Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

TEKNOLOHJIJA

**************************************************START

**************************************************

-News (Online classes)

-Fade out-

Narration: Nagsimula na ang panibagong yugto sa buhay ng mga mag aaral. Ang dating

kwadradong silid kung saan sila ay natututo at nakakapagmasid ay napalitan ng isang

kwardradong piraso ng teknolohiya na tila matagal pa bago tayo makalaya.

—-----------------------------------SCENE 1 (ZOOM MEET)—------------------------------

Teacher: Good morning class! This will be our first class in this new set up. So, I hope that

everyone will participate in our discussion. Let’s start with introducing ourselves. Let me start. I

am MRS. Enriquez and I will be your teacher in Science, Technology, and Society for this

semester.

-fast forward introduction-

Teacher: And for the last one, Ms. Vicencio. Is she here?

-class audio-

Student 1: Nasan na kaya yun? May balita ba kayo dun? haha

Student 2: —----

Student 3: Baka nasa galaan HAHAHAH

Narration: Bakit nga hindi mahagilap si hija?

-Flashback-

-Pre pandemic-

-News(Covid outbreak)-
—-------------------------------------SCENE 2 (COMPANY)-------------------------------------

HR: We are really sorry but the company will be decreasing its number of employees due to the

pandemic. Napagkasunduan na ng mga nasa itaas ang pag implementa ng mga Artificial

Intelligence and Machines para sa ating production. We are still hoping for the best in you guys.

Thank you for your service.

-Outside the company-

(Milagros) Mother: Paano na tayo nito Nestor?

Father: Paano si hija?

—--------------------------------------SCENE 3

(BAHAY)-----------------------------------------

Isang gabi nanunuod ng balita ang nanay at tatay ni hija, binalita kung ano ang magiging set up

ng klase.

Narrator: Bahagi na sa sistema ng pamilya ni Hija ang panonood ng balita sa kanilang

telebisyong halos boses na lamang ng mga tagapag-ulat ang naiintindihan. Habang naglilinis ng

mesa, namumutawi sa mukha ng mga magulang ni hija ang bakas ng pagkawala nila sa

pangunahing bumubuhay sa kanilang pamilya.

Reporter: Naglabas na ang DepEd ng bagong set up ng pag-aaral sa darating na pasukan

matapos ang isang taon pagpapatigil ng klase dahil sa pandemya. (Name of Reporter)...

Nanay tinawag si hija - Hija talika at manood ka ng balita tungkol sa school.

Nanay: Hija! Hija! Halika, panoorin mo ang balita.


Nanood ng balita ang pamilya.

Narrator: Habang nanonood ng balita ang pamilya unti unti nang namumuo ang mga agam

agam at pangamba sa kanilang mga isipan kung paano masosolusyunan ang panibagong

dagok sa kanilang buhay.

Reporter: Diniscuss ang tungkol sa module, online class, blended learning.

Hija (napatingin sa cellphone)

Hija: Mukhang hindi po kakayanin ng telepono ko ang online class inay. May extra po ba

kayong pera para po sana maibili ko ng magagamit ko para sa darating na pasukan?

Ina: (Napatingin sa ama) Nako anak wala pa kaming pera na tatay mo e. Pareho kaming

nawalan ng trabaho. Alam mo naman na ayun ang bumubuhay sa atin anak.

Ama: Pero wag ka mag alala, gagawan namin ng paraan ng nanay mo para may magamit kang

para sa klase. Pupunta tayo bukas sa mall at titingin tayo ng pwede mo magamit sa klase.

Hija: Sige po salamat po nang marami. Una na po ako at magbabasa po ako bukas.

Narrator: Hindi maipinta ang mukha ni Hija at muling namutawi ang pag asa mula sa kanyang

mga mata.

—-—----------------------------------------SCENE 4 (MALL)-------------------------------------------
Narrator: Bumaba ang pamilya mula sa kabundukan papunta sa siyudad upang humanap ng

telepono na maaaring magamit ni hija sa kaniyang klase. Pasan nila ang pangamba na baka

hindi nila kayanin ang halaga ng naturang telepono. Maraming klase ng telepono ang nasa mall

at tila bagong bago sa paningin ng pamilya.

-Seller crowd-

Ama: Anak napakarami palang uri ng telepono ano. Noong araw, ang meron lamang kami ay

yung nokia ba yun?

Ina: at maganda na kung may radyo (laugh)

Ama: Pero anak, ano ba ang gusto mo dyan? Ikaw na ang pumili tutal ikaw naman ang

gagamit.

Narrator: Matapos ang ilang sandali ay nahanap na ng pamilya ang telepono na may sapat na

presyo at may kakayahang suportahan ang mga kinakailangan sa sinasasabing klasipikasyon

ng pag aaral.

—--------------------------------------SCENE 5

(BAHAY)-----------------------------------------

Ina: Pitong libo, Nestor, ang kailangan natin para mabili ang telepono ni hija. Kakayanin ba

natin?
Ama: Kailangan natin kayanin. Para sa kinabukasan ni Hija. Hindi ko hahayaang maging

balakid ang ating estado sa buhay para hindi nya makamit ang mga pangarap nya.

