Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

4

Physical Education
Quarter 1 – Module 1b
Pangangasiwa ng Katawan para sa
Kaligtasan at mga Larong Pinoy

1
Physical Education – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1b: Pangangasiwa ng Katawan para sa Kaligtasan at mga
Larong Pinoy
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Writers: Emma L. Baga, Arlyn B. Amamag, Loweda S. Diocos, Marjorie T. Amas,

Editors: Emma L. Baga, Antonieta E. Lajot, Marynell G. Maquiling


Reviewer: Bernadeth U. Oquendo
Illustrators:
Layout Artist:
Management Team: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed. D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tele #: (035) 225 2376 / 541 1117

2
Mga Layunin
Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang:
Kaalaman: Nakauunawa ng kasanayan sa pagkatuto ng larong tumbang
preso, batuhang bola at syato.
Kasanayan: Nakasusunod sa mga alintunin ng laro upang maging
ligtas.
Saloobin: Naipakikita ang kagalakan sa pagsisikap, paggalang sa iba
at patas na paglalaro.

PANGANGASIWA NG KATAWAN PARA SA


KALIGTASAN;
MGA LARONG PINOY: TUMBANG PRESO,
BATUHANG BOLA, AT SYATO

Simulan Mo!

Magandang Araw! Kumusta? Naaalala mo pa ba kung kailan ka


huling nakapaglaro ng larong pinoy? Alam mo ba na ang larong “syato”
ay isa sa mga larong kinagigiliwan ng mga bata lalong-lalo na sa
probinsiya? Kilala ang salitang ito sa Bisaya bilang “pitiw.” Ito ay may
pagkakatulad sa nilalaro ng mga tao sa Middle East na hango sa
salitang “Gutalaguti.”
Ang larong batuhang bola naman ay isang larong
nangangailangan ng mga kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato, at
pagsalo na nakalilinang o nagkapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng
puso (cardiovascular endurance) at power. Gayundin ang paglalato ng
tumbang preso. Siguro naman alam mo ang larong ito?
Pagtutuunan natin ng pansin ang mga hakbang sa kaligtasan sa
paglalaro ng mga ito. Sa modyul na ito ay atin ding ipakikita ang
kagalakan sa pagsisikap, paggalang sa iba at patas na paglalaro

3
habang nakikilahok sa mga pisikal na aktiviti nang may karangalan,
integridad at pagiging makabayan sa mga laro.
Suriin ang mga gawain na nakapaloob sa modyul na ito. Sana ay
magbigay ito ng impormasyon at karagdagang kaalaman upang
mapaunlad ang sarili. Halina’t ating talakayin.

Panimulang Pagtataya

A. Panuto: Suriing mabuti kung ano ang tinutukoy sa bawat tanong.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ito ay isang larong Pinoy na hango sa Amerikanong laro na


Dodgeball.
A. Patintero C. Batuhang Bola
B. Tumbang Preso D. Syato
2. Ano ang dapat isaalang-alang kung tayo ay maglalaro upang
makaiwas sa disgrasya o anomang kapahamakan?
A. Dalas ng paggawa (Frequency)
B. Pagpahinga (Rest)
C. Dalas ng panghinga (Breathing)
D. Hakbang sa Kaligtasan (Safety Precautions)
3. Ano ang tawag sa manlalaro na kung saan siya ang pinupuntirya ng
kalaban?
A. tagataya B.tagasalo C.tagaiwas D.tagahatol
4. Ang pakikilahok sa mga _____ tulad ng syato ay mainam na paraan
upang mapaunlad ang tatag ng puso.
A. Computer games C. Larong Pinoy o Laro ng lahi
B. online games D. physical fitness
5. Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagpukol o pagpalo,
pagtakbo, at pagsalo ay mga gawaing makatutulong sa pag-unlad ng
mga sangkap ng _____.
A. cardiovascular endurance C. physical fitness
B. target game D. muscular endurance
6. Ang aktibong partisipasiyon sa mga gawain ay nagdudulot ng
kabutihan sa kalusugan. Alin sa sumusunod ang kabilang dito? A.
Ibabad ang sarili sa gadgets upang hindi madaling mapuyat.
B. Makipag-away sa mga kaibigan habang naglalaro.

