Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: ___________________________
Lebel:____________ Seksiyon:
___________________________
Petsa:___________

GAWAING PAGKATUTO

Quarter 4
Panimula (Susing Konsepto)
Kung ikaw ay malalagay sa isang sitwasyong
kinakailangan mong magtiis, makakaya mo kaya?
May kasabihang, “Habang maikli ang
kumot, matutong bumaluktot." Ito ang
ating aalamin sa araling ito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa
ng anumang hakbangin: Pagsangguni sa taong
kinauukulan (EsP4PKP-Ic-d-24)

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang kuwento ni Willy
tungkol sa kaniyang pag-aaral. Sagutin ang mga
tanong nang may katapatan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Gawain 1
“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang
sa Paaralang Maunlad sa lalawigan ng Aurora.
Pangarap ko ang makapagtapos sa aking pag-aaral
kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat kong
harapin. Hindi ko iniisip kung ang mga bagay bagay
na dapat kong gawin ay mangangahulugan ito ng
ibayong paghihirap.”
“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw
ng malalakas na bagyo. Madalas kaming tamaan ng
mga ulan at hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa
mapuputik na daan kung tag-ulan at ang paglangoy
sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay
mapanganib”
“Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay.
Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, ang
tulay ay nasira ng bagyo. Hindi kaagad naisagawa
ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat
Note: Practice Personal Hygiene
marami pang higit na kailangang unahin sa mga
naapektuhan ng bagyo.

“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa


kabilang baryo makarating lamang sa paaralan.
Hindi ako lumiliban sa klase kahit basa na ang aking
sapatos sa pagtahak sa daang may baha o putik. Ang
palagi kong iniisip ay ang pangarap kong
makapagtapos ng pag-aaral.”

“Isang araw, napansin ng aking guro na


tila ba pagod na pagod ako at pawisan nang
dumating sa paaralan. Nalaman niya na nasira ang
tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat
ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan
ang agarang pagkukumpuni ng tulay.”

“Hindi nagtagal, nagawa na ang sirang tulay at muli


itong nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar.
Malaking pasasalamat ng aking mga kapitbahay sa
naisagawang pag-aayos ng tulay.”

__________ 1. Batay sa kwento, paano ipinakita ni


Willy na siya ay isang batang mapagtiis?
a. Tinitiis ang paglakad sa mapuputik na
daan lalo na kung tag-ulan at ang
paglangoy sa baha kung
tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay mapanganib at
hindi dapat gawin o tularan.
b. Tinitiis ang kakarampot na pera
niyang baon para lamang makapasok
siya sa paaralan.
c. Tinitiis niya ang kanyang lumang
sapatos at damit makapasok lamang
siya sa paaralan.
d. Tinitiis niya ang pag aalipusta sa
kanya ng kaniyang mga kamag-aral
maabot lamang niya ang kaniyang
pangarap
e. sa buhay.

__________ 2. Ano ang pangarap ni Willy?

a. Pangarap niya maging isang guro.


Note: Practice Personal Hygiene p
b. Pangarap niya ang magkaroon ng magandang bahay.
c. Pangarap niyang yumaman.
d. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

__________ 3. Ano ang napansin ng kanyang guro isang araw?

a. Napansin ng guro na siya ay malungkot nang


dumating sa paaralan.
b. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
pawisan nang dumating sa paaralan.
c. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
malungkot nang dumating sa paaralan.
d. Napansin ng guro na siya ay pawisan at hinihingal
nang dumating sa paaralan.
__________ 4. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?

a. Natuklasan niyang nawasak ang bahay nila Willy.


b. Natuklasan niyang nasira ang tulay
malapit kina Willy. c. Natuklasan niyang
nawasak ang kanilang sinasakyan.
d. Natuklasan niyang nasira ang sapatos ni Willy.

__________ 5. Ano ang naging daan upang maipagawa


ang tulay sa lugar nina Willy?

a. Kinausap ng guro ang mga opisyales ng kanilang


Barangay.
b. Nagkaroon ng fund raising sa kanilang paaralan.
c. Humingi ng tulong sa mga magulang na nasa abroad
d. Gumawa ang guro ng isang sulat upang maipakiusap
sa kinauukulan.
Gawain 2
Sa loob puso ay gumawa ng isang sulat/liham para sa
isang taong alam mong nagtitiis para sa iyo. Sabihin
mo sa kaniya kung ano naman ang maaari mong gawin
upang masuklian ang ginagawa niya.
Gawain 3
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

Ano ang dapat mong gawin kung...

1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na


ng pagpila para sa seremonya sa
Watawat ng Pilipinas
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
________________________
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian
ninyo ng iyong mga kapatid, subalit gusto
mo pang kumain
____________________________________
_____________
_______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya
kinakailangan kang maglatag at humiga
sa sahig

____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
4. inutusan ka ng nanay mo upang bumili ng
tinapay sa panaderya. Pagdating mo
roon, ay napansin mo ang
napakahabang pila
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
5. naglalaro kayo ng kapatid mo ng habalun
nang biglang natabig ng kapatid mo ang
mamahaling plorera ng
inyong ina
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________
____________________________________
_____________ _______________

You might also like