa aralin.

Kahulugan at mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance


Gawain 1: Past and Present
Mahilig ba kayong manuod ng mga teleserye? Mag-isip ng mga teleserye
noon na ni-revive o may remake sa kasalukuyan. Ano ang tema ng mga naisip
ninyong telesereye?
Sa inyong palagay bakit kaya nagkaroon ng remake o revival ang mga
naisip ninyong teleserye? Alam niyo ba na hindi na bago ang revival o remake. Sa
kasaysayan ay may isang pangyayari na maituturing na revival o remake, ito ang
Renaissance.

Renaissance
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo
umusbong ang Renaissance. Ang salitang Renaissance ay mula sa salitang Pranses
ay nangangahulugan ng muling pagsilang o rebirth. Maaari itong ilarawan sa
dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang
ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Griyego at Romano sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern
Period o Modernong panahon.

Ang Renaissance ay tumaliwas sa mga kaisipan noong Middle Ages na


kung saan binibigyang tuon ay ang papel ng simbahan sa buhay ng tao. Binigyang
atensiyon ng Renaissance ang kahalagahan ng tao at sa kanyang mga ambag.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral
sa nasabing panahon. Nagbigay ito ng inspirasyon sa mga mga Europeong
manlalakbay na marating ang malalayong bahagi ng daigdig. Nagbigay-daan din ito
sa pagtatatag ng mga imperyo at kolonya. Hinimok din nito ang pagkamalikhain ng
mga tao sa iba’t-ibang larangan.
Gayunpaman, sa kabila ng malawakang pagbabago sa pagtingin sa daigdig
sa panahon ng Renaissance, hindi naman tuluyang nawala ang mga ideya at
institusyong naitatag sa panahon ng Middle Ages.
Mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance
Umusbong ang Renaissance sa lungsod ng Italya sa Roma.
Bakit nga ba sa Italya umusbong ang Renaissance? May iba’t-ibang
salik sa pag-usbong ng Renaissance sa italya

Ang magandang lokasyon nito. Pinakamahalagang salik


ang kinaroroonang pang Heograpiya ng Italya. Matatagpuan ang Italya sa pagitan
ng Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon
ang mga lungsod-estado sa Italy na makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang
Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang Heograpikal na lokasyon ng Italya
upang makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa Silangan at Kanluran.

Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma. Itinuturing


ng mga Italyano na sa dugo at wika, higit na may kaugnayan sila sa mga Romano
kaysa alinmang bansa sa Europa. Dahil sa paniniwalang ito, nabigyang sigla ang
pagnanais na manumbalik ang kabihasnang klasikal ng Roma.

Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya. Ang


mga unibersidad sa Italya ang nagbigay diin at nagtaguyod sa kulturang klasikal,
mga kaalaman sa Teolohiya at Pilosopiya ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa
pamamagitan ng malayang pag-aaral sa mga unibersidad, naging praktikal ang
pananaw ng mga tao sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga
kakayahan at kagustuhan.

Pagtataguyod ng mga mahaharlikang angkan sa mga masigasig sa pag-


aaral at alagad ng sining. Kabilang sa maharlikang angkan na mahalaga ang
papel sa pag-usbong ng Renaissance ay ang pamilya Medici. Sa pangunguna
Lorenzo d’ Medici, napag-ibayo ang paglaganap ng Renaissance sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng pampublikong aklatan na sentro ng pag-aaral at pagsuporta sa
mga pintor at eskultor.

IV. Pagsasanay
Gawain: Word Search Panuto: Hanapin ang mga salita na may kaugnayan o
naglalarawan sa Renaissance. Bilugan ang mga ito

Rebirth WMEDICILOLLYDFGYUPJHNBGERFGHVSCJJJHTQOAKLYUTNBVFPPLI
HNGHOUPYNBOYREDDCXVSBFIKLJNULPPUPILSQAWSZXCDCXZJHVB
JNHLPUHFGFOYURETREBIRTHSZXCMCXZDSNBIIBVNBCJHDNHIUZZ
Humanista
UWLOLDFGYUPJHNBGERFGDVSCJJIATQOAKLYIITNBVFPPLZXSSMAP
HNAHOUPYNBOPANITIKANBFIKLJNIINWORLDHIIAWSZXCDCXZMAVB
Middle Ages
REBGRTHSZXCDCXZDSVHJGBVNBCIIDNHLPZZZILGUYHTGFNHPINHI
UWLJHDFGYUPJHNBGIRFGDVSCJJJSTQOAKLYIIYNBVFPPLZXSSIIFM
Pinta
HNBGEAFGDVSCJJJHTQOAHNBGERTGDVSCJJIIATQOAHNBGERISIO
WABCDEMGHIJKDFGYUPJMNBGERIADVSCJJJHTQOAKLYUTNBVMPI
Agham HNGHOUPYNBOYREDDCXWARLDHISTORYNERBVYIWSZXCDCXZIOVV
JNHLPUHFGFOYURETMANILANFSZXCDPINTAVHJGBVNBCJHDNHLPA
MIDDLEAGESHILPONGERFGDVOCJJJHTQOAKLYUTNGRIYEGOXSSAA

Italya Romano Humanismo Medici Griyego


V. Pagpapahalaga
Panuto: Sagutan ang mga tanong sa Reflective Log.
Ano ang mahahalagang ideya o kaalaman na natutuhan ninyo sa aralin?
1.

2.

3.

Anu-anong mga prinsipyo o kaalaman na hango sa Renaissance ang maaari mong


iangkop sa kasalukuyan?
1.

2.

3. Bilang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang naging ambag ng mga


Humanista sa panahon ng Renaissance?
1.

2.

VI. Pagtataya
Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra ng wastong sagot sa bawat
bilang.
1. Ang Renaissance ay kilusang intelektuwal o kultural na ang hangarin ay ibalik
ang klasikal na kultura ng mga anong kabihasnan? A. Athens at Greece C. Greece
at Rome B. Sumer at Indus D. Shang at Athens 2-3. Suriin ang salitang nakahilis.
Tukuyin kung ito ay tama o mali sa ipinapahayag na Ideya sa pangungusap. Piliin
ang letra ng tamang sagot sa na nasa kahon
2. I. Isa sa dahilan kung bakit umusbong sa Italy ang Renaissance ay sa
magandang lokasyon nito
II. Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan tulad ng mga Medici ay
nakatulong sa pag-unlad ng Renaissaance sa Italy
3. I. Ang Renaissance ay maaaring ilarawan bilang kilusang intelektuwal o kultural
na nais ibalik ang sinaunang kulturang Athens at Greece
II. Ang Renaissance ay panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa
Modern Period
4. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng Renaissance?
A. Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma B. Mahalagang papel
na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya C. Ang mga ambag ng mga
Humanista D. Ang magandang lokasyon nito
5. Sa paanong paraan pinangunahan ni Lorenzi De Medicci ang pag-usbong ng
Renaissance sa Italya?
A. Pagpapatayo ng pampublikong aklatan C. Pinag-aral niya ang mga Huma

VII. Paglalahat

Panuto: Kumpletohin ang datos na hinihingi sa Concept Definition Map

You might also like