4
C. Pagpapanatili ng kalinisan sa lugar upang hindi madaling
magkasakit at maging batang masigla sa paglalaro. D. Hindi
kailangang sundin ang alintuntunin ng laro.
7. Ano ang gagamitin na bagay sa paglalaro ng syato?
A. Dalawang piraso ng patpat na may magkaibang haba
B. Dalawang bato para ihagis
C. Lata at tsinelas
D. Bola

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang T


kung ang pangungusap ay tama at M kung mali. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Si Ana ay naglalaro kahit na hindi maganda ang kanyang
pakiramdam.
2. Nag-stretching muna si Tina bago siya maglaro sa labas.
3. Gumagamit ng matigas na bola ang mga bata habang naglalaro ng
batuhang bola.
4. Sinuot ni Tanya ang bago niyang jacket na bigay ng kanyang lola sa
paglalaro kahit na ito ay makapal at tirik ang araw.
5. Mahalaga na isaalang-alang ang mga hakbang sa kaligtasan (safety
precautions) sa paglalaro.
6. Ang mga laro ng lahi o paglalaro ng syato ay nagdudulot ng
magandang epekto sa ating katawan.
7. Magkulong sa kwarto at ibabad ang sarili nang buong araw sa
paglalaro ng video games o online games upang lumakas at sumigla
ang katawan.

Kung ikaw ay nakuha ng 100% na tamang sagot, maaari mong


hindi ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito. Subalit kung nakakuha
ka ng 50% to 90% na tamang sagot, iyong pag-aaralan ang aralin sa
modyul na ito.

Gawin Mo!

Gawain 1
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Kilalanin kung ano ang tawag
ng mga larong ito. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.Isulat
sa inyong kuwaderno.

5
tumbang preso luksong tinik larong syato
tuksong baka batung bola agawang panyo

1. 4.

https://bit.ly/3fFfkg v https://bit.ly/2DNXpX n

2. 5.

https://bit.ly/3gQhlY 0
https://bit.ly/2DwPL4 3

3.

https://bit.ly/3fBjXIp

Paglalahad
Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy ay mainam na paraan upang
mapaunlad ang cardiovascular endurance. Maraming larong Pinoy ang
makatutulong para mapaunlad ang tatag ng puso. Kabilang na rito ang
mga tipo ng larong may target na tatamaan (target games), papaluin at
sisipain o sasaluhin (striking/fielding games).

Tumbang Preso
Ang tumbang preso ay isang larong
Pinoy kung saan ang isang taya ay
may binabantayang lata na nasa loob
ng isang bilog. Ito ang “preso” na
tinatawag. Ang ibang manlalaro naman
ay mga tagahagis ng tsinelas na ang
layunin ay mapatumba at maalis ang

6
(makataya) ng isang tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha
“preso” (lata) sa loob ng bhttps://bit.ly/2DNXpXn ilog. Ang layunin ng taya
ay maka-tag ng mga tsinelas sa palaruan. Ang na-tag (natayang) na
tagahagis ang magiging susunod na taya.

Mga kagamitan:
• sinelas (1 kada manlalaro)
• lata
• yeso o chalk pangmarka

Paraan ng paglaro:
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may isang dayametrong
talampakan.
2. Ang manuhan o pamulaang guhit ay lima hanggang pitong metro ang
layo sa lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata
at ihagis sa manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na
pinakamalayo sa guhit ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog
ngunit hindi niya maaaring harangan ng kahit anumang bahagi ng
kanyang katawan ang lata).

