Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ASSESSMENT TOOLS IN ESP First Quarter

(Previous Copy)

LEAST MASTERED SKILL

Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral o nilalabag ang mga nasabing prinsipyo sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangaya), at
lipunan/bansa.

Assessment Tool (previous version)

Written Work
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong kaalaman sa paksa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Itinuturing ang lipunan bilang isang pangkat ng mga tao na nag-uugnayan at pinagbubuklod ng mga layuning tutugon sa kanilang pangangailangan. Saan
maaaring ihambing ang isang lipunan?
A. Pamilya B. Organisasyon C. Barkadahan D. Magkasintahan
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
A. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.
B. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
C. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan lamang.
D. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.
3. Sino sa mga sumusunod ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Diyos B. Magulang C. Kabataan D. Pinuno
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A. May mataas na antas ng pinag-aralan
B. May angking talino at kakayahan sa pamumuno
C. May magandang katayuan ng pamumuhay
D. May magandang itsura at pangangatawan
5. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya at mga hangarin ng isang pamayanan?
A. Kultura B. Relihiyon C. Batas D. Organisasyon
6. Ito ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan: ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
A. Lipunang Pang-ekonomiya B. Lipunang Sibil C. Lipunang Politikal D. Lipunang Batas
7. Sa isang lipunang politikal, sino ang kinikilala bilang tunay na boss?
A. Mamamayan B. Pangulo C. Pinuno ng Simbahan D. Mambabatas
8. Ito ay prinsipyo na nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit o pinakamalaking sektor o grupo sa lipunan na makagawa ng desisyon at hindi na
kailangang aprubahan pa ng may pinakamataas na kapanyarihan.
A. Prinsipyo ng Pagkakaisa B. Prinsipyo ng Subsidiarity C. Prinsipyo ng Proportio D.Prinsipyo ng Solidarity
9. Ito ay prinsipyo na dapat isaalang-alang sa isang lipunan upang makamit ang kabutihang panlahat.
A. Prinsipyo ng Pagmamahalan C. Prinsipyo ng Pagtutulungan
B. Prinsipyo ng Pagbabahagi D. Prinsipyo ng Pagkakaisa
10. Ang mga sumusunod ay pangangailangan ng tao na hindi niya
makakamtan bilang indibidwal at makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat maliban sa isa:
A. Pangkultural C. Panglibangan
B. Pangkapayapaan D. Pangkapayapaan
11. Ang isang matagumpay na programa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan ng lipunan ay nakasalalay sa mga sumusunod maliban sa
__________.
A. mga gawaing magmumulat sa lahat ng tao ng kahalagahan ng pag-iiangat at pangangalaga sa lahat ng nasa ating kapaligiran.
B. pagsunod sa mga batas na ipinatutupad.
C. pagsali sa mga welga at pagtitipon na hindi malinaw ang layunin.
D. pakikibahagi sa mga programa na may kinalaman sa pagkakapantay pantay ng lahat ng tao.
12. Sa prinsipyong ito, pinananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalangalang ang
dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
A. Prinsipyo ng Proportio C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Prinsipyo ng Solidarity D. Prinsipyo ng Subsidiarity
13. Ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan ay inaasahang
makikita at iiral sa _____________.

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Pagtulong ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makakapagpaunlad sa kanila.
B. Pagsiguro ng pamahalaan na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamaya.
C. Pakikialam ng mga lider ng pamahalan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.
D. Pagbibigay tulong sa bayanihan na umiiral sa barangay.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?
A. Pagtupad o pagsunod sa mga batas.
B. Pagbabayanihan at pagkakapit-bahayan.
C. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.
D. Pagtutulungan tungo sa pag-unlad ng lipunan.
Harmonized performance Task
Pangalan:___________________________________________________
Taon at Pangkat:____________________________________________
LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD
Filipino Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
Araling Panlipunan Naisasabuhay ang pag- unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad
na pang araw-araw na pamumuhay

Edukasyon sa Pagpapakatao Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang

mag-aaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang case study.

Situwasyon:
Sa patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa kasalukuyan at sa pagdating ng sinasabing Delta Variant, bilang isang mag-aaral nais mong ipabatid sa iyong
maga mahal sa buhay ang pagkakaroon ng programang pambayan tungkol sa bakuna para sa lahat.
Basahin ang halimbawa ng editorial mula sa isang pahayagan tungkol sa bakuna. Suriin ang nilalaman nito.Pagkatapos sumulat ng iyong reaksyon sa nasabing
isyu. Sikaping makagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay at iba pa).

