Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3 PAL
Modyul 3 PAL
Modyul 3 PAL
Tatlong daang taon na mahigit nating niyakap ang hindi makatarungang pananakop ng mga Kastila. Sa pagdating
ng mga mananakop ay kasabay ng pagkawala at pagpapasunog ng mga Kastila ng mga sinaunang akda ng ating mga
ninuno. Sinabi ng mga mananakop na itong mga likhang sining na likha ng mga sinaunang katutubo ay gawa ng demonyo
kaya naman ito ay ipinasunog nila.
Taong 1521 nang dumating ang pangkat ni Magallanes sa Pilipinas. Sandata at Relihiyon ang ginamit ng mga
Kastilang mananakop para masakop ang Pilipinas. Taong 1565 opisyal na itinatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng
Espanya sa Pilipinas at humigit kumulang sa 44 na taon ang nakaraan nang dumating ang pangkat ni Magallanes.
Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay at panitikan ng mga Pilipino. Magpalaganap ng Kristiyanismo ang unang
layunin ng mga Kastila, ikalawa ang magpayaman, kasama rin ang magpalawak at magpalakas ng kapangyarihan. Ang
karaniwang paksa ng mga akda ay panrelihiyon bilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Bukod dito, mahihiwatigan na
ang ilang akda, kahit pa ang ilang akdang panrelihiyon ay naghahayag ng mga ideyang may kinalaman sa paghubog ng
kagandahang asal lalo na’t kung sisipating mabuti ang ilan sa mga akdang lumitaw noong unang bahaging Panahon ng
Kastila. Samantala, pinalitan ng Alpabetong Romano ang Sistema ng pagsulat, naisantabi na ang paggamit ng baybayin.
● Doctrina Cristiana (1593)- ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinulat nina Padre
Juan De Plasencia at Padre Domingo De Nieva. Nakalimbag sa wikang Tagalog at Kastila. At naglalaman ng mga paksang
Pater Noster, Ave Maria, Credo, Regina Coeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Santa Iglesia, Pitong Kasalanang
Mortal, Labing- apat na Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Kat esismo.
● NuestraSenora Del Rosario- ang Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Sa panahong iyon, ang typographic method
ang ginamit sa paglilimbag, ito ay isang bagong paraan ng paglilimbag na ipinasok sa ating bansa ng mga dayuhan. Ang
kauna-unahang aklat na inilimbag sa pamamagitan ng typographic method ay ang Libro de Nuestra Senora del Rosario
na isinulat sa Filipino ng Dominican friar na si Francisco Blancas de San Jose at ito ay inilathalanoong 1602.
● Barlaan at Josaphat (1708) - ito ay isang salaysay sa Biblia na isinalin sa tagalong ni Padre Antonio De Borja mula sa
Griyego.
● Urbana at Feliza- Ito ay isinulatni Padre Modesto De Castro ay tinaguriang “Ama ngTuluyang Klasikal sa Tagalog” dahil
sa pagsulat nito. Ang akdang ito ay binubuong palitan ng liham ng magkapatid na Urbana at Feliza. Ang isa ay nasa
lalawigan at isa ay nag-aaral sa isang kolehiyo sa Maynila. Maraming bahagi ng akdang ito ang nagtatampok ng mga
pagpapahalaga sa buhay.
● Ang Dalit kay Maria- ito ay isinulat ni Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino na nagsulat noong 1865. Ang paksa
ay tungkol sa pagpaparangal sa Mahal na Birhen at inaalayan din itong mga bulaklak.
● Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa – Naitampok din ng mga Kastila ang mga ganitong akda upang makapagtakda
ng uri ng pamumuhay na maaaring pamarisan ng mga Pilipino.
Mga Halimbawa ng Akdang Pampanitikan:
An Unknown Tagalog
Angola’y titigisin,
aking paglalakbayin,
Tuksong mabaw-mabawin
at ditto ko hahanguin
aking sasandatahin.
ako’y pasasalamat
Sa Padreng nagsiwalat
Daluyong matataas,
ako’y magsusumikad,
timbulang ikaligtas.