Ang mga tagahagis naman ay nasa manuhang-guhit :


1. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o
tumilapon ito palayo sa bilog.
2. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob
ng bilog.
3. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saanmang dako ng
pinaglaruan, patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang
ibalik ito sa bilog.
4. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng
mga tagahagis ang kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
5. Kapag nakatayo ang lata at may na-tag (nataya) ang taya, ang na-tag
(nataya) ang magiging bagong taya.
6. Hindi maaaring i-tag ang manlalarong nasa manuhang guhit. Hindi rin
maaaring man-tag ang taya kung nakatumba ang lata.
7. Kapag nanghahabol ang taya, maaaring sipain ng ibang manlalaro
ang lata upang tumumba ito.

7
Batuhang Bola
Ang pakikilahok sa mga larong
Pinoy tulad ng batuhang bola ay
mainam na paraan upang
mapaunlad ang tatag ng kalamnan
(cardiovascular endurance) at
power. Ang target na
ito ay makatutulong nang
malaki sa pagpapaunlad
https://bit.ly/3gQhlY0
ng mga nabanggit na sangkap
(component) ng physical
fitness. Ang pagtakbo at pag-iwas sa bola ay nangangailangan ng tatag
ng kalamnan (cardiovascular endurance) habang ang pagbato pati na
ang pagtakbo ay nangangailangan ng power. Dahil ang parehong
posisyon (tagataya at tagaiwas) ay gagampanan ng bawat pangkat,
makabubuti ang larong batuhang bola para sa pagpapaunlad ng tatag
ng iyong kalamnan (cardiovascular endurance) at power.

Mga kagamitan:
• Malambot na bola/ginusot na papel na binilog/lumang medyas na
pinagsama-sama
• Yeso o chalk

Paraan ng paglaro:
1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa.
Magmanuhan ang lider ng bawat pangkat. Ang nanalo ay pipili kung
magiging unang tagataya o tagaiwas.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa
tagaiwas. Ang tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan sa pagitan ng
dalawang guhit.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay “out” na. Maaari itong buhayin upang
makabalik sa laro kung masasalo ng kamiyembro ang bolang binato.
4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito sa
loob ng tatlo hanggang limang direktang pagbato. Kung hindi ito
nagawa, mabubuhay ang lahat ng kamiyembro na “out.” Kung nataya
naman, magpapalit ng posisyon ang magkabilang pangkat at uulitin
ang paraan ng paglalaro ng limang minuto.
5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal ng apat hanggang limang
minute.

8
6. Kung sa loob ng apat hanggang limang minuto ay hindi lang isang
tagaiwas ang natitira, ang bilang ng natamaang miyembro ang
bibilangin. Ang pangkat may pinakamaraming miyembro ang
natamaan sa loob ng apat hanggang limang minuto ang siyang
panalo.
Sa paglalaro din ng mga larong Pinoy tulad ng batuhang bola ay
mayroon tayong dapat sinusunod na mga hakbang sa kaligtasan upang
makaiwas tayo sa disgrasya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
hakbang na dapat nating sundin:
1. Stretching – bago pa man magsimulang maglaro, kinakailangan
maiunat muna ang mga buto at kalamnan para makaiwas sa bali at
pinsala sa ating katawan.
2. Kasuotan – dapat isaalang-alang natin ang tamang kasuotan kapag
tayo ay naglalaro upang magiging komportable at malaya tayong
makagagalaw.
3. Kagamitan – siguradohing suriing mabuti ang mga kagamitan na
gagamitin sa paglalaro upang hindi tayo masasaktan at makaiwas na
rin sa aksidente.
4. Panahon – suriin ang lagay ng panahon kung ito ba ay makaaapekto
sa paglalaro. Kung ang panahon ay maulan, mas mainam kung sa
loob na lamang maglaro at kung masyadong mainit naman ay mas
mabuting maglagay ng sunblock at uminom ng maraming tubig.
5. Kalagayan ng Kalusugan – bago makilahok sa isang laro o sa
masidhing aktiviti ugaliing tingnan ang iyong kalusugan kung wala ka
bang iniindang anumang sakit. Ugaliing magpatingin sa doktor kung
may dinaramdam na sakit upang maagapan agad ito.
6. Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagtakbo, pag-iwas, at
pagbato ang siyang mga gawaing makatutulong sa paglinang ng mga
sangkap (component) ng physical fitness. Makabubuti para sa
kalusugan kung madalas ang pakikilahok sa ganitong uri ng mga
gawain ng batang tulad mo.

