Rebolusyong Siyentipiko at Pagkamulat Enlightenment

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

AT ENLIGHTENMENT
Aralin 3: Ikatlong Markahan
Pamantayan sa Pagkatuto
• Natutukoy ang pagbabago sa kaalaman ng tao sa panahon ng rebolusyong
Siyentipiko at Enlighthenment
• Naipapahayag ang epekto ng pagbabago sa larangan ng Agham, pamahalaan
at kultura sa mga panahong ito
• Napahahalagahan ang mga dakilang ambag ng mga siyentista, pilosopo at
mga naliwanagan na nagpabuti sa buhay ng tao hanggang sa kasalukuyan
Panimulang Gawain
Noong 1633, nilitis ang
siyentistang Italian na si Galileo galilei sa
Inquisition sa salang Heresy. Ito ay dahil
sa kaniyang paniniwalang ang araw at hidi
ang daigdig ang sentro ng kalawakan.
Ipinahayag din ni Galileo na gumagalaw
ang daigdig paikot sa araw. Upang hindi
maparusahan ng Simbahan , binawi ni
Galileo ang kaniyang mga pahayag at
Kung ikaw si Galileo, ipaglalaban
mo ba ang iyong mga paniniwala?
Kung ikawn ang hukom sa
isinasagawang Inquisition, ano ang
iyong magiging pasiya hinggil sa
kaso?
UNAWAIN NATIN

Noong Gitnang Panahon, ang Bibliya ang pangunahing


pinagbatayan ng mga Europeo ng kaalaman tungkol sa
daigdig. Pinaniwalaan din nila ang mga akda ng mga
sinaunang Greek at Roman, tulad nina Aristotel, Ptolemy,
at Archimedes.
UNAWAIN NATIN
Ang agham ay hindi naimbento sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko. Malaon na itong ginamit bilang
Scientia na nangangahulugang “Kaalaman”. Subalit wala pang
konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila
tinatawag ang sarili bilang siyentista.

Ang siyentipiko o siyentista ay isang taong nakatuon sa isang


sistematiko aktibidad upang makakuha ng kaalaman na
naglalarawan at naghuhula sa natural na mundo.
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Sa pagpasok ng ika-16 siglo naging higit na mapanuri ang mga


Europeo sa mga tradisyonal na kaalaman at katuruan ng simbahan.
Napasimulan ang isang rebolusyon nang nagsimulang magtanong ang tao
tungkol sa sansinukbo, na may kinalaman sa paniniwalang panrelihiyon ng
mga Europeo. Ito ang naglunsad ng Rebolusyong Siyentipiko.
MGA PAGBABAGO SA KAALAMAN SA ASTRONOMIYA
Noong Gitnang Panahon sa Europeo, pinaniwalaan ng mga Europeo ang sumusunod
na kaalaman kaugnay sa pisikal na daigdig at sa sansinukob.
 Ang daigdig ang sentro ng sansinukob.
 Hindi gumagalaw ang daigdig.
 Ang mga heavenly body ay bilog at napalilibutan ng liwanayg.
 Gumagalaw ang mga planeta at iba pang heavenly body paikot sa daigdig sa
magkaaktulad na bilis.
 Umiikot ang mga heavenly body paikot sa daigdigsa isang perpektong bilog.
 Sa labas ng kalawakan matatgpuanang kalangitan na tirahan ng diyos at ng mga
kalukuwang nagkamit ng kaligtasan.
Ang mga paniniwalang ito ang pinagbulaanan nina Nicolaus Copernicus, Johannes
Kepler, at Galileo Galilei.
Teoryang Geocentric

Ayon kay Ptolemy, ang daigdig ay sentro ng kalawakan at


ang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.
Tinatawag na geocentric view ang teoryang ito ang nagtaguyod
ng paniniwalang kristiyano na dinesenyo ng Diyos ang kalawakan
para sa mga tao.
Ptolemy Paglalarawan ni Ptolemy sa geocentric system

https://en.wikipedia.org/wiki/Geocentric_model
Ang itinuturing na unang siyentistang humamon sa
teoryang geocentric nina Aristotle at Ptolemy ay ang polish na
astronomers at mathematician na si Nicolaus Copernicus. Ayon

