Professional Documents
Culture Documents
Cuevas Jomielyn M - FM 103
Cuevas Jomielyn M - FM 103
20213896
FM 103
ANG KURIKULUM SA BATAYANG KURIKULUM NG EDUKASYON
1.Saan nagmula ang salitang kurikulum at ano ang ibig sabihin nito?
Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, paggawa ng
banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit a tkung anu-ano pang itinuturo ng guro na may
kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagmula sa salitang latin na “curere” na ang ibig sabihin ay
“to run; the course of the race.”
Ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga gawain at mga pinagbatayan napuspus
ang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon
ng katarungan at makataong pagpapaunlad.
Sakop ng kurikulum ang kabuuang tuon o layunin na dapat isakatuparan ng mga paaralan at
maabot ang mga tiyak natunguhin ng pagtuturo.
Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd, ay isang daluyang magpapadali kung saan ang
paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang
pampagkatuto.
Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumusunod:
1.Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
2. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
3. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa, at
4. Ang mga kagamitang panturo