Syato
Ang larong syato ay isang larong Pinoy na
maaaring laruin ng iilan lamang o kaya
pangkat ng mga manlalaro na salitang
magiging tagapalo at tagasalo. Ito ay
gumagamit ng ilang piraso ng patpat na
may magkaibang haba. Ang layunin ng

9
tagapalo ay paluing papalayo ang maliit na patpat gamit ang malaking
patpat habang susubukin namang saluhin ng tagasalo ang patpat para
mataya ang kalaban. Kailangang malayo ang mapuntahan ng pinalong
maliit na patpat para magkaroon
https://bit.ly/30G4nae ng mas maraming bilang ng puntos batay sa distansya nito

sa panimulang lugar. Ang manlalaro o grupong unang makakuha o


makaabot sa itinakdang bilang ng puntos ang panalo.

Sa paglalaro ng syato, maraming kasanayan ang dapat na


matutuhan. Kabilang ang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo.
Dapat maisagawa ang mga ito nang mahusay para mas gumanda ang
laro. Para sa manlalarong tagapukol, mas gaganda ang laro kung
mahusay at malakas ang pagpalo ng patpat para ito ay lumipad sa ere
at lumayo. Kung mas malayo ang marating ng patpat, mas mahihirapan
ang kalaban na saluin ito. Kung mas malayo rin ito, mas maraming
bilang ng puntos ang kaakibat nito para sa manlalaro o grupong
mananalo. Sa katunayan, ang malayong mararating ng patpat ang isa
sa mga kapana-panabik na pangyayari sa larong ito.
Para naman sa manlalarong tagasalo, mas gaganda ang laro kung
mabilis ang pagtakbo at mahusay ang pagsalo sa patpat na pinalo at
napunta sa ere. Ang kaba at dulot ng pagsubok na pagsalo sa pinalong
patpat ang isa sa mga inaabangan sa larong ito. Agarang matataya ang
kalaban kung nasalo nang mahusay ang patpat na pinalo at
mababawasan ang pagkakataon ng kalaban na magkaroon ng
maraming bilang ng puntos. Dahil maaaring mas maging madali para sa
grupo ng tagasalo na makuha o maabot nang mas mabilis ang
itinakdang bilang ng puntos para manalo.
Ang paglalaro ng syato ay nangangailangan ng diskarte at
pagkakaisa ng grupo. Hindi magiging kapana-panabik ang laro kung
hindi kalayuan ang nararating ng patpat na pinalo o kaya naman ay hindi
tinamaan ang patpat gayundin kung madaliang nasasalo ang patpat na
pinalo. Para mas maging masaya ang laro, dapat ibibigay ng mga
manlalaro ang lahat ng kanilang makakaya.
Ang paglalaro ng syato ay mainam na paraan upang malinang o
mapaunlad ang tatag ng puso, baga (cardiovascular endurance) at
power. Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagpukol o pagpalo,
pagtakbo, at pagsalo ay mga gawaing makatutulong sa pagpapaunlad
ng mga sangkap ng physical fitness. Makabubuti para sa kalusugan
kung madalas ang pakikilahok sa ganitong uri ng mga gawain ang
batang tulad mo.
Tandaan:

10
Ang makatarungang paglalaro ay nagsasangkot ng maraming mga
bagay kabilang ang: pagtutulungan ng bawat miyembro ng grupo,
pagpapanalo ng laro nang walang daya, pagsunod sa mga patakaran,
hindi paghinto kahit natalo na, paglaro nang mahirap ngunit may
kaligtasan.