ANG TEORYANG
sa kaniya, ang araw , at hindi ang daigdig, ang sentro ng
sansinukob. Tinatawag ang kaisipang ito na teoryangheliocentric
HELIOCENTRIC NI o sun-centered. Ayon kay Copernicus, gumagalaw ang daigdig at
COPERNICUS iba pang heavenly body paikot sa araw.
Sa takot na usigin at parusahan nang dahil sa kaniyang
mga bagong kaisipan, minabuti ni Copernicus na huwag
ilathala ang kaniyang On the Revolutions of the
Heavenly Spheres. Ipinalimbag ito ng kaniyang mga
kaibigan noong 1543 bago ang kaniyang kamatayan.
Winakasan naman ng German
astronomer at mathematician na si Johannes
Kepler at ng kaniyang three laws of planetary
motion ang paniniwalang gumagalaw ang mga
planeta sa direksiyong pabilog sa araw.

Ayon sa kaniya, patambilog ang orbit na


iniikutan ng mga heavenly body sa araw.

Magkakaiba rin ang bilis ng pag-ikot ng mga


SI KEPLER AT ANG
ito-mas mabilis habang papalapit sa araw at PAGGALAW NG MGA
mas mabagal namn habang papalayo.
PLANETA
Ang Italian astronomer, mathematician, at
physicist na si Galileo ang itinuturing bilang unang
modernong siyentista na nagkamit ng bagong kaalaman
sa pamamagitan ng pagsusuri sa kaniyang kapaligiran.
Noong 1609, naimbento ni Galileo ang teleskopyo na
kaniyang ginamit sa pag-aaral ng kalangitan. Gamit ito
,napagalaman niya ang sumusunod;
 Gumagalaw ang daigdig paikot sa araw
 Hindi isang perpektong bilog ang bilog ang buwan .
Mayroon itong mga bundok at lambak;at
 Hindi lahat ng heavenly body ay gumagalaw paikot sa
araw, katulad ng mga buwan ng Jupiter.

SI GALILEO, ANG DAKILANG SIYENTISTA


Dalawang sa akda ni Galileo ang The Starry Messenger, tungkol sa mga
buwan ng jupiter, at ang Dialogue Concerning the Two Chief World Systems, kung
saan pinanigan niya ang teorya ni Copernicus kaysa kay Ptolemy.
Sa pagpapasinungaling ni Galileo sa mga kaisipang Ptolemaic, pinintasan
niya hindi lamang ang mga naniniwala rito, kung hindi maging ang simbahan na
gumagamit sa mga kaisipang ito sa mga katurang kristiyano.
Noong 1633, ipinatawag si Galileo ni Papa Urban VIII sa Rome upang
harapin ang paglitis sa Inquisition. Sa takot na mapahirapan at maparusahan ng
kamatayan , napilitan si Galileo na bawiin ang kaniyang mga pahayag at nanumpang
tatalikuran ang mga kaisipan ni Copernicus.
Pagkaraan ng paglilitis, nanatili siya sa Florence at ipinagpatuloy ang
pagsusulat ng kaniyang mga pag-aaral hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1642
sa edad na 78 taong gulang.
SI NEWTON AT ANG GRAVITY
Si Isaac Newton ay isang English matematician at prospesor
na naglathala ng Mathematical Principles of Natural
Philosophy, o mas tanyag sa tawag na “Principia”. Dito,
pinagsama-sama niya ang mga natuklasan nina Conpernicus; Kepler,
at Galileo sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng tungkol sa puwersa
na gumagabay sa paggalaw ng daigdig at iba pang heavenly body sa
kalawakan – ang gravity. Ipinaliwanag niya na kaya nananatili ang mga
heavenly body sa kanilang orbit ay dahil naghihilahan ang gravity ng
araw at iba pang heavenly body sa isa’t isa.
ANG SCIENTIFIC METHOD
Isang mahalagang pag-unlad sa pagtuklas ng tao ng bagong kaalaman ang paggamit ng scientific method.Ang
scientificmethod ay ang sisyematikong pagtitipon ng mga datos at pagsusuri ng ideya gamit ang sumusunod na hakbang sa Pigura