Gabay na tanong:
1.Naniniwala ka ba na may maitutulong ang programang ito ng pamahalaan sa pagsugpo ng pandemyang ito?(Panimula)
2.Bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong pamayanan?(Pagtalakay sa paksa o isyu)
3. Sa kabuuan, ano ang mungkahing maibibigay mo upang hindi mangamba ang mga tao sa patuloy na paglaganap ng Pandemya? (Konklusyon)

EDITORYAL - I-educate ang publiko sa bakuna para di-mangamba

MARAMING fake news sa social media ang naglalabasan ukol sa mga vaccine laban sa COVID-19. Ang mga maling balita na ito ang naghahatid ng
pangamba at takot sa mamamayan. Ligtas nga ba ang bakuna? Hindi kaya sila mapahamak kapag sinaksakan ng bakuna?

Maraming video na kumakalat sa Facebook na mayroon daw namatay na sa US makaraang bakunahan laban sa COVID. Bigla na raw bumagsak mula sa
kinauupuan ang babaing nurse at namatay. Kumalat ang balita dahil maraming nag-share nito. Lumalabas na fake news ang kumalat sa FB. Ang intensiyon
nang nagpakalat ay takutin ang mga tao.

Sa survey ng Pulse Asia noong Enero 7, lumabas na 32 percent ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna. Marahil ay dahil sa mga maling balita na kumakalat
sa social media kaya marami ang natatakot. Masyado silang apektado kaya marahil ayaw nilang magpabakuna.

Isa pang maaring dahilan ng pagkatakot ng mga tao sa bakuna ay dahil sa nangyaring kontrobersiya ukol sa Dengvaxia noong 2016 kung saan marami
umanong bata ang namatay makaraang turukan. Ayon sa report, ang dapat lamang turukan ng Deng¬vaxia ay mga nagka-dengue na subalit pati ang mga
hindi nagka-dengue ay binakunahan din. Hindi ito ipinaliwanag ng Sanofi (maker ng Dengvaxia) kaya malaking pagkakamali ang nangyari. Inihinto ang
dengue vaccination dahil sa nangyari. At ngayon, tila multong nagbabalik ang kontrobersiya ng Dengvaxia dahilan para maraming matakot.
Ito ngayon ang marahil ay nasa isipan nang marami ukol sa COVID vaccine. Sa ganitong sitwas¬yon, dapat ma-educate ang marami sa bakuna laban sa
COVID-19 lalo pa’t ayon sa pamahalaan, malapit nang dumating sa bansa. Ayon sa report, sa susunod na buwan ay mayroon nang unang batch ng bakuna.
Dahil dito, kailangang maihanda ng pamahalaan ang lahat para maging matiwasay ang isipan at huwag katakutan ang

. Mariin namang sinabi ng Food and Drugs Administration (FDA) basta dumaan sa kanila ang bakuna, hindi dapat mangamba ang mamamayan dahil ligtas ito.
Walang bakuna o kahit gamot na dumaan sa kanila ang magdudulot ng panganib sa sinumang gagamit nito.

Awtput/Produkto:
Pagsulat ng Reaksyon
Pagsusuri gamit ang makatotohanang pagpapahayag ng mga Programang Pang Barangay o Bayan tulad ng 4Ps at Bayanihan 1 and 2 . Susuriin ang
programa sa pamamagitan ng gabay na tanong ng guro batay sa layunin ng mga ito.

Rubriks sa Pagsulat ng Reaksyong Papel

Puntos Lebel Pamantayan: Katangian ng isinulat
9-10 Napakahusay *Buo ang kaisipan,kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Malinaw na malinaw at nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Angkop at mabisa ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
7-8 Mahusay *May kaisahan at sapat ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Malinaw at nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Angkop ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
5-6 Katamtaman *Kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Di –gaanong angkop ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
3-4 Mahusay-husay *Hindi kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Hindi nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Hindi wasto ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
1-2 Di-gaanong mahusay *Kulang ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan

*Hindi gumamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
ASSESSMENT TOOLS IN ESP First Quarter
(Revised Copy)

LEAST MASTERED SKILL

Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral o nilalabag ang mga nasabing prinsipyo sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangaya), at
lipunan/bansa.

