Professional Documents
Culture Documents
Review
Review
Review
salitang Latin na exagium (pagtimbang). Ang French ezzai ay maaaring literal na isalin sa pamamagitan
ng mga salitang karanasan, pagsubok, pagtatangka at iba pa.
B. ELEMENTO
1. Tema at Nilalaman
Ang tema ay ang kaisipan na siyang iikutan ng nilalaman ng isang sanaynay. Ang tema ay dapay
napapanahon at nakakakuha ng interes ng mga mambabasa.
2Anyo at estruktura
Sa anyo at estruktura nakapaloob ang tatlong bahagi ng epektibong sanaysay. Ito ay mahalagang
sangkap na makakatulong sa may akda at mga mambabasa upang lubos na maunawaan ang daloy ng
mga ediya.
3. Wika at Estilo
Ito ay ang paraan ng pagsulat at wastong paggamit ng wika ng may akda. Higit na epektibo ang isang
komposisyon kung ang manunulat ay gumagamit ng mga payak at simpleng pananalita na madaling
nauunawaan ng mga mambabasa.
1. Pamagat
Kinikilala ng pamagat ang paksa o pangunahing ideya na sakop ng sanaysay. Alinsunod dito, nagdadala
ito ng isang direktang ugnayan sa nilinang na binuo. Gayunpaman, sa ilang mga okasyon ang pamagat ng
sanaysay ay maaaring matalinghaga o nagpapahiwatig.
II. Panimula
Ang panimula ay ang unang talata ng teksto. Dapat itong isulat sa paraang maging interesado ang
mambabasa na basahin ang sanaysay hanggang sa wakas. Para maintindihan niya kung ano ang pag-
uusapan sa hinaharap.
Halimbawa: Ang kasalukuyang sitwasyon mula sa personal o panlipunang buhay, ilang teorya o
isang napatunayang siyentipikong katotohanan.
4. 4. Mag-ingat kapag gumagamit ng mga nakakatawang parirala. Ang ilang mga mambabasa ay
maaaring makaranas ng pangangati habang nagbabasa
5. Kailangang pag-usapan ang personal na karanasan, mga impression at alaala sa napiling paksa.
6. 6. Kinakailangang manatili sa napiling paksa at hindi "pumunta", sa naglalarawan ng hindi
maunawaan na mga katotohanan.
7. 7. Bago isumite, dapat basahin ang sanaysay siguraduhing mayroong lohika sa teksto.
8. 8. Para sa higit na panghihikayat, ang mga resulta ng pananaliksik at mga obserbasyon ay
ginagamit.
9. Halimbawa: “Ang isang bukas na puso ay gumagawa ng isang tao na tunay na mayaman"
ANYO NG SANAYSAY
URI NG PANITIKAN: ALAMAT
A. Ang Alamat
Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman
ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook.
Ayon kay Cuasay, (1973), ang alamat ay kwentong nagpapaliwanag ng unang bayan, bulaklak,
halaman, bunga, hayop at karaniwang bagay.
Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay
na buhay pa rin hanggang ngayon.
2. Alamat Ng Rosas
Ang alamat na ito ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng bulaklak na rosas.
3. Alamat Ng Saging
Kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng saging.
4. Alamat Ng Bayabas
Ang Alamat na ito ay tungkol sa pinagmulan ng bayabas.
5. Alamat Ng Mangga
Ang kwentong bayan na ito ay may aral na kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita.
7. Alamat ng Ampalaya
Ang kwentong bayan na ito ay tumatalakay sa inagmulan ng ampalaya at kung bakit mapait ito.
8. Alamat Ng Pilipinas
Ang kwentong bayan na ito ay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas.
9. Alamat Ng Sampaguita
Ang alamat na ito ay may aral na huwag gumawa ng hindi totoong kwento tungkol sa iba dahil
wala itong mabuting maidudulot kaninuman.
3. Maaaring hatiin ang bawat grupo at bigyan ng iba’t-ibang alamat upang kanilang
ipresenta sa harapan upang mas magiging ganap ang mga pangyayari sa kwento.
Alamat ng Malbarosa
Noong araw ay may isang mayaman at matapang na sultang naninirahan sa isang pulo. Bagama’t
mayaman, hindi siya kinagigiliwan ng mga mamamayan. Siya’y masyadong malupit.
Siya’y may anak na dalagang ang iwing kagandahan ay nakikipagtimpalak sa mga bulaklak. Siya’y
si Rosa. Dahil sa taglay na yumi at bait, siya’y pmagbubuhusan ng pagmamahal ng mga sakop ng
sultan. Halos hagkan ang kanyang mga yapak.
Si Malbar ay isang binatang kabilang sa mga pinunong naglilingkod sa hukbo ng sultan.