Pagtukoy sa
Suliranin

Paggawa ng Pagsusuri ng
Hypothesis Hypothesis Pagsusuri
ng Datos

Pagbuo ng
Konklusyon
Sinuportahan namn ng dalawang pilosopo ang pagbuo ng scientific
method bilang paraan sa pagkamit ng mga bagong kaalaman. Kapuwa nila
binatikos ang paraan ng pagkamit nina Aristotle ng kaalaman at pinaniwalaang
dapat isantabi ang mga tradisyonal na kaalamang ito.

Ayon kay Francis Bacon, isang English na


pilosopo, politiko, at manunulat, kailangan bumuo ng
kongklusyon batay sa pag-aaral ng mga nakalap na
datos. Pinapaniwalaan rin niya na sa pamamagitan
ng pag- unawa sa daigdig , makapagkakamit ang tao
ng kaalaman na para sa ikabubuti rin ng tao.
Inductive Method ay nagsisimula sa mga
obserbasyon sa kalikasan at pagsasagawa ng mga
eksperimentasyon na ang layunin ay makabuo ng
pangkalahatang paliwanag o makatotohanang
pangungusap.
Para naman sa French mathematician at pilosopong si
Rene Descartes, pag-iisip, at hindi ang pakiramdam, ang daan sa
pag- alam ng katotohanan. Sa halip ang pakiramdam, ng
karunungan.
Pinaunlad din niya ang analytical geometry, na kalaunan
ay naging mahalagang instrumento sa siyentipikong pananaliksik.

Naging tanyag si Descartes sa pahayag na

“Cogito, ergo sum” o “I think , therefore I am”, kung saan


pinatunayan niya ang kaniyang eksistensiya gamit ang katuwirang
siya ay nag-iisip.
REBOLUSYON NG DAIGDIG NG AGHAM
Kinakitaan din ng pag-unlad ang larangan ng physics,
anatomy, at chemistry noong panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko.
Malaki ang naging impluwensiya ni Galen sa larangan
ng anatomy. Pinag-aralan niya at dinissect ang aso at unggoy
upang maunawaan ang katawan ng tao. Sa kaniyang panahon,
ipinagbabawal ang pag-dissect ng labi ng tao para pag-aralan.
Si Aelius Galenus or Claudius Galenus o Galen ay
isang Griyego. Ang kanyang mga teorya ukol sa medisina ay
namayani sa Roma. Hiniwa niya ang katawan ng hayop upang
pag-aralan ang sistema ng pangangatawan nito.
ENLIGHTENMENT
Nakabuo ang mga Iskolar ng mga teorya sa pilosopiya na naging
batayan ng konsepto ng pamahalaan, demokrasya at edukasyon sa
modernong panahon. Ang panahong kinapalooban ng mga nasabing
iskolar ay nakilala bilang Age of Enlightenment o Panahon ng
Kaliwanagan. Ibig saabihin ay, ginamit ang katuwiran at siyentipikong
pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay. Tinawag din itong Age of
Reason dahil sa paniniwalang sa paggamit ng pangangatwiran
matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at bubuti ang pamumuhay ng
tao.
ENLIGHTENMENT AT PAMAHALAAN

Sa panahong ito nailunsad ang magkasalungat


na ideyang politikal ng mga English na sina Thomas
Hobbes ang may akda ng Leviathan (1651) na Thomas Hobbes
naglalaman ng kanyang ideyang politikal; at John Locke
na isang Pilosopong English na sumulat ng Two Treatises
of Government (1689).

https://www.google.com/search?q=john+locke&source=lmns&hl=en- John Locke


US&sa=X&ved=2ahUKEwi816zms5TvAhVHXJQKHQyrBbYQ_AUoAHoECAEQAA
Kaisipan Hobbes Locke