—-----------------------------------SCENE 6 (MONTAGE)---------------------------------------

Narrator: Ginawa ng mga magulang ang ibat ibang paraan para kumita ng pera upang

maipambili ng cellphone na gagamtin ni hija sa kanyang online classes. Sinubukan ng ina

maglabada, ang tatay naman ay bumababa sa kabundukan upang magbanat ng buto sa

pamilihang bayan.

-Naghulog sa Alkansya para sa cellphone ni Hija-

Narrator: Maging ang pagsasaka ay pinasok na ng mag asawa. Maghapong nakabilad sa sinag

ng araw at tila hindi dumadaan ang pagod sa mag asawa dahil sa bitbit nilang motibasyon para

sa edukasyon ng kanilang anak.

-Naghulog sa Alkansya para sa cellphone ni Hija-

-All sorts of work then hulog sa alkansya-

-Last drop-

Ama: Ito na ang huling pera para makumpleto natin ang pambili ng telepono ni hija. Sakto at

magsisimula na ang eskwela bukas. Tawagin mo si Hija at sabihin mo ay magbihis na para

makapunta na tayo sa mall at mabili na natin ang kanyang telepono.

-Umalis-
Narrator: Masaya ang pamilya sapagkat mabibili na rin nila sa wakas ang kagamitan ni hija.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may mas mahirap pang dagok ang kakaharapin ng

kanilang pamilya

-Father hawak yung alkansya then cardiac arrest-


-Mag-ina arrival-
-Melancholic scene-

Narrator: Kasabay ng pagkamatay ng kanyang ama ang pagkabuhay ng alab sa kanyang puso

na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral. Ginamit niya ang perang naipon ng kanyang magulang

upang ipangbili ng telepono. Sinubukan din niyang bumaba sa siyudad upang humanap ng

hanapbuhay upang matulungan ng kanyang ina sa pang araw araw na pamumuhay.

—--------------------------------SCENE 7 (ZOOM CLASS)-------------------------------------

Professor: Okay. Good morning class. This will be the second day of our online classes. I hope

that everyone is now present. May I know Is Ms. Vicencio present now?

-Open Mic-

Hija: Opo sir. Pasensya na po sa aking pagliban sa klase. May hindi lamang po inaasahang

nangyari sa aming tahanan. Asahan nyo pong ayun na rin po ang huli. Salamat po sa pag

unawa.

Professor: Sure Ms. Vicencio. I understand. I will make it pass since what we had yesterday

was class orientation only. If you have any questions regarding this class. Just let me know

since I am your adviser. Understood, class?

-Crowd answer-
—-----------------------------------SCENE 8 (MONTAGE)---------------------------------------

Narrator: Habang nag aaral ay nagawang isabay ni Hija ang paghahanap buhay sa isang

kainan. Sa umaga, siya ay pumapasok sa klase mula sa kanyang telepono at ipinapakita ang

kaniyang angking talino at mga kaalaman. At sa pagsapit nang gabi, kaniya namang hinaharap

ang reyalidad ng buhay kung saan lahat ng bahagi ng kanyang katawan ay kumikilos sa kainan

kung saan siya ay natanggap bilang isang katulong. At pagtapos ng mahabang gabi sa siyudad

ay muli siyang tataas pabundok upang umuwi sa kanilang tahanan. Dito naman nya itutuloy ang

pagbabasa upang maging paghahanda sa klase kinabukasan.

Narrator: Ipinagpatuloy niya ang nakagawiang pag iipon na nakuha nya mula sa kaniyang mga

magulang. Ito ay pinangalanan nyang alkansya ng pag asa.

—----------------------------------SCENE 9 (MEETING)-----------------------------------------

Narrator: Lahat ng pait na dulot ng pahihirap ay may katumbas na natatanging tamis sa huli.

Dumating na araw na pinakahinihintay ng mag ina; ang araw ng pagtatapos. Ngayong araw,

itinipon ang mga mag aaral kasama ang kanilang magulang sa isang birtwal na pagpupulong

kung saan ihahayag lahat ng mangyayari sa araw ng pagtatapos.

-zoom-

Prof: Good morning, Students and Parents. Ipinatawag ko po kayong lahat dahil ngayong araw

ay opisyal ko nang inihahayag ang pagtatapos ng mga mag aaral sa taong ito. Ngunit hindi dito

nagtatapos ang ating anunsyo sa araw na ito. Sapagkat nais kong sabihin na may isang mag

aaral ang nagkamit ng mataas na karangalan. At ito ay walang iba kung hindi si Ms. Vicencio.

Siya ay magtatapos bilang Summa Cum Laude.

-mag ina point of view-

-emotional scene-
—-------------------------------SCENE 10 (GRADUATION)------------------------------------

Narrator: Araw ng pagtatapos. Maaring sabihin na araw din ng pagtatapos ng paghihirap ng

mga mag aaral sa nakakapagod na sistema ng pag aaral ngunit ito rin ang araw ng simula ng

mas mahirap na landas na tatahakin sa realidad ng buhay. Hindi matutumbasan ang ngiti mula

sa mga labi ng mag ina habang naglalakad sa gitna ng entablado. Ito ang bunga ng lahat ng

pinaghirapan ni Hija at ng kanyang pamilya.