Assessment Tool (previous version)

Written Work
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong kaalaman sa paksa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Itinuturing ang lipunan bilang isang pangkat ng mga tao na nag-uugnayan at pinagbubuklod ng mga layuning tutugon sa kanilang pangangailangan. Saan
maaaring ihambing ang isang lipunan?
A. Pamilya B. Organisasyon C. Barkadahan D. Magkasintahan
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
A. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.
B. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
C. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan lamang.
D. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.
3. Sino sa mga sumusunod ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Diyos B. Magulang C. Kabataan D. Pinuno
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A. May mataas na antas ng pinag-aralan
B. May angking talino at kakayahan sa pamumuno
C. May magandang katayuan ng pamumuhay
D. May magandang itsura at pangangatawan
5. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya at mga hangarin ng isang pamayanan?
A. Kultura B. Relihiyon C. Batas D. Organisasyon
6. Ito ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan: ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
A. Lipunang Pang-ekonomiya B. Lipunang Sibil C. Lipunang Politikal D. Lipunang Batas
7. Sa isang lipunang politikal, sino ang kinikilala bilang tunay na boss?
A. Mamamayan B. Pangulo C. Pinuno ng Simbahan D. Mambabatas
8. Ito ay prinsipyo na nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit o pinakamalaking sektor o grupo sa lipunan na makagawa ng desisyon at hindi na
kailangang aprubahan pa ng may pinakamataas na kapanyarihan.
A. Prinsipyo ng Pagkakaisa B. Prinsipyo ng Subsidiarity C. Prinsipyo ng Proportio D.Prinsipyo ng Solidarity
9. Ito ay prinsipyo na dapat isaalang-alang sa isang lipunan upang makamit ang kabutihang panlahat.
A. Prinsipyo ng Pagmamahalan C. Prinsipyo ng Pagtutulungan
B. Prinsipyo ng Pagbabahagi D. Prinsipyo ng Pagkakaisa
10. Ang mga sumusunod ay pangangailangan ng tao na hindi niya
makakamtan bilang indibidwal at makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat maliban sa isa:
C. Pangkultural C. Panglibangan
D. Pangkapayapaan D. Pangkapayapaan
11. Ang isang matagumpay na programa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan ng lipunan ay nakasalalay sa mga sumusunod maliban sa
__________.
E. mga gawaing magmumulat sa lahat ng tao ng kahalagahan ng pag-iiangat at pangangalaga sa lahat ng nasa ating kapaligiran.
F. pagsunod sa mga batas na ipinatutupad.
G. pagsali sa mga welga at pagtitipon na hindi malinaw ang layunin.
H. pakikibahagi sa mga programa na may kinalaman sa pagkakapantay pantay ng lahat ng tao.
12. Sa prinsipyong ito, pinananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalangalang ang
dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
A. Prinsipyo ng Proportio C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Prinsipyo ng Solidarity D. Prinsipyo ng Subsidiarity
13. Ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan ay inaasahang
makikita at iiral sa _____________.
A. Prinsipyo ng Proportio C. Prinsipyo ng Pagkakaisa
B. Prinsipyo ng Solidarity D. Prinsipyo ng Subsidiarity
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
E. Pagtulong ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makakapagpaunlad sa kanila.
F. Pagsiguro ng pamahalaan na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamaya.
G. Pakikialam ng mga lider ng pamahalan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.
H. Pagbibigay tulong sa bayanihan na umiiral sa barangay.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?
E. Pagtupad o pagsunod sa mga batas.
F. Pagbabayanihan at pagkakapit-bahayan.
G. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.
H. Pagtutulungan tungo sa pag-unlad ng lipunan.
Harmonized performance Task
Pangalan:___________________________________________________
Taon at Pangkat:____________________________________________

LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD

Filipino Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
Araling Panlipunan Naisasabuhay ang pag- unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad
na pang araw-araw na pamumuhay

Edukasyon sa Pagpapakatao Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang

mag-aaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang case study.

Awtput/Produkto: Pagsulat ng Reaksyon

Panuto: Basahin ang halimbawa ng editorial mula sa isang pahayagan tungkol sa bakuna. Suriin ang nilalaman nito.Pagkatapos sumulat ng iyong reaksyon sa
nasabing isyu. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba upang mabuo ang iyong reaksyong papel ,sikaping makagamit ng mga ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan tulad ng :sa totoo, talaga, tunay at iba pa.