Repleksiyon

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba upang mabuo ang diwa nito.
Ibatay ang sagot sa araling ating tinalakay. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

A. Panuto: Suriin ang iyong pakikilahok sa syato. Lagyan ng tsek (/) ang
kolumn na akma sa ipinakita mong kagalingan. Laging
isaisip ang kaligtasan bago gawin ang laro.

Pinakamahusa Mas Bahagyang Hindi


Mga y Mahusay
Mahusay Mahusay Mahusay
kasanayan (5) (3)
(4) (2) (1)
Pagpalo
Pagsalo
Paggalaw
Pagbilang

Pangwakas na Pagtataya

A. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong o pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano-anong mga kasanayan sa larong batuhang bola ang


makatutulong sa paglinang ng mga sangkap ng physical fitness? A.
pagtakbo, pag-iwas, pagbato C. pag-iwas, pagbato, pagtago
B. pagtago, pagtakbo, pagkanta D. paglakad, pag-iwas, pagtago

11
2. Bakit kinakailangan nating sundin ang mga hakbang sa kaligtasan
kung tayo ay maglalaro? A. para tayo ay maging maligaya
B. para tayo ay maging ligtas at iwas disgrasya
C. para hindi tayo mapagalitan
D. para makalaro ulit
3. Ano ang tawag sa dalawang grupo na maglalaro ng batuhang bola?
A. tagaiwas at tagataya C. tagataya at tagatago
B. target at tagalaro D. tagaiwas at target
4. Siguradohing masuring mabuti ang mga kagamitan na gagamitin sa
paglalaro upang _____. A. magandang tingnan.
B. hindi tayo masasaktan at makaiwas na rin sa aksidente.
C. marami ang gustong sasali.
D. sasaya ang laro.
5. Suriin ang lagay ng panahon kung ito ba ay makaaapekto sa
paglalaro. Kung ang panahon ay maulan, _____.
A. mas mainam kung sa loob nalang maglaro
B. siyempre masarap magpaulan
C. hindi na lang maglalaro
D. magpayong habang naglalaro
6. Piliin ang hindi tamang gawin kung masyadong mainit ang panahon
sa paglalaro.
A. maglagay ng sunblock
B. uminom ng maraming tubig.
C. Palitan ang damit kung basa na sa pawis.
D. magpatuloy sa paglalaro
7. Bago makilahok sa isang laro o sa masidhing aktiviti, _____.
A. Ugaliing tingnan ang iyong kalusugan kung wala ka bang iniindang
anumang sakit.
B. Ugaliing magpatingin sa doktor kung may dinaramdam na sakit
upang maagapan agad ito.
C. Naunawaan mo na ba ang alintuntunin ng laro upang maisagawa
ito ng mabuti.
D. Lahat ng mga binabanggit.
8. Bago pa man magsimulang maglaro, kinakailangan maiunat muna
ang mga buto at kalamnan ______.
A. para maging handa
B. para makaiwas sa bali at pinsala sa ating katawan.
C. para siguradong ligtas D. Lahat ng mga binanggit.

12
9-10. Dapat isaalang-alang natin ang tamang kasuotan kapag tayo ay
naglalaro upang ____________at __________________.
A. magandang tingnan
B. malaya tayong makakagalaw
C. kaiinggitan
D. upang magiging komportable

Karagdagang Gawain
Panuto: Suriin ang larawan na nasa ibaba. Ibigay ang iyong opinyon
ukol dito. Ano ang mas mainam na gawin at bakit ito ang iyong
napili? Isulat ang iyong nabuong sagot sa kuwaderno

13
14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

15

You might also like