Anong di ikahakbang;
magtuturo ng daan;
tungkod ay inilaang
sukat pagkatibayan.
(1605)
Urbana at Feliza
Sa Katungkulan sa Bayan
FELIZA: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa’t sumulat, cuenta at dumating ang
kapanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya'y gawing punongbayan, kaya minarapat ko sa loob na isulat sa
iyo ang kanyang aasalin kung siya'y magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may pagkaaninawan
kung maging kailangan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang kahalimbawa'y korona na di ipinagkakaloob kundi sa may
karapatan, kaya di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan, ang kamahalan at karangalan ang
dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa
karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pa hikayat ang loob ng tao sa pagnanasang
karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung makakayan ang pasanin. Pag-
aakalain ang sariling karunungan, kabaitan at lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at kung ang lahat ng ito'y
magkatimbang-timbang, sa kapahinuhod ang loob sa pagtanggap ng katungkulan, ngunit hindi rin dapat pagnasaan at
pagpilitang kamtan, subali't dapat tanggapin, kung pagkakaisahan ng bayan, at maging kalooban ng Diyos.
Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa, sapagkat ang
pinagkakadahilanan ay ang magaling na gayak ng loob na siya'y pakinabangan ng tao, kundi siya ay makinabang sa
kamahalan; hindi ang pagtitiis ng hirap sa pagtupad ng katungkulan, kundi ang siya'y maginhawahan; hindi ang siya'y
pagkaginhawahan ng tao, kundi siya ay paginhawahin ng taong kanyang pinagpupunuan.
Ang masakim na kamahalan, sa karaniwan ay hindi marunong tumupad ng katungkulan, sapagkat hindi ang katungkulan,
kundi ang kamahalanang pinagsasakiman; salat sa bait, sapagkat kung may ingat na bait, na makikilala ang kabigatan, ay
hindi pagpipilitan kundi bagkus tatanggihan, kaya marami ang nakikitang pabaya sa bayan, walang hinaharap kundi ang
sariling kaginhawahan; ang mayaman ay kinakabig, at ang imbi ay iniiring. Kaya, Feliza, ingatan mo si Honesto, pagdating
ng kapanahunan, tapunan mo ng magandang aral nang huwag pumaris sa iba na walang iniisip kundi tingalain sa
kaibuturan ng kamahalan, sukuan, igtalang at pintuhuin ng tao sabayan.
Huwag limutin ni Honesto, na ang karangalan sa mundo ay para ring mundo na may katapusan; ang fortuna o
kapalaranng tao, ay tulad sa gulong na pipihitpihit, ang nasa itaas ngayon, mamaya'y mapapailaliman, ang tinitingala
ngayon, bukas ay mayuyurakan, kaya hindi ang dapat tingnan lamang ay ang panahong hinaharap kundi pati ang
haharapin. Itanim mo sa kanyang dibdib, ang pagtupad ng katungkulan na sakaling tatanggapin niya, sapagkat may
pagsusulitan may justicia sa lupa’t may justicia sa langit; ang malasin ng justicia rito, ay di makaliligtas sa justicia ng
Diyos. Huwag magpalalo, sapagkat ang puno at pinagpupunuan, di man magkasing-uri ay isa rin ang pinanggalingan, isa
ang pagkakaraanan at isa rin naman ang kauuwian; Diyos ang pinanggalingan, kaya magdaraang lahat sa hukuman ng
Diyos at Diyos din naman ang kauuwian. Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasa ng igalang ng tao. Mahal man at
kung malupit, ay di na mamahal, kundi kinalulupitan, at pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kanyang pinaglulupitan. Ang
kapurihan ng mahal na tao ay nasa pagmamahal sa asal, at pagpapakitang loob, pamimihag ng pusong tao; ngunit ang
pagmamalaki at pagmamataas, ay tandang pinagkakakilanlan nang kaiklian ng isip, at pinagkakadahilan ang pagkapoot
ng kaniyang kapwa. Kailan may huwag lilimutin ng puno ang kanyang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man at
hindi, sapagkat kung ang paglingap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang familia, at sa panahon ng kagipitan ay di