May kakayahan ang tao na matuto mula sa


Kalikasan ng Tao Ang tao ay likas na makasarili at masama
karanasan at pagpapaunlad ng sarili

Higit na mahalaga ang kaayusan kaysa sa May talong likas na karapatan ang tao -
Karapatan ng Tao
karapatan ng tao buhay, kalayaan, at pagmamay-ari

Ang pamahalaan ay dapat magtangan ng Lehitimo ang kapangyarihan ng


Kapangyarihan ng Pamahalaan nakatatakot na kapanyarihan nang tulad pamahalaang may pahintulot ng
ng isang leviatian o halimaw sa dagat mamamayan

May kasunduan ang pamahalaang


May kasunduan ang pamahalaang
pangalagaan ang karapatan ng tao. Sa oras
Social Contract o Kasunduang pananatilihin ang kaayusan sa lipunan
na hindi tuparin ng pamahalaan ang
Panlipunan kung isusuko sa kaniya ng tao ang mga
tungkuling ito, may karapatan ang tao na
karapatan nito
mag-alsa laban sa pamahalaan

Uri ng Pamahalaan Monarkiya Nagsasariling Pamahalaan


Malaki rin ang iniambag ng mga naliwanagang French na sina Voltaire, Montesquieu,
at Rousseau sa pag-unlad n mga ideyang politikal sa Europe.

Si Baron de Montesquieu sa kanyang akda na The Spirit of the


Laws. Sa nasabing akda ay tinaguyod nya ang Meteorological Climate Theory
o paniniwalang klima at pagkakataon ang nagtatakda ng anyo ng
pagkakataon. Ayon sa kanya maaaring maimpluwensiyahan ng klima ang
kalikasan ng tao at ang kanyang lipunan.

Isinusulong din ni Montesquieu sa kanyang akda ang


kahalagahan ng Check and balances sa pamahalaan at kung paano ito Baron de Montesquieu
http://montesquieu.com/the-baron/
maisasakatuparan gamit ang Separation of Powers
Separation of Powers- Pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatibo at ehekutibo) na mayroong hiwa-hiwalay na kapangyarihan.
Check and Balances – sistema kun saan ang tatlong sangay ng pamahalaan ay may pantay na kapanyarihan at maaring hadlangan ang pagmamalabis sa
kapangyarihan ng alinmang sa kanilang tatlo
Si Francois Marie Arouet na mas kilalabilang Voltaire.
Nagtaguyod ng paniniwalang ang demokrasya ay lalo lamang
nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa. Para sa kanya isang
hari lamang na pinapayuhan ng mga intelektuwal na tulad niya ang
maaaring magdulot ng pababago. Sa madaling salita, Monarkiya
ang sagot sa pag-unlad at pagbabago.

Tinatawag na enlightened despot ang mga naliwanagang François-Marie


Arouet o Voltaire
hari o reyna na labis at walang takda ang kapangyarihan. https://www.google.com/search?q=voltaire&source
=lmns&bih=625&biw=1366&hl=en-
US&sa=X&ved=2ahUKEwiJ5tHwvZTvAhXhIaYKHVzuB
JoQ_AUoAHoECAEQAA
Si Jean Jacques Rousseau, isang Swiss-French na
Pilosopo na sumulat ng The Social Contract noong 1762.
Ipinaliwanag ni Rousseau na ang social contract ay
kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumika ng
isang lipunan at pamahalaan. Naniniwala siya na likas na
mabuti ang tao
Jean-Jacques Rousseau
https://www.google.com/search?q=jean+jacques+rousseau
&bih=625&biw=1366&hl=en-
US&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=QR_l6NMEtrPAQM%2
52CZ9Vkj6nzj34k1M%252C%252Fm%252F0420y&vet=1&us
g=AI4_-
kR55CmCjH6e8gU6r2rn45HSp5mX6Q&sa=X&ved=2ahUKEwj
DmI6lwJTvAhVHxIsBHaayCHMQ_B16BAgrEAE#imgrc=uPFaIe
KIEqIT-M
Mga Puna sa Lipunan at
Pagpapalaganap ng kaisipang
Enlightenment
Isang Italian, si Cesare Beccaria, ang tumulisa sa pang-aabuso sa
katarungan. Giit niya, ang batas ay para sa pagpapanatili ng kaayusang
panlipunan, hindi upang mapahiantihan ang mga nagkasala. Sa kanyang
aklat na On Crimes and Punishment binatikios niya ang pagpapahirap at ang Cesare Beccaria
pagpaparusa ng kamatayan.

