Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Epektibong Pagsulat ng Komposisyon

A. Katuturan ng Pagsulat
Ang uri ng pagpapahayag ng kung saan isinasatitik ang mga kaalaman,
iniisip at nadarama.

B. Gabay sa Epektibong Pagsulat


1. Kaisahan
Tiyakin na ang diwang ipinahahayag ay maayos.
2. Pagkakaugnay
Kinakailangang may kaugnayan sa isa’t isa ang mga pangungusap upang
ang takbo ng mga pangyayari ay tuloy-tuloy.
3. Diin
Ang diin ay dapat na mangibabaw sa pagbuo ng komposisyon.

C. Pagsulat ng Komposisyon
Ay isang uri ng pahayag na maaaring nagsasalaysay,naglalarawan,
naglalahad o nangangatwiran.

Ang Pamagat
Ay ang siyang gabay kung ano ang tatalakayin o nilalaman ng isang
pahayag, maari itong pahayag,mahalagang pangyayari, lugar na pinangyarihan,
matinding damdaming namamayani sa ipinahahayag at isang mahalagang
pangyayari.

Ang Paksa
Ay ang nilalaman ng isang pahayag. Ito ay maaaring kapupulutan at
nagbibigay ng magandang halimbawang matututunan ng mambabasa.

Mga uri ng Komposisyon


I. Deskriptibo o Paglalarawang Komposisyon
● Ay ang paglalarawan ng nadarama, nakikita, naiisip at naririnig.
● Ito ay malinaw na pagbuo ng larawan sa balintataw ng mambabasa o
nakikinig.
● Ay kailangang may malinaw nalarawang maikikintal sa kanyangisipan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan


1. Masining na Paglalarawan
Ang bumabasa ay kinakailangang makita ang buhay na larawan ng
tauhan,lugar o pangyayari ayon sa inilarawan ng may akda.
2. Pangkaraniwang Paglalarawan
ang naglalarawan ay nagbibigay lamang ng karaniwang anyo ng
inilalarawan ayon sa kanyang paningin at pangunawa.
II. Naratibong Komposisyon
● Ay ang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
● Ibinabahagi dito ang karanasan sa pamamagitan ng paglalahad.
● Ang payak na kahulugan ng paglalahad ay pagpapaliwanag.

Mga Katangian ng Mabisang Paglalahad


1. Simpleng bokabularyo o pananalita.
2. Tiyak ang bawat halimbawang babanggitin.
3. May kaugnayan ang halimbawa sa diwang ipinahahayag.
4. Binibigyang diin ang diwang nais ipabatid.

Mga Bahagi ng Isang Sulatin o Komposisyon


1. Panimula
● Ay karaniwang bahagi ng isang sulatin na kung saan hinuhusgahan ng
mambabasa ang isang paglalahad kung itutuloy itong basahin o hindi.
● Ang bahaging ito aykinakailangan maging kaakit%akitupang maganyak ang
babasa.
Mga uri ng panimula:
A. Isang pambungad na salaysay
B. Isang makatawag pansing pangungusap
C. Isang tanong o tanong pangretorika
D. Isang sipi
E. Isang usapan o palitan ng salita

2. Katawan o Nilalaman
● Ay angpinakatugatog ng paglalahad.
● Kailangan lahat ng mga d(taly( aymay kaisahan upang mapatingkadang
ipinapaliwanag.
3. Wakas o Katapusan
● Ay ang bahagi ng sulatinna kinakailangang gumising sa diwang mambabasa.

Mga paraan sa pagwawakas ng paglalahad:


A. Pagtatanong
B. Pagbuod ng mahalagang nabanggit
C. Paggamit ng angkop na sipi, bahagi ng awit, bahagi ng tula at kasabihan
III. Eksposisyon
1. Pagbibigay katuturan, depinisyon o interpretasyon
uri ng pagpapaliwanag sa isang kaisipan, konsepto o ideya.

Dalawang uri ng Pagbibigay ng katuturan


a. Pormal na katuturan
ay ang resulta ng pag-aaral na nagdaan sa maagham at siyentipikong paraan.
b. Impormal o di-pormal na katuturan
Ay naglalayong magpaliwanag upang higit na maunawaan ang ideya, konsepto o
kaisipan.

2. Sanhi at Bunga.
Batid ng sumusulat ang kanyang layunin, kung bakit ang isang bagay ay
nagaganap, nangyayari, at umiiral.

IV. Argumento, Pangangatwiran, Debate


Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang pangkat na magkaiba ang paniniwala
at paninindigan.

You might also like