magpapabaya ang kanyang pinagpakitaan ng magaling. Pakatatandaan, na ang isang ginoo o mahal na marunong
tumupad ng katungkulan, tapat na loob sa mga kaibigan, mapag-ampon sa mga mabababa, maawain sa mahirap, ang
ganitong mahal ay ligaya at kapurihan ng bayan at hari ng lahat ng puso. Sa katagang wika’y ang tunay na kamahalan ay
nasa pagmamahal sa asal at paggawa ng magaling. Unti-unti, Feliza, na ipakilala mo kay Honesto ang kahalagahan ng
mahal na asal ng pagtunton sa matuwid at kagandahan ng loob. Itala mo sa kanyang dibdib na ang baculo, trono, corona
ma’t centro ay walang halaga kung di na papamutihan nitong mahahalagang hiyas. Ipahayag mo kay ama’t ina ang
kagalingan ko sa kanila. Adiyos Felisa, hanggang sa isang sulat. Urbana.
Oh Diyos sa kalangitan
Hari ng sangkalupaan
At punong karunungan.
Na nangungulila ng lubos,
Amang di matapus-tapos
Maawit mapagkupkop,
Sa taong lupatalabok.
Sa pagsulyap sa mga Pilipino noon ay tahimik at ballot ng takot ang bayan sa ibayong paghihigpit at pagbabanta
ng mga Kastila, ngunit sa katotohanan ay ditto nagsimula ang pagpapahayag ng kanilang masidhing damdamin upang
lumaban at maghimagsik laban sa pamahalaan. Nagkaroon ng mga kilusan sa pulitika at sa panitikan ditto sa Pilipinas at
sa ibayong dagat. At ang dating diwang makarelihiyon ay nagging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga Kastila, subalit di nila
nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. Ang dating diwang makarelihiyon ay nagging
makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
Ang Panahon ng Propaganda at Panahon ng Himagsikan ang dalawang panahon na nahati sa Panahon ng
Pagbabagong Isip.
Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo del
Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng
reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim
ng batas.
TATSULOK NG PROPAGANDISTA
Tatlo ang taluktok o pinaka lider ng Propaganda. Ang mga ito ay sina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, at Graciano
Lopez Jaena.
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil
sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang
kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat
Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pagkakaroon ng kinatawansa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng
sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga
pang-aabuso at ano mang anomaly sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa pamahalaang Kastila ng mga
reporma sa mapayapang pamamaraan.
Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal
na layunin. Sina Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--Juan
at Antonio—ang ilan sa mga kasapi rito.
Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na unang inilathala sa Barcelona, Espanya noong
Pebrero 15, 1889. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonyang Pilipinas. Natapos ang paglilimbag
noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim naming binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan.
Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil kinulang sila ng pondo, hindi sila pinakinggan ng mga prayle,
hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat
nilang tugunan. Samantala, binanggit nina Suarez-Buensuceso, et.al. (1997) na nang matapos ang kilusang propaganda,
humantong ito sa isang lantarang paghihimagsik laban sa mga Kastila sa ngalan ng kalayaan ng mga Pilipino. Dahil dito,
kinailangan ang isang rebolusyonaryong pagkilos sa pamamagitan ng Katipunan. At mula sa samahang ito, nagsisulat din
ng mga makabayang akda sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini upang ipahayag ang pag-alma laban
sa mapaniil na pamahalaang Kastila.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.
