Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Sangkap o Elemento ng Tula

Paano mo maihahalintulad ang sangkap ng tula sa sangkap na pangluto?

Sukat

 Ito ang bilang ng pantig sa bawat talutod.


 Karaniwang bilang ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing-anim, at labingwalo.

Halimbawa:
or / ga / nong / sa / lo / ob / ng / i / sang / sim / ba / han
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Halimbawa ng may lalabingdalawahing pantig:

Batong tuntungan mo // sa pagkadakila


Batang tuntungan ka // sa pamayapa
Talagang ganito // sa lapad ng lupa
ay bali-baliktad // lamang ang kawawa.
J.C de Jesus. Ang bato

Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig:


Minsa’y nakita ko / ang isang bulaklak / sa aking logwerta
Sa siwang ulap / ay mata ng Berhing / malamlam tumingin
Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib
Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik
At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip
Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pagibig!
C. H. Panganiban, Hantungan ng Palad
Tandaan
Sesura

 Ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bawat taludtud.


 Lalabingdalawahin- ang sesura ay bumabaksak sa ika-6 na pantig
 Lalabing-animin- ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig
 Lalabingwaluhing pantig- ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng taludtod.

Tugma

 katulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod.

2 uri ng Tugmaang Pantig


Tugmang ganap

 Ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog ang huling salita
sa bawat taludtod, at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng tuldik.

Halimbawa:

Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa


Panakip sa aking namumutlang mukha,
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’yhin di natuwa.
“Punongkahoy” Jose Corazon de Jesus
Tugmang karaniwan

 Ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakatulad ng tunog ngunit
magkakaiba sa diin sa dulo ng taludtod.

Halimbawa:

Kung siya mong ibig na ako’y magdusa


Langit na mataas aking mababata
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura
“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas

Makabuluhang Diwa

 Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa.

Halimbawa ng Tanaga:
Sising Alipin iskwater

Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman


Nagalit ang Bathala tangi nilang luklukan
Aking kinaing pilit isdang nagpipiglasan
Ang sarili kong dila, nang makahinga lamang
 A. Tiburcio - O. Pagsanhan. Kulay B

Talinghaga

 Ito ay mga pahayag na di-tuwiran o may tinatagong kahulugan ng tula. Mas gumaganda ang
tula kapag ginagamitan ng Tayutay at mga idyomatikong uri ng salita.
Halimbawa:
Tumigil man ang oras sa pagtikatik
Sa puso ko’y lagi kang nakatitik
Maagnas man ang bundok na natirik
Sa Puso ko’y baon ka ng pagtangkilik

Indayog o Aliw-iw / Rhythm

 Ito ay magbibigay ng tono upang maging maganda ang pagbigkas ng tula.


 Pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng mga patinig ng isang salita sa isang taludtod.

Kariktan

 Ito ay kagandahan at larawan ng kabuuan ng kariktang nakikita ng matalas na pananaw ng


makata.

Halimbawa:

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao'y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma.Lilia Realubit)

Tunog

 Nagiging kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng isang madamdamin, sensuwal,


at matalinong karanasan.
Halimbawa:
Iyang kamay na sulak at magpabulas sa bulto
Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo
Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo

Larawang-diwa

 “Imagery” tumutukoy sa mga salitang kapag binbanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at


tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

Halimbawa:

May paambon-ambon, may tika—tikatik


Na sisanasayan ng kulog at lintik;
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa’t matimping dibdib

Simbolo

 Nag-iiwan ng kahulugan sa isipan ng mambabasa.


Halimbawa:
Puno- buhay
Ilaw- pag-asa
Tinik-hirap
Bathala- Panginoon
Sanggunian

https://youtu.be/5pTCKfFN138

https://www.tagaloglang.com/halimbawa-ng-hyperbole/

https://www.scribd.com/doc/42740264/halimbawa-ng-mga-tayutay-sa-tula

https://www.studocu.com/ph/document/divine-word-college-of-calapan/physical-education/
panitikang-filipino-kumbensiyonal-na-anyo-ng-tula-tradisyunal-at-kontemporaryo-anyo/18879273

You might also like