Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kilalanin kung sawikain ang mga sumusunod. Isulat ang TAMA kung sawikain, MALI kung hindi.

________________1. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

________________2. Ang bayaning nasusugatan, nag iibayo ang tapang

________________3. Asal-hayop

________________4. Kahit saang gubat ay may ahas.

________________5. Aral ay gawing tulay tungo sa matiwasay na buhay.

________________6. Magsunog ng kilay

________________7. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

________________8. Bata bata pantay lupa,asawa ng palaka

________________9. Kapag may itinanim, may aanihin

________________10. ang hindi lumingon sa pinanggalingang, hindi makararating sa paroroonan

Alamin ang kahulugan ng mga nasalugguhitang salita o sawikain. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Si Rowena ay alilang-kanin ng kanyangTiya Ising. Ano ang ibig sabihin ng alilang-kanin?
a. katulong c. mahilig kumain ng kanin
b. utusang walang bayad d. pamangkin

2. Marami akong kaibigang anak-dalita.


a. mahirap c. mayaman
b. solong anak d. masipag

3. Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.


a. tunay c. balitang isports
b. hindi totoo d. bagong balita

4. Tinipon ni Aling Linda ang kanyang mga anak at sinabing bilang na ang araw niya.
a. mangingibang bansa c. magreretirio na siya
b. mamatay na siya d. uuwi na ng probinsya

5. Akala mo'y mabait pero bantay-salakay naman pala.


a. guwardiya c. nagbabait-baitan
b. mayabang d. matapang

6. Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.


a. madamot c. maaawain
b. malapad ang palad d. matulungin

7. Parang lantang gulay ang inay nang dumating sa bahay galing sa paglalabada.
a. masigla c. matamlay
b. pagod na pagod d. walang kapaguran

8. Simula noon ay ibinaon na ni Leo sa hukay ang lahat ng alaala nila ni Kate.


a. kinalimutan c. inilibing
b. inaalala d. ipinagdiriwang

9. Pinagalitan si Juan ng nanay niya sa pagiging takaw-tulog nito.


a. matakaw c. mahilig matulog
b. gabi na kung matulog d. antukin
10. Sa kanilang walong magkakapatid, tanging si Joseph lamang ang di-makabasag pinggan.
a. tahimik c. nakakabasag pinggan
b. malikot d. pasaway

11. Alog na ang baba ngunit ayaw pa ring tumigil sa pagtatrabaho ni Lolo Lelet.
a. umaalog ang baba c. sumasakit ang bata
b. matanda d. bata pa

12. Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin.


a. kalimutan c. tandan
b. itago d. ipagsabi

13. Sa panahon ngayon ay masasabi kong marami pa rin naman ang mga taong busilak ang puso.
a. matapobre c. galante
b. walang pera d. malinis ang kalooban

14. Tuwing umaga ay kaututang dila ni Linda si Marites.


a. may sakit sa dila c. katsismisan
b. nautot d. nakagat ang dila

15. Responsible at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan.


a. nanay c. tatay
b. bunso d. ate

16. Suntok sa buwan kung may tatanggap sa akin sa trabaho sa edad na 65.


a. pwedeng magkatototo c. imposibleng mangyari
b. babatuhin ang buwan d. siguradong magaganap

17. Bukas na aklat sa aming bayan ang nangyari sa kanya.


a. hindi alam ng lahat c. ilan ang nakakaalam
b. alam ng lahat d. nilihim ng lahat

18. Di-mahulugang karayom ang konserto ng Parokya ni Edgar sa Taguig.


a. napakaraming tao c. iilang tao
b. walang tao d. konti ang tao

19. Makapal ang kanyang palad ng mga magsasaka.


a. matiisin c. masunurin
b. matulungin d. masipag

20. Kahit mahina ang loob ni Noel, sumali pa rin sya sa paligsahan


a. matapang c. walang lakas ng loob
b. Mayabang d. maarte

You might also like