Sa Kabataang Pilipino
ni Dr. José Rizal
Tagalog version of “A La Juventud Filipina”
(Kung nais basahin ang buong sipi https://www.kapitbisig.com/philippines/poemswritten-by-dr-jose-rizal-sa-kabataang-
pilipino-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-of-a-lajuventud-filipina_611.html)
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa– salin sa tulang Kastilang “ Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20,
1882 sa “ Diariong Tagalog”.
2. Kaiingat Kayo – ito ay isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa mga pagtuligsa sa “ Noli” ni Rizal.
3. Dasalan at Tocsohan– akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona.
4. Ang Cadaquilaan ng Dios – ito ay isang hawig sa katesismo subalit laban at pagtuligsa sa mga prayle na inilathala
sa Barcelona.
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas- isang tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago
6. Dupluhan…Dalit…MgaButong– ito ay katipunan ng maiigsing tula na may lamang ng mga pang-aaping ng mga
prayle sa Pilipinas.
7. La Soberana en Filipinas– isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga
prayle sa mga Pilipino.
Amain Namin
(Parodyang “Our Father“)
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Sa ulan mo cami
ngayon nang aming kaning iyon ginarao-arao at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pagpapataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa
iyong manunukso at iadya mo kami samasama mong dila.
ANTONIO LUNA(1868-1899)
Narito naman ang ilang manunulat noong Panahon ng Himagsikan at ang ilang halimbawa ng kanilang mga
akdang may nasyonalistikong kamalayan:
ANDRES BONIFACIO
KANIYANG MGA AKDA:
1. Katungkulang Gagawin ng Mga Anak ng Bayan – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng
kartilyang ito.
2. Huling Paalam – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal
3. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar. Naging bantog
ang tulang ito lalo ng sumiklab ang pakikibaka ng mga Pilipino labas sa espanya noon.
APOLINARIO MABINI
KANIYANG MGA AKDA:
1. El Verdadero Decalogo – (Ang Tunay na Sampung Utos) – ito ang ipinalalagay na kaniyang pinaka “obramaestra” na
ang pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap ng nasyonalismong Pilipino.
2. El Desarollo Y Caida de la Republika Filipina (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino)
3. Sa Bayang Pilipino- sa akdang ito, nais ni Apolinario Mabini na ihasik ang diwang nasyonalismo sa mga Pilipino.
Sa pagsusuri sa mga isinasaad ng Dekalogo, isasaalang-alanga ng bersiyong isinulat mismo ni Mabini sa wikang Tagalog
(sinipi ni Cuasay 1974: 110-112):
Una. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay; ang Diyos ay siyang bukal ng buong
katotohanan, ng buong lakas; ang paghahangad ng puri ang siya lamang makaaakit sa iyong huwag magbulaan, kundi
lagging matuto sa katuwiran at magtaglay ng kasipagan.
Ikalawa. Sambahin mo ang Diyos sa paraang minamatuwid at minamarapat ng iyong bait at sariling kalooban, na
kung tawagi’y konsiyensiya, sapagka’t sa iyong konsensiya na sumisisi sa gawa mong masama at pumupuri sa magaling
ay doon nangungusap ang iyong Diyos.
Ikatlo. Sanayin mo at dagdagan ang katutubong alam at talas ng isip na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa
pamamagitan ng pag-aaral at pagsakitan mo sa buong makakaya ang gawang kinahihiligan ng iyong loob, na huwag kang
sisinsay kailanman sa daan ng magaling at katuwiran, nang mapasa iyo ang lahat ng bagay na dapat mong kailanganin at
sa paraang ito’y makatulong ka sa ikasusulong ng kalahatan; kung gayo’y magaganap mo ang ipinatutungkol sa iyong
Diyos sa buhay na ito, at kung ito’y maganap mo’y magkakapuri ka at kung may puri ka na’y ipatatanghal mo ang
kaluwalhatian ng iyong Diyos.
