Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Editoryal

Isinulat ni:

Rena Joy S. Beronilla

Sa Masamang Paggamit ng Tiktok, Atensyon ay Itutok!

Tiktokerist na ba ang LAHAT? TikTokerist Ang tawag sa mga taong laman ng aplikasyong TikTok.
Ang TikTok ay kilalang aplikasyon na nakapagbibigay aliw sa mga tao. Ayon sa istatistika, 75
Milyon mahigit Ang tumatayang gumagamit nito. Bagaman maaaring mukhang isang inosente
at masaya na app, madalas na nababalita ngayon ang pagtaas ng bahagdan ng mga kabataang
napapahamak sa pag gamit nito.

Halos lahat ng mga kabataan, samakatuwid, pati na rin ang mga bata sa kasamaang palad, ay
nasa mundo na ng social network. Ang TikTok Ang nagiging daan sa mga tao na lumampas sa
kanilang limitasyon. Nakatuon na ang pansin sa padamihan ng heart reacts at followers. Sa
kagustuhang mapansin ay nagagawa na ang mga mapapanganib na bagay tulad ng karahasan,
pagpapakita ng mga malalaswang parte ng katawan habang sumasayaw o nagda dub, at ang
mga pagpaparinigan ng mga influencer sa kapwa nito gamit ang masasakit na salita na talaga
namang nagbigay ingay sa mundo.

Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na mga hakbang sa seguridad at isang mas maingat na
pagsubaybay ang isinasakatuparan upang magarantiyahan ang paggalang sa privacy at
proteksyon ng mga gumagamit ng app na ito. Nababatid at isinasaalang-alang ang lahat ng mga
potensyal na panganib mula sa mga bata at kabataan sa TikTok, maliwanag kung bakit
nararapat na tutukan ito ng bawat isa lalong lalo na ng mga magulang. Maging ang mga
kabataan ay inaasahang mag-lapat ng disiplina at pagkatao sa mga ipino-post sa anumang uri ng
social network. Ligtas ang may alam at ang may paki-alam.

You might also like