MC: Magandang Hapon mga mag aaral ng Pamantasan ng Laguna. Ngayong hapon, sa

kapangyarihan na ibinigay sa akin ng paaralan at ng departamento ng edukasyon ay malugod

kong inaanunsyo na ang mga mag aaral na babae at lalaki ng panuruang taon 2021-2022 ay

opisyal nang nagsisipagtapos. Magsitayo ang lahat para sa pagkilala.

MC: Alfonso, Ron D. Bachelor of Science in Business Administration (Akyat stage lakad)

-fast forward-

MC: Vicencio, Maria Victoria C. Batch Valedictorian. Summa Cum Laude.

-speech-

Hija: Sa lahat ng mga mag aaral, magulang, punong guro, guro at mga panauhin, Ako po ay

lubos na nalulugod sa oportunidad na inihatang sa akin upang magsalita sa harapan po ninyong

lahat. Mahirap maging mahirap. Ito ay ating unang makikita sa sektor ng edukasyon. Marami

ang may nais ng magandang kalidad ng edukasyon ngunit maunti lang sa kanila ay may

kakayanang maabot ito dahil sa iisang rason. Sapagkat wala naman silang kakayanang

pinansyal dahil kulang pa ang halagang meron sila sa kanilang mga palad para punuin ang mga

sikmura nila tatlong beses sa isang araw. Isa ako sa mga saksi kung paano ang birtwal na
edukasyon ay nakaapekto sa aming mga nasa laylayan. Ngunit nagpapasalamat ako sa aking

mga magulang sapagkat, ginawa nila ang lahat upang hindi maipagkait sa akin ang edukasyong

karapatang kong matamasa. Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin ngunit para sa

aking mga magulang at sa mga kagaya kong nag aalab ang puso na mangarap ngunit unti

unting natutupok ng aming estado sa buhay. Maraming Salamat.

—-----------------------------------SCENE 11 (CELEB)------------------------------------------

Narrator: Bilang pagdiriwang sa mga nangyari, nagkaroon ng maliit na pagsasalo ang mag ina.

Masaya ang gabi para sa mag ina. Ngunit, ang sayang ito ay tila kasing bilis ng kisapmata

maglaho sa isang pangyayari.

Ina: Napakahusay mo, anak. Sigurado akong proud na proud sayo ang iyong ama mula sa

kalangitan.

Hija: Salamat po nay. Hinding hindi ko sasayangin ang lahat ng pagod ninyong dalawa. Yon

ang pangako ko nang namatay si itay.

-hug-

-ina kumikirot ang dibdib-

-collapse-

-Melancholic scene-

—-----------------------------------SCENE 12 (BUROL)------------------------------------------

Narrator: Sa pinakamasayang araw ni Hija, dumating ang magiging pinakamalungkot na

pangyayari sa kaniyang buhay. Ang natitirang kanlungan nya ay tuluyan na ring

namalaam.Hindi inaasahan ang mga nangyari.


Hija: (Yakap yakap ang alkansya) Nay bakit naman po ganun. Akala ko ba sabay natin aabutin

ang tagumpay? Napuno ko na po ang alkansya ng pag asa. Balak ko po sana gamitin ito para

sa atin. Paano na ako inay? Pangako ko po sa inyo na magiging successful ako. Hinding hindi

ko sasayangin ang lahat.

-Libing katabi ng sa tatay-

—----------------------------------SCENE 13 (MONTAGE)--------------------------------------

Narrator: Pinagpatuloy ni Hija ang buhay . Gaya ng pangako nya sa kanyang mga magulang,

ginamit nya ang kaniyang perang naipon upang magsimula ng isang negosyo at ito ay

pinangalan nyang Likha “pinanday ng pangako, pinaganda ng puso. Maraming tumangkilik sa

kaniyang mga produkto dahil sa kalidad ng produkto nito. Lumipas ang panahon at unti unting

lumaki ang negosyo ni Hija at kaniyang kinuha ang mga dating kasamahan ng kaniyang mga

magulang sa trabaho na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya. Samantalang sa kabilang

dako, ang dating pinagtatrabahuhan ng magulang ni Hija ay tuluyan nang nawalan ng sigla at

nagsara. Maaaring mas mabilis at mas matipid ang paggamit ng teknolohiya at mga makinarya

ngunit may isang natatanging bagay ito na hindi kayang gayahin mula sa mga tao at ito ay ang

otentisidad ng mga likha mula sa kamay ng mga manggagawa. Ang emosyon na ibinubuhos ng

mga tao sa bawat piraso na kanilang hinahawakan at ito ang susi sa tagumpay ni hija. Ang

kaniyang puso.

-Hija looking at her building-

-pasok sa building-

—--------------------------------------------THE END-----------------------------------------------

You might also like