https://www.google.com/search?q=jean+jacques+rousseau
Ang naipalaganap ang ma kaisipang Enlightenment sa mga salon &bih=625&biw=1366&hl=en-
US&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=QR_l6NMEtrPAQM%2
52CZ9Vkj6nzj34k1M%252C%252Fm%252F0420y&vet=1&us
at sa pamamagitan ng Encyclopedia g=AI4_-
kR55CmCjH6e8gU6r2rn45HSp5mX6Q&sa=X&ved=2ahUKEwj
DmI6lwJTvAhVHxIsBHaayCHMQ_B16BAgrEAE#imgrc=uPFaIe
KIEqIT-M
Ang terminong Encyclopaedist ay tumutukoy sa isang grupo ng mga pilosopong French na
natulong-tulong upang mabuo ang Encyclopedie. Ang nasabing aklat ay koleksiyon ng mga
impormasyon tungkol sa iba’t-ibang tema, particular sa agham at teknolohiya. Na naging daan
upang maiphayag ng mga batikang pilosopo ang kanilang puna at hinaing sa lipunan.

Ang salon ay ang pagtitipong ginaganap ng mga mayamang kababaihan sa Europe,


particular sa Paris na dinadaluhan ng mga siyentista, manunulat, pilosopo, alagad ng sining at iba
pang intelektuwal.
Mga Kaisipan ukol sa Eduksyon
May paniniwala ang mga pilosopo na ang kaalaman at edukasyon ang madudulot ng
pag-unlad at kaligayahan sa mga tao.

Sa akda ni John Locke na An Essay Concerning Human Understanding 1690


tinalakay niya ang koseptong tabula rasa, ayon dito ang utak ng tao ay parang
blangkong papel na magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng pandama.
Ang tamang edukasyon ay maaaring humubog ng matalino at responsableng
mamamayan.
ENLIGHTENMENT AT KABABAIHAN
Itinaguyod ni Mary Astell ang pagkakaroon ng pantay na
karapatan ng kababaihan sa Edukasyon sa kaniyang akdang A Serious
Proposal to the Ladies.
Si Mary Wollstonecraft ang tumalakay sa karapatan ng
kababaihan sa kanyang akda na A Vidication of the Rights of womwn
(1792) na sinasabing dapat magkaroon ng karapatang bumoto at
magkaroon ng posisyon ang mga kababaihan sa pamahalaan. Maaring
itinuturing si Wollstonecraft bilang unang peminista o tagapagtaguyod
ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at babae
ENLIGHTENMENT AT SINING
Tinaguriang Neoklasikal ang sining sa panahon ng Enlightenment.

Alagad ng Sining Deskripyon at Obra


Eskultor na naglilok ng estatwa ng "Perseus with the Head of
Antonio Canova
Medusa" at ang "Napoleon"

Kompositor na Austrian na kinilala bilang "Ama ng Symphony".


Franz Josef Haydn
Isa sa nagpa-unlad ng piano trio at ebolusyon ng Sonata Form

Wolfgang Amadeus Kompositor na Austrian na may akda ng musika para sa ballet na


Mozart Les PetitsRiens
Kompositor na German na kinilala bilang pinakadakilang
Ludwig van Beethoven kompositor na nabuhay sa pagitan ng panahong klasikal at
romantic
Sanggunian
Mateo, G.C et al., 2012,Araling Panlipunan: Kasaysayan ng
Daigdig. Vibal Publishing House, Inc. P. 269-277
Cruz, M.M et al., 2014, Kasaysayan ng Daigdig. Vibal
Publishing House, Inc. 251-259

You might also like