Ikaapat. Ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na kaikalawang Diyos at ng iyong puri at higit sa iyong sarili,
sapagka’t siya ang makaisa-isang Paraisong pinaglalagyan sa iyong Diyos sa buhay na ito, bugtong na pasunod sa iyong
lahi, na kaisa-isang mamamana mo sa iyong mga pinagnuno at siya lamang pag-asa sa iyong inanak; dahil sa kanya’y
humahawak kang buhay, pag-ibig at pag-aari, natatamo mo ang kaginhawahan, kapurihan at ang Diyos.
Ikalima. Pagsakitan mo ang kaginhawahan ng iyong bayan nang higit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya’y
pagharian ng kabaitan ng katuwiran at ng kasipagan, sapagka’t kung maginhawa siya’y pilit ding giginhawa ikaw at ang
iyong kasambahay at kamag-anakan.
Ikaanim. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na makapagmamalasakit
sa kanyang ikadarakila at ikatatanghal, palibhasa ’yang kanyang kasarinlan ang siya mong sariling kaluwagan at kalayaan,
ang kanyang pagkadakila ang magdadala sa iyong lahat mong kailangan at ang kanyang pagkat ang haling siya mong
kabantugan at kabuhayang walang hanggan.
Ikapito. Sa iyong baya’y huwag kang kumilala sa kapangyarihan ng ninumang tao na hindi palagay ninyong
magkababayan, sapagkat ang buong kapangyariha’y sa Diyos nagmumula at ang Diyos ay sa konsiyensiya ng bawa’t tao
nangungusap, kaya’t ang sinumang ituro at ihalal ng mga konsiyensiya ng lahat ng mamamayan ang siya lamang
makapagtataglay ng wagas na kapangyarihan.
Ikawalo. Ihanap mo ang iyong bayan ng Republika, yaon bagang lahat na nagpupuno ay palagay ng mga
mamamayan, at huwag mong payagan kailanmang Monarkiya, ang pagkakaroon ng hari, sapagkat walang binibigyan ang
hari ng kamahalan kundi ang isa o ilan lamang sa mag-anak upang maitanghalang sarili niyang kamag-anakan na siyang
panggagalingan ng lahat ng maghahari, hindi ganito ang Republika na nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat
ayon sa bait ng bawa’t isa, nang pagka-dakila, alang-alang sa kaluwagan at kalayaan at ng kasaganaan at kadakilaang
tinataglay ng kasipagan.
Ikasiyam. Ibigin mo ang iyong kapuwa tao paris ng pag-ibig mo sa iyong sarili, sapagkat binigyan siya ng Diyos
gayun din na manikaw ng katungkulang tulungan ka at huwag gawin sa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa kanya. Nguni’t
kung ang iyong kapuwa ay nagkukulang ditto sa kamahal-mahalang katungkulan at nagtatangka ng masama sa iyong
buhay at kalayaan at pag-aari ay dapat mong ibuwal at lipulin siya sapagkat ang mananaig ngayo’y ang kauna-unahang
utos ng Diyos na mag-ingat ka at iniingatan kita.
Ikasampu. Laging itatangi mo sa iyong kapuwa ang iyong kababayan at lagi na mangariin mo siyang tunay na
kaibigan at kapatid o kundi ma’y kasama, palibhasa’y iisaang inyong kapalaran.
EMILIO JACINTO
KANIYANG MGA AKDA:
1. Kartilya ng Katipunan – Ito ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at
prinsipyong Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó.
2. Liwanag at Dilim – Katipunan ng kaniyang mga sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa,
paniniwala, pamahalaan at pag-ibig sa bayan.
3. A Mi Madre (Sa Aking Ina) – isang madamdaming oda.
4. A La Patria – ang ipinalalagay na kaniyang obra-maestra.
Halimbawa ng Kaniyang Akda:
Kartilya ng Katipunan
ni Emilio Jacinto
1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng
kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't
pangungusap sa talagang Katuwiran.
4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong,
sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang
pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di
na muli pang magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.
9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10.Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama,
ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
11.Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga
kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang
pinagbuhatan at nagiwi sa iyong kasanggulan.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.