Matipuno ang katawan at bilugan ang hugis ng mukha; malago at alun-alon ang maitim na
buhok; malapad ang noo; bahagyang singkit ang mga matang kung ititig ay nagsusumamo;
matangos ang ilong at ang bibig ay sinliit ng sa binibini.
Sa biglang sabi, si Malbar ay pinakamakisig kundi man siyang pinakamatapang at magiting na
lalaki sa buong kaharian. Hindi kataka-takang si Malbar at si Rosa ay maging magkasintahan.
Kusa nilang inilihim ang kanilang pag-hbigan sa sultan pagkat batid nilang hindi siya sasang-ayon.
Ang gusto ng sultan ay makaisang-dibdib ng prinsesa ang anak ng hari sa karatig balangay upang
anya’y kung magkaanib ang dalawang kaharian ay lalo silang magiging makapangyarihan.
Isang gabing kabilugan ng buwan,samantalang ang lahat sa palasyo’y natutulog, nag-ulayaw sina
Malbar at Rosa sa loob ng hardin. Sila’y nag-usap tungkol sa mga bagay na mahalaga sa katulad
nilang umiibig at muli’t muling nagsumpaang ang isa’t-isa’y hindi magtataksil sa pangako.
Nasubukan sila ni Matanglawin na siyang pinuno ng hukbo. Si Matanglawin ay malaon na ring
nanunuyo sa prinsesa kaya gayon na lamang ang kanyang selos nang masaksihan ang pag-
uulayaw ng dalawa.
Kinabukasan isinumbong ng pinuno ng hukbo sa sultan ang kanyang nasaksihan. Galit na galit
ang sultan. Noon di’y ipinatawag si Malbar at inusisa kung totoo nga ang sumbong ni
Matanglawin. Buong tapang na inamin ng binata ang katotohanan at luloy hiningi sa mahal na
sultan ang kamay ni Rosa.
“Nahihibang ka ba?” ang sabi ng sultan. “Ikaw ay isang kukulu-kulo ang tiyan. Bakit mo hihilingin
ang kamay ng prinsesang angkan ng dugong mahal?”
“Kagalang-galang na sultan,” ang tugon ni Malbar. “Ang pag-ibig po ay hindi inuuri sa katauhan
at kayamanan. Ito po’y isang damdaming kusang bumubukal sa pusong hindi maaaring tutulan.
Iniibig ko po si Rosa at siya’y umiibig din sa akin. Kung tunay man pong di ako dugong mahal ay
may lakas po naming maaaring magtanggol sa kanyang kariktan. Ako’y may pag-iisip na lalalang
ng paraan upang siya’y lumigaya!”
“Lapastangan! Walang utang na loob! Hindi mo naiginalang ang maganda kong pakita sa iyo!”
Tinawag ng sultan si Matanglawin at ipinadala si Malbar sa piitan. Tinaningang pagkaraan ng
tatlong paglubog at pagsikat ng buwan at papupugutan ng ulo ang binata.
Nang marinig ang maiupit na hatol si Rosa’y nanikluhod sa paanan ng ama at lumuluhang
namanhik na huwag papugutan ang minamahal. Hindi siya pinakinggan ng sultan.
Naglamay si Rosa nang gabing yaon. Hinintay na makatulog na ang lahat ng kanyang mga abay at
saka dahan-dahang nanaog at nagpunta sapiitangkinalalagyan ng kasuyo. Palibhasa’y sadyang
mahal ng guwardiya pinayagan siyang pumasok sa piitan.
Halos mawindang ang puso ng tanod nang marinig ang malungkot na pag-uusap ng
magkasintahan at ang paulit-ulit na sumpaan ng katapatan. Lumapit ang tanod sa prinsesa at
inialok ang kanyang paglilingkod.
“Tutulungan ko kayong tumakas,” anya. “Ngunit kinakailangang ako’y sumama sa inyo pagkat
kung ako’y mananatili rito, walang salang babagsak sa akin ang galit ng iyong ama.”
Gayon na lamang ang tuwa ng dalawa.
Binuksan ng tanod ang piitan. Nanguna siya sa paglakad ng dalawang magkasuyo. Nang nasa
kabila na ng bakod ang kawal, samantalang inaalalayan ni Malbar si Rosa sa pag-akyat sa bakod,
siyang pasungaw ni Matangiawin sa kanyang silid-tulugan. Nakita niya sa tulong ng liwanag ng
buwan ang tatlong tumatakas. Siya’y tumakbo sa ibaba at pinalo ang gong upang pukawin ang
mga kawal.
Nang marinig ni Rosa ang alingawngaw ng gong bigla siyang yumapos kay Malbar.
“Malbar,” anya. “Hindi tayo makaliligtas sa pag-uusig ng aking ama. Sa sandaling ito ay
mamatamisin ko pang tayo’y kapwa mamatay kaysa magkahiwalay.”