Gabay na tanong:
1.Naniniwala ka ba na may maitutulong ang programang ito ng pamahalaan sa pagsugpo ng pandemyang ito?(Panimula)
2.Bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong pamayanan?(Pagtalakay sa paksa o isyu)
3. Sa kabuuan, ano ang mungkahing maibibigay mo upang hindi mangamba ang mga tao sa patuloy na paglaganap ng Pandemya? (Konklusyon)

EDITORYAL - I-educate ang publiko sa bakuna para di-mangamba

MARAMING fake news sa social media ang naglalabasan ukol sa mga vaccine laban sa COVID-19. Ang mga maling balita na ito ang naghahatid ng
pangamba at takot sa mamamayan. Ligtas nga ba ang bakuna? Hindi kaya sila mapahamak kapag sinaksakan ng bakuna?

Maraming video na kumakalat sa Facebook na mayroon daw namatay na sa US makaraang bakunahan laban sa COVID. Bigla na raw bumagsak mula sa
kinauupuan ang babaing nurse at namatay. Kumalat ang balita dahil maraming nag-share nito. Lumalabas na fake news ang kumalat sa FB. Ang intensiyon
nang nagpakalat ay takutin ang mga tao.

Sa survey ng Pulse Asia noong Enero 7, lumabas na 32 percent ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna. Marahil ay dahil sa mga maling balita na kumakalat
sa social media kaya marami ang natatakot. Masyado silang apektado kaya marahil ayaw nilang magpabakuna.

Isa pang maaring dahilan ng pagkatakot ng mga tao sa bakuna ay dahil sa nangyaring kontrobersiya ukol sa Dengvaxia noong 2016 kung saan marami
umanong bata ang namatay makaraang turukan. Ayon sa report, ang dapat lamang turukan ng Deng¬vaxia ay mga nagka-dengue na subalit pati ang mga
hindi nagka-dengue ay binakunahan din. Hindi ito ipinaliwanag ng Sanofi (maker ng Dengvaxia) kaya malaking pagkakamali ang nangyari. Inihinto ang
dengue vaccination dahil sa nangyari. At ngayon, tila multong nagbabalik ang kontrobersiya ng Dengvaxia dahilan para maraming matakot.
Ito ngayon ang marahil ay nasa isipan nang marami ukol sa COVID vaccine. Sa ganitong sitwas¬yon, dapat ma-educate ang marami sa bakuna laban sa
COVID-19 lalo pa’t ayon sa pamahalaan, malapit nang dumating sa bansa. Ayon sa report, sa susunod na buwan ay mayroon nang unang batch ng bakuna.
Dahil dito, kailangang maihanda ng pamahalaan ang lahat para maging matiwasay ang isipan at huwag katakutan ang

. Mariin namang sinabi ng Food and Drugs Administration (FDA) basta dumaan sa kanila ang bakuna, hindi dapat mangamba ang mamamayan dahil ligtas ito.
Walang bakuna o kahit gamot na dumaan sa kanila ang magdudulot ng panganib sa sinumang gagamit nito.

Rubriks sa Pagsulat ng Reaksyong Papel

Puntos Lebel Pamantayan: Katangian ng isinulat
9-10 Napakahusay *Buo ang kaisipan,kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Malinaw na malinaw at nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Angkop at mabisa ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
7-8 Mahusay *May kaisahan at sapat ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Malinaw at nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Angkop ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
5-6 Katamtaman *Kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Di –gaanong angkop ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
3-4 Mahusay-husay *Hindi kumpleto ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Hindi nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Hindi wasto ang pagkakagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
1-2 Di-gaanong mahusay *Kulang ang mga impormasyong nagpapahayag ng katotohanan
*Hindi nakabatay sa mga tunay na pangyayari
*Hindi gumamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

Note: Ang tanging iniba ko lamang po ay yung performance task:ang instruction at ang posisyon nito ay aking binago dahil masyado pong
mapalabok ito at nasa ilalim na bahagi pa ng babasahin na madalas ay nakapagdudulot ng kalituhan sa mga mag-aaral.

Edited by: Jessa A. Chicote

EsP Teacher

You might also like