Gec-Kaf Gawain 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Angelique Joi V.

Antigua Yr/Sec: BIT 3-3 Petsa: 9-18-22

Pagsasanay (Practice)

A. Batay sa mga nailahad na kahulugan ng wika, bumuo ng sarili mong kahulugan ng wika sa
pamamagitan ng akrostik. Tiyaking nauugnay sa kahulugan ng wika ang bubuuing akrostik.

W - ika ay ang
I - nstrumento na may
K - akayahang maipabatid sa tao
A- ang kanyang nais ipahiwatig

B. Isa-isahin ang mga antas ng wika. Magbigay ng mga karagdagang halimbawa kabilang na ang
kahulugan nito. Isulat ito sa loob ng talahanayan.
Antas ng Wika Mga Halimbawa Kahulugan

1. Pabalbal/balbal Parak Pulis

2.Kolokyal lika halika

3.Lalawiganin/Panlalawigan Bisaya-kuyog Tagalog-sama

4.Pambansa/Lingua Franca Aklat Aklat

5. Pampanitikan Mabulaklak ang dila Magaling magsalita


Pagganap/Performans (Performance)

A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katangian ng wika sa di-kukulangin sa tatlong


pangungusap. (5 puntos bawat bilang)

1. Ang wik a ay daluyan ng komunikasyon.

Ang wika ay daluyan ng komunikasyon dahil ito ang ginagamit natin upang tayo ay makipag usap o
makipag ugnayan sa ating mga kaibigan,pamilya at sa ating mga kakilala. Mas mapabilis ang ating
pakikipag komunikasyon sa mga tao ng dahil sa wika ng ating ginagamit at dahil iisa ang ating wika
madali rin tayong nagkakaintindihan. Ang wika ay isang talata para sa pakikipag-ugnayan, pagpapalitan
ng mga ideya, pag-unawa sa damdamin ng iba, at para sa pag-unlad ng sangkatauhan na mayroon sa
mundong ito.

2. Bawat wika ay may sariling kakanyahan.

Ang bawat wika ay may sariling kakanyahan ito ay ang magpabatid, magparamdam, magbigay
impormasyon, magturo at magpakilala. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set
ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May Katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

3. Ang wik a at kultura ay magkaugnay.

Ang wika at kultura ay magkaugnay sapagkat ang wika ay bahagi ng kultura. Ang wika bilang kultura ay
kolektibong kaban ng karanasan ng tao. Sa pamamagitan ng wika makikilala ng bayan ang kanyang
kultura. Matututuhan ng tao na angkinin at ipagmalaki ang kanyang kultura. Ang wika rin ay pantao na
kabilang sa iisang kultura.Ito ay dahil maaaring maging batayan ang wika o lenggwahe sa kulturang
kinalakihan ng isang tao.Ang bawat kultura sa mundo ay may kanya-kanyang mga wika. Halimbawa, sa
atin sa Pilipinas ay wikang Filipino ang pangunahin na salita. Habang sa Japan naman ay wikang
Hapones at sa Amerika ay wikang Ingles. Ayon rin sa mga dalubhasa ay halos sabay na nagbabago ang
wika at kultura. Makikita natin ito ngayon sa iba’t-ibang henerasyon ng mga tao.

B. Dugtungan Tayo!

Dugtungan ang pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang diwa.

Mahalaga ang wika…..

Dahil ang Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay


naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito malalaman natin kung
ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa
sa pamamagitan ng paggamit ng wika.Ang wika ay sadyang napakahalaga,Ito ang nagbubuklod sa
bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.Sa pamamagitan ng
wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati
na rin sa mga karatig bansa nito.

You might also like