Si Rosa’y dumalangin din. “Aming Bathala, gawin mo kaming maliit na halaman nang kami ay
makapangubli sa malalaking puno upang huwag matagpuan ng mga kawal!”
Parang himala! Pagkasabi nito’y nagdilim ang langit. Isang kimpal na ulap ang tumakip sa mukha
ng buwan. Isang kidlat ang gumuhit sa karimlan.
Dumating ang mga humahabol. Biglang nawala ang dalawa. Sila’y naging palumpong.
Nangangabayong dumating ang sultan. Kanyang iniutos ang masusing pagsasaliksik.
Nakita ng isang kawal ang panyolito ng prinsesa na may titik na Rosa.
May mahiwagang tinig na narinig. “Kami po ang inyong hinahanap. Mabuti pang di hamak ang
maging halaman kaysa usigin ng ama dahil sapag-ibig!”
Ang sultan ay nagsisi. Siya’y lumuhod at nagturing, “Malbar, Rosa, patawarin ninyo ako!”
Kinabukasan nagpabando ang sultan sa buong kaharian, “Ang halamang ito ay inyong itanim sa
inyong halamanan at tawaging Malbarosa bilang alaala sa magkasintahang tapat sa suyuan!”
PABULA
I. Kahulugan
Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kapupulutan ng magandang aral.
Mga hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan dito.
Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay “kwentista”, “pabulista” naman ang tawag
naman sa manunulat ng pabula
II.Elemento O Bahagi ng Pabula
1. Tauhan
Ito ang anumang hayop na gumanap sa istorya o kwento.
2. Tagpuan
Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong
maging dalawa o higit pa.
3. Banghay
Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa kwento.
4.Aral
Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.
III. Konstruksiyon
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga
mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalaga ang mga ito upang maging kapani-paniwala o
makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga
mithiin.
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung
paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng
mga tauhan patungo sa wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging
wakas ng pabula sa pamamagitan ng paglalahad ng kakalasan ng suliranin at pagkatapos ay ipakita
kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.
IV.Paraan ng Pagtuturo
Upang lubos na maunawaan ng mga bata ang kwento sa isang pabula kinakailangan ang mga
sumusunod na estratehiya sa pagtuturo.
1. Caterpillar Technique-
Mainam na gamitin ito upang mas matalakay ang isang maikling kuwento sapagkat natutukoy ang
bawat bahagi ng isang akda.
2. Discussion Web- ginagamit ang discussion web sa pagtalakay ng mga isyu na halos magkatimbang
o balanseng masasagot ng Oo o Hindi. Naoorganisa rito ang mga argumento o ebidensya tungkol sa
isyung tinalakay.
Ang Cause and Effect Chart- Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari
o penomena.
Wawaluhin
Lalabindalawahin
Lalabing-animin
Lalabing-waluhin
Taludtod
Saknong- Ito ay grupo ng mga taludtod sa loob ng isang tula na maaring binubuo ng isang
taludtod o higit pa. Narito ang halimbawa ng 3 saknong.
Tugma
Halimbawa:
Magtanim ay di biro, a
Maghapong nakayuko, a
Di naman makayuko, a
Di na rin makaupo. A
Talinghaga- Ito ay paglayo sa pag gamit ng mga pang-karaniwang salita upang maging kaakit-akit
at mabisa ang pagpapahayag. Ilan sa maaring gamitin ay ang Pagtutulad o Simili, Pagwawangis o
metaphor, Pagsasatao o personification, Eksaherasyon o hyperbole at iba pa.
Halimbawa:
Halimbawa:
May paambon-ambon, may tika-tikatik
na sinasabayan ng kulog at lintik;
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa't matimping dibdib
Kariktan
- Marikit na mga salita na pumupukaw na damdamin ng mambabasa.
Halimbawa:
Maganda
Mahirap
KONSTRUKSIYON SA PAGTUTURO
Humahanap ng inspiration.
Magsisimula sa malayang taludturan
Siguraduhing alam mo ang sinusulat mo.
Magbasa ng tula ng iba.
Gumamit ng metaphor or simile kahit simple lamang ito.
Paraan ng pagtuturo-Narito ang mga paraan ng pagtuturo ng Tula sa mga bata
1. Silent Reading
2. Shared Reading
3. Sabayang Pagbigkas
4. Elemento
Sukat: Ang tula ay may sukat na lalabindalawahin
Taludtod: Ang tula ay may 4 na taludtod
Saknong: Ang tula ay may 5 na saknong
Tugma:
Unang saknong- abbc
Ikalawang saknong- aaba
Ikatlong saknong- aaaa
Ikaapat na saknong- abaa
Ikalimang saknong- aaaa
Talinhaga:
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig- Pagsasatao o personification
Katulad ng ibong nasa himpapawid.-Pagtutulad o Simili
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan- Pag wawangis o metaphor
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,-Eksaherasyon o hyperbole